• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2020

Infected ng COVID, 9.7-M na – reports

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaabot na sa 9,709,151 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa buong mundo.

 

Sa nasabing bilang, 3,904,597 (99%) ang nasa mild condition at 57,620 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

 

Ang Estados Unidos pa rin ang nangunguna sa mga bansang may corona virus, kung saan may 2,504,588 cases na sila, habang 126,780 naman ang binawian ng buhay.

 

Habang 491,746 naman ang mga namatay sa buong mundo dahil sa naturang sakit.

 

Samantalang 5,255,188 naman ang mga naka-recover matapos ang gamutan at quarantine procedure. (Daris Jose)

Australia at New Zealand napiling host ng 2023 Women’s World Cup

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Napili ng FIFA ang Australia at New Zealand na maging co-host ng 2023 Women’s World Cup.

Ito ang ay base sa ginawang botohan ng FIFA.

Inanunsiyo ng FIFA sa pamamagitan g virtual executive council meeting kung saan 22 sa 35 na boto ang sumang-ayon sa pag-host ng dalawang bansa ng nasabing torneo.

 

Lumakas ang tsansa ng dalawang bansa ng umatras sa bidding ang Japan at tanging Colombia lamang ang kanilang katunggali sa bidding.

Pinuri kasi ng karamihan ang New Zealand dahil sa matagumpay na paghawak nito ng kaso ng coronavirus.

 

Labis naman na ikinatuwa ni New Zealand Prime Minister Jacinda Arden ang pagkapili ng kanilang bansa na maging host.

Trabaho sa BPO, naghihintay sa mga uuwing OFW

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

May naghihintay na oportunidad sa trabaho sa mga industriya ng business process outsourcing (BPO) para sa mga uuwing overseas Filipino worker, partikular sa mga mayroong karanasan sa information technology at healthcare, ayon sa Department of Labor and Employment.

 

Kasunod ito ng pagtutulungan ng DOLE at ng IT and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) upang umagapay sa produktibong reintegration ng mga OFW at mapunan ang demand para sa karagdagang manpower sa industriya ng BPO.

 

Nitong buwan, sinabi ni Secretary Silvestre Bello III na nakikita ng kagawaran ang pag-unlad sa industriya ng BPO dahil napipilitan ang ibang bansa na mag-outsource ng trabaho bunsod ng global recession, at malaking bilang rito ang mapupunta sa Pilipinas.

 

Sa isang virtual meeting nitong Huwebes, nagpasalamat si Assistant Secretary Dominique Tutay sa inisyatibo ng IBPAP at tiniyak ang suporta ng DOLE upang mabilis na magkaroon ng ugnayan ang mga employer at jobseeker.

 

Maglalaan ang kagawaran ng database ng mga umuwing OFW na interesado o kuwalipikado para sa mga bakanteng trabaho.

 

Samantala, ang mga aktibidad para sa career marketing, initial screening, at job matching ay isasagawa ng IBPAP mula Agosto hanggang Nobyembre.

 

Upang mapaigting ang hakbangin, sinabi ni Tutay na ang kagawaran ay itutuon ang kanilang pansin sa pagsasagawa ng mga virtual job caravan upang mas mapadali ang pag-uugnayan ng mga jobseeker at employer.

 

Sinabi naman ni National Reintegration Center for OFWs (NRCO) OIC-Director Roel Martin na ang ugnayan ay makatutulong sa attached agency ng DOLE sa pagbibigay ng  job facilitation services sa  mga umuwing OFW at kanilang mga pamilya.

 

Wika pa niya, ang ilan sa mga katuwang ng ahensya sa OFW reintegration ay ang SITEL; Department of Public Works and Highways at DMCI para sa mga proyekto sa Build Build Build; Mega Sardines; at Motolite. Sinabi rin niya na ang mga umuwing OFW ay nai-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa retooling at paglinang ng kanilang mga kasanayan.

 

Ayon kay IBPAP Executive Director for Talent Development Frankie Antolin, sa kabila ng pandemya, marami pa ring bakanteng trabaho para sa IT-BPM dahil sakop nito ang mga sangay ng contact center; animation at game development; global shared services; financial, IT, at HR shared services; software at IT outsourcing; at health information management system.

 

Dinagdag pa niya na ang mga umuwing OFW ay mayroong mga kasanayan na lubos na makatutulong upang magampanan ang mga trabaho para sa industriya ng BPO. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

 Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96.

 

Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon.

 

Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi na angkop sa panahon ngayon.

 

Umalma rin si University of the Philippines (UP) star Kobe Paras sa ginawang pagbabawal sa paglalaro ng foreign student athletes.

 

Maraming manlalaro rin ang nagpahayag ng kanilang galit sa social media habang ang iba naman ay pabor na alisin ang foreign-student athletes sa palaro upang mabigyan pagkakataon ang mga malalaking local players na kuminang.

 

Para kay dating Letran Knight at 1999 NCAA MVP Kerby Raymundo, maganda ang naging desisyon dahil naniniwala itong inaagaw ng foreign student-athletes ang oportunidad na para sa mga Pinoy.

