Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya nasasanay sa tuwing aalis si Frankie Pangilinan papuntang Amerika, para ipagpatuloy ng kanyang pag-aaral.
Sa kanyang IG post, kasama ang larawan ng mag-amang Kiko at Frankie…
Panimula ng caption ni Mega, “Hindi pa rin ako masanay-sanay…Tuwing aalis si Kakie ko pabalik ng Amerika, parang pinupunit ang puso ko. It never gets any easier…
“Such a loving and affectionate daughter and sister…tuwing uuwi siya tumatalon sa ligaya ang ❤️ ko… tapos aalis lang uli…Tapusin mo na yang course mo, Baba…”
Pag-amin pa niya, “Ayoko na ng ganito laging parang rollercoaster ride! I love you with all of my (right now, bleeding) heart, my baby. One year na lang… Ano ba yan tapos si Mielly naman! Waaaahhh!!! @frankiepangilinan
“P.S. You were right, Mommy – mahirap nga maging mommy!”
Sumunod na post ni Sharon ang kanyang nakaka-touch na letter para kay Frankie na agad niyang na-miss…
“My Dearest Kakie,
“I went into your room just now, hoping to catch the last scent of you…looking at your things… touching your mattress… thinking of how & what you might be doing on the plane now… Did you eat, baby ko? Are you writing/reading? As long as you’re comfy.
“I went to Yellie’s room after yours and asked her if she was okay. She hugged & kissed me & said she was. But I was crying and carrying a box of tissues so she was so sweet and comforting.
“I miss the noise you two make when you are home… I know Yellie misses you – her favorite person in the world – but handles your absence well, though she is considerably more quiet at the dining table when we have meals without you. She & I peeked into Gugie’s room and saw that he was already asleep. Then Yellie brought me back to Dad’s and my room and we kissed and hugged goodnight again.” Dagdag pa niya sa kanyang letter sa anak, “Daddy came home after taking you to the airport and said it still wasn’t easy. Baba, what I appreciate and miss most about you is how very malambing and loving you are towards Mama… I love that you would always take the time just to sit with me in my room and ask me how I am, and just us making kwento and laughing so hard. You and I are so much alike, though there’s some of Dad in you too.
“I’ve been blessed to have you & the “giants.” You’re turning 23 in Dec. and dear Lord I cannot thank Him enough for 23 years of nothing but good things and times with you. No headaches, no horror stories, no disrespect, no bad or sad anything?!
“I must have done something right in my lifetime. Thank you, my Kakie. My girl. My “Ate.” It’s no wonder you are able to keep the two giant ‘babies’ in line – it is because they adore and respect you. I respect you! “I am so proud of the woman you have become and I will never stop praying for God to give you the best life -& the perfect husband for you because you deserve only true happiness.
“In the meantime, get that degree already and come home to Mama, to us, for good. I cannot live without you. I love you with all of my heart. Thank you for being a good daughter. Thank you for loving me.❤️ I miss you terribly already. Goodnight my baby.🙏🏻❤️❤️❤️😥 @frankiepangilinan.”
Pero kahit na gaano pa ka-sincere ang intention ni Sharon na i-share ag kanyang nararamdam, meron at meron pang nagne-nega at may masabi lang.
Pero halos lahat ng mga ina na nakaka-relate na pinagdaraanan ng megastar ay maiintindihan siya at na-touch sa kanyang mensahe para kay Frankie.
Samantala, sa October 27, 2023 na nga ang pinakahihintay na pagsasama nina Sharon at Gabby Concepcion, hindi nga lang sa movie, kundi sa isang concert na hatid ng Insular Life na may title na ‘Dear Heart, The Concert’ na gaganapin sa SM MOA Arena.
Nang maging available na ang mga tickets last August 16, balitang nag-sold out agad ang pinakamahal at patuloy ang pagbenta ng mga natitirang tickets para sa one night only concert.
Inggit na inggit naman ang nasa ibang bansa, lalo na sa Amerika na humihirit na sana’y magkaroon din sila ng pagkakataon na mapanood din ang dream come true na pagsasamang ito nina Sharon at Gabby.
HINAMON ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFR) na maghain ng pormal na petisyon ang hanay ng public utility jeepneys para sa hihiningi nilang P2 na fare hike.
