• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 22nd, 2024

Suzara bagong EVP ng FIVB

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HINIRANG si Ramon “Tats” Suzara bilang executive vice president (EVP) ng International Volleyball Federation (FIVB), ang world governing body ng sport.

 

 

Ito ay matapos na ring ihalal si Suzara bilang bagong pangulo ng Asian Volleyball Confederation (AVC) noong Setyembre.

 

 

“It’s a great distinction and honor to be named as exe­cutive vice president of the FIVB because it will give Philippine volleyball great opportunities ahead,” sabi ni Su­zara na magtatrabaho sa ilalim ng bagong FIVB chief na si Fabio Azevedo ng Brazil.

 

Magsisilbi si Suzara sa FIVB bilang EVP sa loob ng apat na taon kasabay ng pamamahala niya sa AVC at sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF).

 

 

Nakasama niya sa FIVB Congress sa Porto, Portugal sina PNVF vice president Ricky Palou, secretary-general Donaldo “Don” Caringal at director Tonyboy Liao.

2 estudyante, delivery rider, funeral boy, karpintero kulong sa higit P300K droga sa Caloocan

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

BINITBIT sa selda ang limang hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng ilegal na droga nang maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

 

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLT COL. Robert Sales ang naarestong mga suspek na sina alyas “Paupau”, 22, estudyante, alyas “One”, 22, delivery rider, alyas “Kulot”, 19, estudyante, alyas “Ruzzel”, 25 , funeral boy at alyas “Cooper”, 56, carpenter at pawang residente ng lungsod.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt. Col. Sales na dakong alas-11:43 ng gabi nang maaresto ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang mga suspek sa loob ng isang bahay sa P. Gomez Street Barangay 154, Bagong Barrio.

 

 

Ani Capt. Pobadora, nakuha nila sa mga suspek ang nasa 17 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P115,600, 28 pirasong disposable vape na naglalaman ng suspected cannabis flower oil na nagkakahalaga ng P196,000, buy bust money na isang P500 bill, at dalawang P1,000 boodle money, digital weighing scale, at ilang drugparaphernalias.

 

 

Aniya, bago ang pagkakaaresto sa mga suspek ay nakatanggap na sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ni alyas Paupau ng droga kaya nang magawa umano nilang makipagtraksasyon sa suspek, ikinasa nila ang buy bust operation katuwang ng Caloocan Police Sub-Station (SS5).

 

 

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba, kasama ang kanyang kasabwat na si alyas One habang naaktuhan naman ang tatlo pang suspek na sumisinghot ng shabu.

 

 

Pinuri naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Student Loan Moratorium Bill, itinulak ni Bong Go

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Habang naghihikahos ang Pilipinas sa pananalasa ng anim na malalakas na bagyo sa loob lamang ng isang buwan, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go pagaanin ang pasanin ng mga ­estudyante at kanilang pamilya sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

 

 

Dahil dito, kabilang si Go sa nag-akda at nag-sponsor ng Senate Bill No. 1864, o ang panukalang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act, na naghihintay na lamang ng pag-apruba ng Pangulo upang maging batas.

 

 

“Hindi na biro ang hirap na dinaranas ng ating mga kababayan. Sunod-sunod na bagyo, baha, at walang katiyakan sa kinabukasan. Hindi natin hahayaang maging dagdag-pasanin pa ang student loans sa gitna ng ganitong kalamidad,” sabi ni Go.

 

 

Ang iminungkahing batas ay nangangakong magkakaloob ng kagyat na tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagsuspinde sa mga pagbabayad ng pautang sa mag-aaral sa panahon at pagkatapos ng mga kalamidad. Layon nito na ang mga mag-aaral at pamilya ay makahinga nang maluwag sa kanilang muling pagbangon sa buhay.

 

Higit 1,300 trainees, nagtapos sa libreng skills training sa Caloocan

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 1337 trainees ang nakapagtapos sa libreng livelihood training course ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Public Employment Service Office (PESO) at Caloocan City Manpower Training Center (CCMTC).

 

 

Ang proyekto ay nagsisilbing isa sa maraming mga programa na nilalayong tulungan ang mga residente ng lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng skills training sa pagsasanay sa iba’t ibang larangan, kabilang ang automative servicing, cosmetic science, at electrical installation and repair.

 

 

Binati naman ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang Bagong batch ng CCMTC graduates.

 

 

“Congratulations sa CCTMC at sa lahat ng Batang Kankaloo na nagsumikap upang magkaroon ng pagkakataong palaguin pa ang kanilang kakayanan at masuportahan ang pangangailangan ng kanilang mga pamilya,” aniya.