 

“Good news ito! Kinain nila playing time ng Locals, When locals play, they make mistakes, they learned from their mistakes, next game they play better. 3 years later they improved a lot. They’re ready to play in PBA,” tweet ni Reymundo.

 

Naniniwala ang mga nasa likod ng pagpapalit ng rules na maganda ito para sa Philippines sports at tinawag pa nila ang mga  imports na mercenaries.

Boxing icon Roberto Duran, nagpositibo sa COVID-19

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nananatili ngayon sa isang ospital sa Panama ang boxing legend na si Roberto Duran matapos makumpirma na dinapuan ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Sa Instagram post ng kanyang anak na si Robin, sinabi nitong minor symptoms lamang na katulad ng sipon ang naranasan ng kanyang ama.

 

Hindi naman daw inilagay sa ventilator o sa intensive care ang boxing champion, at sinabi raw ng mga doktor sa pamilya ni Duran na nananatiling nasa magandang kondisyon ang mga baga nito.

 

Dinala lamang daw sa ospital si Duran bilang preventive measure na parehong bunsod ng kanyang edad at dahil sa nakalipas nitong problema sa baga.

 

Matatandaang si Duran, na namayagpag sa lightweight division, ay isa sa mga ikinokonsiderang mga greatest boxer of all time.

 

Iniluklok si Duran sa International Boxing Hall of Fame noong 2007 matapos ang 33-taong professional career na nakapagtala ng 103-16 record na may 70 knockouts.

GSIS, magbibigay ng financial aid sa 11 gov’t LIGTAS COVID centers

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsiyo ni Government Service Insurance System (GSIS) president at General Manager Rolando Ledesma Macasaet na magbibigay na rin sila ng financial assistance na aabot sa P700,000 sa 11 government Local Isolation and General Treatment Areas for COVID-19 cases o tinatawag na LIGTAS COVID centers.

 

Ang COVID center ay community isolation unit na nakalagay sa isang barangay, municipality, city o kaya probinsiya na nagsisilbing temporary shelter sa mga COVID-19 cases na nangangailangan ng quarantine o kaya ay isolation.

 

Tinukoy ng state pension fund ang 11 mga LIGTAS COVID centers na mabibiyayaan ng halos isang milyong piso na tulong pinansiyal ang mga nasa high-risk geographic areas sa National Capital Region, Region III o Central Luzon (except Aurora), Region IV-A o CALABARZON, Pangasinan, Benguet, Iloilo, Cebu, Bacolod City, Davao City, Albay, at Zamboanga City.

 

Ayon sa GSIS president, makakatulong ang P700,000 sa pagbili ng supplies at mga resources sa mga patient care equipment, tulad ng hygiene kits, handwashing facilities, oxygen support, maintenance at medication sa mga COVID patients.

 

“This corporate social responsibility initiative aims to enable local government units to prevent further transmission and manage cases of COVID-19 at the family and community levels,” ani Macasaet. “The centers will be selected by lead agencies, DOH and DILG.”

P160K subsidy para sa modern jeepneys kinasa ng DOTr

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tinaasan ng Department of Transportation (DOTr) ang subsidy para sa modern jeepneys upang ma-engganyo ang mga drivers at operators na palitan ang kanilang mga lumang public utility jeepneys mula sa dating P80,000 na ngayon ay P160,000 na.

 

Nilagdaan ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang isang amendment ng provision ng Department Order No. 2018-16 na naglalayon na maging affordable ang PUV units at magkaroon ng financial viability ang programa para sa mga drivers at operators sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

 

Ginawa ito matapos sabihin ng Malacanang na mga “roadworthy” lamang na traditional jeepneys ang papayagang muling pumasada ngayong linggo.

 

“The P160,000 per PUV unit is equity subsidy for existing operators with valid franchise as well as PUV operators applying for new or developmental routes under the Omnibus Franchising Guidelines,” wika ng DOTr.

 

Ayon kay Tugade, ito ay isang paraan upang matulungan ang mga stakeholders na sasali sa PUVMP habang ang bansa ay nagsisimula ng magkaroon ng “new normal” sa sitwasyon ng COVID-19.

 

“As we move forward for change, this is one way of DOTr’s assistance to you. Contrary to statements of critics, we are here to assist and hear the concerns of all stakeholders. Especially now that we are gearing to a future wherein modernization will greatly benefit everyone,” dagdag ni Tugade.

 

Natuwa naman si LTFRB chairman Delgra sa karagdagang subsidy na ibibigay ng DOTr sa mga operators at drivers ng mga traditional jeepneys dahil sa pamamagitan nito ay mas marami pa ang makakasali sa PUVMP.

 

“More PUV operators and drivers can now participate in the PUV Modernization Program as they are assured to access to funds especially from government-run banks,” sabi ni Delgra.

 

Sa kabilang dako naman ay sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na ang mga roadworthy units lamang ng mga traditional jeepneys ang papayagang pumasadang muli at kung may kakulangan pa sa deployment ng mga iba pang modes ng mass transportation.

