• March 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2025

FIRST REACTIONS PRAISE BONG JOON HO’S “MICKEY 17” AS A ZANY AND THOUGHT-PROVOKING SATIRE, A “PERFECT FILM FOR OUR TIME”

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

THE highly anticipated “Mickey 17,” director Bong Joon Ho’s first feature since winning the Best Picture Academy Award (as well as Best Director and Best Original Screenplay) for his 2019 film “Parasite,” had its world premiere in London, followed by another premiere at the 75th Berlin Film Festival, on February 13 and 15, respectively. Reactions from the premieres have come out, praising Bong’s latest film as worth the wait.

 

Watch the trailer for “Mickey 17”: https://youtu.be/A1frxqUGvFc?si=a0vL4cW5Et7pHvUz

 

Indiewire’s critic David Ehrlich posted that “Bong Joon Ho is still very good at making movies.”

 

In their review, Deadline Hollywood said, “Based on the book by Edward Ashton, director Bong has adapted [the book] with a distinctive cinematic style as a dizzyingly funny but pertinent satire.”

 

Total Film posted their initial reaction to the film, lauding it as “zany… a thrilling, unexpected sci-fi drama” and in their review said that the film is “funny and charming from the get-go, building out a fascinating sci-fi world from its central conceit that ends up speaking to powerful and timely concerns through humor, satire, and exhilarating genre elements. Bong Joon Ho’s best English movie to date and arguably Robert Pattinson’s best movie.

 

SlashFilm was very impressed with what they called another masterpiece from director Bong, saying, “With a sublime cast, ‘Mickey 17’ is a deeply heartfelt and uncomfortably funny musing on capitalism, colonization, and corruption. It’s a perfect film for our time, and Bong Joon-ho’s best English-language film yet.”

 

Adam McKay, himself a writer/director (“Don’t Look Up,” “The Big Short,” “Anchorman” movies), couldn’t help singing his praises for “Mickey 17,” saying, “It’s hilarious, wild, sometimes genuinely heartbreaking and a perfect allegory for the hellscape stage of capitalism we’re in right now.”

 

“Mickey 17” tells the story of Mickey Barnes (Pattinson), an unlikely hero who has found himself in the extraordinary circumstance of working for an employer who demands the ultimate commitment to the job… to die, for a living. It also stars Naomi Ackie, Steven Yeun, Toni Collette and Mark Ruffalo.

 

“Mickey 17” will first open in South Korea on February 28 and will be available in other markets a week after.

Warner Bros. Pictures presents A Plan B Entertainment Production, An Offscreen Production / A Kate Street Picture Company Production, A Film By Bong Joon Ho: “Mickey 17.” The film will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures, and will open in Philippine cinemas March 5, 2025.

Photo & Video Credit: “Warner Bros. Pictures”

(ROHN ROMULO)

Inalala na palaging nag-aaway noon sa set: DENNIS, sinigurado na alam niya ang sumpong at kiliti ni JENNYLYN

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGKAROON na ng iba’t-ibang pagpanig ang mga netizen sa isyu nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
Naungkat na rin ng mga netizen ang mga dating isyu ni Derek Ramsay sa babae at sa dating pinakasalan niya dahil sa “pakisawsaw” raw nito at ng misis na si Ellen Adarna bilang pagdepensa sa “babae/kaibigan” na naugnay sa mag-asawa.
Nakausap naman namin si Gabby Eigenmann, ang kapatid ni Andi.
Pero kumpara kay Derek o Ellen, sinabi ni Gabby na wala siyang comment o anumang statement sa nangyari o nangyayari.
Ang katwiran ni Gabby, “you know, Andi, yes, she’s my sister. And of course, she knows that as her kuya, I’ll always be here to support her.
“But you know, Andi is old enough. Kaya na nila ‘yan. Everyone has their own problems in life. Maaayos din ‘yan. They’re all adult.”
In short, feeling namin, kumpara kina Derek at Ellen, ayaw makisawsaw ni Gabby. True naman at heto nga, dedma na sina Andi at Philmar sa isyu at parang walang nangyari.
***
SA February 26 na ipalalabas ang “Everything About My Wife” na reunion movie ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
At kumpara noong huli silang nagsama, mas matured na raw sila ngayon.
Sabi nga ni Dennis, “I think, more than 10 years na rin no’ng ginawa namin ang ‘Rosario.’ Napansin ko, gaya nang sinabi ni Direk (Real Florido), kapag nagma-mature, mas sineseryoso mo ang trabaho.
“Natatandaan ko, noong panahon na ‘yon, nasa shooting kami, palagi pa kaming nag-aaway noon.  Palagi kaming nag-aaway sa set.”
Natatawang sang-ayon din ni Jennylyn sa sinabi ni Dennis, “Oo! Buti na lang, heavy drama ang ginagawa namin noon.”
Dugtong pa rin ni Dennis sa sinasabi, “Napapansin ko rin ngayon, hindi na kami masyadong nag-aaway. Mas nako-control na namin ang emotion namin. Mas matured na, professional. Mas may respeto na kami sa trabaho ng isa’t-isa.”
Ayon pa kay Jennlyn, iba rin daw ang marami ng pinagdaanan mga bata pa lamang sila. Mas nagiging professional na raw sila.
“Hindi na namin pwedeng isama ang personal na buhay o problema natin dito,” sey niya.
Sa tanong kung nalalaman ba talaga ng isang asawa ang lahat tungkol sa kanyang asawa o misis, sinigurado ni Dennis na alam niya ang sumpong ni Jen.
“Sa tingin ko po, napaka-importante na makilala mo ang makakasama mo habang buhay.  Mahirap kung meron kang madidiskubre na hindi mo gusto bago kayo magpakasal.
“Pero kung nando’n na kayo sa isang relasyon, nakatali na kayo. Kailangan mo talaga alamin bawat isa. Para malaman mo kung ano ang mga sumpong niya, paano mo siya pasasayahin. Kailangan malaman mo ang mga kiliti niya, mga sikreto niya, kailangan malaman mo talaga.
“Kasi nga, pakikisamahan mo siya habang-buhay. At kapag hindi mo alam ‘yon, yun ang unang pinagmumulan ng problema.”
(ROSE GARCIA) 

First time na makagawa ng serye sa GMA: TONY, happy sa role at open sa kahit anong project

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINANONG si Tony Labrusca kung ano ang mga inaasahan niyang proyektong ipagkakaloob sa kanya ng GMA, matapos niyang tanggapin ang unang serye na ‘Binibining Marikit.’
“Well, I’m open to any project.
“Lahat naman ng project na nabigay sa akin I’m very proud of and really grateful for.
“And what I’m most excited about this role is that I’m playing a character that just feels so cool and I know we’re not supposed to… I mean, we’re not our characters, that’s why we’re playing these roles.
“But this one just seems like it’s so Tony, I don’t know, just in a way where it’s just something personally that I’ve always wanted to play.
“So I’m like, this is right up my alley. I mean, I’ve definitely played these roles before but they’re few and far in between.
 “So that’s why whenever I get a role like this, it’s like, okay, this is like my baby for now, I really wanna enjoy this, just take in every moment and really enjoy it.”
Kasama nina Tony at Herlene Budol sa ‘Binibining Marikit’ sina Pokwang at ang male pageant winner/model-turned-leading man na si Kevin Dasom, at sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, John Feir, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras, at Cris Villanueva.
Sa direksyon ni  Jorron Lee Monroy napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV.
***
BILANG mahilig tayo sa mga Zombie movies, papanoorin tiyak namin ang “Lisik Origin Point” na isang purong Pinoy na zombie movie na palabas ngayon sa mga sinehan.
Although nahahawig ito, na nagkataon lamang, sa Korean Netflix series na “All Of Us Are Dead”, tiniyak ng direktor ng pelikula na si John Renz Cahilig na hindi niya kinopya ang nabanggit na  Netflix series.
Ang cast ng “Lisik Origin Point” ay sina Nika De Guzman, Grace Rosas Tayo, Jeremiah Allera, and Rosemarie Smith, at may espesyal na partisipasyon ang aktor na si Ramon Christopher.
May pahayag ang executive producer ng pelikula na si Dominic Orjalo kung bakit lahat ng cast members ng kanyang pelikula, maliban kay Ramon Christopher, ay mga baguhan?
“Unang-una po, lahat naman po tayo ay nag-umpisa sa baguhan, bago naging malaking artista.
“So why not give break to our students, ordinary people like our students.
“Kaya nga po nag-produce ako ng movie ay para din ma-enhance at ma-improve ang kanilang skill sa pag-acting.
“Who knows sa DIST pala ang stepping stone para sa ibang paggawa ng pelikulang Pilipino, kung paano gumawa ng kakaibang film.
“Who knows baka ito po yung hudyat ng pagbabago ng film industry.”
Pag-aari ni Dominic ang Dominic Institute of Science and Technology na maraming sangay, partikular sa Bulacan.
Produced ng Domniel International Films Production at distributed ng PinoyFlix, nasa “Lisik Origin Point” rin sina Jossah Mae Sison, Rain Mirasol, Joshua Cantuba, at Revers Quilario.
(ROMMEL L. GONZALES)

Sobrang excited at ramdam din ang pressure: JERICHO, opisyal ng pinangalanan bilang bida ng ‘Quezon’

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
OPISYAL nang inihayag ng TBA Studios noong Pebrero 18 na ang aktor na si Jericho Rosales ang gaganap bilang title role ng Philippine President na si Manuel L. Quezon sa biographical historical movie na “Quezon.”
Pangungunahan ni Rosales ang cast ng inaabangang biopic, na inaasahang susunod sa buhay ni Quezon, isang Pilipinong abogado, at sundalo na naging Pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944.
Ang “Quezon” ay magsisilbing pinakahihintay na pagbabalik ni Rosales sa Philippine cinema pagkatapos ng mahabang pamamahinga.
Huli siyang napanood sa big screen sa 2018 romantic drama na “The Girl in the Orange Dress.”   Sa telebisyon, nagbida siya kamakailan sa hit ABS-CBN drama na “Lavender Fields.”
“I feel so honored to be with this team. Coming to a script like this which is so potent and so entertaining, I feel so lucky and happy.
“Here, you will see Quezon as a person.  He’s not written as a hero.  He is cunning, he is charming, he is intelligent.  Quezon is such an interesting character to play;  there are so many things I can put into the role to build Quezon as a character.  That adds to the pressure, but at the same time I am very excited,” pahayag pa ng aktor.
Ayon naman kay TBA Studios President and COO Daphne Chiu, “We are honored to welcome Jericho Rosales as he leads the cast of ‘Quezon.’ Jericho’s unbelievable screen presence has made him one of our best actors today, and we’re all looking forward to working with him and seeing how his artistry can give life to one of the country’s most charismatic yet divisive political figures.”
Samantala, ibinahagi ng direktor at co-writer ng “Quezon” na si Jerrold Tarog na si Rosales ay na-cast dahil sa husay na ipinakita ng aktor noong nag-audition siya para sa role ni Gen. Antonio Luna sa 2015 historical biopic na “Heneral Luna.”
Bibida rin sa “Quezon” sina Mon Confiado at Benjamin Alves, na muling gagampanan ang role nila sa mga naunang pelikulang “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.”
Nagbabalik si Confiado bilang Emilio Aguinaldo at karibal ni Quezon sa pulitika.   Samantala, ginagampanan ni Alves ang nakababatang Manuel L. Quezon.
Makakasama rin sa “Quezon” sina Karylle Yuzon bilang asawa ni Quezon, Aurora Quezon;  Romnick Sarmenta bilang Sergio Osmeña, ang unang Bise Presidente ng Pilipinas;  JC Santos bilang Manuel Roxas;  at Cris Villanueva bilang ang nakatatandang Joven Hernando, ang tanging kathang-isip na karakter sa serye ng pelikula.
Nagpahiwatig si Chiu na paparating na ang mas kapana-panabik na mga anunsyo ng natitira pang cast ng biopic.
Ang “Quezon” ay bahagi ng cinematic “Bayaniverse” ng TBA Studios, isang serye ng mga pelikulang batay sa kasaysayan ng Pilipinas na kinabibilangan ng mga box office hits na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”, nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa at sa buong mundo sa huling bahagi ng taong ito.
(ROHN ROMULO)

18-anyos Brazillian tennis player Joao Fonseca tinanghal bilang pinakabatang nagwagi ng ATP Tour Title

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI maipaliwanag ni João Fonseca matapos na makamit ang unang ATP Tour Title sa Argentina Open.

Ang 18-anyos na Brazillian tennis player ay pang-10 sa pinakabatang manlalaro na nagwagi ng ATP Tour Title.

Tinalo nito si Francisco Cerundolo ng Argentina sa score na 6-4, 7-6(1) sa laro na ginanap sa Buenos Aires.

Tinagurian din siya ang pangalawang pinakabatang South American na nagwagi ng titulo sa Open Era kasunod ni Guillermo Perez Roldan ng Argentina noong 1987.

Sinabi nito na hindi siya makapaniwala sa naging tagumpay niya dahil ang kaniyang pangarap lamang ay maglaro ng tennis.

EJ Obiena nakagintong medalya sa torneo sa Poland

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKABAWI na ngayon si World Number 4 at Asian champion pole vaulter EJ Obiena matapos na magbulsa ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Torun, Poland.

