• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 7th, 2020

Duterte, muling ipinagtanggol si Duque sa isyu ng PhilHealth

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

 

Ito ay may kaugnayan sa pagdawit sa kalihima sa anomalyang nagaganap sa Philip- pine Health Insurance Corporation (PHilHealth). Ayon sa pangulo na ang iskandalo sa PhilHealth ay hindi sapat para kasuhan si Duque.

 

Dagdag pa nito na kaniyang nabasa ang nasabing finding at nakita nitong walang magandang dahilan para madawit ang kalihim.

 

Magugunitang nahaharap sa kaso sina PHilHealth President and CEO Ricardo Morales at ibang mga matataas na opisyal nito. (Daris Jose)

PDu30, kinalampag ang mga govt agency na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon.

 

Sa public address ni Pangulong Dutere, Lunes ng gabi ay sinabi nito na gawing free of charge o libre ang beep cards sa mga mananakay. Nilinaw ng Pangulo na tanging ang card na ipamamahagi ang free of charge.

 

Babayaran aniya ng mga mananakay ang pamasahe.

 

“Give the card free,” giit ng Pangulo.

 

Sa ulat, tutol din umano si Pangulong Duterte sa paniningil para magkaroon ng Beep cards na pamalit sa pagbabayad ng pamasahe sa pagsakay sa mga bus sa EDSA Busway.

 

Inihayag ito ni presidential spokesperson Harry Roque matapos iutos ni Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang sapilitang paggamit ng Beep cards simula ngayong Lunes matapos tumanggi ang kompanyang nag-o-operate ng automatic fare collec- tion system na ibigay ang mga card nang libre sa mga pasahero.

 

“Ang pagkakaalam ko po ang naging damdamin ni Presidente ay tutol din siya diyan sa binabayaran na Beep card at marahil po isa ito sa dahilan kung bakit sinuspindi muna iyong paniningil para sa Beep card,” sabi ni Roque sa press briefing sa Boracay.

 

“Nahabag po talaga ang Presidente doon sa isang balita na maraming mga naghihirap nating mga kababayan ang nagulat at dahil ang pera nila ay sapat lamang sa pamasahe at sa pagkain para sa araw na iyon,” dagdag pa niya.

 

Sinabi ng DOTr na maaari na muling magbayad ng “cash” na pamasahe ang mga pasahero na sasakay ng bus sa EDSA.

 

“Itong pagsuspinde ng gamit ng Beep card altogether ay patunay na nakikinig ang gobyerno sa taumbayan at may puso itong administrasyon na ito,” sabi ni Roque.

 

Una rito, ipinatupad ng DOTr ang “no Beep card, no ride” policy sa mga bus para mawala ang “contact” ng pasahero at driver (o konduktor) para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

 

Pero nasorpresa ang maraming pasahero nang malaman nilang kailangan nilang maglabas ng P180 para magkaroon ng Beep card na halagang P80, at paunang load of P100.

 

Iginiit ng DOTr na dapat ilibre na ng operator na AF Payments Inc. ang Beep cards.

 

Gayunman, iginiit ng kompanya na walang silang kinikita sa presyo ng card at direkta itong napupunta sa gumagawa.

 

Kasunod nito, nagbabala ang DOTr na maghahanap ang EDSA Bus Consortia ng ibang kompanya na makapagbibigay ng mahusay na serbisyo sa biyahe sa EDSA.

 

Sa televised briefing nitong Lunes ng gabi, nilinaw naman mismo ni Duterte na tanging ang card lamang ang malilibre pero kailangan pa rin ng mga pasahero ang maglagay ng “load” na pamasahe sa card. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

DEPED: FACE-TO-FACE CLASSES, ‘DI PA RIN POSIBLE KAHIT SA MGA LUGAR NA WALANG COVID-19 TRANSMISSION

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na wala pa ring mangyayaring face-to-face classes kahit sa mga lugar na walang naitatalang transmission ng coronavirus.

 

Tugon ito ng opisyal sa apela ni Vice President Leni Robredo na ikonsidera ang pagsasagawa ng in-person classes sa mga lugar na walang community transmission ng virus dahil sa mga hamon sa distance learning.

 

Pero paliwanag ni DepEd Sec. Leonor Briones, hindi pa rin ito posible sa sitwasyon ngayon dahil ito ay direktang utos mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

“Maliwanag kasi ang policy ng President, sinabi niya na walang face-to-face for as long as a vaccine is not found or by implication, an effective cure for coronavirus is developed and found, ‘yun ang condition,” wika ni Briones.

