• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 16th, 2020

Pagbabawas ng physical distance ng mga commuters muling pag-uusapan ng IATF

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING pag-uusapan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang isyu patungkol sa ipatutupad na sanang pagbabawas ng social distancing sa mga pampublikong sasakyan.

 

Bumuhos kasi ang pagpalag at pagtuligsa  ng iba’t  ibang sektor sa nasabing hakbang dahil na rin sa pangambang baka lalo pang kumalat ang virus.

 

Giit ni Sec. Roque, marunong naman silang makinig sa mga hinaing kaya’t bukas na bukas din ay tatalakayin nila sa IATF meeting ang isyu.

 

Araw ng Huwebes ayon kay Sec. Roque nang aprubahan  ng Task Force ang panukalang  itaas ang ridership sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas ng physical distance sa mga commuters.

 

Mula sa isang metro, ay magiging 0.75 meters o dalawang talampakan at limang pulgada na ang distansya ng bawat pasahero sa mga tren simula Lunes, September 14 sa LRT line 1, LRT line 2, MRT line 3, at PNR.

 

Samantala, todo-depensa naman ang Department of Transportation (DOTr) sa pagpapatupad ngayong araw ng reduced physical distancing sa mga public transport sa gitna ng hindi pa humuhupang COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni  DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, nakabase sa siyensiya ang kanilang naging hakbang.

 

Ani Tuazon na ang pinagbasehan nila ay ang pag-aaral ng ibang eksperto, katulad ng International Union of Railways, kung saan lumalabas na hindi naman kailangan talagang ganun kalaki ang distansya para makaiwas sa virus.

 

Sa kanilang pag-aaral sinabi ng DOTr official na maaari pa rin bumaba ang transmission rate nang 94-95% kahit medyo dumikit ng konti ang mga pasahero basta’t sinusunod ang mga health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at ang regular disinfection.

 

Aniya pa, kung titignan ang mga datos ngayon, ang Pilipinas na lang ang nagpapatupad ng one-meter distancing sa mga railways sa buong mundo. (Daris Jose)

CARDINAL TAGLE NAKUHA ANG COVID SA EROPLANO O AIRPORT

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang paniniwala ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na nakuha ni Cardinal Luis Antonio Tagle, nagpositibo sa COVID-19,ang virus sa eroplano o sa paliparan.

 

Ito ang inihayag ni Acting CBCP President Pablo David ,dahil nag negatibo naman si Tagle sa swab test na isinagawa sa Rome noong Setyembre 7.

 

Hindi naman kasi maiwasan ni Tagle ang makipaghalubilo sa mga tao bilang kilalang mataas na opisyal sa Vatican.

 

Nalaman na umuwi sa Pilipinas si Tagle para dalawin ang kanyang mga magulang sa Imus ,Cavite pero hindi pa niya ito magagawa dahil kinakailangan na sumailalim siya sa 14 na araw na quarantine period .

 

Nabatid na asymptomatic naman ang Cardinal at walang nararamdaman na sintomas ng COVID-19 sa katawan.

 

Gayunman, patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang CBCP para sa paggaling ni Cardinal Tagle.

 

Nalaman sa hanay ng CBCP, may lima na ang dinapuan ng COVID-19, kabilang na ang namayapang si Emeritus Arch.Oscar Cruz. (GENE ADSUARA)

‘After 10 years: Lakers back in Western Conference finals’

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inabot din ng isang dekada bago nakabalik sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers  matapos ilampaso sa Game 5 ang Houston Rockets, 119-96 sa ginanap na laro sa Walt Disney World Complex sa Florida.

 

Mala-halimaw ang pagdomina ng Lakers superstar LeBron James sa laro kung saan ipinoste ang 29 puntos, 11 rebounds at seven assists sa kanyang all-around game para tapusin ang serye nila sa Rockets, 4-1.

 

Kung maalala ang Game 1 ay na-upset ng Rockets ang LA.

 

Nanguna si James sa walang humpay na pag-atake sa depensa ng Rockets na hilig ang matinik nilang small-ball offense.

 

Pero hindi ito umubra at sinabayan pa nang taktika ng Lakers kung saan ipinasok si Markieff Morris bilang sentro sa starting five sa halip na ang big man na si JaVale McGee.

 

Rumesponde naman si Morris sa hamon na may kabuuang 16 points at walang paltos sa three point shots gamit ang 4-for-4.

 

Hindi nakayanan ng Rockets ang pag-ulan ng three point shots nang tumabo ang Lakers sa 19-for-37 kumpara sa 13-for-49.

 

Mula umpisa agad na umarangkada ang Lakers pero humabol ang Rockets upang dikitan ang score at nahabol pa ang 22 points lead ng Lakers sa first quarter.

 

Pero pagkatapos ng third quarter ay hindi na lumingon pa ang Lakers at tuluyan nang ibinulsa ng mas maaga ang best-of-seven series.

 

Inabot lang ng 30 minutos sa paglalaro si LeBron at ang natitirang mahigit limang minuto ay ipinaubaya na niya sa mga teammates.

 

Aminado si LeBron na malaki ang inaasahan sa kanya ng mga fans upang dalhin muli sa kampeonato ang koponan.

 

“Getting this franchise back to competing for a championship, which we’ve done all year,” ani 35-anyos na si James. “It’s the reason I wanted to be a part of this franchise.”

 

Ang iba pang umeksena sa opensa ng Lakers ay sina Anthony Davis na may 13 points at 11 rebounds at si Kyle Kuzma na nagpakita ng 17 points mula sa bench.

 

Samantala, labis naman ang panghihinayang ni James Harden na nagtapos sa 30 points kaugnay sa kanilang kampanya ngayong season na minalas ulit.

