
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
KINONDENA ng isang mambabatas ang naging pahayag ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte na pagpapatayin umano ang mga senador para magbigay daan sa mga kandidato ng kanilang partido.
Love is in the air, and Robinsons Appliances is turning up the volume on romance! This Valentine’s season, get ready to sing your heart out with the JBL Partybox Encore Essential—a powerful, portable speaker perfect for karaoke date nights.
Want to win one? Here’s your chance to bring the music home with Robinsons Appliances’ exciting giveaway!
How to Win a JBL Encore Speaker
Joining is easy! Simply purchase any appliance at Robinsons Appliances from February 12 to 21—no minimum spend required.
Then, strike a pose at the Sweet Deals photo booth and share your moment on Facebook. Make sure your post is public, tell your sweet deal story with Robinsons Appliances, and include the hashtag #
The photo with the most likes and shares wins, so rally your friends and family to support your entry! One lucky winner will be announced on February 28, 2025. Be sure to check Robinsons Appliances’ social media channels for the announcement.
Not only do your purchases give you a shot at winning the JBL Partybox Encore Essential, but they also come with an extra treat!
When you buy select appliances, you’ll receive a ₱300 Red Ribbon e-voucher. Whether you’re upgrading your home or surprising a loved one, these items qualify you for both the giveaway and the sweet reward.
Here are some must-have appliances to check out:
4.0 HP Floor Mounted Inverter Air Conditioner
Keep the Valentine’s vibes cool and comfortable with the Carrier 4.0 HP Floor Mounted Inverter Air Conditioner (SKU: 41046)—because love should be warm, but your space shouldn’t be!
Designed for ultimate convenience, this sleek air conditioner ensures quiet, high-efficiency cooling. With a remote-controlled system for effortless temperature adjustments, a self-diagnostic feature for hassle-free maintenance, and a wide-angled airflow to evenly cool your space, every moment becomes refreshingly comfortable.
Previously priced at ₱110,000, you can get this for only ₱96,995 today and with free Wow Fiesta Mini Videoke.
Carrier Optima 2.0 HP Split Type Inverter Air Conditioner
This Valentine’s, give your loved one the gift of comfort with the Carrier Optima 2.0 HP Split Type Inverter Air Conditioner (SKU: 41317)—because nothing says “I care” like a home that’s always cool, fresh, and inviting.
This smart air conditioner ensures fast, even cooling with its Turbo Mode and Follow Me Function, keeping the perfect temperature right where you are. Plus, with its Wind Avoid Me feature, you can enjoy a refreshing breeze without the chill hitting too close.
Now available for ₱49,995, you’ll get ₱2,205 OFF its original price and a FREE installation (first 10 feet) to save a couple of pesos. Isn’t that sweet?
Carrier Aura 2.0 HP Split Type Inverter Air Conditioner
This Valentine’s, set the perfect mood with the Carrier Aura 2.0 HP Split Type Inverter Air Conditioner (SKU: 41309)—because love should be warm, but your space should stay refreshingly cool.
Engineered with full DC inverter technology, it keeps your home at the ideal temperature while saving on energy costs. The Turbo Mode and Fast Cooling feature ensures instant comfort, while the Breeze Away function offers a gentle airflow for uninterrupted sleep. Plus, with the Intelligent Eye Sensor, it smartly adjusts to reduce power consumption when no movement is detected.
Get yours for just ₱56,995 while stocks last! As a Valentine’s treat, you can enjoy a FREE installation (first 10 feet) on us.
Carrier 2.0 HP Window Type Aircon Inverter
This Valentine’s, show your love in a way that lasts—by creating a cool and refreshing space with the Carrier 2.0 HP Window Type Inverter Aircon (SKU: 43925).
Whether you’re spending the day relaxing together or enjoying a peaceful night’s sleep, this unit ensures consistent comfort with its Inverter Technology, Econo Feature, and Energy Savings Plug—helping you stay cool without the high energy costs.