 

 

“Hiling ko na mapakinabangan at magamit niyo ang lahat ng mga karagdagang kaalaman at karanasan na natutunan ninyo upang patuloy na mapalapit sa inyong mga pinansyal na hangarin,” dagdag niya.

 

 

Muli ring pinagtibay ng lungsod ang paninindigan ng administrasyon nito na palaging unahin ang pagbibigay ng matatag na trabaho at mga programang pangkabuhayan upang matiyak ng mga residente ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

 

 

“Asahan niyo po ang walang patid na suporta at pagsisikap ng ating pamahalaang lungsod upang bumuo ng mga programa para sa kabuhayan at trabaho ng mga mamamayan upang mas mapaunlad ng pamumuhay ng bawat Batang Kankaloo,” sabi ng alkalde. (Richard Mesa)

K9 ACADEMY TRAINING AAKUIN NG PCG

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang inaako ng Philippine Coast Guard (PCG) ang buong responsibilidad sa pamamahala at pagpapatakbo ng PCG-PPA K9 Academy Training Facility matapos itong i-turn-over ng Philippine Ports Authority (PPA) sa Barangay Dolores, Mabalacat, Pampanga kahapon, Nobyembre 20, 2024.

 

 

Ayon sa Coast Guard K9 Force, ang bagong training facility ay gagamitin para makagawa ng mga highly skilled trainees at working dogs.

 

 

Sinabi ng CGK9 na ang inisyatiba na ito ay idinisenyo upang palakasin ang mga kakayahan ng PCG sa pamamagitan ng paglinang ng isang kadre ng dalubhasang sinanay na mga tauhan ng K9 at mga working dogs upang suportahan ang magkakaibang mga operasyon sa seguridad sa dagat.

 

 

“By expanding the task training program, the Coast Guard ensures that professional K9 handlers and highly trained working dogs will be readily available across more regions nationwide, enhancing their ability to assist in law enforcement, search and rescue missions, and paneling tasks,” sabi pa ng CGK9.

 

 

Bukod dito, binigyang-diin ng CGK9 Force na ang paglilipat ng pasilidad ng pagsasanay ay nagmamarka ng isang makabuluhang hakbang sa pagpapatibay ng seguridad sa dagat ng bansa sa pamamagitan ng mahusay na sinanay at propesyonal na mga humahawak ng K9.

 

 

Ang delegasyon ng PPA ay pinamumunuan ni General Manager Jay Daniel Santiago, habang ang delegasyon ng PCG ay pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan PCG; Commander, Maritime Security Law Enforcement Command (MARSLEC), Vice Admiral Robert Patrimonio PCG; at Commander, CGK9 Force, Commodore Antonio Sontillanosa Jr. GENE ADSUARA

PBBM, masayang ibinahagi ang naging kontribusyon para mapapayag ang gobyerno ng Indonesia na pauwiin si Veloso sa Pilipinas

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagawa ng kanyang administrasyon para mapalitan at mapababa ang sentensiya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nasa death row ng Indonesia dahil sa drug trafficking.

 

 

Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong 2010.

 

 

Sa isang panayam matapos ang GROUNDBREAKING CEREMONY ng MERALCO TERRA SOLAR PROJECT, idinaos sa MTerra Solar Groundbreaking Site (GBS), Barangay Callos, Munisipalidad ng Peñaranda, lalawigan ng Nueva Ecija, araw ng Huwebes, sinabi ng Pangulo na hindi lamang siya kundi ang lahat ng mga nagdaang Pangulo ng bansa, sa loob ng 10 taon ay tinrabaho ang kaso ni Veloso.

 

 

“Pero ang nagawa natin napa-commute natin ‘yung sentensya niya from death sentence to life imprisonment. Tapos ang last ay napauwi na natin. At we will have to decide on what to do next,” ayon sa Pangulo.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi pa rin ng Pangulo na matagal na ang ginagawang pag-uusap ng gobyerno ng Indonesia at Pilipinas ang bagay na ito na sa kalaunan aniya ay napapayag ang gobyerno ng Indonesia na dito na lamang sa Pilipinas bunuin ni Veloso ang kanyang sentensiya.

 

 

“Naku matagal na trabaho yan. That took a long time. Well, since I came into office, what we were trying to, what we were working on, was tanggalin na sya sa death row. Unang una. To commute her sentence to life. Nung nangyari yun. When we were able to achieve that, we continued to work with them, it was still with the Widodo government at that time na kung papaano, how they will they do it na pauuwiin,” ang inihayag ng Pangulo.

