INAPRUBAHAN na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang dalawang panukalang batas na nagsusulong na maglaan ng karagdagang benepisyo sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa HB 10959, na inihain ni Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., layon nitong mabigyan ang mga ofws ng 50% discount sa fees o charges na ipinapataw sa remittances sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Paliwanag ni House Committee on Overseas Workers Affairs chairperson at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, na upang maeengayo ang mga remittance centers na magbigay ng diskuento sa padlang pera ay maaari itong ibawas sa buwis sa kanilang gross income.
Tatawagin itong “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act,” kapag naging ganap na ipinasang batas.
Inaprubahan din ng kamara sa ikawalan pagbasa ang HB 10914, na maglalaan ng libreng financial education sa mga OFWs at kanilang pamilya.
Sa ilalim ng panukala, ang lahat ng OFWs ay sasailalim sa mandatory financial literacy training seminars, na magiging bahagi ng Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS) ng mga papa-alis na OFWs, at Post Arrival Training Seminars (PATS) sa patutunguhang bansa.
Samantala, nanaagan naman si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo na amyendahan ang Philippine Rice Tariffication Law (RTL) upang ma-stabilize ang suplay ng bigas at presyo nito at mapigilan ang biglang pagtaas. (Vina de Guzman)