• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

50-ANYOS NA MISTER KINADYOT SA LEEG

SUGATAN ang 50-anyos na lalaki ang matapos tarakan sa leeg ng hindi kilalang suspek nang tumanggi ang biktima sa alok ng isang babae na makipagtalik sa kanya sa Malabon City.

 

 

Nasa stable na kondisyon habang ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng tinamong saksak sa leeg ang biktimang si alyas “Wilson”, ng M. Blas Brgy. Hulong Duhat.

 

 

Sa pinagsamang imbestigasyon nina PSSg Michael Oben at PSSg Bengie Nalogoc, galing sa pakikipag-inuman ang biktima at habang naglalakad sa kahabaan ng M. Naval St., Brgy. Flores pauwi nang lapitan ng isang hindi kilalang babae at inalok umano ng sex dakong ala-1:50 ng madaling araw subalit, tumanggi si ‘Wilson’.

 

 

Makalipas ang ilang sandali, bigla na lamang dumating ang isang hindi kilalang lalaki at walang sabi-sabing tinarakan sa leeg ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon sakay ng isang bisikleta,

 

 

Isinugod naman ng concerned citizen ang biktima sa Ospital ng Malabon at kalaunan ay inilipat sa TMC hospital habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Locsin, binuweltahan si Duque: ‘Don’t ever question my motives’

    SINITA ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. si Health chief Francisco Duque nang pasinungalingan ng huli na nawala ang oportunidad ng Pilipinas na makakuha ng milyong “vaccine syringes” mula sa Estados Unidos.   Sinabi ni Duque na ang kasunduan na makabili ang Pilipinas ng 50 milyong syringes mula sa Estados Unidos ay nabasura dahil sa usapin […]

  • 52 election-related violence incidents, naitala isang linggo bago ang May 9 election – PNP

    NAKAPAGTALA ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 52 insidente ng election-related violence sa bansa isang linggo bago ang May 9 national at local elections.     Ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nasa 28 mula sa 52 insidente ng election-related violence ang kumpirmadong walang kinalman sa nalalapit na halalan habang nasa 14 […]

  • Mga empleyadong magpapabakuna sa 3 day national vaccination event, hindi mamarkahan ng absent

    HINDI mamarkahan ng “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa Covid-19 sa isasagawang 3-day national vaccination event sa Nov. 29-Dec. 1.   Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa nasabing virus.   Tinintahan kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na nagsasaad na ang mga […]