• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-DYOWA, 2 PA ARESTADO SA BUY-BUST

TINATAYANG 10 gra,o ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P680K halaga ang nasabat Manila Police District (MPD)-Station 5  sa apat na katao sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Lunes ng gabi.

 

 

Kinilala ang mga suspek na si Aldwin dela Cruz, 43; at kasintahan nito na si  Monica Orlanda y LLego,26; na  naaresto sa kahabaan ng Sta.Lucia St mala;pi sa Real St, Brgy.658,Intramuros, Manila dakong alas 8 kagabi.

 

 

Naaresto rin ang dalawa pa niyang kasamahan na sina Robie Caber y Antipala,35 at Maren Reprado y Balawang, 38.

 

 

Isang pulis umano ang naging poseur buyer  at nakabili ng isang plastic sachet  na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu  habang karagdagang walobng sachet pa ng shabu ang nakumpiska mula sa mga suspek nang sila ay kapkapan.

 

 

Sinabi ni Dela Cruz na nadamay lang ang kanyang kasintahan at wala itong alam sa kanyang naging transaksyon.

 

 

Napag-alaman na dati na ring nakulong si Dela Cruz dahil din sa kahalintulad na kaso at nakalaya matapos ang tatlong taon.

 

 

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag na may kinalaman sa illegal na droga at nakatakdang iharap sa inquest proceedings sa Manila Prosecutors Office.  GENE ADSUARA

Other News
  • Walang kapaguran ang ‘Super Ate’ ng Pangulo: Sen. IMEE, todo arangkada para kanyang mga adbokasiya

    SAMAHAN si Senadora Imee Marcos sa pag-ikot niya sa bansa para sa kanyang mga public service advocacies.   Lahat nang ito ay mapanonood ng libre sa kanyang official YouTube channel ngayong weekend.   Sa araw na ito, Nobyembre 11, silipin ang kanyang bagong vlog, sa pagtungo nang walang kapagurang Senadora sa Cebu para sa kanyang […]

  • 40 BI officials na sangkot sa ‘Pastillas Scheme’ sinabon at pinakain ng pera

    MAHIGIT 40 opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa “Pastillas Scheme” ang ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.   Ito ang mga tauhan ng BI na nakatalaga sa airport na tumatanggap ng pera na suhol para makabilis na makapasok sa bansa ang mga Chinese nationals king saan nakarolyo ang perang suhol sa […]

  • ‘Tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga kampanya sa 2022 elections’

    Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections.     Sa kanyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya. […]