• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2024

Manhunt ops vs Pastor Quiboloy pinalawak pa ng PNP – Malakanyang

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Malakanyang na pinalawak pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang manhunt operations laban sa puganteng si Pastor Apollo Quiboloy at maging sa mga kapwa-akusado nito na nahaharap sa kasong sexual at child trafficking.

 

 

Ito ay batay sa impormasyon na ipinarating ng PNP sa Palasyo.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na hindi lamang sa Davao region nakatutok ang kanilang manhunt operations.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang PNP sa National Bureau of Investigation (NBI) sa pagtugis sa puganteng Pastor.

 

 

“Sa ngayon po ay hindi na lamang po limited sa Davao Region iyong ginagawa po nating paghahanap. Even dito sa Metro Manila and other areas are also [covered]. Information are also being validated to confirm the possible location of not only Pastor Quiboloy, but with other accused as well,” pahayag ni Col. Fajardo.

 

 

Binigyang-diin ni Fajardo na on-track ang PNP sa kanilang manhunt operation.

 

 

Magugunita na binawi na ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil nuong April 16,2024 ang gun permit ni Quiboloy.

 

 

Binigyan naman ng taning ng PNP si Quiboloy ng anim na buwan na isuko ang mga armas nito batay sa nakasaad sa ilalim ng Republic Act 10591, or the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

 

 

Ayon kay Fajardo na mahaharap sa kaukulang aksiyon si Quiboloy kapag hindi nito isinuko ang kaniyang mga armas.

 

 

Dagdag pa ng opisyal na pending ng kanilang inihaing Motion for Reconsideration ang mga nasabing baril ay hindi na lisensiyado at itinuturing ng loose firearms at subject na ito sa police operation.

 

 

Una ng inihayag ng Department of Justice (DOJ) na nasa bansa pa rin si Quiboloy. (Daris Jose)

P20 kada kilo ng bigas, nabili sa “KADIWA NG PANGULO” sa Albay

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGBENTA ang ilang nagpartisipang stalls sa ilalim ng “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P20.00 kada kilo ng bigas sa Bicol Region sa idinaos na paglulunsad nito noong nakaraang linggo.

 

 

Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) sa Ligao City, Albay kung saan P20.00 kada kilo ang bigas na ibinibenta sa mga residente.

 

 

Kabilang sa mga prayoridad na makatatanggap ng P20.00 kada kilo ng bigas ay iyong mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries, mga Matatandaang at persons with special needs.

 

 

Nagawa rin namang makabili ng regular customers ng bigas sa halaga ng P35.00 kada kilo.

 

 

“It serves as a way of Irrigators Associations (IAs) to return the blessings they received from the government to less privileged people for their community,” ayon sa NIA sa official Facebook page nito, tinukoy ang pagbebenta ng P20.00 kada kilo ng bigas.

 

 

Maliban sa ‘affordable rice products’, sinabi ng NIA na ang iba’t ibang prutas at gulay, ilang delicacies at iba pang farm products ay ipinagbili sa “Kadiwa ng Pangulo” sa “affordable price.

 

 

Idinagdag pa ng NIA na suportado nito ang Inisyatiba ng gobyerno na tulungan ang IAs na ibenta ang kanilang kalakal direkta sa mga consumers at gawin ang kanilang pagkain na mas “accessible” at mura para sa mga kapus-palad na indibidwal.

 

 

Naisakatuparan ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng pagsisikap nina NIA Regional Manager Engr. Gaudencio M. De Vera, Albay-Catanduanes IMO Manager Engr. Jessie D. Baynas, at ACIMO IA Federation President Melanio Bañares.

 

 

“It is fulfilling for them, IA leaders and members, to share their blessing from the bountiful harvest on the previous cropping season amid the El Niño phenomenon in the country,” ayon kay Bañares.

 

 

Sinabi pa nya na ang masamang ani “is a testament to the government’s convergence, showcasing effective collaborative initiatives,” na kitang-kita aniya sa masamang ani sa gitna ng dry season.