The Turbo Function quickly chills the room, while the 8-in-1 Air Filter System keeps the air fresh and clean for a healthier home. No stuffy air here! With customizable timers and Sleep Mode, you can set the perfect temperature and let the aircon do the rest.
Save ₱4,305 when you buy this unit this February!
Carrier 1.5 HP Window Type Air Conditioner
Picture this: You and your partner are cozied up for a movie night, wrapped in soft blankets, popcorn in hand—except the warm air is threatening to ruin the moment.
Enter the Carrier 1.5 HP Window Type Air Conditioner (SKU: 37938)—the perfect solution to keep things cool without disrupting your time together. Designed for quiet comfort, it runs at just 55 decibels, so you can still hear your partner’s soft mumbles in their sleep. The remote control and digital display let you adjust the temperature without leaving your cuddle spot. With a cooling capacity of 12,000 BTU, it’s powerful enough to create a refreshing retreat, whether you’re enjoying a slow morning in bed or a peaceful night’s sleep.
Get yours today for only ₱30,995.
It’s a sweet life at Robinsons Appliances
Make this Valentine’s one to remember—cool, comfortable, and filled with sweet surprises!
Whether you’re upgrading your home for cozy nights in or finding the perfect gift, Robinsons Appliances has something special for you. Join the Sweeter Treats giveaway at any Robinsons Appliances store and get a chance to win a JBL Encore!
Pro tip: Choose from the selected items under the Sweeter Treats Promo and score a FREE ₱300 Red Ribbon e-voucher—because a thoughtful gift and a little sweetness go a long way.
Stay in the loop on our latest promos and offers—visit our website today!
NAGTALA ng panibagong record sa kaniyang career si Kevin Durant.
Siya kais ang pang-walong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng 30,000 points.
Nakamit nito ang record sa laban ng Phoenix Suns kontra Memphis Grizzles.
Ang 36-anyos na Suns forward ay kabilang na sa listahan na pinangunahan nina LeBron James, Kareem Abdul Jabbar, Karl Malone, Kobe Bryant, Michael Jordan, Dirk Nowitzki at Wilt Chamberlain na mayroong 30,000 points.
Mayroong 27 point per game at 52 percent ang shooting ni Durant.
Itinuturing ni Durant na isang karangalan ang mapabilang sa nasabing record.
INAABANGAN na ang matinding bakbakan ng pinakamahuhusay na collegiate volleyball players sa bansa sa paglarga ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na papalo sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa second day ng liga, magtutuos agad ang defending champion National University at Season 85 titlist De La Salle University sa Linggo.
Babanderahan ni two-time UAAP MVP Bella Belen ang matikas na ratsada ng Lady Bulldogs na magtatangkang tapusin ang kanyang collegiate career ng magarbo.
Makakasama ni Belen sa arangkada si UAAP Season 86 Finals MVP Alyssa Solomon kasama sina Vangie Alinsun, Erin Pangilinan, Sheena Toring at playmaker Cams Lamina.
Sa kabilang banda, malaki ang nawala sa La Salle partikular na sa middle blocker position matapos ang paglisan ni Thea Gagate.
Ngunit nananatiling matikas ang Lady Spikers dahil nariyan pa rin si outside hitter at dating Rookie-MVP na si Angel Canino na siyang aasahan sa opensa ng tropa.
Aariba rin para sa La Salle si middle blocker Amie Provido at outside hitter Aleiah Malaluan.
Bigo ang La Salle na makapasok sa finals noong nakaraang taon matapos itong matalo sa University of Santo Tomas sa crossover semis.
Kaya naman desidido ang Lady Spikers na makaresbak sa taong ito.
Magsisimula ang season sa Sabado tampok ang salpukan ng University of the East at University of the Philippines sa ala-una ng hapon.
Kasunod nito ang laban ng Golden Tigresses at Far Eastern University sa alas-3 ng hapon.