Naitala ng two-time Olympian ang 5.80 meter clearance para manguna sa siyam na mga kalahok.

Nasa pangalawang puwesto ang pambato ng Poland na si Piotr Lisek an nagtala lamang ng 5.70meter.

Habang na sa pangatlong puwesto si Sondre Guttormsen ng Norway.

Ito na ang pangalawang gintong medalya na nakuha ni Obiena na ang una ay sa Metz Moselle Athletor sa France noong nakaraang buwan.

Tila pagbangon din itong maituturing dahil sa nagtapos lamang siya sa pangpitong puwesto sa mga walong manlalaro sa ISTAF Indoor tournament na ginanap sa Dusseldorf, Germany.

Tinuligsa ng Makabayan ang desperadong hakbang ng kampo ni VP Duterte

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINULIGSA ng Makabayan ang desperadong hakbang umano ng kampo ni Vice President Duterte para makaiwas sa pananagutan.

 

“This is nothing but a last-ditch effort to escape scrutiny over the millions of confidential funds that were questionably spent under her watch. Kung walang tinatago, bakit ayaw humarap? First, she refused to appear in House hearings, now she wants to prevent the impeachment trial altogether,” ayon kay Rep. France Castro.

 

Sinabi naman ni Rep. Arlene Brosas na malinaw na paulit-ulit ang pattern ni Duterte na hindi umano haharap sa mga pagdinig ng kamara at ngayon ay gustong pigilan nito ang impeachment court.

 

“This is the height of arrogance and contempt for public accountability. Ang tanong: saan napunta ang milyon-milyong confidential funds?” pagtatanong ni Brosas.

 

Ayon kay Kabataan Party List Rep. Raoul Manuel, nararapat na malaman ng sambayanan ang katotohanan.

“The Vice President cannot hide behind her Davao lawyers forever. Kung talagang malinis ang konsensya, harapin ang impeachment court,” giit ni Manuel.

 

Iginiit ng Makabayan bloc na balido at tama ang pagkakahain ng impeachment complaint laban kay Duterte matapos makasunod ito sa isinasaad sa konstitusyon.

 

Nanawagan naman ang mga mambabatas sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na inihain ng supporters ng bise presidente at payagan ang proseso ng impeachment na magtuloy base na rin sa isinasaad sa konstitusyon.

 

“All the more the Senate must convene as an impeachment court without delay. The Filipino people deserve no less than full transparency and accountability from their public officials,” pahayag ng mga mambabatas. (Vina de Guzman)

Sa pagdiriwang ng Oral Health Month, 664 Malabueños nakatanggap ng libreng dental services

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA pagdiriwang ng Oral Health Month ngayong Pebrero, nag-alok ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng libreng dental services, kabilang ang mga konsultasyon at pagbunot ng ngipin sa 664 na residente.

Ang inisyatiba na inorganisa ng City Health Department (CHD), ay ginaganap tuwing Martes at Huwebes bilang bahagi ng Espesyal na Dental Mission, at sa mga katapusan ng linggo bilang bahagi ng patuloy na medikal na misyon ng lungsod.

Binigyang-diin ni Mayor Jeannie Sandoval ang kahalagahan ng pagpapanatili ng oral health na binanggit na ang malusog na ngipin ay hindi lamang mahalaga para sa wastong nutrisyon ngunit nakakatulong din sa tiwala at pangkalahatang kagalingan ng isang tao.

“Napakalahalaga na mapangalagaan din ng bawat Malabueno ang kanilang mga ngipin. Maliban sa ito ay kailangan upang tayo ay makakain ng maayos, ay nakakadagdag pa ito sa ganda ng mga ngiti ng bawat isa. Kapag ito ay maayos, maipapapakita natin ang ating kasiyahan ng hindi nahihiya o natatakot,” ani Mayor Sandoval.

Ipinaliwanag ni Dr. Bernadette Bordador, Officer-in-Charge ng CHD, na ang programa ay kinabibilangan ng mga dental professional na nagbibiyahe sa iba’t ibang barangay bilang bahagi ng mga medical mission ng lungsod. Ang kahalagahan aniya ng wastong kalinisan sa bibig, at mabuting kalusugan ng ngipin ay mahalaga hindi lamang para sa isang kaakit-akit na ngiti, ngunit para sa pangkalahatang nutrisyon at kalinisan din.

