
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
ANG Chery Tiggo ang hahamon sa nagdedepensang Creamline sa best-of-three quarterfinals series ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Ito ay matapos talunin ng Crossovers ang Farm Fresh Foxies, 29-27, 15-25, 25-22, 25-21, para walisin ang Pool B sa play-in tournament kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Pumalo si Ara Galang ng 20 points mula sa 16 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa 2-0 sweep ng Chery Tiggo sa kanilang grupo.
Una nilang pinadapa ang Nxled, 25-22, 26-24, 25-12, noong Marso 6 sa pagsisimula ng single-round play-in tourney.
“Pantay na eh. Wala na iyong nasa itaas, although sila iyong defending champion,” ani Galang sa Creamline, ang 10-time PVL champions. “Ang mahalaga mag-start siya sa team namin, kung ano iyong kaya naming ipakita, kung ano iyong kaya naming pagtrabahuhan as a team.”
Umiskor si Shaya Adorador ng 18 markers habang may 13 points si Ces Robles at naglista si setter Alina Bicar ng 17 excellent sets.
Nagdagdag sina middle blockers Seth Rodriguez at Aby Maraño ng pito at limang puntos, ayon sa pagkakasunod.
Humataw si Trisha Tubu ng 22 points mula sa 20 attacks at dalawang blocks para sa Foxies.
Bumangon ang Chery Tiggo sa kabiguan sa second set sa pag-angkin sa 25-22 panalo sa third frame sa pangunguna nina Galang, Robles at Adorador.
Ang off-the-block kill naman ni Adorador sa atake ni Tubu ang tuluyan nang tumapos sa laro.
HAHAWAKAN na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang Billiard Sports Confederation of the Philippines (BSCP).
Ito ay matapos na suspendihin ng Asian Confederation of Billiard Sports (ACBS) ang BSCP dahil sa maraming mga paglabag.
Sa sulat ng ASBC sa POC sa pamamagitan ni secretary-general Atty. Wharton Chan, na dapat ay bumuo sila ng disciplinary committee para imbestigahan ang ilang mga paglabag.
Ilan sa mga nakitang paglabag ay ang conflict of interes, bigong magsagawa ng halalan, hindi pag-alaga sa mga billiard athletes at ang pagsasagawa ng torneo na hindi aprubado mula sa Asian o world governing bodies.
Inatasan na rin ng Asian Confederation of Billiard Sports (ACBS) ang POC na bumuo ng manlalaro pa ra lumahok sa internatioanl tournamnents gaya sa World Games sa Chengdu-China na gaganapin sa Agosto 7 hanggang 17.
MAINIT na sinalubong ng mga basketball fans si WNBA star Sabrina Ionescu.
Huling bumisita ito sa bansa noong nakaraang pitong taon bilang student-athlete mula sa University of Oregon at bilang miyembro ng Team USA sa Fiba 3×3 World Cup 2018 sa Philippine Arena.
Sinabi nito nagulat siya dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya.
Nagsagaw rin ito ng shooting drill sa mga basketball fans sa lungsod ng Taguig.
Ang 5-foot-11 na New York Liberty guard ay naging unang overall pick ng 2020 WNBA Draft.
Nasa bansa ang basketbolista para sa promosyon ng isang sports brand sa loob ng tatlong araw.
BINIGYAN ng medical attention si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kasunod ng pag-aresto sa kanya para sa kanyang kasong crimes against humanity.
Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press conference sa Malakanyang, na tinrato si Digong Duterte bilang isang dating Pangulo ng bansa at isang mamamayang Filipino.
”Hindi po ‘yan totoo dahil nu’ng panahon po na siya po ay nasa kustodiya na po, ang pagtrato po sa kanya ay ‘di po basta-basta,” ang sinabi ni Castro.
”Wala pong katotohanan na ‘di siya binigyan ng atensyon,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, sinabi ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Kitty Duterte na hindi umano pinahintulutan ng awtoridad ang kanyang ama na sumailalim sa medical procedure na kailangan nito.
Sa Instagram story ni Kitty nitong Martes ng hapon, Marso 11, makikita ang sulat ng doktor ng dating Pangulo.
“We are being illegally detained at 250th Presidential Airlift Wing Col. Jesus Villamor Air Base Pasay City. They aren’t allowing my dad to seek the medical attention he badly needs,” ang sinabi ng presidential daughter. (Daris Jose)
PINAYUHAN ng Malakanyang ang taumbayan lalo na ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte na mag-isip, alamin ang tunay na nangyari at kung bakit inaresto ang dating Pangulo bago pa makiisa sa panawagan ng ilang grupo at kaalyado ng dating lider na magtipon sa EDSA at simulan na ang People Power.
Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press conference sa Malakanyang na ang nangyayari ngayon sa dating Pangulo ay hindi basta-basta ginawang kuwento dahil ang kasong ‘crimes against humanity’ na isinampa laban dito ay hindi nanggaling sa Pilipinas kundi nakabinbin sa International Criminal Court (ICC).
