• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 13th, 2020

DOST, DOH MAKIKIPAGPULONG SA MANUFACTURER NG COVID 19 SA RUSSIA

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKIPAGPULONG ang mga kjnatawan ng Department of Science and Technology (DOST) at Department of Health (DOH) sa Gamaleya Institute, ang manufacturer ng Russia coronavirus disease (COVID-19) vaccine,para pag usapan ang possibleng pakikilahok ng Pilipinas sa vaccine clinical trials.

 

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na ang DOST ,ang magiging lead agency sa government COVID-19 vaccine panel,sa Gamaleya para pag usapan ang magiging papel ng bansa sa  Phase 3 ng vaccine clinical trials.

 

Ang naturang stage ay kung saan libong oasyentr ang babakunahan para matiyak ang kaligtasan at kung epektibo ang vaccine.

 

Una nang inianunsiyo ni Russian President Vladimir Putin na inaorubahan na ng Moscow at inirehistri na ang vaccine para sa COVID-19 na nakapanghawa na ng may 20 milyon at kumitil sa buhay ng may 738,000 katao sa mundo.

 

Tiniyal naman ng DOH na ang Russian vaccine ay isasailalim sa regulatory process sa sandaling dumating sa Pilipinas.

 

“We can ensure the public na atin itong padadaanin sa mga procedures natin here sa Pilipinas even though dumaan na ‘yan sa regulatory procudures sa Russia…It’s different when it arrives here in the country,” ayon kay Vergeire.

 

Ipinaliwanag naman ni Vergeire na ang clunical trials na isinasagawa sa iba’t ibang vaccune ay iba sa gagawing “mass

inoculation ” gobyerno na ipatutupad sa sandaling ang isang vaccine ay inaprubahan pata magamit ng publiko.

 

“Kailangan nating madifferentiate itong pumapasok na trials ngayon, [The clinical trials we have now,] these would be done to thousands of our citizens, but this is still not the exact allocation when you have the approved vaccine,”dagdag oa ng opisyal.

 

Kaugnay nito,sinabi nj Verheire na ang Pilipinas ay magpapatupad ng 9 na buwan clinical trial ng Jaoanese Avigan sa

Philippine General Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez, Sta. Ana Hospital, at Quirino Memorial and Medical Center.

 

Bukod dito,ang Pilipinas ay bahagi ng World Health Organization’s Solidarity Trial. (GENE ADSUARA)

Exhibition fight ni Tyson kay Jones inilipat sa Nobyembre

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inilipat sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.

 

Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California.

 

Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban.

 

Sasamantalahin din anila ang pagkakataon para makapag-ensayo pa.

 

Magugunitang huling lumaban ang 54-anyos na si Tyson noong 2005 ng talunin siya ni Kevin McBride habang taong 2003 naman ng talunin ng 51-anyos na si Jones si John Ruiz para makuha ang WBA heavyweight championship.

Marathon trivia 2

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY ko ang sinimulan kong kuwento o marathon trivia sa bansa na aking nalaman, ilan ang binahagi pa rin ng aking ama.

 

Sa mga dekada 80 at 90, sikat na long distance runners o marathoners, hindi pa uso noon ang mga ultrarun o ultramarathon kaya bibihira ang mga matatawag na ultrarunner o ultramarathoner.

 

Hindi katulad ngayon o sa nakalipas na 20 taon, parang kabuteng nagsusulputan ang mga ultrarunning events, lalo na sa parteng Luzon.

 

Ilan sa mga nakasabayang sikat na marathoners ng papa ko sa pagsali-sali niya sa Philippine Airlines-Manila International Marathon, SMB-Pilipinas International Marathon (dating PTWM)ang mga alamat ng PH long distance running na sina Jimmy Dela Torre at Herman Suizo ng Iloilo, Roy Vence, Joseph Bulatao, Primo Ramos, at Hernandito Pineda.

 

Gayunding ang pinakamagandang lady runner na si Rowena Monton na nakabase na sa USA, Arsenia Sagaray, Lani Illanza-Camargo, Ledy Semana-Siminig, Zenaida Belonio, Gabonada sisters (Lea at Lani), Thelma Montebon, Liza Relox-Delfin at iba pa.

 

***

 

Happy birthday sa tito kong si Sandro D. Cruz ng GMA, Cavite na magdiriwang ngayong Lunes, Agosto 10.

 

Ipanalangin po nating may matuklasan ng gamot na pamuksa sa COVID-19 pandemic.

 

At kung nais po ninyong mag-reaksiyon o magtanong, paki-email lang po ninyo ako sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Hanggang bukas uli mga Ka-People’s BALITA.

 

Sumaating lahat ang pagpapala ng Makapangyariyang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritung Banal!

5.7-B bakuna naka-pre order na sa buong mundo

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumalo na sa 5.7 billion doses ng coronavirus vaccines ang na-pre-order sa buong mundo kahit hindi pa natatapos ang clinical trials nito.

 

Ang unang shipment ng COVID-19 vaccine ay gawa ng Western laboratories mula sa US.

 

Habang mayroong limang bakuna na tatlo sa Western at dalawa sa China ang nasa phase 3.

 

Sa US at mga bansa sa Europa ay mayroong tig-700 millioin na bakuna ang kanilang inireserba.

 

Habang sa Britanya, Japan at Brazil ay mayroong tig-250 million na bakuna ang kanilang inorder sa apat na developers.

 

Umabot naman sa 300 million dosena mula sa AstraZeneca ang inorder ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI) na inilunsad noong 2017 ng Norway, India, Bill and Melinda Gates Foundation at Wellcome Trust.