PINAYUHAN ni dating presidential spokesman Salvador Panelo si National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago na bumalik sa law school matapos nitong irekumenda ang paghahain ng criminal charges laban kay Vice President Sara Duterte.
Tila ipinamukha ni Panelo kay Santiago na ang rekomendasyon nito ay walang “factual o lawful basis.”
Inirekomenda kasi ng NBI ang paghahain ng Inciting to Sedition at Grave Threats charges laban kay VP Sara makaraan ang public declaration ng huli na di umano’y kumontak na siya ng taong papatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kapag ang plano sa kanya na ilikida siya ay maging matagumpay.
“The Director of the NBI should go back to law school,” ang sinabi ni Panelo.
Giit pa ni Panelo, kung tutuusin ,ang rekomendasyon ng NBI na maghain ng criminal charges na Grave Threats at Inciting to Sedition laban kay VP Sara ay walang basehan sa batas at walang katotohanan.
“There can be no crime of a ‘threat’ from the grave,” he said.
“Neither has VP Sara publicly and tumultuously incited the people to perform acts of sedition as defined by law or to go against the constituted authorities or to stop the enforcement of laws,” dagdag na wika nito.
Malinaw naman ani Panelo na ang naging pagkilos ng NBI ay nangangamoy pulitika.
Dahil dito, hinikayat niya ang NBI na ituon ang pansin at atensyon sa paghuli sa mga kriminal sa halip na sayangin ang public funds para wasakin lamang ang reputasyon ni VP Sara.
“It obviously is tainted with politics, and still part of the demolition job on her by her political enemies to put her out of contention in the presidential race of 2028,” ang sinabi ni Panelo.
“The NBI should instead focus on stopping criminals from committing crimes or filing charges against them instead of harassing VP Sara with ludicrous and baseless criminal complaints. It’s a waste of taxpayers money,” aniya pa rin. (Daris Jose)
TIMBOG ang isang tricycle driver na sideline umano ang pagbebenta ng droga matapos makuhanan ng mahigit P100K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw.
Ikinasa ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation matapos magawang makipagtransaksyon ng isa sa mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay alyas “Negro”, 37, residente ng Brgy. Tonsuya na nakalita sa kanila bilang drug pusher.
Dakong alas-12:30 ng hating gabi nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU ang suspek sa Palmario II Street, Brgy. Tonsuya, matapos bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Col. Baybayan, nakuha sa suspek ang humigi’t kumulang 16.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P112,200, at buy bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.
Binati ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang Malabon police sa kanilang pangako sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan ng patuloy na kampanya nila laban sa droga. (Richard Mesa)
KAHINA-HINALA ang paggalaw ng fisheries research ship ng China sa labas ng Luzon, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ipinunto ng PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na ang Lan Hi 101– na isa sa pinakamalaking fisheries research ships ng China ay nagpapanatili ng tinatayang distansya na 24 hanggang 25 nautical miles habang bumibiyahe malapit sa rehiyon.
Bagama’t sinabi sa kanila ng Lan Hai 101 na “invoking the right of innocent passage” lang ito, ibinunyag ni Tarriela na ang research vessel ay bumiyahe sa parehong distansya habang lumilipat malapit sa ilang Luzon areas tulad ng Palawan, Mindoro, Zambales, Pangasinan at Ilocos.
Nitong Miyerkules, iniulat ni Tarriela na ang Lan Hai 101 ay huling naispatan sa tanyang 62 nauti cal miles sa baybayin ng Babuyan island .
Ang presensya ng Lan Hai sa loob ng archipelagic na tubig ng bansa ay unang iniulat ni Ray Powell, direktor ng SeaLight, isang programa ng Gordian Knot Center ng Stanford University para sa National Security Innovation.
Sinusubaybayan ng PCG ang mga galaw ng CCG vessels na labag sa batas na tumatakbo sa loob ng exclusive economic zone ng bansa at malapit sa Zambales mula noong Enero. (Gene Adsuara)