• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 27th, 2024

Salt Lake City susunod na maging host ng 2034 Olympics

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKATIYAK na ang USA na panalo sa 2024 Paris Olympics.

 

 

 

 

Kasunod ito sa anunsiyo ng International Olympic Committee na magbabalik sa Salt Lake City sa Utah ang Olympics sa 2034.

 

 

Isinagawa ang anunsiyo ng aprubahan ng Olympics ang unang Esports Olympics at doon ibinahagi ang mga lungsod na magsisilbing host ng naturang international competition.

 

 

Hindi na bago ang Salt Lake City na maging host ng Olympics dahil naging host na ito noong 2002.

 

 

Tanging ang Salt Lake City ang nagpahayag ng interest na maging host ng torneo dahil maraming lugar ang umatras bunsod ng malaking gastusin at problema sa climate change.

1st medal posibleng manggaling kay Yulo PUNTIRYA ni world champion Carlos Yulo na maibi­gay ang unang medalya ng Pilipinas sa 2024 Paris Olympics.

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Sasalang si Yulo sa men’s individual all-around sa Hulyo 27 na magsisilbing qualifying round para sa tsansang makapasok sa final round.

 

 

 

 

Idaraos ang final round ng men’s all-around sa Hulyo 31.

 

 

Target ni Yulo na makapasok sa Top 3 sa men’s all-around.

 

 

 

Pakay din ni Yulo na makahirit ng tiket sa finals ng men’s floor exercise at men’s vault kung saan ito may pinakamalakas na tsansang makasungkit ng gintong medalya.

 

 

May prediksiyon pa ang ilang international group na masusungkit ni Yulo ang gintong medalya sa floor exercise habang pilak naman ang maiuuwi nito sa vault.

 

 

 

Mapapalaban si Yulo sa floor exercise dahil nariyan pa rin si Artem Dolgopyat ng Israel na siyang nakasikwat ng gintong medalya noong Tokyo Olympics.

 

 

 

Magiging tinik din sa daanan ni Yulo si Luke Whi­tehouse ng Great Britain kasama pa ang ilang pambato ng Japan at China na palaban din sa gintong medalya.

 

 

 

Gayunpaman, han­dang handa si Yulo na sumabak sa pagkakataong ito kumpara noong Tokyo Olympics.

 

 

“This time I can definitely say that I’m healthier mentally and emotionally. I’m more confident to perform better execution,” ani Yulo.

 

 

 

Bantay-sarado rin ang diet ni Yulo para masigurong nasa perkpektong kundisyon ito.

 

 

 

Hindi lamang sa pisikal na aspeto dahil tinututukan din ng team ni Yulo ang mental na usapin.

Let the games begin! AARANGKADA na ang tinaguriang ‘the biggest show on earth’ tampok ang matitikas na atleta mula sa iba’t ibang mundo na magbabakbakan sa 2024 Paris Olympics.

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Isang engrandeng palabas ang inaasahang ilalatag ng host France sa programang magsisimula sa alas-7:30 ng gabi (ala-1:30 ng madaling araw sa Maynila).

 

 

 

Ito ang unang pagkakataon na idaraos ang opening ceremony ng Olympic Games sa labas ng isang Olympic stadium dahil gaganapin ito sa pamosong Seine River.

 

 

Aabangan ng samba­yanan ang pagmartsa ng Team Philippines na pa­ngungunahan nina Tokyo Olympics silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam na magsisilbing flagbearers ng delegasyon.

 

 

 

Susuotin ng mga atleta at opisyales ang magandang barong na idinisenyo ng kilalang designer na si Francis Libiran.

 

 

Tinawag itong ‘Sinag’ na may disenyo ng bandila ng Pilipinas.

 

 

 

“Every element of the design showcases the rich cultural heritage of the Phi­lippines,” ayon sa post ni Libiran sa kanyang social media.

 

 

 

Kasama sa parada sina Aira Villegas at Hergie Bac-yadan ng boxing, Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino ng athletics, Kayla Sanchez at Jarrod Hatch ng swimming, Aleah Finnegan ng gymnastics at Samantha Catantan ng fencing.