 

 

“Mabuti na lang na that our relations with Indonesia, our relations with then President Widodo and all of his people, together now with our relations with the new President, President Prabowo. Dahil maganda naman ang ating relation, nakahanap sila, gumawa sila ng paraan, this is the first time that they did this. Gumawa sila ng paraan, para, sabi nila wala naman silang interes na ikulong, wala naman silang interes na iexecute si Mary Jane Veloso. Ngunit, kaya naman, hanap hanap tayo ng paraan, and they did it for us,” aniya pa rin.

 

 

Kaya malaki aniya dapat ang pasasalamat ng Pilipinas sa Indonesia, malaki dapat ang pasasalamat sa nakaraan, sa huling Pangulo at kasalukuyang Pangulo ng Indonesia na sina dating Indonesian President Joko Widodo

 

 

 

at ang kasalukuyang Pangulo ng Indonesia na si President Prabowo Subianto dahil kung hindi aniya sa mga pagsang-ayon ng mga ito ay hindi magagawang maiuuwi si Veloso sa bansa at dito bunuin ang kanyang sentensiya.

 

 

Samantala, “We will see. We will see” naman ang sagot ng Pangulo sa tanong kung mapagkakalooban ba ng pamahalaan ng clemency si Veloso.

 

 

“Hindi pa talaga maliwanag kung ano ba talaga ang how, this is the first time that this has happened. So, that everything is on the table,” ayon kay Pangulong Marcos. (Daris Jose)

Pinay tennis star Alex Eala binigyang pugay si Rafael Nadal

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

SA SOCIAL media account nito ay ibinahagi niya ang larawan na kasama si Nadal.

 

 

Mayroong caption ito ng pasasalamat dahil sa naging inspirasyon niya para pasukin ang nasabing larangin.

 

 

Naging scholar kasi si Eala ng Rafa Nadal Academy sa loob ng limang taon hanggang ito ay nagtapos noong nakaraang taon.

 

 

Itinuturingng 19-anyos na si Nadal ang kaniyang galing sa paglalaro dahil sa mga turo ng Spanish tennis star.

 

 

Magugunitang nagpasya si Nadal na magretiro pagkatapos nitong lumahok sa Davis Cup dahil sa pagkakaroon ng mga injuries.

MRT 4 groundbreaking sa first quarter ng darating na taon

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng groundbreaking ang Metro Rail Transit Line 4 (MRT4) sa loob ng darating na unang quarter ng taong 2025.

 

 

“The groundbreaking will be next year, we are just finalizing the project’s detailed engineering design and hopefully by the first quarter,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

 

Sinabi ni Bautista na nakakuha ng pondo para sa proyektong MRT4 ang DOTr mula sa Asian Development Bank (ADB). “It has been arranged, the loan is approved,” dagdag ni Bautista.

 

 

Umaasa ang DOTr na sa darating na July ay mabibigyan ng $1.5 billion ang proyektong MRT 4 para sa pagtatayo ng nasabing inprastraktura.

 

 

Noong nakaraang May ay sinabi ng ADB na may plano sila na bigyan ng $1-billion na loan sa darating na taon ang MRT 4. Sinabi naman ng Beijing-based na Asian Infrastructure Investment Bank na humingi noong nakaraang taon ang pamahalaan ng Pilipinas ng loan na nagkakahalaga ng $537.4 million.

 

 

Ang MRT 4 ay babagtas mula sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) -Ortigas Avenue junction hanggang Taytay sa Rizal na may habang 12.7 kilometers.

 

 

Kapag natapos na ang MRT 4, ito ay inaasahang makapagsasakay ng 400,000 na pasahero kada araw.

 

 

Ang MRT 4 ay isang elevated railway na may high-capacity at mass transit na magkakaron ng operasyon sa eastern na bahagi ng Metro Manila kasama ang mga populated na lugar sa probinsiya ng Rizal.

 

 

Magkakaron ito ng sampung (10) estasyon sa kahabaan ng 12.7 kilometers na rut anito at magkakaron rin ng dalawang (2) estasyon sa probinsiya ng Rizal.

 

 

Ang limang (5) estasyon sa Metro Manila ay ilalagay sa EDSA at Meralco sa Quezon City kasama ang estasyon sa Tiendesitas, Rosario, at St. Joseph sa Pasig City. Habang ang estasyon na itatayo sa Rizal ay ilalagay sa Cainta Junction, San Juan, Tikling Junction, Manila East Road, at Taytay.