Ayon sa LTFRB ang grupo ng PUJs ay nagpadala lamang ng sulat at hindi formal na petisyon kung saan sila ay naghihingi ng fare hike dahil sa tumataas na presyo ng krudo at gasolina sa merkado.
Ang nagpadala ng liham sa LTFRB board ay ang grupo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Stop ang Go Transport Coalition Inc. (STOP & GO) at ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP).
Sa ginawang hearing noong nakaraang August 22 ay sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadis na kanilang binibigyan ng pansin ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
“However, we would need to balance its effects for the commuter. We are studying the feasibility of the fare hike, following the junking of a petition urging for a P1 rush hour fare hike,” wika ni Guadiz.
Kamakailan lamang ay naghain ang grupo ng petisyon para sa P1 rush hour na binasura naman ng LTFRB.
Ang mga kumpanya ng langis ay nagtaas ng P1.10 kada litro para sa gasolina, P.20 kada litro para sa diesel at P.70 sa kerosene. Ito na ang ika-pitong sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng diesel at kerosene. Habang ang gasolina naman ay tumaas na ng sunod-sunod na loob ng anim na linggo.
“In line with this, the LTFRB urges the said transport groups to go through the proper processes under the Public Service Act, through the filing of a formal petition within five days,” dagdag ng LTFRB board.
Tatangapin naman ng LTFRB ang mga kumento at suhistyon ng commuters kapag ang formal na petisyon ay inihain na ng grupo ng public utility jeepneys (PUJs).
Nilinaw naman ng grupo ng PUJs na kaya hindi sila naghain ng formal na petisyon ay dahil sa sumusunod lamang sila sa LTFRB Memorandum Circular 2019-035 kung saan nakasaad dito ang pagkakaron ng streamlining ng hearings at ng magkaron din ng automatic fare adjustments na siyang makakabawas sa matagal at mahabang proseso.
Samantala, ang progresibong grupo ng PISTON naman ay linanaw na hindi sila kasama sa grupo na humihngi ng pagtaas ng pasahe subalit ang hihinigi nila sa pamahalaan ay suspendihin ang e-VAT at excise taxes na pinapatong sa produktong petrolyo habang tinatawagan din nila ang pamahalaan na baguhin ang Oil Deregulation Law upang bumaba ang presyo nito.
Ayon sa PISTON ay ang mga nakaraang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay pinalakas lamang ang kita ng mga kumpanya ng langis habang nabigo naman maging maunlad ang pamumuhay ng mga drivers sa gitna ng pagtaas ng presyo nito. LASACMAR
PUMANAW na ang veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez noong nakaraang August 29 sa edad na 71.
Nakilala si Mike dahil sa pagiging lead anchor ng mga news and public affairs program ng GMA-7 na Saksi, 24 Oras, Super Radyo DZBB at Imbestigador.
Higit na 50 years na sa news broadcasting career ni Mike na nagsimula noong 1969.
Sa 24 Oras, in-announce ang official statement mula sa GMA tungkol sa pagpanaw ni Mike.
“It is with profound sadness that GMA Network announces the passing of our beloved Kapuso, Mr. Miguel ‘Mike’ C. Enriquez, who peacefully joined our Creator on August 29, 2023. He joined the broadcast industry in 1969 and then became part of GMA Network in 1995, wholeheartedly serving the Filipino audience for 54 years.
“The Board of Directors, management, and employees of GMA Network, Inc. deeply mourn the passing of Mr. Enriquez. His dedication to the industry will serve as an inspiration to all. We pray for the eternal repose of our beloved Kapuso.”
Nagtapos ng Liberal Arts in Commerce sa De La Salle University-Manila si Mike in 1973. Unang pagsabak niya sa broadcasting ay sa Manila Broadasting Company (MBC) sa edad na 19.
Ang tinatawag niya na accidental application ay nauwi sa pagiging disc jockey hanggang mapunta siya sa broadcasting and journalism jobs, to managerial positions sa naturang radio network.
From MBC ay lumipat siya sa Freedom Broadcasting Radio Network and Radio Mindanao Network (RMN) kunsaan naging vice president at board member siya.
Pero iniwan niya lahat iyon para maging head ng radio division and expansion SA GMA Network in 1995.
Nagbukas ang maraming pinto para kay Mike sa Kapuso network dahil doon nangyari ang first on-cam appearance niya bilang news anchor sa election coverage with Karen Davila noong 1998.
