• April 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2024

P500 umento sa sahod ng ­kasambahay sa NCR kasado sa 2025

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSIYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga kasambahay sa National Capital Region (NCR) at Northern Mindanao ay makakatanggap ng umento sa kanilang buwanang sahod sa Enero.
Ayon sa DOLE, ina­prubahan na ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang Wage Order No. NCR-DW-05 na inisyu ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) para sa NCR na nagpapa­hintulot sa P500 monthly increase para sa mga kasambahay sa rehiyon.
Anang DOLE, dahil sa naturang umento, ang monthly minimum wage ng naturang sektor sa rehiyon ay magiging P7,000 na.
Kinatigan din ng NWPC ang wage order na inisyu ng RTWPB Region X, na nag-aapruba sa P1,000 increase para sa mga kasambahay sa rehiyon, sanhi upang maging P6,000 na ang kanilang matatanggap na monthly minimum wage.
Samantala, ang P23 hike naman para sa minimum wage sa non-agriculture sector, at P35 para sa agriculture sector ay nakatakdang i-release sa dalawang tranches, ay aprubado na rin ng RTWPB.
Ayon sa DOLE, sa sandaling tuluyan nang maipatupad, ang ­minimum wage rates sa Northern Mindanao ay tataas na mula P446 at naging P461. (Daris Jose)

SUNSHINE, dapat lang kainggitan dahil nakatagpo ng katulad ni ATONG

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HAPPY kami for Sunshine Cruz.  
At 47 years old ay may dumating pang isang pinagmamalaki siya at hindi itinago sa publiko ang relasyon nila.
Ang negosyanteng si Atong Ang ay 68 years old, kumbaga more than 20 years ang agwat ng edad ni Sunshine kay Atong.
Ito marahil ang ginawang isyu ng ilang detractors ni Sunshine.
Sa totoo lang sa mga nagko-comment ng hindi maganda sa video na kumakalat nina Sunshine at Atong na kung saan inawitan ng huli ang una ng kantang “Bakit Ngayon Ka Lang Dumating” ay naiinggit lang ang mga ito.
Sa inyo nababagay ang mga comment ninyong “cringe,” “yuck,” “ewww,” “asim kilig” .
At her age na makatagpo pa ng isang kagaya ni Atong ay dapat n’yo ngang kaiingitan ang isang Sunshine Cruz.
Sa totoo lang din naman kung merong nagnenega sa relasyon nila ay higit na nakararami ang pabor at boto ang mga ito kay Sunshine for Atong and vice versa.
Kahit more than senior ay yummy pa rin naman ang negosyante at  he doesn’t look his age.
Kahit na buong ningning na inamin na ni Atong sa publiko ang relasyon nila ay “no comment“ pa rin si sunshine.
At sa mga nagsasabing hindi bagay ang dalawa.
Well, anong gusto n’yo para kay Sunshine yung karelasyon na jobless at walang pera at umaasa lang sa kung anuman ?
Sa totoo lang din naman walang tinatapakan sina Atong at Sunshine.
Technically, Atong is single. Matagal na siyang hiwalay. Ganoon din naman si Sunshine di ba?
So dapat maging happy na lang tayo sa dalawa.
***
ANG isyu lang sa ngayon ay hindi pa raw pwedeng pakasalan ni Atong si Sunshine.
Kahit na kasi annuled na ang kasal ni Sunshine kay Cesar Montano ay hindi pa annulled ang kasal ni Atong sa wife niya dahil kahit gusto nila ni Sunshine ang isa’t isa, at gustuhin na nilang magpakasal.
Pero kilala nating maimpluwensiya ang negosyante kayang kaya rin naman nitong gawan ng paraan ang bagay na yan.
Ang nakatutuwa lang ay ang nakarating sa amin na matagal na raw palang pinapantasya ni Atong si Sunshine.
Kaya nga sobrang tuwa raw si Atong nang maging sila na ni Sunshine.
Samantala, may nagsasabing mahilig daw si Atong sa mapuputi, kaya ang lahat ng mga naging karelasyon niya ay may makikinis at mapuputi.
At kasana na rito yung kauna-unahang taga-showbiz na nakarelasyon ng mayamang negosyante na kung saan nagkaroon diumano ng anak siya na ang sabi ay maaring nasa 30 years old na raw.
Well, huwag na nating hanapin ang naging karelasyong taga-showbiz ni Atong dahil matagal nang panahon na wala na sa sirkulasyon.
(RUEL J. MENDOZA) 

