• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 21st, 2025

Spurs center Wembanyama hindi makakapaglaro sa natitirang season dahil sa injury

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

Itinuturing ngayon ng San Antonio Spurs na isang malaking setbaks sa kanilang koponan ang hindi paglalaro ng kanilang All-Star Center na si Victor Wembanyama.

Ayon sa Spurs na nagtamo ng blood clot sa kaniyang kanang balikat ang French player.

Dahil dito ay pinayuhan siya ng doktor na agad itong isailalim sa operasyon kaya hindi ito pinaglalaro sa natitirang season.

Ang 7-foot-3 na player ay naging number 1 overall pick ng Spurs noong 2023 NBA Draft.

Mayroon itong average points na 24.3, 11 rebounds, 3.8 blocks at 3.7 assists.

EJ Obiena nagtala ng silver medal sa torneo sa Germany

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

Patuloy ang pamamayagpag ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ngayong taon.

Nakapagbulsa ito ngayon ng silver medal sa Men’s Pole Vault International Springer-Meeting Cottbus 2025 sa Germany.

Nagtapos ito sa 5.65 meters na siyang tama lamang para makuha ang pangalawang puwesto.

Nanguna naman sa torneo si Sam Kendricks ng USA na mayroogn 5.75m.

Habang nasa pangatlong puwesto si Bo Kanda Lita Baehre ng Germany na nagtala ng 5.65m.

Magugunitang noong nakaraang araw ay nagbulsa si Obiena ng gintong medalya sa Orlen Copernicus Cup na ginanap sa Poland.

POGO-like scam hubs, target ang mga Pinoy

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) laban sa lumalalang bilang na POGO-like scam hubs na patuloy na nagre-recruit at pananamantala sa mga Pinoy.

Ang scam hub na ito ay katulad sa illegal na POGO na pinipilit ang mga biktima sa online activities kabilang ang catphishing at investment scams.

 

“In 2024 alone, we intercepted 118 Filipinos linked to online scamming schemes. This year, we are seeing a more brazen approach, with traffickers constantly shifting their tactics,” ayon kay Viado.

 

Ang pagpapauwi sa 12 Filipino na biktima ng trafficking galing sa Myanmar na magpapatunay na laganap ang ganitong scam hubs.

 

Pinangakuan ang mga biktima ng trabaho pero nauwi sa online scammers at dumating pa ito sa physical abuse, mahabang oras ng trabaho na walang bayad at nauuwi pa ito sa electric shocks bilang kaparusahan  ang ni-rescue ng gobyerno.

 

“Our immigration officers remain on high alert, but we urge Filipinos to stay vigilant and verify job offers through legitimate government channels before traveling abroad,” he said. “The government is working tirelessly to protect you, but vigilance starts with you—be cautious and safeguard yourself from these scams,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)

Piliin ang kandidato base sa paninindigan

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Commission on Elections sa mga botante na dapat pumili ng kandidato sa 2025 elections base sa kanilang paninindigan sa mga isyu hindi base sa kanilang personalidad.

 

Binanggit ni Comelec Chairman George Garcia ang kahalagahan na obserbahan ang mga kandidato sa panahon ng kampanya at alamin ang kanilang pamana sa mga problema ng bansa.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Garcia kung kung maaaring pilitin ng poll body ang mga kandidato na dumalo sa mga debate para sa 2025 elections.

 

Inulit ni Garcia na habang walang batas na nagre-require sa mga kandidato na makilahok sa mga debate, sinabi niya na lahat ng kandidato ay dapat atasan na iprisinta ang kanilang plataporma sa harap ng publiko.

 

Aniya, dapat may karampatang parusa sa disqualification for refusal to attend election debates.

 

“Yun po, kailangan sana namin ng batas sa bagay na yan”, sabi ni Garcia.

 

Sinabi rin niya na ang pagpasa ng batas na nag-uudyok sa mga kandidato na dumalo sa mga debate ay isang paghahanda para sa halalan sa 2028.

