• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2024

Confidential and Intelligence Funds, bumaba ng 16% sa panukalang 2025 national budget -DBM

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA ng 16% ang confidential and intelligence funds (CIFs) sa panukalang 2025 national budget kumpara sa alokasyon nito sa 2024 General Appropriations Act (GAA).

 

 

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman na inaprubahan ng DBM ang kabuuang P10.29 billion (B) budget para sa CIFs, kung saan ang P4.37B ay inilaan para sa Confidential Expenses at P5.92B para naman sa Intelligence Expenses.

 

 

Sa 2024 GAA, ang CIF ay binigyan ng P12.38B allocation.

 

 

“Bumaba po ng 16% ang allocation para sa confidential and intelligence funds sa 2025 NEP kumpara sa alokasyon nito sa 2024 GAA,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sinabi pa ni Pangandaman na nakatanggap ang DBM ng kabuuang CIF budget proposal na P11.39 billion mula sa iba’t ibang ahensiya, P5.22B ay para sa CF at P6.17B para naman sa IF.

 

 

Binigyang diin ni Sec. Pangandaman na ang mga ahensiya ay kinakailangan na sundin ang guidelines sa paggamit ng CIFs. (Daris Jose)

Oil slick di na aabot sa NCR ayon sa PCG

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHANG hindi na aabot sa National Capital Region (NCR) ang oil slick  mula sa lumubog na Motor Tanker (MT) Terra Nova sa baybayin ng Limay,Bataan , sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) base sa trajectory na naobserbahan sa isinagawang survellaince mission.
“Na-observe nila (surveillance team) from north-northeast, ‘yung unang area ng surveillance natin, ngayon ay south-southeast na. So we are not expecting na papunta na siya ng Manila but we do not discount the possibility,” said Lieutenant Commander Michael John Encina, spokesperson for PCG NCR-Central Luzon, in an interview on Dobol B TV.
Ayon kay PCG NCR-Central Luzon  spokesperson Lt.Commander Michael John Encina, ang trajectory ngayon ng oil sheen ay patungo  ng Cavite at Batangas na south-southeast na .
Sinabi ni Encina na Ang survellaince ay isinagawa ng PCG’s Marine Environmental Unit kasama ang expert adviser.
Sa kanilang bulletin nitong Lunes, sinabi ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) na ang oil slick mula sa MT Terranova ay makakarating sa Metro Manila sa Martes, Hulyo 30.
Sinabi nito na ang forecast ay batay sa oil trajectory model, na “gumagamit ng surface velocity fields mula sa Global Ocean Physics Analysis and Forecast at surface winds mula sa National Center for Environmental Prediction Global Forecast System.”
Sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na umabot na sa ilang coastal barangay sa lalawigan ang isang oil slick mula sa lumubog na motor tanker. Ang mga barangay na ito ay nasa Ternate, Maragondon, Naic, at ilang bahagi ng Tanza
Samantala, sinabi ni Encina na 18 sa 24 na valves ng motor tanker ang na-seal na. Kapag nakasara na ang lahat ng balbula at wala nang tumutulo na langis, isasagawa na ang siphoning operations, aniya.
“To be exact, may report sa amin kagabi, may 18 valves na tayo na na-encapsulate or na-seal na po,” sabi ni Encina.
“So we are now expecting  na may development na po yung kasi 24/7 naman po silang nagca-capping para today ma-cap na natin yung all 24 valves at makapagsimula na po tayo ng siphoning,” dagdag pa ng opisyal.
Sinabi naman ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na ang saklaw  ng oil spill  ay nabawasan ng dalawa hanggang tatlong kilometro. GENE ADSUARA 

Navotas namahagi ng bigas sa 91K mga pamilya

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tig-limang kilogram ng bigas sa 91,000 Navoteño families bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na magbigay ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kamakailang pananalasa ng bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lungsod na nakaapekto sa kabuhayan ng marami.

 

 

 

 

 

Binigyang-diin ni Mayor John Rey Tiangco ang pangako ng lungsod na suportahan ang mga residente nito sa mga mapanghamong panahong ito.

 

 

 

“We understand the difficulties Navoteños are facing, and we are here to provide the necessary assistance and support. This rice distribution is just one of the many ways we aim to help Navoteños recover and return to their normal lives as soon as possible,” sabi ni Mayor Tiangco.