 

 

Samantala, binigyang-diin naman ng NIA na nananatili itong committed na itaas ang rice production tungo sa realization ng “Bagong Pilipinas” na isinaisip ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

‘Common understanding’ sa WPS propaganda lang ng Tsina DND, NSC

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ng Department of National Defense (DND) na may umiiral na kasunduan sa pagitan ng Chinese Government na magko-kompromiso sa soberanya at at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Sinabi ni DND Secretary Gilbert Teodoro ang departamento ay walang kontak sa Chinese government simula pa noong 2023.

 

 

“This is all a part of the Chinese propaganda effort to steer the Filipino people’s attention away from the real issue and cause of the tensions in the West Philippine Sea, which is China’s obstinate refusal to adhere to UNCLOS, which they are a signatory to,” ayon sa kalatas.

 

 

Sinabi naman ng National Security Council na ang pahayag ng Tsina ay maituturing na “new model” na propaganda nagtatangkang ikuwadro ang Pilipinas bilang pinagmumulan ng tensiyon matapos na ito’y “reneged on its promises.”

 

 

“As [President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.] has clearly stated, there is no agreement whatsoever about Ayungin Shoal and that we shall continue to do all activities within the bounds of international law and we shall brook no interference in our lawful actions,” ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.

 

 

Sinabi pa ni Malaya na ang anumang pagkakaunawan kahit pa walang awtorisasyon o pahintulot ng Pangulo ay walang epekto.

 

 

Bukod pa sa hindi sasang-ayon ang bansa sa isang kasunduan na kikilalanin ang Ayungin Shoal bilang teritoryo ng Tsina.

 

 

“The Philippines never broke any agreement because there was none to begin with… As Ayungin Shoal is part of the exclusive economic zone of the Philippines, we cannot agree to any such understanding that violates the Philippine constitution or international law,” ayon kay Malaya.

 

 

Nanawagan naman ito sa publiko na tanggapin ang pahayag ng Tsina sa WPS “with a grain of salt.”

 

 

“It is a trap, nothing more, nothing less,” aniya pa rin.

 

 

Nauna rito, sinabi ng Tsina na may “common understanding” na naitatag sa pagitan ng Tsina at mga administrasyong Duterte at Marcos. (Daris Jose)

8 biktima ng Human Trafficking sa Israel, ni -rescue

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SA kabila ng nagaganap na krisis sa Israel, na-rescue ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI)  ang walong biktima ng human trafficking n ani-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa.
Ayon sa  Bureau of Immigrations (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates airlines flight sa  Clark International Airport (CIA) Terminal 2 na nagpanggap na kasama sa pilgrimage sa nasabing bansa.
Pero sa bandang huli ay inamin ng mga biktima na nagtatrabaho sila bilang mga hospital at hotel cleaners sa pagdating nila sa Israel na may buwanang sweldo na P60,000  hanggang P80,000.
  Matatandaan na noong nakaraang taon, inilagay ang Israel sa ilalim ng Alert 2 kung saan tanging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na may kasalukuyang kontrata ang tanging pinapayagang bumalik sa kanilang destinasyon  upang maka-pagtrabaho.
  “All for money, this recruiter has made her victims agree to such circumstances despite the major life risk,” ayon kay Tansingco.  “She should face what she did in court and must be jailed to serve as an example not to prey on the vulnerabilities of our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.
Ang siyam na pasahero ay itu-turn over sa inter-agency council against trafficking (IACAT) kung saan ang walong biktima ay sasailalim sa assistance habang ang trafficker ay sasampahan ng kaso. GENE ADSUARA

Lola na ‘tulak’, 1 pa kulong sa P210K droga sa Caloocan

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam ng pulisya sa dalawang drug suspects, kabilang ang 62-anyos na lola matapos maaresto sa buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Emey’, 62 ng Morong Rizal at alyas “Saya”, 20 ng Malabon City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na nagsagawa ang mga operatiba Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Tangke Road, Brgy. 157 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga.

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang isang P500 bill marked money na may kasamang anim na P6,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad silang dinakip ng mga operatiba dakong alas-10:08 ng gabi.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 31grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P210,800.00, buy bust money at itim na coin purse.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Ads April 30, 2024

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

DILG, pinapayagan ang PNP, BJMP, BFP personnel na magsuot ng ‘light uniforms’ sa gitna ng matinding init ng panahon

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), and Bureau of Fire Protection (BFP) na magsuot ng light uniforms habang naka-duty sa gitna ng heat index na umaabot sa dangerous levels sa maraming bahagi ng bansa.

