• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Metro’ Category

Criminal group member, timbog sa baril at granada sa Malabon

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang miyembro ng criminal group na sangkot umano sa serye ng robbery holdup sa northern part ng Metro Manila matapos madamba ng pulisya sa loob ng isang palengke sa Malabon City.

 

 

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Amante Daro, naaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni P/Lt. Richel Sinel at Police Sub-Station-6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Maj. Carlos Cosme, Jr. si Alfredo Almario, Jr. 50, listed bilang miyembro ng notoryus “Salibio Criminal Group” sa loob ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St. Barangay Tañong dakong alas-11:45 ng gabi.

 

 

Sinabi ni Col. Daro na unang nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng SIS mula sa Barangay Information Network (BIN) hinggil sa resensya ng isa sa mga niyembro ng Salibio Criminal Group habang gumagala sa loob ng naturang palengke na may nakasukbit na baril sa kanyang baywang.

 

 

Kaagad nakipag-ugnayan si Lt. Sinel kay PLt Benedicto Zafra, Deputy Commander ng SS6 saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sad ala niyang baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na kargado ng limang bala at isang MK2 hand grenade na nakuha sa loob ng dala niyang itim na belt bag.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa matagumpay na pagkakaaresto sa umano’y notosyur na miyembro ng criminal group.

 

 

Ani Col. Daro, kakahasuhan nila ang suspek ng paglabag sa R.A 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions at RA 9516  o ang Unlawful Possession of Explosives sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na ang akusado ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa Disiplina Village, Barangay Viente Reales dakong alas-3:10 ng hapon.

 

 

Ani Col. Destura, unang nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing lugar na naging dahilan upang agad magsagawa ng mahunt operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Floren.

 

 

Si Floren ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 10, Angeles City, Pampanga, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Richard Mesa)

2 tulak isinelda sa P139K shabu sa Valenzuela

Posted on: December 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA loob ng kulungan nagdiwang ng Pasko ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief PLt Col. Renato Castillo ang naarestong mga suspek bilang sina Joven Palileo, 40 ng Brgy. Marulas at Rose Villena alyas “Monay”, 21, ng Brgy. Bignay, kapwa ng lungsod.

 

 

Sa report ni Castillo kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng DDEU-NPD ng buy bust operation sa Galas St., Barangay Bignay kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P2,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ay agad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20.5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P139,400.00; buy bust money na isang tunay na P500 bill at apat pirasong P500 boodle money at coin purse.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

3 drug suspects nalambat ng Malabon police sa buy bust

Posted on: December 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang ginang ang kalaboso matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong mga suspek bilang sina Joana Pabito, 48, Angelito Pabito alyas “Bugoy”, 48 at Raquel Pelijates, 52, pawang residente ng Brgy. Longos.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt Alexander Dela Cruz ng planned buy-bust operation sa Alupihang Dagat Brgy. Longos matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Matapos tanggapin ang P500 marked money mula sa isang pulis na nagsilbi bilang poseur buyer kapalit ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 16.45 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price P111, 860.00, buy bust money, cellphone at coin purse.

 

 

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale)  in relation to Section 26 (Conspiracy) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Art II of RA 9165 (Otherwise Known as Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Jeraldson Rivera, kasama ang 4th MFC RMFB, NCRPO ng joint manhunt operation sa Araya St. Dolmar 2. Golden Hills Subdivision  Brgy. 168, Deparo 1, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang most wanted person dakong alas-4:30 ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado bilang si Cebastian James Biglang-Awa. 19 ng Barangay 168, Deparo 1, ng lungsod

 

 

Si Biglang-Awa ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosalia I. Hipolito-Bunagan ng Regional Trial Court (RTC) Branch 232, Caloocan City para sa kasong Rape.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng WSS ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista sa manhunt operation in relation to SAFE NCRPO sa McArthur High-way, Barangay Karuhatan dakong alas-3 ng hapon ang isa pang most wanted person na kinilala bilang si Melvin Magnifico, 54 ng Lot 5 Blk. 10 Phase 5, PerIsland Malinis Street, Brgy. Lawang Bato.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, si Magnifico ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 7, 2017 ni Judge Maximino R. Ables ng Regional Trial Court (RTC) Branch 47, Masbate City para sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Richard Mesa)

804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD

Posted on: November 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City.

