• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 10th, 2020

Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto  si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo.

 

 

Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese rookie pro ng  ¥408,000 (₱187K).

 

 

Patungo sa  53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 na sisiklab ngayong Huwebes sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama na panlimang yugto sa pinaigsing Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) sa taong ito, pumiprimera si Saso sa Mercedes ranking sa total earnings na ¥59,448,000 (₱27M).

 

 

Pero bumubuga ng hangin sa bumbunan ng Indonesia 2018 Asian Games double gold medalist at two-time Philippine Ladies Open queen ang reyna sa Earth Mondahmin Cup na si Ayaka Watanabe ng Japan na may ¥51,620,000 makaraang kumubra sa Golf 5 ng  ¥4.740M.

 

 

Ang kampeon sa Golf 5 na si Sakura Koiwai na nagkamit ng ng ¥10.8M ang nasa tersera na sa ¥31,640,000 patungo sa kampeonato. (REC)

 

Ads September 10, 2020

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Balik-collegiate league pinaplantsa na ng JAO

Posted on: September 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BABALANGKAS Ang technical working group (TWG) ng Joint Administrative Order (JAO) panel ng training guidelines para sa pagbabalik ng mga collegiate league sa pangunguna ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) at University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

 

 

Ito ang ipinahayag nitong Lunes ni Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Prospero de Vera III, sa virtual press conference na dinaluhan din nina Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez at Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil Mitra.

 

 

Sumama rin sa kaganapan sina PSC-Philippine Sports Institute (PS) National Training Director Marc Edward Velasco, Philippine Basketball Association (PBA) Deputy Commissioner Eric Castro, Pilipinas 3×3 Commissioner Frederick Altamirano at Philippine Football League (PFL) commissioner Mikhail Torre.

 

 

Idinagdag ni De Vera na manggagaling ang TWG sa CHED, PSC, DOH at mga National Sports Associations (NSAs) na magtatakda ng safety guidelines at health protocols sa mga liga sa harap ng mga kontrobersiyang nilikha ng Sorosogon bubble training ng University of Santo Tomas at team practice ng National University sa Calamba.

 

 

May dalawa-tatlong linggong tinataya mapipinalisa ang guidelines para makaiwas sa Covid-19 ang mga student-athlete.  (REC)