• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 24th, 2020

ICU beds sa Metro Manila na nasa ‘danger zone’ nireresolba na – NTF

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinawi ng National Task Force Against COVID-19 ang pangamba ng publiko ang pahayag ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang critical care capacity ng mga osiptal sa Metro Manila.

 

Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr., may mga na-locate na silang mga ospital at facilities na may sapat pang ICU beds na magagamit para sa mga COVID-19 patients.

 

Ayon kay Sec. Galvez, patuloy din ang kanilang ginagawang inspeksyon sa mga naitayong pasilidad bilang isolation facilities at maaaring gagawing critical care units.

 

Sa ngayon, batay sa data ng DOH nitong July 18, mayroon pang 712 ICU beds, 5,486 isolation beds, 1,582 ward beds at 1, 617 ventilators sa Metro Manila.

PGH, tuluyan nang lumagpas sa kapasidad para sa COVID patients

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tuluyan lumagpas sa kapasidad na pasyente para sa COVID-19 ang Philippine General Hospital.

 

Ayon kay PGH spokesman Dr. Jonas del Rosario, mayroon lamang 210 hospital beds ang kanilang pasilidad, ngunit 215 na ang naka-confine na pasyente.

 

Maliban sa mga ito, may 40 pang nasa waiting list ng PGH.

 

Lumalabas sa kanilang record na 45 sa mga nagpositibo ay health care personnel.

 

Inamin din ni Del Rosario na isa sa naging dahilan ng mabilis na pagkapuno ng kanilang bed capacity ang pagbuhos ng walk-in patients mula sa mga kalapit na lugar sa lungsod ng Maynila. (Ara Romero)

Pacman, nanumpa bilang miyembro Multi-Sector Advisory Board ng ng Ph Army

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army (PA) si Senator Manny Pacquiao.

 

Si Lt Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang nanguna sa event kasama sina M/Gen. Reynaldo Aquino, PA Vice commander, at Lt. Col. Roy Onggao, Army Chief Chaplain.

 

Nagbigay ng kanyang mensahe ang fighting senator sa pamamagitan ng video conferencing.

 

Nabatid na isang reservist si Senator Pacquiao na may ranggo na Lt. Colonel.

15-ANYOS NA BINATILYO TIMBOG SA P28K SHABU

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P28,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8::05 ng gabi sa kahabaan ng Judge A. Roldan St. Brgy. San Roque matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nakumpiska ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez kay Enteng ang 11 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 4.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P28,880.00 ang halaga at buy-bust money.

 

Sinabi pa ni Col. Balasabas, ang suspek ay hindi kabilang sa list ng mga hinihinalang drug personality subalit, dahil sa ilang mga reklamo na kanilang natanggap hinggil sa kanyang illegal na aktibidad ay isinailalim ito ng mga operatiba ng SDEU sa surveillance operation.

 

Nang makumpirma na sangkot ito sa pagbebenta ng illegal na droga ay agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU kontra sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya. (Richard Mesa)

MM, maaaring ibalik sa MECQ

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING ibalik ang Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kapag ang kaso ng COVID-19 sa bansa ay umabot sa 85,000 gaya ng pinroject ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

“That’s a distinct possibility, although it’s a possibility that I wish would not happen,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pumiyok si Sec. Roque, hindi na kakayanin pa ng ekonomiya ang panibagong shutdown, subalit “if we have to and there’s no alternative, we need to do it.”

“So, ang sinasabi nga natin, dapat ingatan ang ating mga katawan para tayo po ay magkaroon ng hanapbuhay,” dagdag na pahayag nito.

“I’m confident that the Filipinos actually will cooperate to an even greater degree than they have shown. Yesterday, I announced that we’re second in the world as far as wearing face masks is concerned, and that shows that the Filipinos will cooperate when they have to,” aniya pa rin.

Ang National Capital Region, ay nasa ilalim ng MECQ mula Mayo 16 hanggang 31, na ngayon naman ay nasa ilalim ng General Community Quarantine.(Daris Jose)

Ads July 24, 2020

Posted on: July 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments