• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2024

LTFRB: TNVS tulad ng Grab binigyan ng 5,000 slots sa MM para sa holiday rush

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5,000 karagdagang slots para sa ride-hailing services sa Metro Manila upang mabigyan ng sapat na serbisyo ang mga pasehero ngayon kapaskuhan.

 

 

 

“These slots have been equally distributed among the different Transport Network Vehicle Service (TNVS) such as Grab operating in National Capital Region. This Christmas, in response to the request of not only Grab but all the other 19 TNVS companies. We have approved an additional 5,000 slots,” wika ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III.

 

 

Natuwa naman ang Grab sa desisyon ng LTFRB para sa suporta ng opisina upang mabigyan ng solusyon ang tumataas na demand at supply imbalance.

 

 

Dagdag ng Grab na dinagdagan na nila ang kanilang mga drivers simula pa noong nakaraang August kung saan huling nagbukas ang LTFRB ng slots para sa TNVS upang maging maaasayan ang serbisyo na binibigay ng Grab sa mga pasahero nito lalo na ngyon December.

 

 

“What we find is on the second and third week of December, demand surges at 45 percent so it is this very, very short period where demand is at its peak,” sabi ni Grab Philippine Country manager Ronald Roda.

 

 

Hinihikayat naman ni Roda na samantalahin ng mga pasehero ang kanilang kalulungsad na Grab’s Group Rides feature kung saan mamaximize ang paggamit ng kanilang fleet sa pamamagitan ng carpooling model na may mas mababang pasahe. Sa ganitong feature, pinapayagan na ang grupo na may apat na sakay ang mag hati-hati sa base fare.

 

 

“The name of the game is not so much the number of cars but how many people we can put in a car given the situation on Christmas,” dagdag ni Roda.

 

 

Kasabay nito, sinabi rin ni Guadiz na tumatanggap ang LTFRB ng aplikasyon para sa special permits ng mga public utility vehicles tulak ng buses, simula sa darating na Dec. 15. Ang nasabing special permits ay valid mula Dec. 20 hanggang January 4, 2025.

 

 

Samantala, ang mga digital advocates naman ay hinihiling sa LTFRB na magkaroon ng mahigpit na batas para sa holiday surge fees o di kaya ay magkaroon ng additional cost na computed ng algorithm upang magkaron ng mas madaming sasakyan sa lansangan.

 

 

“Every year, TNVS passengers have been complaining of fares doubling, tripling, and in some instances even higher than that, during the holiday rush, when the service is much more needed. This should stop now and LTFRB should do its job to protect the commuters,” ayon kay Digital Pinoy national campaigner Ronald Gustilo.

 

 

Sa isang pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism, lumalabas na ang GrabCar rides ay parating nagpapataw ng surge fees subalit kahit ganon lumabas sa pag-aaral na ang mga pasahero ay naghihintay pa rin ng matagal.

 

 

Ang depensa naman ng Grab ay ganon ang dynamic ng kanilang scheme upang mabigyan ng viable earnings ang mga drivers kahit na may holiday-induced traffic at congestion sa mga lansangan.

 

 

Ayon naman sa historical data ng Grab lumalabas na ang isang driver sa average na oras ay kailangan maglaan ng 14 porsiyento pa sa isang trip distance lalo na pag may holiday rush.

 

 

“We also need to look out for the drivers. We need to make sure that the fares are also fair for them so they keep driving. It’s a two-sided platform – there is the passenger and the driver and we need to be able to serve both for the holidays,” dagdag ni Roda.

 

 

Diin din ni Roda na ang Grab ay laging nasa framework ng batas ng LTFRB at regulator kung saan ay dapat sundin ang pricing ng fare.

 

 

Binigyan ng LTFRB ng kasiguraduhan ang publiko na mayron mekanismo na nakalagay upang matingnan ang surge pricing ng TNVS apps tulad ng Grab.