 

Nauna niyang sinabi na ang Comelec ay maaaring mag-endorso ng mga debate na pinangungunahan ng mga media outlet. (Gene Adsuara)

TV REPORTER na si Jay Ruiz, bagong PCO Sec- Chavez

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINUMPIRMA ni outgoing Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na ang TV reporter na si Jay Ruiz ang papalit sa kanyang iiwanang posisyon.

Sa katunayan, kinausap na niya si Ruiz hinggil dito. Ipinaalam niya rito na ipakikilala siya sa PCO Mancom, sa darating na Lunes, Pebrero 24 upang sa gayon ay masimulan na niya ang week-long transition.

 

 

“So that by March 1, it’s already a plug-and-play for him as the new PCO Sec,” ang sinabi ni Chavez.

“I am also hoping that this kind of transition can be institutionalized in all other agencies,” aniya pa rin.

Nauna rito, nagbitiw na sa puwesto si Chavez.

Nagsumite na si Chavez ng kanyang irrevocable resignation noong Pebrero 5, 2025.

“To use a broadcast parlance, I will be signing off as Acting Secretary of the Presidential Communications Office on February 28, 2025, or anytime earlier when my replacement is appointed,” ang nakasaad sa kalatas na ipinalabas ni Chavez.

Gayunman, sinabi ni Chavez na mananatili siyang “as a believer” ng administrasyon. Ipagpapatuloy niya ang pagsuporta rito kasabay ng pagsusulong ng kanyang pagsusumikap sa labas ng gobyerno at mananatili sa public service.

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Chavez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa oportunidad na maglingkod, isa aniyang habang-buhay na karangalan na naging posible dahil sa tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanya.

 

 

“Although there is much for which I am grateful and a long list of people to thank, I leave with only one regret: in my estimation, I have fallen short of what was expected of me,” ang sinabi pa ni Chavez.

“It is to this fidelity to the truth—the bedrock belief to which I have anchored myself as a former broadcast journalist—that I must tell the unvarnished truth about my resignation,” aniya pa rin.

Simula aniya noong unang araw ng kanyang pagtatrabaho hanggang sa tumagal ng dalawang taon at 7 buwan, sinabi ni Chavez na “I have always served each day as if it were my last, and thus I strive to give my best. As I always remind those who work with me at PCO, I am only as good as my last performance.”

At pagdating ng huling araw, aalis siya ng may kaparehong sigasig, pasasalamat at pag-asa para mas magandang kinabukasan para sa bansa na minahal ng lahat.

“Dios Mabalos, Mr. President,” ang sinabi ni Chavez.

Samantala, usap-usapan naman na si dating TV reporter na si Jay Ruiz ang napili para maging kapalit ni Sec Chavez para mamuno sa PCO.

Gayunpaman wala pang opisyal na pahayag ang Malakanyang ukol dito.

“Pero umaasa ako na magagawa iyon ngayong week para officially maipakilala na sa PCO sa Monday, Feb 24,” ang sinabi ni Chavez. (Daris Jose)

PBBM kay Vince Dizon: Gawing madali ang buhay ng mga mananakay

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. ang newly appointed na si Department of Transportation Secretary Vivencio ”Vince” Dizon na gawing madali ang buhay ng mga mananakay.

 

”Welcome aboard, Secretary Vince Dizon! We’re set to enhance physical connectivity and make life easier for the commuting public. Let’s get it done!” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang social media post.

 

Nauna rito, pinamunuan ni Pangulong Marcos ang oath of office ni Dizon, na pinalitan si dating DOTr chief Jaime Bautista.

Si Dizon nagsilbi noon bilang Pangulo ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA). Sa kasagsagan ng pandemiya, nagsilbi si Dizon bilang deputy chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.

 

Samantala, ipinag-utos ni Dizon sa Toll Regulatory Board (TRB) na suspendihin ang implementasyon ng  cashless toll collection sa lahat ng expressways, epektibo Marso 15, sabay sabing ang episyente ng automated toll collection ay dapat na sinusuri muna. (Daris Jose)

Transportation Sec. Dizon nanumpa na kay PBBM sa Malakanyang

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANUMPA na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr araw ng Huwebes sa Palasyo ng Malakanyang ang bagong talagang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Secretary Vince Dizon.

