• July 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for the ‘Metro’ Category

CURFEW SA ADULTS INALIS NA SA NAVOTAS

Posted on: November 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INALIS na ng Navotas ang curfew nito para sa mga adult kasunod ng ipinapatupad na General Community Quarantine alert level 2 sa Metro Manila.

 

 

Pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance No. 2021-56 na nagpapawalang bisa sa 12:00 MN – 4:00 AM curfew sa lungsod, alinsunod sa Metro Manila Development Authority (MMDA) Resolution No. 21-25 Series of 2021.

 

 

“Now that more businesses are open and operational hours of malls, restaurants and other establishments are extended, we need to make the necessary changes to support our working constituents,” saad ni Tiangco.

 

 

Gayunman, muling ipinatupad ng Navotas ang 10:00 PM – 4:00 AM discipline hours para sa mga menor de edad sa bisa ng City Ordinance No. 2021-60 at may kaukulang parusa sa mga lalabag sa disciplinary hours.

 

 

Sa una at ikalawang beses na pagkasala, kailangang dumalo sa counseling sessions ng mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) at ang kanilang mga magulang o guardians ay kailangang kumpletuhin ang 24 at 48 oras na community service.

 

 

Para sa ikatlo at kasunod na mga paglabag, ang menor de edad ay ibibigay sa Social Services Development Department (SSDD) para sa kinakailangang pagpapayo at tamang disposisyon.

 

 

Sa kaso ng mga menor de edad na nakatira sa ibang mga lungsod, gagawin din ang pagpapayo bago ibigay sa kani-kanilang BCPC o SSDD. (Richard Mesa)

Malakanyang, binalaan ang mga Alkalde laban sa pagpapatigil at pagbasura sa COVID-19 face shield policy

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN ng Malakanyang ang mga Alkalde na sasalungat sa mandatory face shield policy para sa mga “crowded and enclosed spaces.”

 

Ang polisiya ay nananatiling epektibo maliban na lamang kapag sinabi na ng pandemic task force na tigilan na ang paggamit ng face shield.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay matapos na ipatigil ng Lungsod ng Davao, Manila, Iloilo, at iba pa ang polisiya sa labas ng hospital setting.

 

“Ang desisyon po ng IATF ay desisyon din ng Presidente. So ang desisyon po ngayon ay kailangan ipatupad muna ang mga face shields habang pinagaaralan po,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Mayors are under the supervision of the President. Let us follow the chain of command,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, tinintahan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order No. 42 o ang Non-Mandatory Wearing of Face Shield sa lungsod ng Maynila.

 

Maliban lamang sa mga hospital, medical clinic, at iba pang medical facilities.

 

Ang nasabing kautusan ay agad na ipatutupad ngayong araw sa buong lungsod kung saan agad ding ipadadala ang kopya sa bawat establisimyento.

 

Napagdesisyonan ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila base na rin sa mga guidelines na una nang ipinalabas ng Inter- Agency Task Force (IATF) partikular ang pagpapatupad ng Alert Level 2 system sa National Capital Region (NCR).

 

Isa din dito ang naging pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kung saan sinabi mismo ng kalihim na karamihan sa mga miyembro ng IATF ay pabor na huwag nang magsuot pa ng face shield.

 

Sinabi naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Benjamin Abalos na nagkaisa ang Metro Manila mayors na gawing opsyonal na lamang ang paggamit ng face shield.

 

Humirit naman si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeireng isa pang linggo para pag-aralan kung dapat na ngang alisin ang face shield requirement sa gitna ng mababang bilang ng COVID-19 cases.  (Daris Jose)

Metro Manila mayors, oks na bawiin na ang face shield policy – MMDA

Posted on: November 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGKAISA ang mga Local chief executives sa National Capital Region (NCR) na bawiin na ang sapilitang paggamit ng face shields, maliban sa itinuturing na critical areas.

 

“Napagkasunduan namin itong initial position ng Metro Manila mayors to do away with face shields,” ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos.

 

“Wala na hong face shields maliban lamang sa mga critical areas kamukha ng ospital, kamukha ng health centers… and even ‘yung mga public transport system po natin,” ayon pa kay Abalos.

 

Ang pahayag na ito ni Abalos ay kasunod nang naging anunsyo ng lokal na pamahalaan ng Maynila na hindi na pagagamitin o aalisin na ang paggamit ng face shields sa mga Manileno at mga taong pupunta ng Maynila.