 

 

Ilang miyembro ng Team Philippines ang hindi makakasama sa parada kabilang na sina Eumir Felix Marcial ng boxing, Carlos Yulo ng gymnastics at Joanie Delgaco ng rowing.

 

 

 

Magpapahinga sina Marcial, Yulo at Delgaco dahil sasabak na agad ang mga ito sa unang araw ng kumpetisyon sa Hulyo 27.

 

 

 

Wala rin sa opening ceremony si EJ Obiena ng pole vault gaundin sina Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza at Erleen Ann Ando ng weightlifting.

 

 

 

Ang iba pang miyembro ng Team Philippines ay sina Emma Malabuyo at Levi Ruivivar ng gymnastics, Bianca Pagdangan at Dottie Ardina ng golf, at Kiyomi Watanabe ng judo.

 

 

 

Isang magarbong pa­labas ang inihanda ng France para sa bilyong ma­nonood ng opening ce­remony mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

 

Aabangan din ang makukulay na fireworks sa huling bahagi ng palabas at ang pagbubukas ng Olympic flame na magsisilbing hudyat ng opisyal na pagsisimula ng palaro.

Mga miyembro na tinamaan ng bagyong Carina, Habagat maaaring mag-avail ng calamity loan -Pag-IBIG Fund

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na maaaring mag-avail sa calamity loan program ang mga miyembro nito na apektado ng bagyong Carina at southwest monsoon o Habagat.

 

 

 

Sinabi ng Pag-IBIG Fund na ang programa ay maaaring ma-avail ng mga miyembro nito na tinamaan ng bagyong Carina at monsoon rains sa Metro Manila, Batangas, Cainta sa Rizal, at Baco sa Oriental Mindoro.

 

 

Ang karagdagang pondo ay ipalalabas din para sa ibang lugar kung saan maaaring magdeklara ng state of calamity.

 

 

Ang calamity loan ay isa sa short-term loan (STL) programs ng Pag-IBIG Fund na dinisenyo para magbigay ng kaginhawaan at suporta sa mga miyembro na nakatira at nagtatrabaho sa mga lugar na idineklarang isailalim sa state of calamity.

 

 

Ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kabuuang Pag-IBIG regular savings, binubuo ng kanilang monthly contributions, ng kanilang employer’s contributions, at akumuladong dividends earned.

 

 

“The loan is offered at an annual interest rate of only 5.95%, with payment terms of 24 or 36 months, with the first payment deferred for two months,” ayon sa Pag-IBIG Fund .

 

 

“Pag-IBIG Fund is ready to support our Filipino workers with their immediate financial needs through our cash loans. We are closely coordinating with local government units in the hardest-hit areas to ensure that aid reaches those in need promptly, in line with President Ferdinand Marcos Jr.’s directive to extend all necessary assistance to our fellow Filipinos affected by these calamities,” ayon naman kay Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

 

 

Samantala, ang mga miyembro na kailangan ng financial assistance sa mga lugar na hindi naman deklaradong isailalim sa state of calamity, sinabi ng Pag-IBIG Fund na available ang kanilang multi-purpose loan para matulungan ang mga ito na maka-recover mula sa pananalasa ng bagyong Carina.

 

 

Tinuran naman ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na ipinag-utos na niya ang pagde- deploy ng Lingkod Pag-IBIG on Wheels (LPOW) “as soon as roads become safe and passable, to ensure that our services become accessible to our members from the affected areas.”

 

 

“Through our LPOW, Pag-IBIG members can submit their calamity loan applications to finance their immediate needs, file for insurance claims if their homes mortgaged under Pag-IBIG Fund are damaged, or file for a housing loan for major home repairs,” ayon kay Acosta.

 

 

Aniya pa, maaaring magsumite ang mga miyembro ng kanilang calamity loan applications online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG.

 

 

“For members with internet access, they may accomplish, scan, and upload their Pag-IBIG Calamity Loan applications even without a Virtual Pag-IBIG account. They may also submit hard copies of all accomplished applications to their company’s accredited Fund Coordinators along with the required documents for processing,” ang sinabi ni Acosta.