Sa isang 2010 autobiographical essay published on the GMA website, nasabi ni Mike: “GMA found out that they lacked one more male anchor for the coverage. So Bobby [Barreiro] and Tony [Seva] said, ‘Mike, why don’t you be one of the anchors?’ I thought it was a joke, and so I told them, ‘If this is your idea of a joke, it’s not funny.’ It turned out they were serious, so I agreed to give it a crack. And the rest led to what I am doing today. I run the radio business, and at the same time anchor the news.”
Unang in-anchor na news program ni Mike ay Saksi: GMA Headline Balita. Nasundan ito ng GMA Network News, Saksi, Imbestigador, and 24 Oras. Sa radyo, siya ang host ng Saksi sa Dobol B via Super Radyo DZBB.
Hawak din ni Mike ang executive position as consultant ng GMA’s radio operations group, and president of Radio GMA Network Inc. (RGMA).
Bilang award-winning broadcast journalist, ilan sa mga napanalunan ni Mike ay bilang
Most Outstanding Male News Anchor in 2022 by the Gawad Lasallianeta Awards, and Most Trusted Radio Presenter in the 23rd Annual Reader’s Digest Trusted Brands Awards, 1999 Golden Dove Award for Best Male Newscaster and the 1999 Ka Doroy Valencia Broadcaster of the Year Award.
Internationally, naparangalan si Mike as Best Newscaster in the Asian Television Awards in Singapore in 1999.
Tumanggap din siya ng gold medal at the New York Festival in 2003 for Saksi, and a Silver Camera Award at the 2004 US Film and Video Festival in Holywood for a documentary on war-torn Iraq.
Nakipaglaban si Mike sa kanyang kalusugan sa mga nagdaang taon. Kabilang na rito ang kidney transplant at heart bypass.
Taong 2018 noong sumailalim si Mike sa heart bypass. Tumatanggap din siya ng treatment for kidney disease at sa kanyang pagiging isang diabetic.
Sumailim si Mike sa kidney transplant noong December 2021 at tatlong buwan siyang nag-leave sa kanyang mga TV and radio programs. Nakabalik siya noong March 2022 para sa coverage ng 2022 elections.
Muli siyang nagpahinga ng tatlong buwan pagkatapos ng election coverage.
Lagpas na sa isang taon na walang naging balita tungkol kay Mike, hanggang sa kumalat sa social media ang kanyang pagpanaw.
Hindi na maririnig ng marami ang iconic na boses ni Mike tuwing nagbabalita ito sa radyo at telebisyon.
Marami ang tiyak na mami-miss ang kanyang mga expressions na “Hindi ko kayo tatantanan!” at “Excuse me po!”
Mike is survived by his wife for 45 years na si Lizabeth “Baby” Yumping. Wala silang naging anak.
Paalam, Mike Enriquez…
(RUEL J. MENDOZA)
ISANG pakikiramay sa actress/director na si Bela Padilla sa pagpanaw ng kanyang ama, ang British National na si Cornelio Sullivan.
Ipinost ni Bela ang mahaba niyang message sa kanyang Instaram account, kasabay ang mga larawan na kasama niya ito mula bata.
Ayon kay Bela, her father was able to lived life to the fullest. Evident din base sa kanyang caption ang hilig nito sa pagta-travel at sa music.
Ayon kay Bela, “Life really is a series of highs and lows.
“Our dad passed away last night in his sleep and that is my only consolation in all of this. He wasn’t in pain and he hopefully was dreaming of the happy times in his life.
“My sister, Ceri, told me the most beautiful thing last night… my dad loved us, his children, deeply. And he also loved himself. And that certainly is true. My dad loved life and lived his life to the fullest he could. He always knew where all the cool places were in any country he was in and the bands in bars loved him because he always sang along.
“I love the water and I dive deeply because he taught me to swim and be fearless in the water at such an early age. His ability to see a problem and think of several solutions first before reacting is something I try to practice. He never took no for an answer when he believed something was right and he made sure that everybody knew what “right” was. I never saw him upset…or lose his cool. Never saw him get angry or mad at anybody (in front of me). He was very empathetic but still madly funny. And he gave the best hugs, never letting go first.
“I will always wish for one more day, but that would be unfair. For now, and until paradise comes, the memories will tide us over.”
***
MARAMING mga kapwa niya celebrities at beauty queens ang naging proud sa isa sa cast ng GMA Primetime series na ‘Royal Blood’ na si Rabiya Mateo.