Hindi rin aniya ito gawa ng pamahalaan dahil gawa ito ng war on drugs na ikinasa ni Digong Duterte sa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang dating Pangulo ng bansa.
Ang war on drugs ang signature campaign policy na inakyat si Duterte sa kapangyarihan noong 2016 bilang isang maverick, crime-busting mayor, na tinupad ang kanyang mga binitawang pangako sa matapang na mga talumpati na papatayin ang libo-libong dealer ng droga.
Matatandaang, sa naging pagsalang ng dating Pangulo sa pagdinig ng House quad committee kaugnay ng war on drugs, hinamon nito (Digong Duterte) ang ICC na madaliin na nito ang imbestigasyon sa kanya at sinabing hindi siya natatakot dito.
Ang sabi naman ng Malakanyang, hindi nito pipigilan si Digong Duterte kung gusto niyang sumuko sa hurisdiksyon ng ICC.
Samantala, kinumpirma ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nananawagan siya sa mga Pilipino para magtipon-tipon sa EDSA matapos arestuhin si dating Pangulong Duterte.
Sa latest episode ng “Afternoon Delight” nitong Martes, Marso 11, sinabi ni Roque na ang layunin umano ng kaniyang panawagan ay upang maiparinig ang saloobin ng mga Pilipino.
“We are calling on people to exercise their democratic rights para marinig ang kanilang saloobin na ang ipinaglalaban dito ay hindi lang ang karapatan ni Presidente Duterte kundi karapatan ng lahat ng Pilipino,” ang sinabi ni Roque.
Ayon sa dating tagapagsalita ng pangulo, “unconstitutional” umano ang pagkakaaresto kay Duterte dahil wala umanong hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas matapos kumalas bilang kasapi nito noong 2018.
Ngunit nauna nang sinabi ng Palasyo na bagama’t hindi umano kinakailangang makipagtulungan ang Pilipinas sa ICC ay obligado raw silang makiisa sa International Criminal Police Organization (Interpol).
Ang arrest warrant na inihain sa dating pangulo ay para sa krimen laban sa sangkatauhan dahil sa pagpapatupad nito ng kontrobersiyal na giyera kontra droga. (Daris Jose)
NAGPAHAYAG ng suporta ang iba’t ibang civic at civil society organizations sa naging desisyon ng gobyerno ng Pilipinas na isuko si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ito’y dahil kumilos lang ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang pamahalaan ng Pilipinas sa request ng International Criminal Police Organization’s (Interpol) na isilbi ang arrest warrant ng ICC laban kay Digong Duterte.
“The arrest of former president complied with the Philippines’ commitment with the Interpol. Our commitments received support from various civic and civil society organizations,” ang sinabi ni Castro.
Sa katunayan, tanggap ng human rights organization na Free Legal Assistance Group ang pag-aresto kay Digong Duterte. Para sa kanila, mahalagang hakbang ito tungo sa pagtiyak na may mananagot para sa extrajudicial killings na nangyari sa ilalim ng kanyang administrasyon na may kauganyan sa kanyang drug war.
Maging si dating senator Leila de Lima, isa sa mga kritiko ni Duterte noong kanyang administrasyon ay naniniwala na ang naging hakbang ng pamahalan ay hindi para maghiganti kundi tungkol sa
“justice finally taking its course.”
Si De Lima, nabilanggo halos 7 taon para sa di umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga ay nagpahayag na ito na ang tamang oras para kay Duterte na “answer for his actions, not in the court of public opinion but before the rule of law.”
Tinukoy ni Castro ang sinabi ni Bryony Lau, deputy Asia Director at Human Rights Watch, na nagsabi na ang pag-aresto at paglipat kay Duterte sa The Hague ay “a long-overdue victory against impunity that could bring victims and their families a step closer to justice.”
Sa kabilang dako, binigyang diin ng Commission on Human Rights (CHR) ang pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng pamilya ng mga biktima ng drug war kasunod ng pag-aresto kay Digong Duterte.
Sinabi ng CHR na ang “pursuit of justice cannot be stalled and the truth cannot be silenced” sabay sabing “accountability must prevail over impunity.”
Winika pa ni Castro na hangad ng gobyerno na maintndihan ng publiko ang naging hakbang ng pamahalaan, binigyang din na mas makabubuti para sa mga ito na malaman kung paano ito nagsimula, bakit mayroong arrest warrant, at bakit mayroong pangangailangan na kilalanin ang commitment ng bansa sa Interpol.
“Dapat ‘yun po sana ang masimulan sa taumbayan para maintindihan nila kung bakit kinakailangan po na mangyari ang ganito, bakit kinakailangan din pong magcomply sa ating commitment sa Interpol,” ang sinabi nito.
“Sa aking palagay, kapag naintindihan nila itong lahat, magiging positibo naman po ang tanaw nila sa ginawa po ng administrasyon,” aniya pa rin. (Daris Jose)