 

 

“We also have a system in the office that monitors the algorithm of these TNVS. And we have field agents who would casually go into these TNVS to monitor if the TNVS really has the algorithm in compliance with the directive of LTFRB,” saad ni Guadiz. LASACMAR

Woman of unshakable integrity’: PBBM, nagbigay pugay kay dating Senador Rasul

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY-PUGAY si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay dating senadora Santanina Rasul na pumanaw noong Nov. 28, sabay sabing ang pagpanaw ng senadora ay “a loss deeply felt not only by (her) family but by the entire Filipino nation.”

 

 

Sa condolence message ng Pangulo sa pamilya Rasul, sinabi ng Pangulo na ang naging kontribusyon ng namayapang senadora ay hindi lamang makasaysayan kundi isang ‘transformative.’

 

“It is with profound sadness that I extend my condolences on the passing of Senator Santanina ‘Nina’ T. Rasul,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“As the first and only Muslim woman senator to serve the Philippines, Senator Rasul broke barriers through her legislative endeavors and became a trailblazer for equality and empowerment.” aniya pa rin.

 

Winika pa ng Pangulo na ang “extraordinary life” ni Rasul at ang legacy nito na lapas sa kanyang legislative accomplishments “will forever be etched in our nation’s history and in the hearts of those she touched.”

 

As a “woman of wisdom, grace, and unshakable integrity,” Rasul’s impact was felt not only within the halls of government but also in the lives of the people “she so selflessly served,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

“She leaves behind a powerful reminder of the change one person can bring through courage, compassion, and conviction. She championed the rights of marginalized communities, opened doors for women in the military, and inspired countless Filipinos, especially those from underrepresented sectors, to believe in their potential.”ang sinabi pa rin ng Chief Executive.

 

Sa kabilang dako, nagluksa rin si Budget Secretary Amenah Pangandaman, kauna-unahang Muslim budget secretary, sa pagpanaw ni Rasul.

 

Aniya, siya ay “deeply inspired” sa namayapang mambabatas dahil sa hindi natitinag na pangako na itaas kanilang rehiyon at itagutyod ang mithiin na madamdamin niyang itinaguyod.

 

“Throughout her career, she broke barriers as the first Muslim woman senator in the country, championing education, women’s rights, and the welfare of minorities. She dedicated her entire life to faithfully representing our people and amplifying their voices,” ang sinabi ng Kalihim sabay sabing “Her memory will live on as a beacon of hope and resilience, lighting our way as we continue the meaningful work she began.”

 

Sa kabilang dako, si Rasul ay nagsilbi bilang senador mula 1987 hanggang 1992 at mula 1992 hanggang 1995 at nag-akda ng 8 batas bilang chairperson ng Senate Committee on Civil Service and Government Recognition at Committee on Women and Family Relations.

 

Ilan sa mga batas na ini-akda ni Rasul ay ang Republic Act (RA) 7192 or the Women in Development and Nation Building Act, nagbigay daan sa pagpasok ng babae ng kadete sa Philippine Military Academy, at RA 6949 nagdedeklara sa March 8 bilang National Women’s Day.

 

Ipinanganak sa Siasi, Sulu, unang nagsilbi si Rasul sa gobyerno bilang sang public school teacher sa Siasi at Jolo noong 1950s, bilang isang konsehal ng Jolo sa unang bahagi ng 1960s, at bilang Sulu Provincial Board member mula 1971 hanggang 1976.

 

Siya ay naging miyembro ng government peace panel na matagumpay na nakialam sa peace talks sa Moro National Liberation Front (MNLF) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

 

Si Rasul ay naging commissioner kumakatawan sa Muslim at iba pang ethnic minorities mula 1978 hanggang 1987 at pagkatapos ay naging board member ng Ministry of Education, Culture and Sports noong 1986. (Daris Jose)

Kamara tinanggap na ang inihaing impeachment complaint vs VP Sara

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PORMAL nang tinanggap ng Kamara ang impeachment complaint na inihain ng iba’t ibang advocacy group laban kay Vice President Sara Duterte.

 

 

Bandang alas-4:30 ng hapon tinanggap ni House Secretary General Reginald Velasco ang formal impeachment case na inihain ng 17 complainants mula sa iba’t ibang civil society groups.

 

Sinabi ni Velasco na ang HOR ay constitutionaly mandated na aksiyunan ang impeachment complaints na inihain ayon sa 1987 constitution.