 

 

Sa katunayan, binasa ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa isang news forum ang DILG urgent memorandum na nagbibigay-atas sa mga hepe ng tatlong ahensiya na magpalabas ng kani-kanilang advisory hinggil sa uniform attire.

 

 

“In view of the foregoing, you are hereby directed to issue an Urgent Advisory for all PNP, BJMP and BFP personnel to wear light uniforms in the performance of their respective duties to alleviate discomfort and protect them from illnesses such as heat cramps, exhaustion, heat stroke, among others, due to extreme heat,” ang nakasaad sa memorandum.

 

 

Bago pa ang DILG order, nagpalabas na ang BJMP ng isang memorandum hinggil sa modified schedule ng pagsusuot ng uniforms sa panahon ng tag-init, pinapayagan ang mga tauhan nito na gumamit ng gray shirts mula Martes hanggang Biyernes.

 

 

Sa isang kalatas ng DILG, sinabi ni Abalos na, “The welfare of our uniformed personnel comes first especially as they perform their sworn duty sabay sabing ang pagsusuot ng ‘light at comfortable uniforms’ sa gitna ng napakainit na panahon ay “is the way to go.”

 

 

“The tri-bureau’s line of work already poses a lot of risks, now coupled with the hazards of extreme heat temperature kaya kailangan din natin protektahan ang ating uniformed personnel from the PNP, BFP and BJMP,” ayon kay Abalos. (Daris Jose)

DepEd kinansela Face to Face classes sa tindi ng init, tigil-pasada

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INIUTOS ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng asynchronous classes at distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan kahapon Abril 29, Lunes, at Abril 30, Martes, bunsod ng nararanasang mainit na panahon at pagdaraos ng 3-araw nationwide transport strike.
“In view of the latest heat index forecast of the Philippine Atmospheric, Geophysi­cal and Astronomical Services Administration (PAGASA) and the announcement of a nationwide transport strike, all public schools nationwide shall implement ASYNCHRONOUS CLASSES/DISTANCE LEARNING on April 29 and 30, 2024,” abiso ng DepEd.
Maging ang mga tea­ching at non-teaching personnel sa lahat ng public schools ay hindi rin nire-require ng DepEd na pumasok sa kani-kanilang istasyon.
Ang mga aktibidad naman umano na inorganisa ng Regional at Schools Division Offices, gaya ng Regional Athletic Association Meets at iba pang division o school level programs, ay maaaring ituloy sa mga nasabing petsa.
Gayunman, mahigpit ang paalala ng DepEd na kailangang tiyakin at masu­sing ikonsidera ang kaligtasan ng mga kalahok sa mga nasabing aktibidad.
Hindi naman sakop ng kautusan ng DepEd ang mga private schools ngunit binigyan sila ng opsiyon na ipatupad rin ang nasabing kautusan.

Valenzuela namahagi ng cash subsidy at groceries sa mga Solo Parents

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BILANG bahagi ng paggunita ng Solo Parents’ Day, namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ng cash subsidy, grocery gift certificates at nego-cart sa mga kwalipikadong solo parents na ginanap sa People’s Park Amphitheatre at WES Arena.

 

 

Nasa 4,583 rehistradong solo parents ang pinarangalan at kinilala sa kanilang katatagan sa pagpapalaki ng kanilang sariling pamilya, alinsunod sa City Ordinance No. 1087, Series of 2023, na nagdedeklara sa ikatlong linggo at ikatlong Sabado ng Abril ng bawat taon bilang Solo Parents’ Week at National Solo Parents’ Day

 

 

Sa isang linggong pagdiriwang, namahagi ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong 487 solo parents na nagkakahalaga ng PhP 1 Million sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act o RA 11861.

 

 

Ayon sa batas, ang mga karapat-dapat na solo parents na kumikita ng minimum wage at mas mababa ay may karapatan sa PhP 1,000 cash subsidy kada buwan, kaya ang Valenzuela ang unang Lungsod sa National Capital Region ang namahagi ng nabanggit na benepisyo.