Ang dahilan, ang ipinost niyang bahay at sasakyan na nagawa niyang ma-achieve para sa kanyang sarili, higit sa kanyang pamilya. Sa Iloilo, kunsaan ay hometown ni Rabiya siya nagpundar ng bahay.
Sa kanyang Instagram post, sinabi ng ani Rabiya ang power of manifestation daw talaga.
“Power of manifestation. With my first car and first house. Three years ago this seems to be imposible but this is the result of countless prayers and hard work. Reminding everyone, not to be scared to dream big.”
Ang boyfriend na si Jeric Gonzales naman ang pinaka-proud sa lahat. Sey niya sa girlfriend, “Proud of you always baby! Excited for more.”
(ROSE GARCIA)
MATAPOS mabalita ang recent breakup ni Yassi Pressman with her ex-fiance na si Jon Semira, lumabas naman ang balitang ‘she’s spending more time’ with Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte.
Hindi naman ito itinanggi ni Yassi, ayon sa kanya, “me and Luigi have known each other for a very long time, parang 10 years na kaming magkakilala.”
Ayon pa sa interview sa kanya ng “24 Oras” sa GMA-7, “So now, we’re just spending more time together and getting to know each other more.”
Hindi na nagsalita pa si Yassi tungkol sa kanyang ex-bf.
“Bilang tao, meron pa rin pong mga bagay na we wanted to keep private, pero ok lang – me and the people involved, lahat kami maayos at nag-uusap pa rin hanggang ngayon,” dagdag pa ni Yassi.
Busy ngayon si Yassi, dahil muli siyang bumalik sa GMA Network at nagti-training para sa mga action scenes, as the leading lady ni Ruru Madrid, sa upcoming action teleserye na “Black Rider.”
Makakasama nila rito sina Matteo Guidicelli (sa first teleserye nito sa GMA), Katrina Halili, Jon Lucas, ang nagbabalik GMA actors na sina Rainier Castillo at Joshua Dionisio, Raymond Bagatsing, Raymart Santiago, Rio Locsin, Gladys Reyes at marami pang iba.
***
“NAKAPILA ang mga ginagawa naming pelikula sa GMA Films sa kasalukuyan,” pahayag ni Ms. Annette Gozon-Valdes, Senior Vice President of GMA Network and President/CEO of GMA Films.
“Umaasa kaming babalik na ang mga manonood sa sinehan.
“Ang dami naming ginagawang movies actually, yung movie ni Alden (Richards) and Julia Montes na ‘Five Break-Ups and A Romance,’ excited na kami doon, napanood na namin, napakaganda, napakahusay nilang dalawa.
“Meron din kami, itong joint venture namin with Viva Films, ang ‘Video City’ starring Ruru Madrid and Yassi Pressman. Naiiba ito dahil ang set nito is in the ‘90’s era kaya ang cute rin niyang panoorin.
“Meron pa kaming ginagawa na “Firefly” na sana ay para sa Metro Manila Film Festival. It’s a family-oriented movie na very heartwarming na may touch of fantasy.
“Gagawa rin kami ng isang horror movie with Barbie Forteza. Meron pa kaming isa pang pinaplano for Alden, hindi pa lamang naming ma-reveal kung sino yung leading lady but it’s also a very big project.
“So, marami kaming ginagawang movies ngayon, and hopefully sana ay tangkilikin na ulit ng mga manonood ang local mvoies natin sa theaters.”
***
BUSY pala ngayong naghahanda si actress-host Anne Curtis for her forthcoming action film.
After training in the Filipino martial art Sayoc three months ago, ipinakita na ni Anne sa social media ang pagsali niya sa isang bootcamp training: “Sir, yes, sir. Bootcamp done. Snappy salute at maraming salamat po 201st Infantry Kabalikat Brigade,” caption ni Anne sa kanyang post.
Ang action film na gagawin ni Anne ay idi-direct ni Erik Matti, na nauna na siyang idinirek nito sa 2018 box office hit na “Buy Bust.”
Ang huli pang movie na ginawa ni Anne ay in the 2019 Metro Manila Film Festival, na “The Mall, The Merrier,” kasama ang good friend niyang si Vice Ganda.
Kaya lamang, Anne went on to take an extended showbiz hiatus after that to focus on her pregrancy and eventually becoming a first-time mother to daughter Dahlia.