 

Sinabi ni Sec Gen na batay sa konstitusyon, ang isang verified complaint for impeachment ay maaring i file ng sinumang mioyembro ng kamara batay sa isang resolution of endorsement.

 

Nilinaw ni Sec Gen. na ang pagtugon sa impeachment complaint ay hindi discretionary act ng House of Representatives kundi isang constitutional obligation.

 

Malinaw sa konstitusyon dapat matiyak ang fairness at naaayon sa rule of law.

 

Si Akbayan Rep. Perci Cendana ang nag-endorse sa nasabing impeachment complaint na inihain laban kay VP Sara.

 

Sinabi rin ni Cendana na ang kanyang pag-endorso sa impeachment complaint ay maituturing na historic dahil ito ay laban sa pangalawang pinaka mataas na lider ng bansa.

 

Sinabi ni Cendana panahon na para isara ng taong bayan ang bangungungot na dulot ni VPA Sara.

 

Ayon sa kongresista, deserve ng mga Filipino ang isang ethical, accountable at committed sa public service hindi yung ginagamit ang kaniyang authority para sa kanyang personal gain.

 

Samantala, pinangalanan ni dating Senator Leila de lima na nagsisilbing tagapagsalita ng grupo ang 17 signatories sa impeachment complaint.

 

Ang mga complainants ay sina Teresita Quintos Deles, Fr. Flaviano Villanueva, SVD, Fr. Robert Reyes, Randy Delos Santos (uncle of Tokhang victim Kian Delos Santos), Francis Aquino Dee, Leah Navarro, Sylvia Estrada Claudio, Alicia Murphy, Sr. Mary Grace De Guzman, SFIC, at dating Magdalo Rep. Gary Alejano.

 

Sinabi ni De Lima na base sa articles of impeachment lima ang grounds, ito ay culpable violations of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, and other high crimes at hindi lang nakasama rito ay ang treason. (Vina de Guzman)

37 hot spots sa 2025 election -DILG

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nasa 37 na lugar sa bansa ang posibleng hot spots para sa 2020 elections.

 

 

 

Ayon kay Remulla, sa nasabing bilang, 28 ang nasa Bangsamoro Auto­nomous Region in Muslim Mindanao, mayroon sa 3rd at 4th District ng Leyte, at Central Luzon.

 

 

Umaasa si Remulla na hindi magkakaroon ng gulo sa halalan sa susunod na taon. Aniya, inila­latag naman ng Phi­lippine National Police (PNP) at ng local government units ang kanilang seguridad para sa midterm elections.

 

Regular din ang pakikipag-ugnayan ng mga awtoridad sa mga barangay upang mas madaling matukoy ang mga taong posibleng maging dahilan ng gulo.

 

 

Noong buwan ng Setyembre, inatasan ni PNP chief PGen. Rommel Marbil ang mga commanders na simulan ang pagtukoy sa mga posibleng “election areas of concern” para sa halalan sa 2025.

 

 

Bago pa man ang halalan, may mga naiulat nang karahasan laban sa elected at mga kandidato na local officials sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

 

Isa sa pinakahuling insidente ay naitala sa Tantangan, South Cotabato kung saan isang dating barangay chairman na naghain ng kandidatura para vice mayor ay binaril-patay noong November 18.

 

 

Naniniwala naman si Remulla na maisasakatuparan ang hangad na payapang eleksiyon kung magkakaroon lamang ng maayos na usapan sistema sa mga kandidato.

Harry Roque, nagsumite ng counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSUMITE ang kampo ni dating presidential spokesperson Harry Roque, araw ng Martes ng isang counter-affidavit na naka-notaryo sa Abu Dhabi.

 

 

Sinabi ni Prosecutor General Richard Fadullon na ang counter-affidavit ukol sa qualified trafficking complaint na inihain ng Department of Justice (DOJ) laban kay Roque ay naka-subscribe sa Abu Dhabi noong Nobyembre 29.

 

“A counter-affidavit was submitted by the lawyers of Harry Roque. It would appear that he had a document which was notarized, pero doon siya sa Abu Dhabi,” ani Fadullon.