 

 

 

“We will start the distribution as soon as the logistical requirements are settled. We will post the schedule in our social media pages,” dagdag niya.

 

 

 

Bukod sa agarang pagbibigay ng tulong, nangako rin si Tiangco na mahigpit na makipag-ugnayan sa MMDA at DPWH para sa pagsasaayos ng Tangos-Tanza navigational gate.

 

 

 

Nasira ang gate noong June nang bumangga ang isang barge na nagdulot ng matinding pagbaha sa Navotas at Malabon.

 

 

 

Bumisita si Pangulong Bongbong Marcos noong Huwebes sa site at inatasan ang DPWH na magpatupad ng mga emergency measeures at pabilisin ng pagkumpuni ng navigational gate.

 

 

 

Samantala, namahagi din si Mayor JRT at ang kanyang kapatid na si Cong. Toby Tiangco ng 28,000 kilo ng isda noong Huwebes para suportahan ang mga pamilyang nawalan ng pagkakakitaan dahil sa baha.

 

 

 

“We know Navoteños are resilient, as demonstrated by how we have weathered and triumphed over numerous storms. Let us continue to support one another and strive to overcome the challenges we face,” ani Tiangco. (Richard Mesa)

Matapos ang pananalasa ng bagyong Carina at Habagat… US nag-alok ng tulong sa PH para sa pagbangon ng bansa

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAG-ALOK ng tulong ang Amerika para sa pagbangon ng bansa matapos ang pananalasa ng Bagyong Carina at Habagat.

 

 

 

 

 

Ginawa ang pahayag sa pagbisita ngayong araw nina US Secretary of state Anthony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin sa bansa kung saan personal na iparating kay Pangulong Ferdinand Marcos jr ang kanilang pakikiramay at pakikidalamhati para sa mga Pilipinong nawalan ng mahal sa buhay at mga ari arian bunsod ng nagdaang bagyong carina at habagat.

 

 

Ayon pa kay Blinken, maituturing na makasaysayan ang araw na ito dahil unang beses na punong abala ang Pilipinas para sa 2 plus 2 ministerial dialogue isang high level engagement sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

Isa aniya itong matibay na patunay ng pagiging matatag na relasyon ng Amerika at Pilipinas kung saan saklaw ang malawak na usapin at layunin para sa pagpapahusay ng usaping pang ekonomiya at seguridad.

 

 

Samantala, ipinaabot naman ni Austin ang pakikisimpatiya at binigyang diin sa Pangulo na hindi lamang magka-alyansa ang dalawang bansa kundi higit pa ay ang palaging pagiging pamilya ang turingan.

 

 

Ayon kay Austin, magkapareho ang values ng dalawang bansa, may parehong interes at umaasang magpapatuloy pa ang pagiging magkatrabaho nila ng Pangulo sa susunod na panibagong 3 hanggang apat na taong relasyon.

 

 

Nakatakdang lagdaan ngayong araw ang military intelligence sharing agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na lalagdaan nina Blinken at Austin at foreign affairs secretary Enrique Manalo at defense secretary Gilbert Teodoro Jr. (Daris Jose)

PBBM, nakipagpulong kay Blinken, Austin; pinuri ang PH-US alliance sa WPS

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang yumayabong na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos sa patuloy na katatagan sa West Philippine Sea (WPS) at Indo-Pacific region.

 

 

 

 

Inihayag ito ng Pangulo, Martes ng umaga nang makapulong niya si US Secretary of State Antony Blinken at US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa ang foreign and Defense Ministerial Dialogue (2+2) ng dalawang bansa.

 

 

“I am always very happy that these communication lines are very open, so that all the things that we are doing together in terms of our alliance, in terms of the specific context of our situation here in the West Philippine Sea and in the Indo Pacific are continuously examined and reexamined so we are agile in terms of our responses,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“But we are very happy to see you once again,” he said. “I’m a bit surprised, considering how interesting your political situation has become back in the States, but I’m glad that you found the time to come and visit with us,” aniya pa rin.

 

 

Kapwa pinasalamatan naman ni Blinken at Austin si Pangulong Marcos para sa mainit na pagtanggap sa kanila at pinaabot ang kanilang pakikidalamhati sa mga naging biktima ng bagyong Carina at pinalakas na southwest monsoon na kamakailan lamang ay humagupit sa capital region at karatig-lugar.