 

 

Bukod sa tulong pinansyal, pinangunahan din ni Mayor WES Gatchalian ang dalawang araw na pamamahagi ng PhP 500 grocery gift certificates sa mga solo parents sa lungsod at mga negosyo cart na tinatawag na nego-carts na nagkakahalaga ng PhP 30,000 bawat isa.

 

 

Ang Valenzuela LGU ay nagpahayag ng kanilang pangako na suportahan ang bawat miyembro ng Pamilyang Valenzuelano lalo na ang Solo Parents, at patuloy na tugunan ang kanilang mga pangangailangan at alalahanin sa pamamagitan ng pagbibigay ng iba’t ibang aktibidad at hakbangin.

 

 

Para sa mga solo parent na hindi pa nakapag-parehistro sa Valenzuela, hinihikayat sila ng pamahalaang pungsod na mag-sign up para sa Solo Parent ID kung saan maaari silang bumisita sa City Social Welfare and Development Office sa City Hall, o sa Solo Parents Valenzuela Office. (Richard Mesa)

Sa gitna ng pagso-shoot ng movie: DENNIS at JENNYLYN, nagawa pa ring maplano ang birthday party ni DYLAN

Posted on: April 30th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA gitna nang pag-shoot ng pelikula nila Jennylyn Mercado and Dennis Trillo, nagawa pa rin nilang maplano ang 2nd birthday party para sa kanilang unica hija na si Dylan.

 

 

 

Sesame Street ang theme ang birthday party ni Dylan at nag-pose pa sina Jen at Dennis suot ang costume ng Moonbugs na sina Blippi at Meekah.

 

 

“Two years ago, you made us the happiest parents in the world. Happy 2nd birthday our little princess! Love, Mama Meekah and Papa Blippi,” caption ni Jen via Instagram.

 

 

 

Kasalukuyang sinu-shoot nila Jen at Den ang ‘Everything About My Wife’ na Philippine adaptation ng isang Argentinian film.

 

 

 

Si Dennis naman ay nagsimula na ring mag-taping para sa historical drama ng GMA na ‘Pulang Araw.’

 

 

 

***

 

 

 

MAGHAHARAP na muli sina Ruru Madrid at Jon Lucas sa full action series na ‘Black Rider’.

 

 

 

Inaakala ng karakter ni Ruru na si Elias na patay na si Calvin na karakter naman ni Jon. Pero malapit nang muling magkita ang dalawa para sa panibagong madugong bakbakan.

 

 

 

Nag-post ni Ruru sa kanyang Instagram account ang ilang litrato ng kanyang paghahanda para dito. May isang maikling video din ng choreographed na suntukan nila ni Jon,

 

 

 

Patuloy na tumutok sa mga parating na episodes ng 2024 New York Festivals bronze medalist na Black Rider!

 

 

 

***

 

 

 

THANKFUL ang award-winning child actor na si Euwenn Mikael sa mga mahuhusay na aktor na nakatrabaho niya sa bagong pelikula, na mapapanood soon sa Netflix.

 

 

Sa last day ng shooting para sa pelikulang ito, ipinarating ni Euwenn sa co-stars na sina Baron Geisler at Jake Cuenca kung gaano siya nag-enjoy na makasama ang mga ito.

 

 

 

Dagdag pa ni Euwenn, marami siyang natutunan sa dalawang aktor, na naging mga kuya na niya sa set.

 

 

 

Bukod kina Baron at Jake, kasama rin ni Euwenn sa pelikula sina Joem Bascon at Jennica Garcia.

 

 

 

Samantala, patuloy na sumasalang sa taping si Euwenn para sa unang seryeng pagbibidahan sa GMA, ang ‘Forever Young’.

 

 

 

Sa upcoming inspirational drama series na ito, makikilala si Euwenn bilang Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.

 

 

 

Makakasama niya sa serye sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, Lucho Ayala, at James Blanco.

 

 

 

Ang Forever Young ay sasailalim sa direksyon nina Gil Tejada Jr. at Rechie Del Carmen.

 

 

 

Abangan ang Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.

 

(RUEL J. MENDOZA)