No. 4 most wanted person ng Malabon, timbog

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section, (WSS) na naispatan sa kanilang lugar sa Brgy. Ibaba ang presensya ng 22-anyos na akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
          Agad bumuo ng team ang WSS, kasama ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS7) at District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD saka ikinasa ang police operation na nangresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng hapon sa Camus Extension, Bgry. Ibaba.
          Ang akusado na nakatala naman bilang top 5 MWP sa NPD ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 289, Malabon City para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
          Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang dedikasyon at mabilis na pagkilos ng lahat ng unit na nagsama-sama para masiguro ang matagumpay na operasyong ito.
Aniya, manatiling matatag sa ang NPD sa pangako nito sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Dagdag niya, ang patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad at stakeholder ay isang pundasyon ng kanilang mga pagsisikap na bumuo ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa detention facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

FRANCINE at SETH, patuloy na nagpapakilig sa ‘My Future You’

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
NITONG December 22, tumanggap na naman ng bagong Parangal sa GAWAD PILIPINO AWARDS 2024 ang mayoralty candidate ng Maynila na si Super Mahra Tamondong. 
Ito ang HERO AWARD 2024 na kumikilala sa kaniya bilang number one Philanthropist ng City of Manila and empowered woman.
Personal na tinanggap ni Super Mahra ang kanyang award sa Gawad Pilipino na ginanap sa Aberdeen Court.
Kabilang siya sa tumanggap ng Hero Awards na iginawad rin sa malalaking personalidad at politicians gaya ni PAO CHIEF Persida Acosta.
Muli ay iniaalay ni Super Mahra ang parangal na ito sa kapuwa Manilenyo.
“Alam niyo po, ang nararamdaman ko ay hindi para sa aking sarili. Kung hindi nararamdaman ko na po talaga yung pag-angat at tunay na pag-asa para sa Maynila.
“Masaya po akong tanggapin ang isang award, na kinikilala po ang kabutihang loob natin at kagandahan sa ating mga ginagawa. Sapagka’t iba pala, kapag alam mo na merong naka-aapreciate, sa iyo meron pong tumitingin na meron pa ring kumikilala para sa kabutihan.” Say pa ni Super Mahra.
Samantala, kahit may flu ay instead na magpahinga kasama ng kanyang team at line-ups sa 2025 midterm election.
Lumabas pa rin ng kalsada sa iba’t-ibang distrito ng Maynila si Super Mahra, para maghandog ng pamasko sa mga residente at magpakain ng libre.
Dahil sa kilalang loyalista ng Marcos family ay nakatanggap ng Christmas Card si Super Mahra, mula sa ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.
And she is very flattred sa sweetness at pag-remember sa kanya ni PBBM ngayong holiday season. Lalo raw magpapatuloy ang suporta ni Super Mahra kay PBBM.
Nakasuporta naman sa candidacy ni Super Mahra ang maraming loyalista sa Maynila.
**
ANG FranSeth loveteam nina Francine Diaz at Seth Fedelin ang bagong magpapakilig sa big screen.
Pinatunayan ito ng dalawa sa kanilang very successful Gala Night ng kanilang MMFF movie sa SM Megamall Cinema 2 last Dec.16.
Yes maliban sa dinumog ito ng fans ay dumadagundong ang buong Cinema 2 sa tilian, hiyawan at palakpakan ng mga fans tuwing ipinapakita ang mga eksena ng kanilang iniidolong loveteam na sobra naman talaga kasing magpakilig.
At may pa suspense pa yung movie na dahil sa magkaiba ng panahon ay hindi natutuloy ang dapat sana’y pagtatagpo ng mga character nina Karen(Francine) at Lex(Seth) na nagkakilala sa pamamagitan ng isang dating app.
Paano naman nasa panahon pa ng 2009 si Lex at sa taong 2024 naman itong si Karen.
Basta kakaiba ang plot ng story ng ‘My Future You’, at first time gumawa ng ganitong tema ng pelikula ang Regal Entertainment.
Bonggang-bongga rin ang  twist at kuwento nito na  pangpamilya kaya bagay na bagay sa Kapaskuhan. Ipinakita rin ng pelikulang ito na kahit gaano man katagal na panahon ang pag-aantay.
Kapag “true love” ang namayani sa bawat isa ay pagtatagpuin pa rin ng tadhana at ganito nga ang nangyari sa FranSeth na nagkita finally sa kilometer zero sa monumento ni Jose Rizal sa Luneta Park.
Parehong mahusay rin ang performance ng dalawa sa first big movie project nilang ito. Litaw na litaw rin ang kagandahan ni Francine, at super gwapo ni Seth sa lahat ng kanyang mga eksena at anggulo, mala-Hollywood actor ang dating niya rito.
Hindi ordinaryong rom-com movie ang ‘My Future You’, may hatid na aral ito sa mga manonood ng pelikula na nagsimula noong December 25.
May nagsasabing sa sampung entries sa 50th Metro Manila Film Festival ay dark horse raw itong ‘My Future You’.
Pero kung pagbabasehan ang malawak na fan base ng FranSeth, sa buong Pinas at yung pagdumog ng mga tao sa isinagawa nilang mall and school tours. Binabati pala namin si Direk Crisanto B. Aquino, at marami ang humahanga at pumupuri sa project niyang ito. I’m sure, masusundan pa ito ng another project.
Si Direk Crisanto rin ang sumulat ng kwento ng ‘My Future You’, na masasabing the best!
Well,  supported din ang FranSeth nang pawang mahuhusay sa kani-kanilang mga papel na sina Almira Muhlach, Christian Vasquez, Marcus Madrigal, Bodjie Pascau, Mosang, and Izzy Canillo. As of presstime, ay isa ang pelikulang ito ng Regal Entertainment sa pinililahan sa 50th Metro Manila Film Festival.
Kaliwa’t-kanang ang positive reviews na natatanggap ng ‘My Future You.’
(PETER LEDESMA) 