 

“it’s very frustrating especially the amount of work individually I put in,” wika pa ng dating NBA MVP.

 

Batay naman sa kasaysayan noong huling umakyat sa conference finals ang Lakers taong 2010, kasama pa noon si Kobe Bryant kung saan umabot pa sila sa kampeonato nang talunin ang Celtics sa finals.

 

Sa ngayon mag-aantay muna ang Lakers kung sino ang kanilang haharapin kung matapos na ang Clippers-Nuggets series.

 

Abanse ngayon ang Clippers sa serye, 3-2 kung saan ang Game 6 ay gagawin bukas.

Mabuhay kayo Arbilon, Mayor Goma!

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DINISPATSA ni Princess Honey Arbilon ng Pilipinas si Maryia Gnedtchik ng Belarus, 4-1, para maikuwintas ang bronze medal sa katatapos na 1st Union Internationale de Pentathlon Moderne (UIPM) World Laser All-Stars.

 

Nilansihan ang 18-anyos na Pinay buhat sa Ormoc City ni Darcy Dryden ng Britain, 2-4, sa semifinals ng Under-22 online tournament na nilahukan ng 35 bansa, upang maihulma ang pakikipagtudlaan sa Balerusian nitong Setyembre 9.

 

Kaga-graduate lang sa Ormoc National High School at isang gold medalist sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa mixed beach laser relay katambal si Samuel German, isang bagito pa lang sa sport ang dalaga.

 

Sinikwat ang gold ni Silvia Ventura ng Mexico na mga dinaig sina Gnedtchik sa semifinals, at Dryden sa race-to-four finale na binubuo ng limang target kada putukan.

 

“We’re slowly honing her to develop the way she makes quick and precise decisions,’’ reaksiyon ni Philippine Modern Pentathlon Association (PMPA) president Richard ‘Goma’ Gomez na siyang alkalde ng Ormoc.

 

“She has to understand the small details that makes a champion, that winning is not all about strength. It also needs mental sharpness and quick decision-making,’’ hirit pa aktor noon at pulitiko na ngayong opisyal.

 

Papasok sa final four, ginulantang din ng bagito ni Arbilon si world-rank Nouran Beheiry ng Egypt 4-0, at ang isa pang world-rank athlete sa katauhan ni Marcela Mello ng Brazil, 4-3.

 

Mula sa OD, isang saludo sa iyo Princess Honey. Gayun na rin sa bata no Mayor Goma. (REC)

Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa  JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.

 

Kabilang ang 68-70-69 patungo sa 283 lang score ng top Philippine pro golfer hambing sa Haponesa na pumoste ng stroke win (69-276) sa mga kalahing sina Na-Ri-Nee Inari (67-277), Ayako Kimura (69-277) at Hikari Tanabe (71-277), mga nagtabla para sa sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

 

Nakapagsubi si Nagamine ng top purse na ¥36M o katumbas ng P16.5M sa apat na araw na paluan sa loob ng 72 butas at nagsilbing panlimang torneo ng mayamang sport circuit na ito sa Asya.

 

May grasya pa rin ang Fil-Japanese rookie pro na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na ¥2,640,000 (P1.3M) sa pagmintis sa una niyang pagtatanga sa unang major title sa paliga.

 

Isa lang ang nai-birdie sa back nine ni Saso, nakatatlong bogey sa holes No.   10, 16 at 18th, at dalawa pa sa front nine sa ikaanim at ikapitong butas na pumigil sa hangad sana niyang pangatlong korona sa limang kompetisyon dito. (REC)

Pinas, mananatiling ligtas na lugar para sa LGBTQ+ community-Sec. Roque

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILING ligtas sa Lesbian, Gay, Bisexual, Transgendered and Questioning (LGBTQ+) community ang bansa sa kabila ng paggawad ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

 

” Naparusahan po si Pemberton at bagama’t nakaalis na po siya ng bansa, hindi po siya umalis bilang isang desirable alien,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa katunayan aniya ay sapilitang  itinapon ng Pilipinas si Pemberton pabalik sa kanyang bansa, sa Estados Unidos.

 

” iyan po iyong ibig sabihin ng ‘deportation’. Sapilitan po iyan, hindi po siya voluntarily lumayas. Pinalayas po natin siya as an undesirable alien dahil siya po’y convicted killer,” anito.

 

Ang binura lamang aniya ng Pangulo kay Pemberton ay  ang balanse ng kaniyang pagkakakulong kung mayroon pa pero hindi aniya  nabura ang  katotohanan na convicted killer  si Pemberton.

 

“Kahit saan po siya makarating sa mundong ito, mayroon pa ring bansag sa kaniya – convicted killer, Pemberton,” diing pahayag ni Sec. Roque.

 

Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City. (Daris Jose)

Carrying capacity ng mga pampublikong sasakyan, tataasan; physical distancing measure sa mga pasahero, babawasan – IATF

Posted on: September 16th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang panukalang dagdagan ang ridership o mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan sa pamamagitan ng pagbabawas sa distansya ng mga pasahero.

Sinabi ni Transportation Sec. Arthur Tugade, kailangan ng dagdagan ang carrying capacity ng mga public transport vehicles lalo na sa Metro Manila at karatig na lalawigan na papunta na sa “new normal” dahil inaasahang dadami na ang mga empleyadong magbabalik sa trabaho habang mas maraming industriya na rin ang magbabalik ng operasyon.

Simula sa Setyembre 14, magiging .75 meter na lamang ang physical o social distancing measure na ipatutupad sa mga pampublikong sakayan.

Makalipas ang dalawang linggo, magiging 0.5 na lamang hanggang 0.3 meter na susunod na dalawang linggo.

Pero mahigpit umanong ipatutupad ang mga health measures gaya ng mandatory use ng face masks at face shields sa mga pasahero.