 

Ani Abalos, magsusumite ang Metro Manila mayors ng kanilang posisyon sa Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagbasura ng face shield requirement.

 

Aniya, suportado nila ang panukala ni Interior Secretary Eduardo Año na tigilan na ang paggamit ng face shields, maliban sa mga hospital settings.

 

Noong nakaraang linggo ay humirit pa ng isang linggong palugit ang Department of Health (DOH) sa IATF, para patuloy na pag-aralan ang guidelines kaugnay sa paggamit ng face shield.

 

Sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire na sa gitna ng mga rekomendasyon na alisin na ang paggamit ng face shield sa mga ipinatutupad na health protocols, lalo at bumababa naman na ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay marapat na pag-aralan pa rin ito.

 

“Iyon pong face shields pinag-usapan din po kahapon sa IATF at nag-manifest po ang Department of Health na bigyan pa kami ng isang linggo para patuloy na pag-aralan.” ani Usec Vergeire.

 

Pagtiyak nito, kaya naman nila inirekomenda ang paggamit nito noon ay dahil nagkaroon ng basehan at ebidensya sa bisa nito.

 

“Ito pong face shield noong atin pong inirekomenda, ginamit po natin ang ebidensiya at basehan na binigay po ng ating mga eksperto. We have the leading CTG group na continuously evaluating therapeutics, diagnostics at saka ito pong mga face shield at face mask, kung ano po ang dulot nito na benepisyo para sa ating kababayan with regard to protection against COVID-19.” —Usec Vergeire.

 

Sa ngayon aniya, isinasailalim nila itong muli sa ebalwasyon at sa oras na lumabas na ang resulta nito, ay agad naman silang magkakaroon ng angkop na rekomendasyon sa IATF.

 

“So ngayon po niri-re-evaluate nila lahat ng existing evidences at ‘pag lumabas na po ito, magkakaroon na po tayo nang appropriate recommendation for the face shields.” aniya pa rin.

 

Sinabi pa nito na sila naman sa DOH ay suportado rin ang pagluluwag ng mga restriksyon, ngunit kailangan lamang aniya talaga ng ebidensya o pag-aaral, upang maging buo ang kanilang gagawing rekomenndasyon.

 

“Pero definitely the Department of Health supports naman po itong pong ease ng mga proteksiyon katulad ng mga face shield dito po sa mabababa ang transmission. Kailangan lang po natin ng ebidensiya para mas mabuo po natin ang ating rekomendasyon sa IATF.” ang pahayag ni Usec. Vergeire. (Daris Jose)

Mga chikiting, puwede ng pumunta sa mga malls sa Kalakhang Maynila

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga chikiting na pumasok sa loob ng malls sa Kalakhang Maynila matapos na ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR.

 

Subalit paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kailangang magbigay ang local government units (LGUs) ng karagdagang guidelines gaya ng at kabilang ang i-require ang mga magulang at guardians na samahan ang mga bagets sa malls.

 

“Personally, I believe children are allowed to go out to the malls. We have to relate it to number 1, that intrazonal and interzonal movement shall be allowed. However, reasonable restrictions can be imposed by LGUs,” ayon kay Abalos.

 

“If you’re going to recall before, there was a condition set by mayors that minors should always be accompanied by their parents or any guardian. I believe that still exists,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya pa, ang mga chikiting o menor de edad ay maaaring mag-dine alfresco sa loob ng restaurants, iyon nga lamang kailangan na susundin ng establisimyento ang venue capacity na itinakda ng pamahalaan sa ilalim ng Alert Level 2.

 

Sa ilalim ng guidelines na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, “restaurants and eateries may operate at a maximum of 50 percent indoor venue capacity for fully vaccinated individuals and those below 18 years of age, even if unvaccinated. They may also operate at 70 percent outdoor venue capacity.”

 

Magkagayon man, ang lahat ng mga manggagawa at empleyado ng mga establisimyento ay kailangan na fully vaccinated at sumusunod sa minimum public health standards.

 

Inanunsyo ng Malakanyang na isasailalim na sa Alert Level 2 ang Kalakhang Maynila, simula Nobyembre 5 hanggang Nobyembre 21. (Daris Jose)

Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila.

 

 

Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga negosyo para makabawi at muling sumigla ang ekonomiya ng bansa.

 

 

“Nagpapasalamat po tayo sa pamahalaan sa mas maluwag na alert level status, dahil nakasisiguro tayo na mas marami itong make-create na trabaho at muli nang makakabawi ang ating ekonomiya,” pahayag ni Marcos.

