KAAGAD pinawi ni Kim Chiu ang pangamba ng kanyang mga tagasuporta matapos ang kinasangkutang shooting incident sa van kung saan siya nakasakay bandang alas-6:00 kahapon ng umaga, Marso 4 sa bahagi ng C.P. Garcia Avenue, Katipunan Quezon City.
Sa kanyang Instagram post, inihayag ng 29-year-old actress na nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nag-alala pero hindi pa nito masasagot ang lahat ng mga text at tawag sa kanya upang siya ay kamustahin.
Kuwento pa ng Chinese-Filipina actress na tubong Cebu, labis siyang natakot ngunit ang mahalaga ay walang nasaktan sa mga kasama niyang assistant at driver.
Palaisipan kay Chiu kung “mistaken identity” ang nangyari dahil wala naman siyang kaaway.
Ayon sa kanyang driver, matapos tambangan agad ding dumiretso sa taping ng tele-seryeng Love Thy Woman si Kim kasama ang kanyang assistant.
Sa inisyal na impormasyon, kalalabas lamang ng van ni Kim sa subdivision nito nang biglang pagbabarilin ng riding in tandem ang itim na van ng aktres. Siyam na bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng sasakyan. Nasa ligtas na itong kalagayan at agad silang sinundo ng isa pa niyang driver.Agad na tumakas ang mga suspek patungong Katipunan Avenue, Old Balara.
Bumuo na rin ng task force ang QC Police District para imbes-tigahan ang pamamaril.Binigyan na rin ng police escort ang aktres.
Samantala, kabilang sa mga katanungan ni Kim kung ang pangyayari nga ba ay “mistaken identity,” o kaya “napagtripan lang” o ito ba ay “masamang biro.”
Aniya, wala naman daw siyang kaaway. Sa kabila nito, todo ang pasasalamat ng aktres at ligtas sila lalo na at kabilang sa tinamaan sa loob ng kanyang van ay ang lugar kung saan palagi siyang nakapuwesto kung nag-aaral siya ng kanyang mga scripts.
Narito ang naging post ni Kim sa kanyang social media account:
“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tininignan nyo muna ang plate number bago nyo paulanan ng bala yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”
Hindi rin niya lubos maisip ang motibo sa nangyaring ito sa kanyang buhay.
“I was so scared, I don’t know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso.”
“Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa. Sana tininignan niyo muna ang plate number bago niyo paulanan ng bala ‘yung kotse ko but at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us,” pahayag pa ni Kim.
Habang inaala-ala rin ang masaklap na nangyari ikinuwento niya ito habang umiiyak sa interview niya kay MJ Felipe para sa TV Patrol.
“Para akong nasa Probin-syano, dyusko. First time ko makarinig ng shootout.
“Wala naman akong kasalanan . Hindi ko alam what’s happening.
“It’s just a normal taping day for me na lumabas sa village e.
Naalimpungatan daw si Kim nang makarinig ng kakaibang tunog at hindi raw niya kaagad napagtanto na putok iyon ng baril.
“ Maliit lang ‘yung putok, e. As in manipis lang siya na tunog.”
Hindi pa raw agad nag-sink in kay Kim ang mas matinding kapahamakang posibleng niyang sinapit.
“Hanggang sa umupo ako, nakita ko ‘yung mga tama ng baril na mga bilog-bilog sa bintana.
“Shocks, kung hindi ako humiga, tatamaan talaga ako. I was scared,” naluluhang pahayag ni Kim.
Agad ding dinamayan ng mga ABS-CBN boss si Kim sa traumatic experience na ito. Kasama sa mga nakasuporta sa aktres ay sina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes, Johnny Manahan at Ging Reyes.