NAGING maningning ang Gabi ng Parangal The 7th EDDYS nitong Hulyo 7, 2024, na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City.
Star-studded ang naturang event ng SPEEd, sa pangunguna ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera upang tanggapin ang parangal bilang mga Box Office Heroes.
Nakapagtala nga ng history sa pelikulang Pilipino ang tambalang DongYan dahil sa laki ng kinita ng MMFF 2023 movie na Rewind, na umabot na higit isang bilyon piso.
Pangalawa namang pinakamalakas last year ang filmfest entry ni Piolo Pascual na Mallari. Dumalo rin si Piolo sa annual event ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), para tanggapin ang kanyang Box Office Hero trophy. At siya ang nagwaging na Best Actor.
Present din ang isa pang Box Office Hero na si Julia Montes ng Five Breakups And A Romance, na kung saan paparangal din si Alden Richards, pero hindi ito nakarating. At ang ikinagulat talaga ng lahat, ay siya ang tinanghal na Best Actress at ka-tie si Charlie Dizon, na mahusay din sa Third World Romance.
At sa dalawang tropeo na nakuha ni Julia, kapansin-pansin na hindi niya nabanggit si Coco sa acceptance speech, sa rami ng kanyang pinasalamatan.
Pero bago siya pumunta sa awards night ay pinadalhan siya ni Coco ng flowers na nagsilbing lucky charm daw niya nung gabing iyun.
“Ay, hehehe! Baka nga po,” sagot ni Julia.
Inamin naman ni Julia na palaging nakasuporta sa kanya si Coco.
“Sobrang lagi po siyang supportive. Lahat naman po siguro na napuntahan ko ngayon, narating ko po ngayon, parte rin naman po siya,” sagot ni Julia.
“Dahil una po ang Walang Hanggan, siya po ang nakasama ko dun hanggang… nung nag-e-extra pa lang po kami, kami na rin yung magkasama.
“So, parang parte na rin po ng naging journey ko.”
Kinabog nga niya si Kathryn Bernardo na nominado rin sa Best Actress at kasama rin sa Box Office Heroes.
Pahayag naman ni Julia, “Sobrang saya kapag nakikita ko siya, na binibigyan ng parangal, na na-nominate kami.
“Ang layo na po ng narating po namin, e. Yung mga pangarap po namin, at ako ang pinaka-proud sa kanya.
“Sabi ko nga, kami ang magkapatid by heart, kami ang loveteam by heart.
“So, kung ano yung success ng isa, ganun din po ang saya ng isa. Kasi hindi yun nakikita ng tao sa social media, pero sobrang supportive siya.”
Kaya wish niya na magsama sila uli sa isang project.
“Yes, actually we really pray and hoping po na merong magandang project na ibigay po sa amin.
“Kasi iba rin makipag-work sa taong alam mo at mahal mong makatrabaho.
“So, sana hopefully soon meron pong project for us,” papayas pa ni Julia.
Samantala, mas na-inspire daw siya dahil sa nakuha niyang pagkilala mula sa The 7th EDDYS.
Inamin din niya na maraming aabangan sa kanya ngayong taon. Kasama ang malaking
teleserye na ayon sa lumabas na balita ay si Megastar Sharon Cuneta ang makakasama niya at may dalawang pelikulang pang naghihintay.
Ang nag-host ng 7th The EDDYS ay sina Gabbi Garcia, Jake Ejercito, at Janine Gutierrez na best actress ng The 6th EDDYS.
Nag-present din ang iba pang acting winners last year, ang best actor na si Elijah Canlas (na nominated din sa taong ito), ang ka-tie ni Janine as best actress na si Max Eigenmann, best supporting actor na si Mon Confiado, at best supporting actress na si Nikki Valdez.
Ang best supporting actor ng The 7th EDDYS ay si Enchong Dee para sa GomBurZa, at ang best supporting actress ay si Gladys Reyes para sa Apag.
Kabilang pa sa presenters sina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnell Ignacio, RS Francisco, at Ms. Liza Reyes ng Globe.
Si Korina Sanchez na pinarangalan ng Joe Quirino Award ay nag-present sa isang category, saka nagtungo sa Araneta Coliseum para sa 60th Binibining Pilipinas.
Presenters din sina Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Ms. Imelda Papin.
Opening number si Jed Madela. Umawit at nag-keyboard sa In Memoriam segment si Ogie Alcasid. Nagpasiklab sa isang production number ang RAMPA Reynas. Pam-finale sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.
Um-attend din sa The 7th EDDYS si Leandro Baldemor na nagdisenyo at lumikha ng bagong tropeyo. Na kailangang gumawa ng extra trophy para kay Charlie.
Naroon din sina Romnick Sarmenta, Keempee de Leon, Direk Chris Cahilig, Ron Angeles, Christine Dayrit, Bambbi Fuentes, Bb. Joy Andrade, at iba pa.
Ang nag-host sa red carpet ay si Mr. Fu.
Ang nagdirek ng The 7th EDDYS ay si Eric Quizon at ang delayed telecast nito ay sa Hulyo 14, 2024, Linggo ng 10:00 P.M., sa ALLTV.
Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kaagapay ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.
Katuwang din ng grupo ngayong taon sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.
(ROHN ROMULO)