APRUBADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkakaloob ng Service Recognition Incentive (SRI) sa mga kuwalipikadong government personnel para sa fiscal year 2024, kabilang na rito ang mga guro at military at uniformed personnel.
Ang bawat isa ay makatatanggap ng P20,000.
Sa ilalim ng administrative order (AO) 27 na tinintahan ni Pangulong Marcos, ang one-time SRI ay ipagkakaloob sa civilian personnel sa national government agencies (NGAs); military at police personnel; fire at jail personnel sa ilalim ng Department of the Interior and Local Government; at mga tauhan ng Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard, at National Mapping and Resource Information Authority.
Ang mga eligible government employees ay magsisimulang makatatanggap ng SRI sa Disyembre 15.
Sa kabilang dako, sa ipinalabas na kalatas ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, pinuri nito si Pangulong Marcos para sa pagbibigay pahintulot sa pagpapalabas ng SRI sa lahat ng government employees para sa fiscal year 2024.
Inihatid naman ni Pangandaman ang “good news” na ito sa mga public school teachers, at maging sa military at uniformed personnel, makatatanggap ng P20,000 halaga ng SRI para palakasin ang kanilang morale. Para naman sa natitirang government employees, ang SRI ay nasa uniform rate at hindi lalagpas sa P20,000.
Ang SRI ay ipagkakaloob sa civilian personnel sa NGAs, kabilang na iyong naasa state universities and colleges (SUCs) at government-owned and -controlled corporations, nanunungkulan bilang isang regular, contractual o nasa casual position.’
Ang insentibo ay ibibigay naman sa mga nakakompleto ng 4 na buwan ng satisfactory government service ‘as of Nov. 30, 2024,’ at patuloy na nagta-trabaho sa gobyerno.
“Those who have rendered less than four months of satisfactory service as of Nov. 30, 2024 will be entitled to a pro-rated SRI,” ayon sa Kalihim.
Ang mga empleyado ng senado, Mababang Kapulungan ng Kongreso, Hudikatura, Tanggapan ng Ombudsman, at constitutional offices ay maaaring mapagkalooban din ng one-time SRI ng kani-kanilang office heads na nasa uniform rate at hindi lalagpas sa P20,000, huhugutin mula sa available Personnel Services (PS) allotment ng kani-kanilang ahensiya.
Ang SRI ay maaari ring ipagkaloob sa mga empleyado ng local government units (LGUs), kabilang na iyong mga nasa barangay, depende sa financial capability ng LGUs.
Sa kabilang dako, ayon sa AO 27, ang local water districts ay maaari ring magbigay ng insentibo sa kanilang mga empleyado sa uniform rate na idedetermina ng kanilang boards of directors.
Ang SRI ay isang insenstibo na ipinagkakaloob sa mga government workers, bilang pagkilala sa kanilang matibay na commitment at dedikasyon para patuloy na makapagbigay ng epektibo at episyenteng public service sa kabila ng mga hamon dulot ng iba’t ibang domestic at external factors.
“Employees engaged without employer-employee relationship, and whose compensation are funded from non-PS appropriations are excluded from the grant of SRI,” ayon kay Pangandaman sabay sabing “These include consultants and experts engaged for a limited period to perform specific activities or services with expected outputs; laborers engaged through job contracts and paid on piecework basis; student workers and apprentices; and individuals engaged through job orders, contracts of service and other similar arrangements.”
Ang kopya ng AO 27, ay isinapubliko araw, Biyernes, kagyat na magiging epektibo sa oras na mailathala sa Official Gazette o pahayagan na may general circulation. (Daris Jose)