Pagnanakaw sa bayan sakit na kailangang gamutin – Bong Go

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ikinumpara ni Senador Bong Go ang walang pakundangang pagnanakaw sa kaban ng bayan sa isang sakit na kailangang gamutin at gawan ng preventive measures.

 

Kaya nga, agad na bumuo task force si Pangulong Rodrigo Roa Duterte makaraang malaman nito ang mga alegasyon ng korapsyon sa PhilHealth.

 

Sinabi ni Go na walang puwang sa administrasyon ni Pangulong Duterte ang mga corrupt at magnanakaw dahil ang “public office ay public trust”.

 

Ayon kay Go, inaasahan nilang gagawin ng task force na kinabibilangan ng DOJ, NBI, Ombudsman, COA, Executive Secretary at ang PACC ang malalimang imbestigasyon, audit at lifestyle check gayundin ang pagrerekomenda ng suspension, pag-prosecute at pagsasampa ng kaso hanggang sa dismissal kung kinakailangan.

 

Binigyang diin ni Go na tulad ng nabanggit ng pangulo, yayariin niya ang mga sangkot sa katiwalian.

 

Samantala, tiniyak ni Go na hindi matatapos sa paggamot ng korapsyon ang gagawin ng pamahalaan at sa halip ay dapat ding hanapan ito ng bakuna tulad ng isang sakit para maiwasan ang pagkakaroon nito sa mga susunod na panahon. (Daris Jose)

Phil. Red Cross, ikinalungkot ang pagpalayas sa nurse na COVID positive sa rented room

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ikinalungkot ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtrato ng ilang mamamayan sa mga nagpositibo sa coronavirus.

 

May kaugnayan ito sa naging pag-rescue nila ng isang nurse matapos na palayasin ng kanyang landlady matapos na magpositibo sa coronavirus.

 

Sinabi ni Dra. Zenaida Beltejar, consultant ng Philippine Red Cross Welfare services, nakakalungkot na masaksihan niya nang personal ang nangyaring pag-rescue nila sa isang customer care representative nurse na pinalayas sa kaniyang tinutuluyan sa lungsod ng Makati.

 

Sa naging panayam niya sa nurse na si “Gem,” unang ipinaalam niya sa kaniyang land lady ang resulta ng kaniyang kalagayan subalit nag-text ang kaniyang landlady na dapat umalis na ito sa kaniyang tinutuluyan.

 

Nagpalaboy-laboy ito sa lungsod ng Makati at nakarating pa siya sa Pasay City.

 

Hindi rin ito makauwi dahil pinayuhan siya ng kaniyang kaanak na dapat maging negatibo muna ang resulta ng kaniyang test.

 

Nagtungo rin ito sa barangay health center ng Olympia, Makati subalit hindi rin ito nakakuha ng tulong.

 

Inilapit na lamang siya ng kaibigan sa Philippine Red Cross at doon naabutang nakaupo sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Southville sa Makati City.

 

“Nung naghahanap po ako ng matutuluyan ko, wala po akong makita sa Makati. Hanggang dun po ako nakarating sa Pasay, dun po ako naka-check in,” ani “Gem” sa kuwento sa Red Cross. “Nung pumunta po ako, ang sabi sa ‘kin, sarado raw ang barangay health center… Ang sabi po sa ‘kin, ‘Sinasabi ko sa’yo, di ka matutulungan dito.’ May binigay sa ‘kin na contact number. Landline po, kaya di ko po ma-contact.”

 

Nanawagan na lamang si PRC chairman Sen. Richard Gordon na dapat magkaroon ng tamang polisiya ang mga barangay sa pagtugon sa mga pasyente na nagpostibo sa coronavirus lalo na at isang nurse pa na mahalaga sa paglaban sa pandemya.

 

Ang nasabing pangyayari aniya ay isang malaking diskriminasyon lalo na at isang medical frontliners pa ang nadapuan ng coronavirus.

 

Umaasa ang senador na agad na maipasa ang kaniyang panukalang batas na pagbabawal ng diskriminasyon sa mga COVID-19 patients at maging ang may mga sakit.

‘Delayed’ allowance ng mga athletes, coaches makukuha na – PSC

Posted on: August 13th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Philippine Sports Commission (PSC) na malapit nang matanggap ng mga atleta at mga coach ang kanilang monthly allowance matapos ang ilang delay.

 

Pahayag ito ng PSC kasunod ng naging panawagan ni Sen. Christopher “Bong” Go na ibigay na dapat ang allowances ng mga athletes at coaches.

 

Ayon kay PSC Commissioner Ramon Fernandez, natugunan na raw nila ang isyu sa delay ng mga allowance, na posible na raw maging available bukas, araw ng Lunes.

 

Paglalahad pa ni Fernandez, ang pagkaantala sa paglalabas ng pera ay bunsod ng coronavirus pandemic, ngunit sa tulong ng Landbank ay kanila na raw naresolba ang problema.

 

Sinabi pa ng opisyal na may empleyado ng Landbank ang nagpositibo sa COVID-19, kaya lalong na-delay ang processing ng mga allowance.

 

“Third week of July, inaayos na ‘yan. Had to redo payroll computations and coordination with Landbank on payroll system but all of a sudden, nag-lockdown sila for two weeks at may nag-positive na employee nila,” ayon kay Fernandez.

 

“But hopefully, release na siya by Monday,” dagdag nito.

 

Kamakailan nang maglabas ng statement si Go na nakatanggap daw ito ng mga reports na na-delay daw ang allowance ng mga atleta at coaches para sa buwan ng Hunyo at Hulyo.

 

Tinawag din ni Go, na malapit sa Pangulong Rodrigo Duterte, ang pansin ng PSC na tugunan ang sitwasyon, habang nag-alok din ito ng tulong sa ahensya bilang siya rin ang nakaupong chairman ng Senate Committee on Sports.