(NORA V. CALDERON)
KILALANG aktor at host si Dingdong Dantes.
Isa siya sa iilang personalidad sa showbiz na buong husay na nakatatawid sa pag-arte sa harap ng kamera bilang artista at nakapagdadala rin ng programa bilang host.
Bilang artista, bidang karakter si Dingdong bilang si Napoy sa ‘Royal Blood’ ng GMA.
May pelikula rin sila ng misis niyang si Marian Rivera para sa 2023 Metro Manila Film Festival sa Disyembre, ang ‘Rewind’ na collaboration na produksyon ng Star Cinema, APT Entertainment at Agosto Dos Media.
Nagsimula rin na sa pag-ere ang sinasabing “the world’s biggest singing competition”, ang ‘The Voice Generations’ kung saan si Dingdong ang host at magsisilbing judges naman sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar at Stell ng SB19.
Umiikot na rin ang balita tungkol sa pagbabalik ng top-rating na “game show ng bayan” na Family Feud na umere noong March 2022 hanggang June 2023 kung saan si Dingdong rin ang host.
Kaya tinanong namin si Dingdong, saan siya mas hirap o natsa-challenge, sa pagho-host o sa pag-arte?
“May kanya-kanyang hirap siya,” umpisang sinabi ng Primetime King ng GMA.
“Hindi siya apples to apples, e!
“May hirap din yung hosting, pero kapag na-overcome mo fulfilling. “Yung acting ganun din pag na-overcome mo fulfilling siya so ano siya, magkakaibang mundo.”
***
LIMANG taon na simula mabiktima ng isang scammer si Michael Flores.
“Pero unfortunately yung tao nagtatago na, alam mo na, yung the usual.
“Nag-start yung investment namin actually maganda naman, e. “And then a couple of months meron siyang, nagtayo rin siya ng sarili niyang networking, doon napunta yung in-invest namin, “Never siyang nagpasok ng sarili niyang pera, kaming mga investors pala yung ginamit niya na pera para makapagpatayo siya ng sarili niyang networking company,” umpisang kuwento sa amin ni Michael.
Milyon ang pera ni Michael na na-scam.
“Nagpaparamdam siya kasi once in a while, ini-expose ko na siya, e. May time nga na nilabas ko na yung mukha nila sa social media.
“May mga kausap na rin ako kasi plano na rin namin talagang i-expose ‘tong tao na ‘to and then kakasuhan na rin namin at the same time.
“Sanay siya kasi na kasuhan, e! Marami nang nagkaso sa kanya pero mukhang nakakalusot siya, e. Although nakulong na siya before pero siyempre nakapag-bail.”
Hindi raw ganoon kakilala ni Michael ang naturang manloloko.
“Iyon din yung mali ko e, kumbaga meron lang akong mutual friend na ni-refer sa akin ‘tong taong ‘to.
“At first talaga kumikita naman pero eventually iyon nga nung nag-shift yung business niya sa iba, gumawa siya ng sarili niyang networking company doon na nagkaproblema.”
Umaasa ba si Michael na maisasauli pa ang kanyang pera?
“Well nagpaparamdam pa naman siya sa akin so hopefully.
“Pero minsan kasi alam mo yun, ang problema sa laki ng utang niya sa akin magbibigay siya one thousand pesos, minsan two thousand pesos sabay-biglang ilang araw or linggo even months hindi siya magpaparamdam ulit.
“So paano ko siya, di ba, makakausap kung hindi siya magpaparamdam?
“Pag lumabas siya sa social media, nakita niya, ayun magpaparamdam siya ulit.”
Coincidentally, tungkol sa scam ang ‘The Missing Husband’ kung saan kasali si Michael bilang si Banong.
Tampok rin sa afternoon series sina Yasmien Kurdi as Millie, Rocco Nacino as Anton, Jak Roberto as Joed, Sophie Albert as Ria, Joross Gamboa as Brendan, Nadine Samonte as Nona, Shamaine Buencamino as Sharon, Maxine Eigenmann as Leila, Cai Cortez as Glenndolyn, Patricia Coma as Arya at Bryce Eusebio as Norman.
Napapanood sa GMA Afternoon Prime, ang ‘The Missing Husband’ at sa direksyon ni Mark Reyes na direktor rin ng ‘Voltes V: Legacy.’
(ROMMEL L. GONZALES)