 

Sinabi ni Briones, hindi pa rin daw inirerekomenda sa ngayon ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa naturang mga lugar.

 

“Pinag-aaralan naman natin lahat ang kilos ng coronavirus na ito at dun sa places na may zero cases, bigla na lang nagkaroon ng spike — may mga lugar na kaunti lang ang identified na may virus pero biglang tumataas at meron din nag-flatten,” giit ng opisyal. (Daris Jose)

DOTr nag award ng tatlong contracts para sa PNR Phase 2 Project

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAG-AWARD ng tatlong natitira pa na contracts para sa civil works ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) na laan sa Clark Phase 2 project o ang Malolos- Clark extension ng North-South Commuter Railway System.

 

Ang tatlong (3) contract packages ang siyang nagkumpleto sa limang (5) civil works packages ng PNR Clark Phase 2 project. Nilagdaan ang contacts para sa Packages N-04 at N-05 noong August 1, 2020.

 

“Last month, we were full of enthusiasm as the first contracts of the PNR Clark Phase 2 were signed despite the pandemic. It is our way of saying that the Build, Build, Build continues. And now, the five con- tract packages are complete,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

Ayon kay Tugade hindi lang tuloy kung hindi tuloy na tuloy na, buhay na buhay na at masasabi nating walang makakapigil sa adhikain at proyektong magbibigay ng comfort and convenience sa mga kababayan.

 

Ang Contract Package N-01 na may 17 kilometers na elevated rail viaduct, seven (7) balanced cantilever bridges, at two (2) station buildings sa bayan ng Malolos at Calumpit at sa bayan ng Apalit at Minalin sa Pampanga ay mayron nang notice of award.

 

Sa Joint Venture of Hyundai Engineering & Construction Co.,Ltd, Megawide Construction Corporation, at Dong-ah Geological Engineering Company Ltd nabigay ang notice of award para sa Contract Package N-01.

 

Para naman sa Contaract Package N-02 na may 16 kilometers na elevated viaduct at one (1) station building sa bayan ng Minalin, Sto. Tomas, at San Fernando, Pampanga ay na-award sa Joint Venture ng Acciona Construction Philippines and Daelim Industrial Co. Ltd.

 

Ang Contract Package N-03 na may 12 kilometers na elevated viaduct at isang (1) station building sa bayan ng San Fernando, Angles, at Mabalacat sa Pampanga ay na award sa Italian-Thai Development Public Company Ltd.

 

“What we see here is the coming together of an impressive league of the biggest and the best players in the construction industry here and abroad, funded by the Asia Development Bank with its largest- ever financing package for a single project, to build the Philippine government’s single largest project in history,” sabi ni DOTr undersecretary for Railways Timothy John Batan.

 

Samantala, ang PNR Clark Phase 2 naman ay tuloy tuloy Din ang construction ayon kay PNR General Manager Junn Magno.

 

“As of August, the (PNR Clark) Malolos-Clark segment has an over- al progress rate of over 26%. It seems to quite catch-up with PNR Clark Phase 1 o yong Tutuban to Malolos segment with over 40%. We remain hopeful and we keep exerting not just duble but triple effort to fast-track this project and at least make it partially operable before the end of President Duterte’s term,” sabi ni GM Magno.

Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla.

 

Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong nakaraang Oktubre 1.

 

Para kay Dr. Henry Chusuey, huwag naman sanang maging hassle ang mga requirement sa mga nais magpunta sa isla sabay apela na gawi na ding pilot area ang Boracay sa pagkakaruon ng antigen test.

 

Aniya, mas madali kasi ang pagpo- proseso sa pagpunta sa sikat na tourist destination kung ikukumpara sa RT PCR test na bukod sa napakamahal ay matagal pa ang labas ng resulta.

 

Sa kasalukuyan ay 20 kuwarto lang aniya ang okupado sa Boracay at ayon naman kay Presi- dential spokesperson Harry Roque ay nasa kabuuang 55 mga turista pa lamang ang naire- record na nagpunta sa pamosong isla.

 

Para naman kay Governor Florencio Miraflores na batay sa napagkasunduan ng mga tour operators ay nakahanda ang mga itong magbigay ng hanggang 75 percent discount sa room rate.

Samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, nanatiling matibay

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kumpanyang gumagawa ng paborito nyang beer.

 

Ngunit ayon sa anak niyang si Gerard ay matutuwa ito kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan.

