• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 18th, 2020

Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALA nang puwedeng idahilan para makalusot  ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na.

 

Kabilang kasi sa nilagdaang batas  ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay  pansamantalang sinuspinde ang  requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure.

 

“Kahapon po sinimulan natin iyong paghihimay natin ng Bayanihan II Act or iyong RA 11494. Sinimulan po natin kahapon iyong saan pupunta iyong almost 165 billion na pondo na galing sa kaban ng taumbayan. At ngayon naman po ay tingnan natin ang mga ilan sa mga special powers na ibinigay ng batas sa ating Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Unang-una po, kasama diyan iyong kapangyarihan na magkaroon ng deployment of critical information and communications technology infrastructure tulad ng additional cell towers, equipment, software at wireless technologies sa buong bansa. Para magkaroon ng katuparan ito, ilan sa mga measures ang mga sumusunod:

Pansamantalang suspension ng requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure,” dagdag na pahayag ni  Sec. Roque.

 

Aniya, lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber at iba pa ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application.

 

Kung walang aksiyon ani Sec. Roque ay maituturing na  “deemed approved” na ang isang aplikasyon.

 

“Lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber, paglalagay ng poles, ground terminals at iba pang mga kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application. Ito po ay non-extendable. Ang application na hindi po aaksiyunan sa panahon na iyon ay deemed approved,” aniya pa rin.

 

Lahat aniya ayon pa rin kay Sec.  Roque ay binigay na sa mga service providers kaya wala nang lusot ang mga ito kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo.

 

“Isa lang po ang ibig sabihin nito, wala na pong lusot ang ating mga telecoms providers kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo – lahat po nang hiningi nila ay binigay na natin.

Tingnan po natin pagkatapos ng Bayanihan II sa Disyembre ng taong ito, dapat magandang-maganda na ang serbisyo ng mga telecoms company,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

‘WHO nagpalit ng protocol; magdaragdag ng gamot sa Solidarity Trial’ – DOH

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may madagdag na isa pang off-labeled drug sa isinasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.

 

“Binago rin yung protocol, may bagong gamot na madadagdag, but we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol. Pero may arm ng isang gamot na idadagdag for that,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

As of September 7, mayroon na raw 1,009 moderate at severe COVID-19 cases ang ginagamitan ng gamot na remdesivir at interferon sa 24 na study sites sa National Capital Region, Baguio, Batangas, Cebu at Davao.

 

Katunayan, may paparating pa raw na higit 1,000 na dagdag vials ng nasabing mga gamot sa bansa mula WHO.

 

“Mayroon na ring new shipment ng remdesivir ay parating at interferon, nasa proseso na sila. This will be the third shipment of remdesivir to our country where we are going to receive 1,000 vials from WHO.”

 

Kung maaalala, ipinahinto ng WHO ang paggamit sa hydroxychloroquine at lopinavir/ritonavir bilang treatment drug dahil sa nakitang hindi magandang epekto nito sa ilang ginamitan abroad.

 

Samantala, hinihintay pa raw ng DOH ang pirma nina Health Sec. Francisco Duque at UP Manila chancellor Carmencita Padilla sa clinical trial agreement ng isa pang gamot na Avigan. Pati na ang pirma ng Philippine Council for Health Research and Development sa pondo ng trial.

 

Nabisita na raw ng mga opisyal ang itinakdang sites ng trial. Nakapagbigay na rin ng tableta ang kagawaran at nakapagsagawa na ng dry run.

 

“Hopefully with all of this, na talagang for signatures na lang, sana we can start for the coming days.”

 

Kabilang sa trial sites ng Avigan ang Philippine General Hospital, Sta. Ana Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, at Quirino Memorial Medical Center.

2 TULAK ARESTADO SA DRUG BUY-BUST SA CALOOCAN

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG tulak ng illegal na droga na nasa watch list ang nasakote matapos makuhanan ng P340,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong suspek na si Christopher Mendoza alyas Topeng, 37, ng Brgy. 4, Sangandaan at Percival Dela Cruz, 48 ng Kawal St. Brgy. 28.

 

Ayon kay Col. Menor, alas-3:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dagat-Dagatan Ext. cor Torcilio St. Brgy. 28, ng lungsod.

 

Isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ng P40,000 halaga ng shabu.

 

Nang iabot ng mga suspek ang isang knotted tied plastic bag ng shabu sa poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

Narekober sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng shabu na nasa P340,000 ang halaga, 1 pc tunay na P,1000 na kasama sa 39 pcs P1,000 na ginamit bilang boodle/buy-bust money at isang kulay green Honda Civic (WAY-742).

 

Kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 26 Art II ng RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

PBA players OK sa pagsasagawa ng bubble games tulad sa NBA

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Karamihan sa mga PBA players ay sang-ayon na maglaro sa bubble o semi-bubble para pagsisimula ng 2020 season ng liga.

 

Sinabi PBA Commissioner Willie Marcial, na walang magiging problema sa mga manlalaro kahit na limitado ang kanilang mga galaw.

Gaya aniya na ipinatupad ng NBA ay susunduin sila ng shuttle mula sa venue at sa hotel na kanilang tutuluyan para hindi mahawaan pa ang mga manlalaro.

 

Payag din aniya ang mga manlalaro ng 12 koponan ng PBA sa mga inilatag nilang health protocols.

 

Isasapinal naman ng PBA Board ang desisyon sa bubble game kung saan mayroong tatlong lugar na kanilang pinagpipilian para gawin ang nasabing bubble games.

Financial support kailangan ng PH table tennig team para makapag-training na uli – president

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Suliranin ngayon ng Philippine Table Tennis Team ang aspetong pinansyal upang maipagpatuloy ang pag-eensayo para paghandaan ang mga nakatakdang tournaments.

 

Sa panayam kay Philippine Table Tennis Federation president Ting Ledesma, nais niyang tipunin ang mga atleta sa isang training bubble ngunit hindi ito madali lalo at pahirapan ang paghahanap ng sponsor na siyang gagastos sa venue ng kanilang training at sa araw-araw na pagkain.

 

Ayon din kay Ledesma, malaki ang pasasalamat niya sa kasalukuyang President and CEO ng Florete Land na si Rogelio Florete Jr dahil nakatulong ito na maging parte siya ng national team noon.

Suzara nanawagan kay Tolentino

Posted on: September 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAKIKIUSAPAN ng National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibahin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na  international federation (IF) para sa sport.

 

Isinalaysay ni NESFP President Ramon Suzara kay POC President  Abraham Tolentino sa isang liham, na wala pang binasbasan ang IOC na IF para sa esports  at ang NESFP – hindi ang PESO – ang dapat maging NSA sa sport dahil ito (NESFP) ang nagdaraos, pumili at nagsanay na mga nanalo ng gold medal na atleta sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 nang maging medal sport sa unang pagkakataon ito sa palaro.

 

“On behalf of the NESFP, I urgently seek a reconsideration of your decision to accredit the Philippine eSports Organization [PESO] as an associate member NSA for electronic sports instead of NESFP,” giit ni Suzara sa sulat na may petsang Setyembre  2.

 

Tinanggap ng POC, sa virtual General Assembly nitong Agosto 29, ang PESO bilang kasapi – sa rekomendasyon ni Membership Committee head Bones Floro – sa kasunduang kaanib na sa International Esports Federation (IESF), na nagsasabing  kinikilala na ng  IOC.

 

Pero binisto ni Suzara na walang pang basbas ang IESF sa IOC at hindi pa rin sa kasama ito sa Global Association of International Sports Federations (GAISF). (REC)