 

 

Muli namang inulit ni Blinken ang kahandaan ng Washington DC na magbigay ng kinakailangang tulong sa Maynila.

 

 

Aniya, ang nalalapit na 2+2 meeting ay “genuinely historic” at katibayan ng “steady drumbeat of very high level engagements” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos daklaw ang ‘full range of issues and opportunities.’

 

 

Samantala, sinabi naman ni Austin na isang pamilya ang Pilipinas at Estados Unidos.

 

 

“It always feels that way when I’m working with our colleagues. You know, we have common interests, common values, and so I think we’ve done a lot over the last three and a half years to continue to strengthen our alliance, and we look forward to continuing to work with you and your team to move even further,” ayon kay Austin.

 

 

“Thanks for your leadership, Mr. President, again, it’s been, it’s been a great three and a half years, and I look forward to another three and a half or another four (years) in building, building, strengthening this relationship,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang makipagpulong sina Blinken at Austin sa kanilang mga Filipino counterparts na sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Defense Gilberto Teodoro Jr.

 

 

Samantala, ang naging pagbisita nina Blinken at Austin ay matapos na banggain ng Chinese ships at bombahin ng tubig o gamit an ng water cannon ang Filipino vessels at crew members sa Ayungin Shoal sa WPS, kung saan nais lamang ng Pilipinas na magsagawa ng resupply sa outpost nito sa nakasadsad na BRP Sierra Madre.

 

 

Umabot na ang tensyon nang salakayin ng mga Chinese sailors noong nakaraang buwan ang isang Filipino boat, nasamsam din ng mga tropa ng tsino ang mga baril ng Philippine Navy nanng sumakay sila sa isa mga inflatable boat.

 

 

Hindi naman bababa sa 8 mandaragat ng Philippine Navy ang nasugatan matapos ang mga sasakyan pandagat ng China ay naghangad na itaboy ang kanilang mga barko sa isang rotation at resupply mission sa Ayungin Shoal sa WPS.

 

 

Kabilang dito ang isa na naputol ang daliri dahil nasugatan sa isang komprontasyon sa mga puwersang tsino na bumangga at hinila ang kanilang inflatable boat habang sinusubukan nilang marating ang grounded warship na BRP Sierra Madre. (Daris Jose)

Patuloy ang pagdagsa ng mga endorsement… MARIAN, turning forty na at very grateful sa lahat ng blessings

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ngang nadaragdagan ang mga endorsement ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil bukod sa isa siyang A-lister celebrity, siya ang kasalukuyang Box-Office Queen dahil sa isang bilyong pisong kinita ng ‘Rewind’ nila ng mister na si Dingdong Dantes nitong Disyembre 2023.

 

 

 

Kaya naitanong naman Marian kung nabibilang pa ba niya ang mga napakaraming ineendorsong produkto?

 

 

 

 

Kamakailan kasi ay inilunsad siya bilang celebrity Ambassador ng Nekocee Vitamin C. Na sinubukan daw muna niyang i-take, at ngayon ay ginagamit na ng pamilya niya, dahil ganun na lang ang tiwala niya sa produkto.

 

 

 

“Thank you Lord! Oo naman,” sagot ng aktres.

 

 

 

“Kapag naiisip ko nga iyan sinasabi ko, ‘Thank you Lord sa lahat ng blessings talaga.’

 

 

 

“Sobrang grateful ako sa anumang nangyayari sa buhay ko at forty this coming August.”

 

 

Mahirap paniwalaan na kuwarenta na nga siya sa Agosto 12.

 

 

“Okay lang, wala namang masama sa pagiging forty tapos may dalawang anak pa ako.”

 

 

At sa edad niya ngayon may mahihiling pa ba siya?

 

 

“Actually ang lahat naman ng ito ay ginagawa ko, and for sure ito rin ang sasabihin ni Dong, na para sa mga anak namin. Siguro bonus na lang para sa aming mag-asawa. “Pero bilang isang magulang wala ka namang gusto at hangad mo sa mga anak mo na maging maganda ang buhay nila.”

 

 

Nabanggit na rin ni Marian na ang bago niyang pelikula na “Balota” ay isa rin sa mga katuparan ng mga nais niyang magawa sa buhay.