 

 

Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay nakapaghatid ng tulong para sa recovery ng mga miyembro ng Valenzuela Persons with Disabilities Federation Incorporated ( VPDFI) at mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) bilang pinakabagong grantees ng TUPAD.

 

 

Layunin ng TUPAD na magbigay ng pansamantalang trabaho o “emergency employment” sa mga displaced worker, unemployed, at underemployed na manggagawa na ang kita ay lubhang naapektuhan ng pandemya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng DOLE’s program ay gugugol ng hindi bababa sa sampung araw sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga social community projects tulad ng paglilinis ng mga kalye, paaralan, health centers, pagbabara sa mga kanal, tree-planting, contract tracing, at iba pa.

 

 

Sumailalim sa orientation at contract signing ang Valenzuelano PWD at mga miyembro ng PODA saka natanggap ang kanilang TUPAD ID. Ang kanilang suweldo ay katumbas ng minimum wage sa NCR o PhP 5,700 para sa sampung araw na trabaho mula 8:00 am hanggang 12: 00 nn.

 

 

Inihayag ng DOLE worke sa isang orientation na ang TUPAD recipients ay tatanggap ng kanilang suweldo sa pamamagitan ng money remittance Palawan Express matapos sumunod sa mga kinakailangan ng DOLE tulad ng DTR o Daily Time Record, at dokumentasyon ng larawan bilang patunay ng pagdalo.

 

 

“Ako po ay personal na nagpapasalamat sa mga kinatawan ng DOLE-CAMANAVA para sa kanilang tulong na maisagawa ang programang ito. Patuloy po tayong susuporta at magbibigay ng trabaho para sa bawat Valenzuelano.” pahayag ni Cong. REX. (Richard Mesa)

Inuman nauwi sa madugo, 1 dedo

Posted on: November 12th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAUWI sa madugo ang masayang pagdiriwang ng kaarawan ng isang trabahador nang humantong sa patayan ang pag-aaway ng dalawa niyang bisitang kapuwa kasamahan sa trabaho sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa leeg, ulo at mukha ang biktimang si Arnel Dante, 44, habang nadakip naman ng mga barangay tanod sa tulong ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 9 ang suspek na si Jeffrey Boco, 35, welder, at kapwa stay-in sa Agree Development Inc. sa 25 A. Mabini St. Karuhatan.

 

 

Sa report nina P/EMSgt. Felix Viernes at P/MSgt. Julio Fernando kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, masayang nag-iinuman ang mga trahabador ng Agree Development sa loob ng naturang kompanya dahil kaarawan ng isa sa kanilang ka-trabaho nang komprontahin ng suspek ang biktima matapos ang kasiyahan alas-10:30 ng gabi na nauwi sa kanilang pagsusuntukan.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kasamahan sa trabaho ang dalawa kaya nagpasiya na ang suspek na pumasok sa kanilang barracks upang magpahinga subalit, sumunod sa kanya ang biktima hanggang sa marinig na lamang ng kanilang foreman na si Safronio Aghoy, Jr. 54 at welder ding Januar Castillo, 48, ang nangyayaring gulo sa loob ng barracks.

 

 

Kaagad pumasok sa barracks ang dalawa at dito nila nadatnan ang duguan at nakabulagtang si Dante na may tama ng saksak sa ulo, leeg at mukha na naging dahilan upang humingi na sila ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.

 

 

Nakuha ng mga tauhan ng SOCO sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang malaking bahagi ng basag na baso na may bahid ng dugo na posibleng ginamit ng suspek sa pananaksak sa biktima.