 

 

Matatandaan na pumalo na sa 8.9 percent ang unemployment rate sa bansa nitong Setyembre 2021, at ito ang itinuturing na  pinakamataas ngayong taon.

 

 

“Umaasa tayo na marami pang negosyo ang magbubukas dahil sa maluwag na alert status at mas marami ang lumalabas na tao para tangkilikin ang mga negosyo,” dagdag ni Marcos

 

 

Kasabay nito, nanawagan naman si Marcos sa publiko na tuluy-tuloy pa rin ang pagsunod sa mga health protocols sa kabila nang pagluluwag ng alert status sa bansa.

 

 

Ayon sa kanya, hindi rin dapat magpakampante ang publiko kahit na patuloy na bumababa ang mga bilang ng tinatamaan ng Covid-19.

 

 

Nanawagan din si Marcos na patuloy pang palakasin ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa publiko dahil ito ang pinakamabisang sandata para mapuksa ang virus.

Navotas sasali sa pilot study ng face-to-face classes

Posted on: November 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAYAG ng intesyon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagsali nito sa pilot study ng face-to-face classes na gagawin sa November 15, 2021.

 

 

Ito’y matapos pirmahan ni Mayor Toby Tiangco ang sulat ni Dr. Al Ibañez, OIC-Assistant Schools Division Superintendent ng lungsod, bilang pagsang-ayon na sumali sa pilot study ng F2F classes.

 

 

Ayon kay Mayor Tiangco, 45 na mga senior high students ang kasali rito sakaling aprubahan ito ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

 

 

“Nagmeeting na rin po tayo kasama ang mga concerned offices tungkol dito. Napagkasunduan natin na dapat bakunado ang mga batang kasali sa face-to-face classes kaya bibigyan ng prayoridad sa pagbabakuna ang mga papasok sa F2F classes,” pahayag ni Tiangco.

 

 

Aniya, tandaan lamang na voluntary ang pagbabakuna at depende ito sa desisyon ng bata at ng kanyang magulang o guardian at para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, mga bakunado lang muna ang papayagan pumasok. (Richard Mesa)

MASS VACCINATION PARA SA MGA KABATAAN, UMARANGKADA NA SA MAYNILA

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMARANGKADA na sa Lungsod ng Maynila ang “mass vaccination” para sa general population ng edad 12 hanggang 17 anyos sa anim na district hospital ng nasabing lungsod ngayong araw.

 

 

 

Pinangunahan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pag-iinspeksyon sa nasabing bakunahan sa Sta. Ana Hospital kung saan nagpasalamat ang Alkalde sa mga magulang na tumugon sa kanilang panawagan na pabakunahan ang kanilang mga anak kontra COVID-19.

 

 

 

Ayon kay Domagoso, pangarap nito na makabalik na sa kani-kanilang mga eskwelahan ang mga kabataan sa oras na maipatupad na ang limitadong “face-to-face class” sakaling mapili ang lungsod ng Maynila sa pagpapairal nito.

 

 

 

Ayon pa kay Domagoso, plano ng lokal na pamahalaang lungsod na dagdagan pa ang mga lugar sa pagsasagawa ng pagbabakuna sa mga kabataan. Aniya, simula sa Biyernes ay magkakaroon na rin ng pagbabakuna sa apat na mall sa lungsod at iba pang mga lugar kung saan malawak at magiging komportable ang pagbabakuna.

 

 

 

Ang naturang bakunahan ay ilalaan para sa mga kabataan at iba pang indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A5 category.

 

 

 

Pagkakataon na rin ito para unti-unting umangat ang mga negosyo sa mga malls kung saan maaaring mamili, kumain o mamasyal habang hinihintay ng kaanak ang isa nilang miyembro na binakunahan.

 

 

 

Dagdag pa ng Alkalde, nananatiling “open policy” ang kanilang pamamahagi ng bakuna sa mga kabataan habang magsasagawa rin ang lokal na pamahalaan ng house to house na pagbabakuna para sa mga “bedridden” na menor de edad.

 

 

 

Nabatid na nasa higit 120,000 dose ng Pfizer ang naitabi ng lokal na pamahalaang lungsod na nasa kanilang cold storage facility kaya’t handa silang bakunahan ang mga kabataan na nagparehistro na sa www.manilacovid19vaccine.ph na umaabot na 53,325.

