Unti-unti nang ginagawang mga isolation center ang mga pampublikong paaralan sa Metro Manila para sa mga pasyenteng may coronavirus disease 2019 o COVID-19, ayon sa Malakanyang.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hinihintay na lamang ng pamahalaan ang pagpapasa sa Bayanihan 2 dahil kabilang dito ang pagpapagawa ng mga paaralan.
“We are now building more isolation facilities. As you know, the Department of Education has agreed to lend us 50 percent of all schools. While they’re not yet ready for immediate use, we are looking forward to using these as isolation centers,” ani Roque.
Tiwala naman si Roque na madali na lamang para sa pamahalaan na gawing isolation centers ang mga pampublikong paaralan.
“The good thing is that with the public schools, we don’t really need to build structures. We just have to buy beds, linens, and provide for kitchens for these public schools when we use them as isolation centers,” paliwanang pa ni Roque.
Matatandaang noong nakaraang Linggo ay pinayagan ni Education Secretary Leonor Briones ang paggamit sa mga school facility dahil magiging online classes naman ang gagawin ng ahensya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)