 

 

“At personally parang nasagot na iyan ng Balota, e. Sa ginagawa ko in showbiz, soap opera, pelikula, parang hindi ako nabigyan ng chance na makalabas sa box ko o roon sa comfort zone ko.

 

 

“And dahil sa Balota nabigyan ako ng chance na ibigay baga sa akin ang hindi ko pa nagagawa.

 

 

“Dahil dito no filter talaga. Kasi, hitsura, lines, lahat talaga raw. As in deglamorized siya sa pelikula.

 

 

“Iyon nga ang gusto ko para something new naman for me. Gusto ko talaga na something na hindi ko pa nagagawa. So ito iyon, nagawa ng Balota.”

 

 

Samantala, puring-puri si Marian ng may-ari ng NekoCee na si Kath Melendez.

 

 

Lahad ng businesswoman,“Everytime na nakikita ko si Miss Marian, nai-starstruck talaga ako. Natutulala ako sa kanya. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya na pinagkatiwalaan niya kami, na tinanggap niya ang product namin.

 

 

“Alam naman natin si Miss Marian, na very professional siyang magtrabaho, na isinasapuso talaga niya ang work niya. Na kapag kaya talaga niya, ginagawa talaga niya.

 

 

“Kaya sobrang salamat sa pag-accept sa amin.”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Bukod sa pagsulong kina Vice Ganda at Angel… DINGDONG, pasok na sa survey na puwedeng tumakbong Senador

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MULI ngang lumitaw ang posibilidad daw na pagtakbo bilang Senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa darating na mid-term elections sa 2025.

 

 

 

Tuloy-tuloy pa rin kasi ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera lalo na nung katatapos na mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina, na kung saan namigay sila ng higit 700 relief packs.

 

 

 

Siyempre isang reservist ng Navy si Dingdong kaya tumulong ang aktor.

 

 

In fairness, pasok sa survey si Dingdong among sa mga senatoriables.

 

 

Matatandaang nauna nang napag-usapan ang tungkol sa pagkandidato ni Dingdong kasama ang dalawa pa niyang kapuwa artista na sina Vice Ganda at Angel Locsin na sinasabing pantapat daw sa magkakapatid na Duterte na muling tatakbong senador.

 

 

***

 

 

MARAMI ang interesadong malaman kung ano na raw ang estado ng lovelife ng tinaguriang Asia’s Multi media Star na si Alden Richard.

 

 

Sa interbyu kay Alden ng King of Talk Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay hindi deretsahang sinagot si Kuya Boy hinggil dito.

 

 

Pero may pangako ang best aktor ng 40th Star Awards for Movies.

 

 

“Honestly naman I enjoying my time. Pero….ito na lang, just to settle this question. Magpapa-presscon ako, pag mag-aannounce na ako officially kung sino ang aking makaka-partner,” seryosong saad ng sikat na Kapuso aktor.

 

 

Dagdag pa ni Alden, na tatlong taon mula ngayon ay gusto na raw niyang lumagay sa tahimik.

 

 

Pinagpiyestahan pa rin naman hanggang ngayon ang patuloy na pagkaka-link sa “Hello, Love, Again” co-star niyang si Kathryn Bernardo, na kagagaling lang sa failed relationship last year.

 

 

Pero wala pa silang inilalabas na ano mang pahayag tungkol sa real-score sa kanila maliban sa makahulugang, “what you is what you get” na sinabi ni Alden sa isang panayam.

 

 

“She’s more mature now. She’s very much excited to try new things kaya nakakatuwa na sa proseso na yun magkasama kami, of course, while doing this film.” kuwento pa rin nj Alden.
Nasa Canada sina Alden at Kathryn para sa shooting ng “Hello, Love, Again”.

 

 

 

Ayon kay Alden, excited siya sa sequel na ito ng “Hello, Love, Goodbye”, na kumita ng PHP880 worldwide gross noong 2019.

 

 

 

Ito ang highest grossing Filipino film bago ito napalitan ng 2023 Metro Manila Film Festival entry na “Rewind.”

 

 

Samantala si Alden nga ang tinanghal bilang Movie Actor of the Year para sa “Five Breakups and a Romance” at ka-tie niya si Dingdong Dantes para sa naman sa “Rewind”.