Binigyang-diin ng Pangulo kay Dizon na bilisan ang mga proyekto sa transport system ng sa gayon maibsan na ang paghihirap ng mga commuters sa pag commute patungo sa kani-kanilang mga trabaho araw-araw.

Sinabi ni Dizon, direktiba ni PBBM na itulak ang Public Private Partnerships.

Kabilang sa prayoridad ng Pangulo na bilisan ang subway project dahil kinukunsidera itong game changer, ang north south commuter railway project, airports at mga pantalan.

Sa pagharap sa media ni Dizon sinabi nito na palalakasin nito ang Edsa busway dahil malaking bagay ito sa mga commuters at kahit papaano naiibsan ang hirap sa pagbiyahe ng mga mananakay.

Ayon sa kalihim, hindi siya pabor na tanggalin ang bus carousel sa EDSA, bagkus maghahanap pa sila ng mga paraan para mapabuti pa ang serbisyo ng edsa bus way, subalit pabor din si Dizon na iprivatize ang Edsa busway. (Daris Jose)

Bilang kandidato sa pagka-Senador… Willie Ong, nag-withdraw na sa kandidatura

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

OPISYAL nang nag-withdraw si Dr.Willie Ong sa kanyang Senate bid para sa 2025 national elections sa Mayo.

Sa pamamagitan ng kanyang maybahay na si Doc. Liza Ong, isinumite ang kanyang statement of withdrawal  Biyernes ng umaga sa tanggapan ng Commission on Elections sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

 

Sa kanyang Facebook post noong Pebrero 13, inanunsyo ni Ong na aatras na ito sa kanyang kandidatura at mag-focus na lamang sa kanyang kalusugan.

 

Sa kabila nito, sinabi ni Ong na patuloy pa rin siyang susuporta sa good governance at mga kandidato na nagtataguyod nng kaparehong ideyal gaya sa kanya.

 

Si Ong na ang ikaapat na senatorial candidate na umatras sa kanyang kandidatura para sa May 12,2025 elections.

 

Nauna ng sinabi ni Comelec chairman George Garcia na makakasama pa rin ang pangalan ni Ong sa balota ngunit ituturing na lamang na stray votes o hindi na bibilangin ang mga papasok na boto para sa kanya. (Gene Adsuara)

Implementasyon ng full cashless toll collection sa expressways ‘di na tuloy – Sec. Dizon

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI na tuloy ang nakatakdnag implementasyon ng full cashless toll collection sa expressways na magsisimula sana sa March 15.

Ito ang inanunsyo ni bagong Transportation Secretary Vince Dizon na nagbigay na siya ng kautusan sa Toll Regulatory Board para suspendihin ito.

Para kay Dizon hindi pa napapanahong maipatupad ang full cashless toll collection.

Nakita naman anya kung paanong nagkabuhol- buhol ang mga saskayan noong unang sinubukang ipatupad ito.

Inihayag ng kalihim na kakusapin niya muna ang toll operators ng NLEX at SLEX at titingnan kung episyente na ang kanilang sistema.

Kinaroroonan ni Harry Roque, tukoy ng BI

Posted on: February 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAY intelligence information na ang Bureau of Immigration tungkol sa kinaroroonan ng dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, ayon sa kumpirmasyon ni Immigration spokesperson Dana Sandoval.

 

Si Roque ay nagtago matapos patawan ng contempt at arrest order ng House Quad Committee dahil sa pagkakasangkot sa illegal na operasyon ng POGO.

 

Una nang kinumpirma ng DOJ na nagsumite ng counter affidavit si Roque mula sa Abu Dhabi sa United Arab Emirates.

 

Tumanggi naman si  Sandoval na magbigay ng buong detalye tungkol sa kinaroroonan na bansa ni Roque at sa koordinasyon ng Immigration sa kanilang counterpart.

Una na ring nilinaw ng Immigration na walang lumabas na isyu ng katiwalian o pakikipagsabwatan sa kanilang hanay kaugnay sa pagbiyahe palabas ng bansa ni Roque. (Gene Adsuara)