Ads December 28, 2024

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments

Para matigil na ang PRICE MANIPULATION: DA, tinitingnan ang pag-alis sa brand labels sa imported na bigas

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
INANUNSYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang plano nitong alisin ang brand labels sa imported na bigas sa layuning labanan ang price manipulation.
“After conducting a series of market visits, we now have reason to believe that some retailers and traders are intentionally confusing Filipino consumers with branded imports to justify the high prices of rice,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas.
Ang hinala ni Tiu Laurel, may ilang industry players ang “manipulating the system to inflate prices and exploit Filipino consumers.”
Tinitingnan din ni Tiu Laurel ang pag-alis sa mga label gaya ng “premium” at “special” sa imported rice, sinasabing ang pagle-label ay ginagamit lamang para bigyang katarungan ang ‘inflated prices’ o pagpintog ng presyo.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na ang locally-produced rice ay exempted mula sa plano para protektahan ang mga magsasakang Filipino at mangangalakal.
“Importing rice is not a right but a privilege,” ang winika ni Tiu Laurel sabay sabing “if traders are unwilling to follow our regulations, we will withhold permits for rice importation.”
Tinukoy ang data na nakuha mula sa retailers, traders, at importers, tinuran ni Tiu Laurel na ” that markup of P6 to P8 per kilo from the landed cost of imported rice is sufficient to profitably sustain the operations of all parties involved in the supply chain.”
Binigyang halimbawa nito, kung ang bigas ay nabili mula sa Vietnam sa halagang P40 per kilo, ang consumer price ay hindi dapat lalagpas sa P48 per kilo.
Sinabi ni Tiu Laurel na kinokonsidera ng DA ang ilang hakbang para tugunan ang ‘rice price volatility’ kabilang na ang pag-invoke sa food security emergency sa ilalim ng inamiyendahang Rice Tariffication Law, pinahihintulutan ang pagpapalabas ng buffer stocks mula National Food Authority (NFA) para maging matatag ang presyo.
Tinitingna din ni Tiu Laurel ang opsyon na payagan ang mga government corporations gaya ng Food Terminal Inc., na umangkat ng mahalagang dami ng bigas para makipagkumpetensya ng direkta sa mga private importer.
“Despite President Ferdinand Marcos Jr.’s reduction of the rice tariff to 15% from 35% in July, prices of some rice brands have remained stubbornly high, frustrating both the government and consumers,” ayon sa DA.
Dahil dito, sinabi ni Tiu Laurel na tinitingnan niya na tapikin ang Department of Finance, partikular na ang Bureau of Internal Revenue, na i-audit ang financial records ng mga rice trader upang matiyak ang pagsunod ng mga ito sa ‘fair pricing practices’ at maging ang Department of Trade and Industry para mag-assist sa pagmo-monitor sa presyo ng bigas sa mga pamilihan at grocery. (Daris Jose)