 

 

Nagkaron na ng soil testing sa ibang lugar ng Ortigas Avenue bilang pre-construction activity para sa MRT 4. Ang IDOM na isang Spanish multinational ang gumawa ng consultancy work. LASACMAR

Paglilipat kay Veloso mula Indo papuntang Pinas, pinaplantsa pa ng DFA, DoJ

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINAPLANTSA pa rin hanggang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at gobyerno ng Indonesia ang mga kondisyon sa paglilipat kay Mary Jane Veloso na may ilang taon na ring nakakulong at hinatulan ng parusang kamatayan sa Indonesia dahil sa pagdadala ng 2.6 kilograms ng heroin sa naturang bansa noong 2010.

 

 

Sa Joint Statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DoJ), kapuwa sinabi nito na “we are bound to honor the conditions that would be set for the transfer, particularly the service of sentence by Mary Jane in the Philippines, save the death penalty which is prohibited under our laws.”

 

 

“The conditions for the transfer of Ms. Mary Jane Veloso are still being discussed with Indonesia,” ang nakasaad pa rin sa nasabing joint statement.

 

 

Nauna rito, binigyang-kredito naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Huwebes, ang matatag at malalim ng relasyon ng Pilipinas at Indonesia sa pagsagip sa buhay ni Veloso.

 

 

Sa katunayan, Isiniwalat ni Pangulong Marcos na mismong ang Indonesia ang nagpalit ng sentensiya ni Veloso kung saan mula sa death sentence ay ginawa itong life imprisonment.

 

 

Sa isang panayam sa Nueva Ecija, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagpapalit o pagbabago ng sentensiya mula sa death sentence na ginawang life imprisonment ay inisyal na layunin ng kanyang administrasyon.

 

 

“Since I came into office, what we were trying to… what we were working on it was tanggalin na siya sa death row, to commute her sentence to life [imprisonment],” ang sinabi ng Pangulo sa isang panayam.

 

 

“Noong nangyari ‘yun, when we were able to achieve that, we continued to work with them. It was still with the Widodo government at that time,” dagdag na wika ng pangulo, tinukoy si dating Indonesian President Joko Widodo.

 

 

Tinuran pa ng Pangulo na ang yumayabong na relasyon sa pagitan ng Maynila at Jakarta ay bitbit pa rin ng pumalit kay Widodo na si President Prabowo Subianto, na noon ay naging daan para sa pang huling desisyon para aprubahan ang paglilipat kay Veloso.

 

 

“Dahil maganda naman ang ating relasyon, nakahanap sila – gumawa sila ng paraan, this is the first time they did this,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos. (Daris Jose)

“Fake fishing boats” sa WPS ipinakalat ng Tsina

Posted on: November 22nd, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KILALA ang Tsina sa buong mundo bilang manufacture ng peke o counterfeit products, mula ulo hanggang paa, kabilang na ang iba’t ibang pagkain at gamot at pagbebenta nito sa kalapit na bansa sa Asya at kaalyadong bansa.

 

 

Ngayon ay naglalagay ito ng military vessels na nagkukunwaring bangkang pangisda sa West Philippine Sea, na minamanduhan ng pekeng mangingisda.

 

 

Ito ang pananaw ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers kasabay ng pagtuligsa sa nabunyag na covert tactics ng Tsina sa paglalagay ng permanenteng presensiya ng kanilang Coast Guard o Navy personnel sa WPS.

 

 

“Noong una at sa kasalukuyang panahon, kilala natin ang China na notorious sa pag-gawa ng mga pekeng produkto na itinitinda nila sa ating mga merkado. Ngayon, meron na rin silang fake na fishing boats – naka-disguise na fishing boats – na tinatauhan ng Chinese Coast Guard or Navy personnel at naka-deploy na sa WPS,” ani Barbers.

 

 

“Ang ulat na ito ay lumabas nang isiwalat ng ating Defense chief Gibo Teodoro ang bagay na ito matapos na siya at ang kanyang US counterpart ay magpunta at bumisita sa Palawan kamakailan lang,” dagdag ng mambabatas.

 

 

Ayon kay Barbers, kung tama ang kanyang hinala ay posibleng deploy ang Tsina ng military personnel sa Pilipinas bilang POGO workers at nagsassgawa ng surveillance sa bansa.

 

 

Wala aniyang bago sa deception tactics ng Tsina kabilang na ang 9-dash line at 11-dash line territorial line na, ayon sa Hague-based United Convention on the Law of Seas (UNCLOS) ay “no basis in law and is without legal effect.”

 

 

“The Hague-based decision, constituted under Unclos, ruled that China’s claim of historic rights to resources in areas falling within its invisible demarcation (in the West Philippine Sea) ‘had no basis in law and is without legal effect’,” dagdag nito.

 

 

 

 

(Vina de Guzman)