Ang libreng dental mission ay magpapatuloy hanggang Marso, at iaanunsyo ang mga iskedyul nito

Sa ating pagsisikap na mapabuti ang kalusugan ng ating kapwa Malabueño, isinasagawa po natin ang mga aktibidad na ito. Kung gaano kahalaga ang maayos na pangangatawan, ganoon din kahalaga ang pangangalaga ng ating mga ngipin. Lumapit lamang po sa ating pamahalaang lungsod at abangan ang mga susunod na aktibidad kung kinakailangan ng serbisyong pangkalusugan,” sabi ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Celibacy, hindi aabandonahin ng simbahan

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MANANATILING  mahalagang disiplina sa mga lingkod ng simbahan ang celibacy.

 

Sa pastoral visit ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown,  pinawi nito ang agam-agam ng ilang mananampalataya hinggil sa pag-apruba ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa Permanent Diaconate na pinangangambahang magiging daan para pahintulutang magkaroon ng asawa ang mga pari.

 

“The Church will never abandon celibacy; you should not be afraid of that because celibacy of the priesthood is absolutely integral to the church’s discipline,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Brown.

 

Ayon kay Archbishop Brown bagama’t pinahihintulutan ang mga may asawa sa permanent diaconate hindi ito nangangahulugang magbabago ang pananaw at turo ng simbahan hinggil sa celibacy ng mga pari at binigyang diin na dadaan sa masusing proseso at konsultasyon sa mga maybahay ang mga may asawang nagnanais maglingkod sa simbahan bilang permanent deacon.

 

“Permanent Diaconate is not an innovation. It’s always part of the church’s life,” saad ng nuncio.

 

Matatandaang September 2023 nang aprubahan ni Pope Francis ang kahilingan ng CBCP na magkaroon ng permanent diaconate sa Pilipinas habang nitong nagdaang 129th plenary assembly ng mga obispo ay inaprubahan ang Ratio for Permanent Deacon na magsisilbing gabay sa pagpapatupad nito sa bansa.

 

Kabilang sa isinasaad sa Ratio na hindi obligado ang simbahan o ang mga diyosesis na bigyan ng sahod ang mga permanent deacons kaya kabilang sa mga dapat isaalang-alang ng mga nagnanais maglingkod sa bokasyon ay ang pagiging economically stable na makasasapat suportahan ang sariling pangangailangan.

 

Sinabi naman ni Archbishop Brown na matapos maaprubahan ng CBCP ang Ratio ay ipapadala ito sa Vatican para sa pormal na pag-apruba ng santo papa.

 

Kabilang sa mga gawain ng permanent deacon ang pagpapahayag ng Ebanghelyo, homiliya sa mga banal na misa, paggawad ng sakramento ng binyag, pagdadala ng banal na komunyon sa mga may karamdaman, paggawad ng sakramento ng kasal (kung pahihintulutan ng obispo) at pakikinahagi sa mga kawanggawa at pastoral ministry ng kristiyanong pamayanan. (Gene Adsuara)

Imbestigasyon ng Tri Comm ukol sa pagkalat ng pekeng balita at malisyosong content sa social media platform, nilinaw ng mambabatas

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILINAW ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na ang ginagawang imbestigasyon ng Tri Comm ukol sa pagkalat ng pekeng balita at malisyosong content sa social media platform ay hindi para gipitin ang freedom speech o expression.

“I just would like to reiterate that the objective of the hearings the Tricom is conducting is not to suppress the freedom of expression or the freedom of speech,” pahayag ni Barbers sa ginanap na pagdinig ng three-committee panel, na pansamantalang panmamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop.

Batid aniya nila na nakasaad sa konstitusyon ang kalayaan na ito at nirerespeto nila ang karapatan ng bawat isa ukol sa kanilang opinyon o pahayag.

Subalit, taliwas aniya sa inaakala ng iba ay hindi ginagawa ang pagdinig para gipitin ang ang karapatan na ito.

“Contrary to what others may be thinking, this is not in any way a tool to suppress their expressions or opinions on certain issues, whether they may be political or economic or even other points of views,” ani Barbers.

Wala rin aniya sa kanya kung tinitira siya ng mga vloggers ngunit dapat maging maingat ang mga ito sa ipinopost on line, dahil kung napatunayan itong peke o kasinungalingan ay may mga batas na magpaparusa sa mga ito.

“Kaya po tayo may mga batas, and let me remind them too that this right, though it is provided for in our Constitution, is not an absolute right. So para lang po malinaw, to put the discussion in the context of what we want to achieve in this hearing,” pahayag nito. (Vina de Guzman)