VP Sara, nangako ng tuloy-tuloy na serbisyo mula sa OVP sa kabila ng pagbaba ng ratings

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
TINIYAK ni Vice President Sara Duterte na patuloy na magbibigay-serbisyo ang kanyang tanggapan sa mga mamamayang Filipino sa kabila ng pagbaba ng ‘approval at trust ratings’ nito.
Sa isang panayam, hindi lamang nangako si VP Sara na ipagpapatuloy ng OVP ang pagbibigay serbisyo sa mga Filipino kundi nangako rin ito na paghuhusayin at palalakasin pa ang serbisyong ibinibigay sa mga mamamayang Filipino.
Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos na lumabas ang resulta ng Pulse Asia’s Ulat ng Bayan nationwide survey nitong weekend kung saan tinatayang nasa 12% naman ang ibinaba ng trust ratings ni VP Sara kung saan mula 615 noong Setyembre ay nakakuha na lamang ito ng 49%.
Ipinakita rin ng nasabing survey na mula naman sa Classes ABC, halos tumabla ang approval at disapproval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (39% at 32%) gayundin ang magkadikit na datos ng kaniyang trust at distrust ratings na (40% ay 36%) mula sa nasabing social classes.
Habang nakakuha naman 80% na approval at 81% trust ratings si VP Sara mula sa Mindanao.
Ang survey ay isinagawa mula Nov. 26 hanggang Dec. 3,
Samantala, ang latest survey results ay matapos aminin ni VP Sara na kumontak na ito ng taong ia-assassinate ang First Couple at si Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinapatay. (Daris Jose)

OCD, naghahanda para sa posibleng mas mataas na alert level bunsod ng Bulkang Kanlaon

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
SINABI ng Office Civil Defense (OCD) na naghahanda na ito para sa posibleng pagtataas sa alert level matapos makita ng mga eksperto ang tatlong potensiyal na senaryo kaugnay sa situwasyon sa Kanlaon Volcano.
“We are preparing for a heightened alert level, and (the Philippine Institute of Volcanology and Seismology) has advised us to maintain Alert Level 3. Preparations are underway in Himamaylan City, where we are establishing a tent city in anticipation of a possible escalation,” ang sinabi ni Regional Task Force Kanlaon chairperson Raul Fernandez sa isang kalatas.
Sinasabing may itatayong mga tolda sa bayan ng Vallehermoso at Guihulngan City.
Tinukoy ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), sinabi ng OCD na ang pagragasa ng lava , marahas na pagsabog o isang plateau na volcanic activity ang maaaring mangyari sa bulkan.
Base sa kanilang assessments at paghahambing sa ibang aktibong bulkan, sinabi ni Fernandez na ang mga nakalipas na pagsabog ay maaaring mauwi sa pagragasa ng lava.
Sa ulat naapektuhan ng aktibidad ng Bulkang Kanlaon ang 21,889 katao o 7,153 pamilya sa 21 barangay ng Bago City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, at San Carlos.
Maaari namang maapektuhan ng ashfall ang mga lugar na malapit sa bulkan dahil sa masamang panahon na nangingibabaw at umiiral sa Cadiz City, Manapla, Sagay City, at Victorias City.
Naapektuhan naman ng pag-ulan ang 7,320 katao o 2,305 pamilya. (Daris Jose)

Pagbabalik-tanaw sa pinakamalaking kwento ng taon at pagdiriwang ika-20-taon ng ’24 Oras’