 

 

“And starting Monday, July 29, members whose employers are enrolled with STL online with Employer Interface may also submit their applications via the Virtual Pag-IBIG for Employers, making the process as easy and convenient as possible. Just make sure that you have activated your Virtual Pag-IBIG Account and your Loyalty Card Plus so that we can immediately credit the proceeds of your calamity loan. We want to reassure our members that they can count on Pag-IBIG Fund for timely and reliable assistance in their time of need,” ang pahayag pa rin ni Acosta.

 

 

Samantala, mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, sinabi ng Pag-IBIG Fund na nakapagpalabas na ito ng kabuuang P35.32 billion na cash loans, tinulungan ang ang 1.5 milyong miyembro nito.
“Of the total, P1.14 billion were calamity loans, which helped 70,141 members recover from the effects of typhoons and other calamities,” ayon sa Pag-IBIG Fund. (Daris Jose)

DTI bantay sarado sa ‘price freeze’ sa mga lugar na nasa state of calamity

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga presyo ng basic necessities na naka “price freeze” bunsod ng deklarasyon ng state of calamity sa Metro Manila at Batangas.

 

 

 

 

“In view of the Metro Manila Council (MMC) and the Department of the Interior and Local Government’s (DILG) declaration of state of calamity in the National Capital Region due to the devastating effects of Super Typhoon Carina and the southwest monsoon, and pursuant to Section 6 of the Price Act of the Philippines (RA 7581) as amended, please be informed that prices of basic necessities in the region are automatically frozen. “ nakasaad sa DTI advisory.

 

 

Miyerkules, Hulyo 24, 2024 sa kasagsagan ng ma­tinding pagbuhos ng ulan at mga pagbaha na dala ng Habagat nang ideklara ang state of calamity sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region matapos makapagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na nasundan ng pagdeklara ng DTI ng Price Freeze.

 

 

Nagbabala rin ang DTI sa mga negosyo, kabilang ang mga hotel at transient homes, laban sa “price gouging” o hindi makatwirang pagtataas ng presyo.

 

 

Hinihikayat ang publiko na iulat ang anumang insidente ng overpricing at mga katulad na paglabag sa DTI Consumer Care Hotline 1-384 o sa email address consumercare@dti.gov.ph. (Daris Jose)

NTC sa telcos: Tiyakin na agad na makukumpuni ang serbisyo matapos ang Carina, Habagat

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ng National Telecommunications Commission (NTC) ang telecommunication companies na tiyakin na agad na makukumpuni at maibabalik ang telecommunications services kasunod ng matinding pagkasira bunsod ng matinding hagupit ng bagyong Carina at Southwest Monsoon o Habagat.
Tinukoy ng NTC ang isang memorandum na ipinalabas noong Hulyo 22, inatasan ang lahat public telecommunications entities (PTEs) na “ensure that there are sufficient number of technical and support personnel, standby generators, tools and spare equipment in the areas which shall be affected by Typhoon Carina, as well as fast track the repair and restoration of telecommunications services in those areas.”
Sinabi ng NTC na nag-report ang PTE sa ahensiya na mayroong mobile at broadband service disruptions sa ilang lugar na apektado ng pananalasa ng Carina, pangunahin ang kawalan ng suplay ng kuryente.
“In addition, flooding in many areas is making restoration activities more challenging as surrounding roads remain impassable,” ayon sa NTC.
“Nonetheless, round-the-clock restoration efforts are continuously being undertaken by the PTEs, including deployment of power generator sets until such time that commercial power is re-established, which will then hopefully restore regular telecommunications services within 24 to 48 hours,” aniya pa rin.
Sinabi naman ni PLDT-Smart Corporate Communications head Cathy Yang na “Our network team confirms that sites that are down due to Carina comprise only about 3% of our installed base in those areas, so we consider the impact minor.”
“Of these affected sites, 80% is due to lack of power. Once commercial power is restored, we will be able to quickly recover all connectivity,” ayon kay Yang.
Gayundin, sinabi naman ni Globe Telecom Sustainability and Corporate Communications chief Yoly Crisanto na “as the weather has improved and floods have subsided, our personnel are now working on quickly restoring services in the few isolated areas that experienced disruptions in their call, text and data services.”
Sinabi ni Crisanto na hindi nakapag-record ng anumang pinsala sa network infrastructure nito.
Sinabi ng Globe executive na ‘as of Thursday morning’, mahigit sa 90% ng mobile sites ng Globe sa Metro Manila ay tumatakbo na may ilang pasilidad naman ang bumagsak dahil sa power outages, habang wala namang 3G sites ang apektado.
Sa Northern Luzon, mahigit sa 95% ng 2G, 3G, LTE at 5G sites ng Globe ay ‘operational.’ (Daris Jose)