 

 

Ang pahayag na ito ni Fadullon ay kasunod ng paunang pagsisiyasat ukol sa qualified trafficking complaint na inihain laban sa Cassandra Li Ong, awtorisadong kinatawan ng POGO firm Lucky South 99, Roque, at iba pa.

 

 

Si Roque, nahaharap ngayon sa arrest order na ipinalabas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, hindi personal na dumalo sa pagsusuri.

 

 

Samantala, isa namang Immigration Lookout Bulletin Order ang ipinalabas laban kay Roque at sa 11 iba pa noong Agosto. (Daris Jose)

Pinas, gagamitin ang digitalization, people-participation laban sa korapsyon

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

GAGAMITIN ng gobyerno ang “two-pronged approach” gaya ng ‘digitalization at people participation’ sa pakikipaglaban sa korapsyon.

 

 

Sa pagsasalita sa 5th State Conference on the United Nations Convention against Corruption (UNCAC) Implementation and Review sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na ang pag-streamline at digitalisasyon ng government processes ay makababawas sa mga paraan ng korapsyon habang ang government transactions ay magiging mas transparent at accessible sa publiko.

 

Ang inisyatiba, ayon sa Pangulo ay isinasagawa na sa pamamagitan ng New Government Procurement Act, na magtatatag ng ‘standardized electronic bidding at payment systems’ sa pamamagitan ng pinahusay na Philippine Government Electronic Procurement System.

 

“By streamlining and digitalizing processes, we are improving the efficiency and fostering trust and accountability between government and the public,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

 

Binigyang diin pa rin ng Pangulo ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga filipino na magpartisipa sa good governance sa pamamagitan ng electronic Freedom of Information platform.

 

“Aside from implementing laws and regulations, the government must also encourage the practice of core values that would help promote integrity,” ayon sa Pangulo.

 

“We must shift away from merely enforcing compliance with laws, rules, and regulations, to steering our people towards the practice of integrity in their daily lives,” ang winika ng Punong Ehekutibo.

 

“Integrity that is rooted in katapatan, malasakit, pakikipag-kapwa, and bayanihan (honesty, care, fellowship, and the spirit of community) – these need to be reinforced and sustained. This is the kind of transformation that we envision, which guides not only our systems of governance but our behaviors as citizens of this Bagong Pilipinas.”ang ipinahayag ng Pangulo.

 

Ang UNCAC ay isang “international anti-corruption treaty ratified, accepted, approved, and acceded to by at least 180 countries worldwide, including the Philippines.”

 

Binigyang diin ng komperensiya ang presentasyon at implementasyon ng Integrity Management Plan (IMP) na pangangasiwaan ng Office of the President – Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs (OP-ODESLA).

 

Samantala, patuloy naman aniyang ipinagkakapuri ng Pilipinas ang obligasyon nito sa UNCAC sa pamamagitan ng IMP, na kanyang inilarawan bilang isang ‘tool’ para palakasin ang ‘individual at systems integrity’ sa buong burukrasya. (Daris Jose)

QC LGU, nagpaalala sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAALALA ang Quezon City Local Government sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus.

 

 

Ito ay kasunod ng ginagawang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagpasok ng amihan sa bansa.

 

Ayon sa QC LGU, ang flu na dulot ng influenza virus na nakakaapekto sa ilong, lalamunan at baga na maaring magdulot ng mild hangang sa malubhang karamdaman ay nakakahawang sakit.

 

Sakaling hindi umano agad maagapan, posibleng ikamatay ng isang tao na nadapuan ng flu virus.
Dahil dito’y pinapayuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente sa lungsod na alamin ang mga sintomas ng flu virus at kung paano ito maiiwasan.

 

Aniya, ang sinumang makaranas ng mga sintomas gaya ng lagnat, ubo, sakit ng ulo, sipon, pamamaga o pananakit ng lalamunan, pananakit ng kalamnan, pagtatae at pagsusuka agad magpakonsulta sa doctor.