 

Ayon kay Roque ay sinusunod lamang nila ang”hierarchy of public transport modes” kung saan ang traditional jeepneys ay nasa pinakababa dahil sa mahirap na pagpapatupad ng social distancing sa PUJs.

 

Subalit sinabi naman ni Delgrasa House Committee on Metro Manila development na papayagan na nilang pumasada ang UV Express vans at jeepneys ngayon linggo.

 

Dagdag pa ng DOTr na ang LTFRB sa kasalukuyan ay gumagawa ng mga guidelines para sa operations ng UV Express vehicles.

 

Samantala, iginiit naman ni Senator Nancy Binay sa DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bigyan ng aksyon ang kalagayan ng mga drivers ng traditional jeepneys. “The DOTr and LTFRB should not be blind and deaf to the cry of our jeepneys drivers because they are troubled whether they will allowed or not by them to operate or not. Why not tell it straight to them whatever plans they have. Will the traditional jeepneys be allowed to operate or not?” ayon kay Binay. (LACSAMAR)

Pacman at pamilya, ‘home sweet home’ na pero 2-week quarantine muna sa resort

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakauwi na sa Lungsod ng Heneral Santos si Senator Manny Pacquiao kasama ang buong pamilya nito.

 

Mapapansing nakasuot ng face shield at naka-surgical gloves ang mag-asawang Pacquiao pati ang mga anak na sina Mary Divine Grace Pacquiao, Emmanuel Pacquiao Jr, Michael Pacquiao, Queen Elizabeth Pacquiao at Israel Paquiao.

 

Nang lumapag ang eroplano ay diretso agad ang buong pamilya sa kanilang sasakyan.

 

Nabatid na ilang buwan din namalagi sa Metro Manila ang pamilya Pacquiao matapos abutan ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

 

Bilang pagsunod sa health protocol, sasailalim ang Pinoy ring icon at mag-iina nito sa 14 days quarantine sa kanilang resort na nasa Taluya Glan, Sarangani Province.

SSS tumatanggap na ng aplikasyon sa online para sa unemployment benefits

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Good news para sa mga miyembro ng Social Security System (SSS) na nawalan ng trabaho dahil sa krisis dala ng COVID-19 pandemic.

 

Binuksan na ngayon ng SSS ang pagtanggap sa aplikasyon online para sa unemployment benefit.

 

Ayon kay SSS president at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, maaaring mag-qualify para sa unemployment benefits ang mga empleyado na SSS members, mga kasambahay, overseas Filipino worker (OFW), mga miyembro na nakapagbayad na ng 36 na buwan na contributions, o kaya nakapagbayad na ng 12 buwan sa loob ng 18 months bago ang involuntary separation sa trabaho.

 

Dapat din daw ang isang miyembro ay hindi 60-anyos sa panahon na nawalan ng trabaho, at kung nagmula sa racehorse jockeys ay hindi dapat mahigit sa 50-anyos at 55-anyos.

 

Ipinaalala pa ng SSS na ang application online ay maaaring mag-log in lamang sa kanilang SSS website para sa dagdag na mga panuntunan, o kaya naman tawagan ang SSS hotline sa 1455 o kaya sa Interactive Voice Response System facility sa 7917-7777.

 

“We would like to remind our members to double-check the encoded details before submitting their application to avoid any inconvenience brought by any erroneous entry such as bank account number and contact details. Also, secure your email and text notifications for future reference,” ani Ignacio. “This is part of the SSS’ assistance package that intends to provide financial assistance to members and pensioners affected by the health crisis brought by COVID-19. We hope that our displaced members will immediately get a new job so that they can financially support themselves and their families.”

 

Samantala doon sa mga na-approve para sa unemployment benefit ay idadaan ito sa pamamagitan ng SSS payment channels tulad ng Unified Multi-purpose Identification (UMID) Card na naka-enroll bilang ATM card, bank account sa PESONet sa mga bangko, electronic wallet (tulad ng Paymaya), at sa mga remittance transfer companies/cash payout outlets (gaya ng DBP Cash Padala via MLhuiller).

 

Sinasabing nitong May 2020, mahigit na rin sa 900 na miyembro ang nakinabang sa unemployment benefits sa panahon ng community quarantine mula March 16 hanggang May 31 na may kabuuang disbursement na nagkakahalaga na ng P11.76 million.

NFL Hall of Fame ceremonies kanselado na

Posted on: June 29th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinansela na ang Professional Football Hall of Fame 2020 induction dahil sa coronavirus pandemic.

 

Gaganapin sana ang nasabing ceremony mula Agosto 5-9.

 

Sinabi ni Hall of Fame CEO David Baker, inalala nila ang kaligtasan ng mga Hall of Famers, fans at volunteers kaya minabuti na nila itong kanselahin.

 

Dagdag pa nito na magkakaroon ng ibang petsa ang 2020 ceremony at 2021 ceremony.

 

Kasamang nakansela ay ang pre-season Hall of Fame Game sa pagitan ng Dallas Cowboys at Pittsburgh Steelers.