GSIS naglaan ng P18.5B emergency loans para sa mga miyembro na tinamaan ng Carina, Habagat

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Government Service Insurance System (GSIS) ng P18.5 bilyong pondo na maaaring gamitin para sa emergency loans para tulungan ang mahigit sa 800,000 members at pensioners na naapektuhan ng Super Typhoon Carina at Southwest Monsoon (Habagat) sa Batangas, Rizal, at National Capital Region (NCR).
Sinabi ng GSIS na maaaring mag-avail ng emergency loan ang 864,089 miyembro at pensioners sa rehiyon na idineklara na isailalim sa state of calamity dahil sa weather disturbance.
Sinabi ng GSIS na ang mga miyembro at pensioners ay maaaring mag-apply para sa emergency loan mula July 26, 2024 hanggang October 28, 2024.
Layon ng emergency loan program na magbigay ng agarang financial relief sa mga miyembro at pensiyonado na labis na naapektuhan ng natural disasters.
Sinabi pa ng GSIS na “members and pensioners with existing emergency loan balances may borrow up to P40,000 to enable them to clear their previous loans and receive a maximum net amount of P20,000.”
“Those without existing loans may apply for up to P20,000.
The loan features a low interest rate of 6% per annum and a repayment period of three years,” ayon pa rin sa GSIS.
Para maging kuwalipikado para sa emergency loan, sinabi ng GSIS na ang mga aktibong miyembro ay hindi dapat na nasa unpaid leave, walang pending administrative o legal cases, at mayroong kahit pa paano ay six monthly premium payments bago mag-apply.
Tinuran pa ng GSIS na ang borrowers’ net take-home pay ay hindi dapat na mababa sa P5,000 gaya ng nakasaad sa General Appropriations Act.
“To be eligible for the loan, old-age and disability pensioners must have a net monthly pension that is at least 25% of their gross pension after deducting the amortization of the loan,” ayon pa rin sa GSIS.
Ang mga eligible members ayon pa rin sa GSIS ay maaaring mag-apply para sa loan online sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app.
Maaari ring maghain ang eligible members ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks na matatagpuan sa lahat ng sangay ng GSIS, mga pangunahing tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education, provincial capitols, city halls, municipal offices, at piling Robinson’s at SM malls. (Daris Jose)

PBBM, ipinag-utos sa DENR na i-assess ang oil spill … Tanker may kargang 1.4 milyong litro langis, lumubog sa Bataan

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at iba pang kinauukulang ahensiya ng gobyerno na i-assess ang environmental impact ng isang oil spill mula sa napakalaking oil tanker na tumaob sa baybayin ng Bataan.
Sa isang situation briefing sa epekto ng Super Typhoon Carina at pinalakas na southwest monsoon o Habagat, nanawagan si Pangulong Marcos sa DENR, kasama ang Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Coast Guard (PCG), na pangunahan ang assessment at payagan ang pamahalaan na maghanda para sa mitigation measures.
“Can we add an instruction to the DENR to make already an assessment on the environmental impact of this?,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa naturang briefing sa Presidential Security Command compound sa Maynila.
“Basically, what we need to assess is where was the capsized vessel? The fuel is being released, what are the tides? What are the winds? Where is it headed? Para maunahan na natin. We need some determinations of that,” dagdag na pahayag ng Pangulo.
Ipinag-utos din ng Chief Executive sa mga ahensiya na magbigay ng lahat ng kinakailangang data para pahintulutan ang mga awtoridad na tugunan ang oil spill at epekto nito sa kapaligiran.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na 16 mula sa 17 crew ng oil tanker ang nailigtas ng PCG.
Ang MT Terra Nova ay may kargang 1,494 metriko tonelada ng industrial fuel oil nang tumaob sa 3.5 nautical miles sa labas ng Lamao, isang coastal barangay ng Limay, Bataan kaninang umaga.
“It (Terra Nova) capsized at 1 o’clock early this (Thursday) morning and there’s already oil spill and right now, we cannot dispatch our resources because of strong winds and high waves,”ang sinabi ni Bautista kay Pangulong Marcos sa briefing.
“We already coordinated with the private sector, Harbor Star, and [it] will deploy the resources as soon as it will be possible,” aniya pa rin. (Daris Jose)