 

 

 

Samantala, batay sa pinakahuling ulat, nasa 1,102 na mga kabataan ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa anim na pampublikong ospital ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ngayong tanghali. (GENE ADSUARA)

NCR, lifted na ang general curfew simula November 4

Posted on: November 6th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA Nobyembre 4 ay ‘lifted’ na ang general curfew sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos na may ilang local government units ang mananatiling ipatutupad ang curfew para sa mga menor de edad.

 

“Pumayag ang mga mayors na i-lift ang curfew this starting November 4 ,” ayon kay Abalos.

 

“However, meron silang mga curfew on minors. So ‘yun, existing pa rin ‘yun,” dagdag na pahayag nito.

 

Simula, Oktubre 13, ang curfew sa Kalakhang Maynila ay itinakda simula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

Nauna rito, sinabi ni Abalos na pumayag ang mga mall operators na palawigin ang kanilang operating hours dahil sa paparating na holiday season subalit ang alalahanin lamang ng mga ito ay ang curfew at ang limitadong public transport.

 

Ipinanukala ni Abalos ang ekstensyon ng mall hours dahil ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA ay tumaas na maaaring maging daan para sa mas mabigat na daloy ng trapiko.

 

Para sa limited capacity sa public transport, sinabi ni Abalos na ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ay pinalawig na ito ng 70%.

 

Ang Alert Level 3 na kasalukuyang nakataas ngayon sa Metro Manila ay pinalawig mula Nobyembre 1 hanggang 14.

 

Sa ilalim ng Alert Level 3, may ilang establisimyento kabilang na ang restaurants, gyms, cinemas at movie houses — ay papayagan na mag-operate ng 30% indoor venue capacity para lamang sa fully vaccinated individuals at 50% outdoor venue capacity, kaikangan lamang na ang kahat ng empleyado ay fully vaccinated. (Daris Jose)

Barangay captain sa Caloocan pinagbabaril todas, asawa sugatan

Posted on: November 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang incumbent barangay captain habang sugatan naman ang kanyang asawa matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding-in-tandem criminals sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, dead-on-the-spot sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Gerardo Ragos Apostol, 56, Kapitan ng Barangay 143 at residente ng 55 Malolos Avenue, Bagong Barrio habang ginagamot naman ang kanyang misis na si Evelyn, 56, sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi tama ng sa kanang bukung-bukong.

 

 

Batay sa inisyal na imbestigasyon P/Cpl. Anthony Wanawan, habang nakaupo si Chairman Ragos sa harap ng Apostol Rice and Egg Store na pag-aari nila sa Malolos Avenue, Brgy. 143, nang dumating ang isang motorsiklo dakong alas-6:12 ng gabi at pumarada sa harap ng tindahan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Emelda Decierra, 68, store helper, isa sa mga suspek ang bumaba sa motorsiklo at paulit-ulit na pinagbabaril ang biktima sa katawan.

 

 

Tinangka namang yakapin ng asawa ng biktima ang kanyang mister subalit, binaril din sya ng suspek sa kanang bukung-bukong bago mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Kabilang sa tinitignan ilang anggulo ng pulisya na posible umanong motibo sa pagpatay ay politika at personal na alitan habang patuloy naman ang follow-up operation upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek. (Richard Mesa)

Leader ng “Ompong Drug Group” nalambat sa buy bust sa Navotas

Posted on: October 30th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P1.2 milyon halaga ng ilegal na droga at baril ang nasamsam ng mga awtoridad sa leader ng isang “notoryus drug group” matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Rodolfo Reyes alyas “Ompong”, 43, leader umano ng notoryus na “Ompong Drug Group”, miyembero ng sputnik at residente ng  Block 13, Brgy. Longos Malabon City.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr., dakong alas-11 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni PLT Luis Rufo Jr., kasama ang SWAT team at Intelligence Section ng Navotas police ng buy bust operation sa C3 Road, Brgy. NBBS Kaunlaran.

 

 

Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P12,000 halaga ng droga at nang tanggapin nito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 10.14 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,952, nasa 9,500 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price P1,140,000.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 at 11 pirasong P1,000 boodle money, ingram X9 shooter, magazine, 5 pirasong bala ng 9mm, motorsiklo, digital weighing scale, cellphone at pocket notebook.

 

 

“Hangad namin ang patuloy na kaayusan at matahimik na CAMANAVA at ang  kapulisan ng NPD  ay gagawin ang makakaya sa pamamagitan ng paglunsad ng serye ng intensibong operasyon para masugpo ang illegal na droga at kriminalidad,” ani BGen. Hidalgo. (Richard Mesa)