 

 

Ani PLt. Robin Santos, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), mahaharap ang suspek sa kasong Homicide. (Richard Mesa)

Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril

Posted on: November 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, Acting District Director ng Northern Police District (NPD), nakatanggap sila ng letter of complaint na naka-address kay PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr, mula sa “Kolot Sinag mga drivers” kung saan i-nirereklamo ang suspek alyas “Polot Flores” na pinagbabantaan at kinikikilan ang mga driver ng padyak, jeep, at delivery truck ng isda habang armado ng baril sa Gen. Luna Street, Barangay San Agustin.

 

 

Kaagad inatasan ni Col. Daro ang mga operatiba ng Follow-up na magsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang suspek na may dalang baril.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dokumento para legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga operatiba at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 45 pistol at dalawang magazine na kargado ng 12 pirasong bala at isang sling bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). (Richard Mesa)

Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan

Posted on: November 7th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase 7A, Brgy 176 Bagong Silang nang lumapit ang isang residente sa lugar dakong alas-4 ng madaling araw at ipinabatid ang nasaksihang pagdadala ng baril ng dalawang lalaki na kinilala lang sa alyas “Lel-Lek” at “Jon-Jon”.

 

 

Kaagad nagtungo sa sinasabing lugar sa Phase 7 ang mga pulis at dito nila inabutan na iniaabot ni alyas Jon-Jon sa kasama ang isang baril subalit nang makita ng dalawa ang paparating na mga pulis, kumaripas umano ng takbo ang mga ito subalit kaagad din silang na-korner matapos ang maikling habulan.

 

 

Nakuha sa suspek na si Ulrick Waldemar, alyas Lek-Lek, 34, ang isang kalibre .45 baril at tatlong magazine na pawang may kabuuang lamang 21 bala na umano’y ini-abot sa kanya ng naaresto ring si P/SSgt. Gideon Geronga, Jr. 44, alyas Jon-Jon, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Station 16 sa Pasong Putik at residente ng Bagong Silang.

 

 

Ani Col. Lacuesta, patuloy ang ginagawa nilang 24-oras na pagpapatulya sa ilalim ng programang S.A.F.E. NCRPO na inilunsad ni National Capital Region Police Office Director P/BGen. Jonnel Estomo na magpapatunay na gising ang kapulisan habang tulog ang mamamayan.

 

 

Pinuri naman ni Regional Director BGen. Estomo ang mga tauhan ng Caloocan City Police sa pagdakip sa kanilang kabaro bilang patunay sa patuloy nilang paglilinis sa kanilang hanay.

 

 

Kasong paglabag sa R.A. 10591 ang isasampa ng mga tauhan ng Caloocan police laban sa dalawang nadakip sa piskalya ng Caloocan City. (Richard Mesa)

Welder kulong sa ice pick at shabu sa Valenzuela

Posted on: November 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABISTO ang dalang shabu ng isang 43-anyos na welder matapos masita ng mga pulis dahil sa bitbit nitong isang improvised ice pick sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong pagpabag sa Article 151 of RPC, PB6 at RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Malvin Malatamban  ng Phase 2 Hambord St. Brgy. Lawa Meycauyan, Bulacan.

 

 

Sa kanyang report kay Valenzuela police Chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni PSSg Carlos Erasquin Jr, habang naka-duty sina PSMS Roberto Santillan at Pat Leonardo Quimson, kapwa ng Sub-Station 6 ng Valenzuela police sa Valenzuela Memorial Cemetery nang maispatan nila ang suspek na naglalakad sa C. Molina St. Brgy. Veinte Reales dakong alas-5 ng hapon at may hawak na improvised ice pick.

 

 

Nilapitan siya at sinita ng dalawa saka nagpakilalang mga pulis at nang aarestuhin na ang suspek dahil sa dalang deadly weapon ay pumalag ito at kumaripas ng takbo.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto kung saan nakumpiska sa kanya ang naturang ice pick at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ni PSMS Santillan ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng abot isang gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga. (Richard Mesa)