PBBM, personal na binisita ang mga lugar na binaha at lubog pa rin sa baha sa Malabon, Navotas at Valenzuela

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may pangangailangan na muling suriin ang disenyo para sa flood control facilities sa Kalakhang Maynila.
Sinabi ng Pangulo na marami kasing flood control projects sa National Capital Region (NCR) ang hindi epektibo para pigilan ang pagbaha, maging ang volume o dami ng ulan na mas mababa kaysa sa bagyong Ondoy noong 2009.
Personal kasing binisita ni Pangulong Marcos ang mga binahang lugar sa Valenzuela at Navotas upang i- check ang situwasyon ng mga residenteng apektado ng kamakailan lamang na masamang panahon.
Ang Pangulo, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan ay sakay ng military truck, araw ng Huwebes para bisitahin ang evacuation centers sa Malanday National High School at Brgy. Tanza sa Navotas.
“Just a simple assessment ng ano, the reason I did this was to really inspect because I wanted to see what the situation was. And I was right, it’s very different, listening, reading the piece of paper than actually seeing it, what people had to go through,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“So we have to relook, we have to reexamine some of the designs of our flood control. Dahil for example, this was not… The amount of water was as not as bad as Ondoy, but the effect was greater than Ondoy. Mas malaki ang baha. Mas marami ang nabaha na lugar kaysa panahon ng Ondoy. Mas marami tayong flood control ngayon kesa noon,” aniya pa rin.
“This is what the effects of climate change are. Now, what we have na, what we have seen is that one of the most important parts na nagka problema was that navigation gate that we went to na nasira because binangga ng isang barko, basta hindi sumunod sa instructions, sinira nya. That’s why Navotas is still 80 percent under water, Malabon the same, Valenzuela also. So we have to really look into that sort of thing, yung pumping station marami na.”ang litaniya ng Pangulo.
Nagpunta rin ang Pangulo sa command center ng Valenzuela City LGU, kung saan kinausap niya ang mga opisyal ukol sa pagtugon sa ‘gaps’ sa LGU’s warning system kapag ang dam gates ay binubuksan, upang matiyak na ang mga residente ay nabibigyan ng sapat na panahon para lumikas.
“May weakness tayo dun, dun sa communication, kapag magbubukas ng dam, pag aapaw, kailangan yung downstream communities alam nila. You give them as much as, sasabihin, tatlong oras, pwede na siguro yun. Apat na oras,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal.
Inatasan din ng Punong Ehekutibo ang mga lokal na awtoridad na kaagad na kumpunihin ang nasirang navigational gate sa Barangay Tanza na nakitang nagpalala sa flooding situation sa naturang lugar.
“That’s why Navotas is still 80 percent under water, Malabon the same, Valenzuela also. So we have to really look into that sort of thing, yung pumping station marami na. Yun nagka problema na.
Sana matuto na yung tao, huwag naman kayong nagtatapon ng basura dahil yung basura ang nagbara dun sa mga pump natin, kaya hindi kasing effective na pwede. Like yung Navotas you have 81, in Valenzuela I think they have 32. So marami na yung pumping station, pero talaga you have to put it somewhere,” ayon kay Pangulong Marcos.
Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga lokal na opisyal na maghanap ng posibleng short-term solutions sa pagbaha habang isinasagawa ang pagkukumpuni.
“Okay. And then I want to see what the damage is so that is there something that we can do — buhusan natin ng sandbag or something. I don’t know. Pero, we have to get an engineer to look at it and to tell us what we can do so that hindi tuloy-tuloy ang pasok ng tubig. Mataas pa rin ang tubig,” ang sinabi ng Pangulo kay Public Works Secretary Manuel Bonoan.
“Patingnan mo nang mabuti para maayos natin. Kahit pangremedyo lang temporary. Saka natin balikan pag medyo bumaba na ‘yung tubig and let’s see what really we can do para ayusin ‘yung damage na nangyari,” aniya pa rin.
Sa kabilang dako, nangako naman si Pangulong Marcos na ipa-prayoridad ang relief packages para sa mga apektadong lugar sa Kalakhang Maynila at iba pang rehiyon.
“Now, when I get back to the office, I will be putting together — now that I know what the situation is, where the areas are that need the most, we’ll be putting together already the [relief] packages for the LGUs, here in NCR, not only NCR, in Region 3, in Calabarzon, NCR,” aniya pa rin.

