INAMIN ni Derek Ramsay na excited na sila ni Ellen Adarna na magkaroon ng anak.
Pareho silang may anak sa dati nilang karelasyon; nineteen years year old na si Austin na anak ni Derek sa dati niyang asawa na si Christine Jolly at five years old naman si Elias Modesto na anak nina Ellen at dati niyang karelasyon na si John Lloyd Cruz.
And since two years nang kasal sina Derek at Ellen (sa November 11, 2023) kaya gusto na nilang magkaroon ng anak kaya naman sinusubukan na raw nila.
Kaya kuwento ni Derek, nagpatanggal na si Ellen ng nakakabit sa kanyang matris na intrauterine device o IUD; ang IUD ay birth control device para hindi mabuntis ang isang babae.
“Sumusubok na. Sumusubok na. Natanggal na niya yung IUD so we’re trying, so hopefully by the end of the year,” sinabi pa ni Derek sa panayam sa kanya sa 3rd SamLo Cup na celebrity golf tournament ni Samantha Lopez para sa Kids for Jesus Foundation na ginanap sa Wack Wack Golf and Country Club noong October 17, 2023.
Kinumusta rin kay Derek ang buhay may-asawa.
“Nothing has changed in our relationship. We‘re still discovering new things about each other, pero I’m sure I made the right decision,” wika pa ni Derek.
Samantala, magbabakasyon next month sa Barcelona, Spain ang mag-asawa at pagbalik nila ay tututok na si Derek sa promotion ng pelikulang ‘(K)ampon’ na kasama sa first four entry pasok sa 49th Metro Manila Film Festival.
“Well, siyempre that’s very rewarding, ‘no. I think over twenty movies were submitted. Napili kami sa Top 4, so at least wala ring stress.
“So, nung shinoot namin, first time… hindi first time, pero matagal na akong hindi gumagawa ng horror. And according kay Atty. Joji maganda daw yung pinakita ko sa pelikula.
“So, tingnan natin. Ako, akala ko, nakalimutan ko nang umarte,” natatawa pang sabi ng hunk actor.
Bukod sa (K)ampon, ang first 4 entries ng MMFF ay ‘Penduko’, ‘Rewind’, at ‘Family of Two: Mother and Son Story’.
Ang anim na kasali pa na ini-announce ni Atty. Romando Artes, Overall Chairman ng MMFF 2023 ExeComm kamakailan ay ang ‘When I Met You In Tokyo’, ‘Becky & Badette’, ‘Mallari’, ‘Firefly’, ‘Broken Hearts’ Trip’, at ‘GomburZa.’
Samantala, ayon pa kay Derek, retired na siya sa telebisyon o teleserye, pero kapag pelikula ay tatanggap naman daw siya basta maganda ang proyekto.
Abala rin ang aktor sa negosyo dahil bukod sa construction business niya, may bago siyang negosyo, ang yelo o ice plant business.
***
NAPAPANOOD na ang cameo appearance ni Alice Dixson sa ‘Maging Sino Ka Man’ bilang Madam Claudette na kung saan mapapasabak siya sa mga maaksyong eksena.
Siyempre naman, makaka-eksena ni Alice sa nabanggit na special limited series sina Barbie Forteza at David Licauco, na kung saan siya ang tumutulong kina Monique at Carding.
Sa isang eksena ay makikitang may hawak na baril si Alice at kayang-kaya naman mga action scenes.
Noong araw nga, naging wish namin na gumanap si Alice bilang ‘Darna’ sa pelikula pero hindi iyon nangyari, bagkus ay naging ‘Dyesebel’ siya na isang certified blockbuster movie noon ng Regal Films.
Patuloy na napapanood ang ‘Maging Sino Ka Man’ weeknights, 8 pm sa GMA, I Heart Movies, at Pinoy Hits. Napapanood din ito sa GTV 9:40 ng gabi.
Napapanood din ito online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream at available naman ang full episodes at episodic highlights ng serye sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA-owned and operated online platforms.
(ROMMEL L. GONZALES)