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
IPINAGMAMALAKI ng GMA Integrated News ang “2024: The GMA Integrated News Year-End Report,” isang komprehensibo at mabilis na pagsusuri sa pinakamahahalagang kwento ng taon.
Ang espesyal na ulat na ito ay hindi lamang magtatampok sa mga pinaka-maimpluwensyang kaganapan ng 2024 ngunit kukuha din ng mga aral mula sa nakalipas na 20 taon ng kahusayan sa pamamahayag bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng ’24 Oras.’
Hosted by award-winning veteran anchor Mel Tiangco at suportado ng mga pinagkakatiwalaang correspondent ng Team Totoo, ang espesyal na multi-platform na ito ay nangangako na magbibigay ng insight, konteksto, at pagmumuni-muni sa mga kaganapang humubog sa 2024.
Kabilang sa mga pangunahing highlight ng “2024: The GMA Integrated News Year-End Report,” ang Extreme Weather – Isang taon ng walang humpay na bagyo at hamon sa panahon na ihaharap ni Amor Larrosa; West Philippine Sea – Tumataas na tensyon at alitan sa teritoryo ni Joseph Morong; Olympic Glory – Ang mga tagumpay at personal na drama ni Carlos Yulo ni JP Soriano; Mga Kontrobersiya ng POGO – Paglalahad ng kwento ni Alice Guo ni Mav Gonzales; Pastor Apollo Quiboloy – Mga legal na laban na nakapalibot sa KOJC [Kaharian ni Hesukristo] ni Jun Veneracion; Duterte Drug War – ICC inquiries at congressional investigations ni Jonathan Andal; VP Sara & PBBM – Ang bali ng unity team ni Ivan Mayrina; Mga Pangunahing Krimen at Aksidente – Mga Trahedya na yumanig sa bansa ni Emil Sumangil; Chocolate Hills Controversy – Isang debate sa kapaligiran at kultura ni Maki Pulido; Ang Pagbabalik ni Mary Jane Veloso – Isang pinakahihintay na pag-uwi ni Maki Pulido; Mga Update sa Eleksyon 2025 – Mga paghahanda at inobasyon para sa paparating na halalan ni Sandra Aguinaldo; at Showbiz Chika – Highlights mula sa entertainment world, kabilang ang GMA-ABS collaboration at ang pinakaaabangang concert ni Olivia Rodrigo ni Aubrey Carampel.
Ginawa ng GMA Integrated News at pinalakas ng GMA Integrated News Research, ang espesyal na ito ay magiging available sa mga telebisyon, radyo, at online na platform, na sumasalamin sa pangako ng GMA Integrated News sa paghahatid ng mapagkakatiwalaan, napapanahon, at malalim na pamamahayag.
Tumutok ngayong gabi, Disyembre 28, 2024, sa ganap na 6:15 PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA, na may delayed telecast sa GTV sa 9:30 PM, at live streaming sa GMA News Facebook at YouTube channel. Ipapalabas din ang programa sa Super Radyo DZBB.
Huwag palampasin ang isang beses sa isang taon na kaganapang naglalapit sa iyo sa mga kuwentong humubog sa ating bansa.
Para sa higit pang mga update, sundan ang GMA Integrated News sa social media o bisitahin ang www.gmanetwork.com.
(ROHN ROMULO)

Upang matiyak na naaayon sa Saligang Batas’: PBBM, masusing nirerepaso ang mga item sa GAA -Bersamin

Posted on: December 28th, 2024 by @peoplesbalita No Comments
MASUSING nirerepaso ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang 2025 General Appropriations Bill upang matiyak na umaayon ito sa Saligang Batas.
“The President and the Cabinet are RIGHT NOW (with or without the calls) thoroughly reviewing the various items of the GAA [General Appropriations Act] to make them conform to the Constitution, and to see to it that the budget prioritizes the main legacy thrusts of the Administration,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa viber message sa mga mamamahayag.
“The President has been most prudent in programming and spending of our limited fiscal resources,” ang winika pa ni Bersamin.
Inaasahan naman na titintahan ni Pangulong Marcos ang P6.352-trillion panukalang national budget para sa susunod na taon sa darating na Disyembre 30, 2024.
“Signing on 30 December 2024 after the Rizal Day program in Manila,” ang nauna namang sinabi ni Presidential Communications Office acting Secretary Cesar Chavez.
Matatandaang, una nang itinakda ang paglagda sa panukalang 2025 General Appropriations Bill noong Disyembre 20, subalit naunsiyami ito para “to allow more time for a rigorous and exhaustive review.”
Nauna nang sinabi ni Bersamin na “certain items and provisions of the national budget bill will be vetoed in the interest of public welfare, to conform with the fiscal program, and in compliance with laws.”
“Fiscal years 2001, 2004, and 2006 all had reenacted budgets,” ang sinabi naman ng Department of Budget and Management.
“There were also partial reenacted budgets in fiscal years 2003, 2005, 2008, and 2009,” ayon pa rin sa departamento. (Daris Jose)