“Marami nang tumawag sa akin kaninang umaga pa. So, we will put that all together so that we can go to DBM and tell them to release this already para magamit na ng ating mga local officials,” ang winika ng Pangulo.

(Daris Jose)

Dahil sa world-class acting sa ‘Royal Blood’… RHIAN, waging best actress sa 4th TAG Awards Chicago

Posted on: July 27th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGHAL na Best Actress sa 4th TAG Awards Chicago si Kapuso actress Rhian Ramos para sa murder mystery series na “Royal Blood.”

 

 

Nasungkit ni Rhian ang parangal para sa kanyang world-class acting bilang si Margaret Royales.

 

 

 

Tumatak sa viewers ang palaban at mysterious role na ito ni Rhian, na siya ring main culprit sa pagkamatay ni Gustavo Royales, played by Mr. Tirso Cruz III.

 

 

Samantala, magkakaroon si Rhian ng special participation sa upcoming GMA drama na “Pulang Araw” na magsisimula na ngayong July 29 sa GMA Prime.

 

 

***

 

 

NAGING wise ang tatlong magkakaibigan na Sparkle hunks na sina Prince Clemente, Migs Villasis at Kirst Viray dahil nagtayo sila ng restaurant sa Quezon City na Mangan-tila na salitang Pangasinense, na ang ibig sabihin ay “kain tayo.”

 

 

Naniniwala ang tatlo na hindi forever ang showbiz kaya habang kumikita sila, nilagay nila sa resto business ang kanilang pera.

 

 

Tulong-tulong daw sila, kasama ang iba pa nilang co-owner, sa pagkonsepto sa restaurant. Si Prince, mahilig sa mga Mediterranean dishes kaya naipasok niya sa menu ang chicken biryani. Si Migs naman, naiambag ang baby back ribs at rib-eyed steak. Si Kirst naman ang nagkonsepto ng pigar-pigar at kaleskes, na lamang-loob ng baka na parang papaitan.

 

 

Busy man sa kanilang showbiz career, tinitiyak nilang nilalaanan pa rin nila ng oras ang kanilang negosyo. Kung sino raw sa kanila ang walang taping or shooting, nasa restaurant sila para mag-supervise at i-greet ang kanilang customers.

 

 

Ayon nga kay Migs: “Dapat talaga hands on ka sa business mo, hindi ‘yung iaasa mo lang sa staff mo, sa crew mo ‘yung pagpatakbo ng restaurant. Kasi kapag ganoon po, hindi mo namamalayan nalulugi na pala ‘yung restaurant mo.”

 

 

***

 

 

NI-REVEAL ng Hollywood singer-actress Vanessa Williams na divorced na sila ng husband niyang si Jim Skrip. Naging tahimik ang divorce nila noong 2021.

 

 

Six years din ang tinagal ng marriage nila. Nagkakilala sila sa isang cruise vacation in Egypt. Dahil daw sa marami na silang di mapagkasunduan kaya nauwi sa divorce ang pagsasama nila.

 

 

Williams was previously married to Roman Harvey II (1987-1997) and Rick Fox (1999-2004).

 

 

“I’m doing what I love, and I’m in love with life. There is not one person that I’m in love with, but I’m in love with everybody,” sey ni Vanessa na mapapanood sa West End musical na The Devil Wears Prada in October 2024.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)