 

Iwasto ang pag-inom ng gamot na ibinigay ng doctor, manatili sa bahay at magkaroon ng sapat na pahinga, uminom ng wastong dami ng tubig upang maiwasan ang dehydration at ugaliin ang wastong paghuhugas ng kamay. (PAUL JOHN REYES)

Impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain sa Kongreso: Walang kinalaman dito ang Office of the President – ES Bersamin

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“THE Office of the President has nothing to do with it.”

 

 

Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 

Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito at ang pag-endorso nito ay karapatan naman ng kahit na sinumang miyembro ng Kongreso.

 

“The President’s earlier statement on the matter is unambiguous,” ang sinabi ni Bersamin, tinukoy ang kamakailan na naging pagtutol ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa anumang balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.

 

Para sa Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino ang pag-impeach kay Duterte.

 

“This is not important. This does not make any difference to even one, single Filipino life, so why waste time on this?” ayon sa Pangulo.

 

“What will happen to the– if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time, for what? For nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I’m concerned, it’s a storm in a tea cup,” aniya pa rin.

 

Nauna rito, kinumpirma rin ni Pangulong Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

 

Nakasaad sa naturang mensahe na: “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints.”

 

Una rito, inihayag ng ilang kongresista na wala pang pinag-uusapan sa Kamara de Representantes kaugnay sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte.

 

Bunga ito ng hidwaan ni Duterte kina Marcos at pinsan nito na si Speaker Martin Romualdez.

 

Sa Kamara nagmumula ang reklamong impeachment, na kapag naaprubahan ay dadalhin sa Senado upang “litisin” ang opisyal na nais tanggalin sa posisyon.

 

Ang mga impeachable official sa bansa ay ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman.

 

Bukod sa usapin ng kung papaano o saan ginamit ni Duterte ang kaniyang confidential funds na iniimbestigahan ng mga kongresista, naging kontrobersiyal ang isiniwalat ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kanya. (Daris Jose)

CALOOCAN LGU, NAGSAGAWA NG HIV SUMMIT

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan, sa pamamagitan ng mga hakbangin ng City Health Department (CHD) ng summit na nakasentro sa human immunodeficiency virus (HIV) na dinaluhan ng mga opisyal at miyembro ng Sangguniang Kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

 

 

 

Nakatuon ang nasabing kumperensya sa pagpapakalat ng tamang impormasyon hinggil sa HIV, kabilang ang mga preventive measures, myth-busting, at posibleng paggamot na may sukdulang layunin na payagan ang mga lider ng kabataan na maikalat ang tumpak na kamalayan tungkol sa virus sa kanilang sariling mga komunidad.

 

 

Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang CHD para sa matagumpay na kaganapan, na binibigyang diin ang kahalagahan nito na madagdagan ang mga kasalukuyang programang pangkalusugan para sa mga may HIV at ang prayoridad ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng pinakamataas na tulong medikal para sa lahat.

 

 

Pinasalamatan din ng alkalde ang CHD at lahat ng mga dumalo sa naturang programa para mapalago at maipakalat ang tamang kaalaman ukol sa HIV, para na rin sa kapakanan ng lahat ng mga Batang Kankaloo.

 

 

“Bilang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan, kabahagi kayong lahat ng adbokasiya ng pamahalaang lungsod na bigyan ang lahat ng ating mga kababayan ng tama at angkop na serbisyo-medikal, lalo na laban sa mga ‘di-karaniwang sakit na dulot ng HIV,” aniya.

 

 

Kinilala rin niya ang pangangailangan para sa isang mas ligtas at mas inklusibong espasyo para sa mga HIV-positive na indibidwal, at tiniyak sa lahat na ang kanyang administrasyon ay patuloy na makikipagtulungan sa bawat stakeholder upang patuloy na i-upgrade ang mga programang inilatag upang matugunan ang nasabing isyu.

 

 

“Isa lamang po ito sa mga maliliit ngunit mabisang hakbang upang gawing mas ligtas at malayo sa diskriminasyon ang mga kababayan nating mayroong HIV, kaya asahan niyong patuloy tayong makikinig at makikipagtulungan upag mas mapaganda pa ang mga lahat ng ating mga programang pangkalusugan,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Ads December 4, 2024

Posted on: December 4th, 2024 by @peoplesbalita No Comments