 

 

 

Labis ang pasasalamat ni Alden sa karangalang naipagkaloob sa kanya ng PMPC at Star Awards for Movies.

 

 

 

 

(JIMI C. ESCALA)

Grateful dahil sixteen years nang Kapuso… HEART, nag-panic at umiyak nang malamang mamumuno ng SSFI

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SIXTEEN years na palang Kapuso si Heart Evangelista.

 

 

 

Sobrang grateful nga siya sa muling pagoirma ng exclusive contract sa GMA Network.

 

 

 

Sa guesting ng Kapuso actress sa “Fast Talk With Boy Abunda” last July 29, inamin niya na, “I’ve been through so much with GMA. Sobrang dami kong pinagdaanan, and you know noong dumating ako sa GMA, I’m really in a bad state of mind. I was heart broken. I felt I have nowhere to go. And they really gave me an opportunity.

 

 

“That was the one biggest contracts I signed in my life and I’m so grateful.”

 

 

Inamin din ni Heart ang naramdaman nang malamang siya ang mamumuno ng Senate Spouses Foundation Inc. (SPFI).

 

 

 

Automatic ito, matapos ngang maluklok ang kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero bilang bagong Senate President, na kapalit ni Sen. Migz Zubiri.

 

 

 

“I didn’t know that I had a role or whatsoever that it was just you know, all of a sudden you have to head this and that.

 

 

 

“Umiyak ako, na-upset ako nang konti,” sagot ni Heart

 

 

“Nag-panic talaga ako kasi alam ko na you know anything you associate yourself with that, you’ll get bashed. I’m afraid of that so I tried to shy away.

 

 

“But the honest truth, I love it so much because I do my own thing. Meron akong mga ginagawa para you know, points ko sa heaven ay mas importante.

 

 

“So, I’m very silent. And I’m very sensitive about questioning my sincerity.”

 

 

Dagdag pa ng international fashion icon, “I’m also very lucky that I worked with wonderful companies in the past that are all out in supporting my projects.

 

 

“So talaga parang feeling ko I have a purpose. I’m not sure how long I have but I will do my best and I love working.

 

 

“With this platform, I’m able to do so much with other senate spouses.”

 

 

Magpo-focus ang SSFI sa iba’t ibang isyu ng mga kabataan at kababaihan kasabay ng pagsusulong sa mga “small infrastructure projects” na sinimulan ng mga dating head ng grupo.

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

‘Deadpool and Wolverine’, other films earn R-16 rating by the MTRCB

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IF you’re considering taking your kids to watch “Deadpool/Wolverine,” you might want to reconsider as the highly anticipated film featuring Ryan Reynolds and Hugh Jackman has been rated Restricted-16 (R-16) by the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

 

 

 

R-16 restricts viewership to those aged 16 and above, citing the film’s mature content as the reason. The review committee was composed of Board members Bobby Andrews, Jose Alberto V and Johnny Revilla.

 

 

 

The R-16 classification was based on several factors, including intense violence, graphic depictions of injuries and gory scenes. The review committee noted that, despite the film’s comedic elements, its graphic nature and frequency may be disturbing to under-16 viewers.

 

 

 

Similarly, the film “All My Friends Are Dead,” distributed by Pioneer Film, has also been rated R-16. The review panel, composed of Andrews, Almira Muhlach and JoAnn Bañaga, pointed to compromising sexual content, strong horror elements, including significant sexual references and intense horror scenes, explicit violence and disturbing imagery.

 

 

 

In addition, a local production by Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc., starring Alexa Ocampo, Jeffrey Santos, Rash Flores, Lara Morena, and Simon Ibarra, received the same R-16 rating. The committee of Bañaga, Andrews and Eloisa Matias cited the film’s graphic depictions of violence, blood or injury, often involving weapons or intense physical harm as key reasons for the rating. The film also shows more significant references to drug use, including scenes involving substance abuse or drug-related activities.

 

 

 

MTRCB Chair and CEO Lala Sotto-Antonio explained that the R-16 classification advises parents and guardians that these films contain themes, language, violence, nudity, sex, horror, and drug-related scenes unsuitable for children under 16.

 

 

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Ads July 31, 2024

Posted on: July 31st, 2024 by @peoplesbalita No Comments