 

“He would have loved to meet Mr. Ramon Ang, the San Miguel vi- sionary who led the diversification. He would have given him butong pakwan ni Mentong or a box of chicharon from Bulacan, his usual pasalubong to friends,” wika ng 47 taong glang na si Gerard na isa sa apat ng anak ng komedyante na hindi na pumasok sa showbusiness at may kanya-kanya nang larangan o karera na pinagkakaabalahan.

 

Ayon kay Gerard ay malapit ang kanyang ama sa yumaong SMC chairman na si Eduardo Cojuangco Jr., “I remember, when Boss Danding wants to have a good laugh, he will call my father and tell him to deliver Boss Danding’s favorite joke.”

 

Maliban sa mga boss ay malapit rin si Bert sa lahat ng empleyado ng San Miguel at proud siyang naging brand ambassador nito mula 1971 hanggang sa kanyang pagkamatay noong 1995. Idinaos ng San Miguel Corporation at sangay nitong San Miguel Brewery, Inc. ang kanilang anibesaryo noong Sept. 29 at Oct. 1, ayon sa pagkakasunod.

 

“My father was close to San Miguel people from its truck drivers up to the Chairman. He can relate to them. He talks to everyone since he is easy-going and has a friendly nature. His jokes were snappy and non- lethal,” kuwento ni Gerard.

 

“He lived that value of friendship over money. He would do San Miguel shows for a minimal fee like the Balikbanda shows and appear in their Baguio summer shows yearly in the 80s. He did shows for San Miguel executives and friends for free. He also lived the SMB value of “Iba ang may pinagsamahan,” another San Miguel Beer tagline,” dagdag niya.

 

Kapansin-pansin na nung lockdown ay maraming Pilipino ang nanood muli ng mga lumang TV commercial ni Bert Marcelo sa San Miguel sa Youtube at nagshare nito sa Facebook.

 

Isa sa mga paborito ay may tema na naniningil si Bert kay Bruno na isang karate expert na kasalukuyang may ka-sparring na pinatumba nito. Sa gulat ni Bert ay inaya na lang niya si Bruno at sinabing “Mag beer muna tayo” na may puntong Bulakenyo.

 

May mga pagbabago na nga sa San Miguel nitong mga nakaraang taon dahil mas marami na itong negosyo na pinasok.

 

“But my father would be happy that Ramon Ang is investing heavily in the country to help our kababayans by providing employment and im- proving our country’s infrastructure. His big investments are helping the country’s economy,” sagot ni Gerard.

 

At matibay pa rin ang samahan ng kanyang ama at ng San Miguel ay pihadong matutuwa ito sa pagtatayo ng airport sa Bulacan. Ang kanyang ama ay tubong Baliuag.

 

“Yes, definitely he will happy and proud with the development. My father was a proud Bulakenyo. As Jose Guevarra also said, ‘He was one of the two men that the province of Bulacan can be truly proud of. He placed Bulacan on the map. The other one is Blas Ople, the serious one,” ani Gerard.

 

Ang naturang airport ay kayang tumanggap ng hanggang 100 milyong pasahero kada taon at nakikitang gagawa ng 30 milyon na trabaho sa turismo maliban sa mahigit isang milyong hanapbuhay para sa mga residente ng Bulacan at karatig probinsya.

 

Makakatulong rin ito sa mga Overseas Filipino Workers na nawalan nga trabaho at napilitang bumalik sa bansa.

 

“Central Luzon has the most number of OFWs too outside of NCR. With this development, his kababayan will benefit with the air- port in the province. This will put Bulacan on the world map now with foreign tourists arriving in a world- class airport built by San Miguel Corporation in his hometown,” paliwanag ni Gerard.

 

Dagdag pa niya: “Because of the Covid19 pandemic, our economy is hit for the next two years. We hope this airport will provide employ- ment to Bulakenyos and also help in the recovery of tourism nationwide which was severely affected by the pandemic.”

 

Dahil sa pagtatayo ng paliparang ito sa Bulacan ay nanatiling matibay ang samahan ni Bert “Tawa” Marcelo at ng paborito niyang beer. (Rohn Romulo)

BELA, umamin na nagbakasyon sa Turkey sa gitna ng pandemya

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Bela Padilla, pagkatapos niyang i-post ang naging 3rd anniversary celebration nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Angelica Panganiban, umamin na ang ac- tress na nagpunta nga siya ng Turkey.

 

Usap-usapan nga na sa gitna ng pandemic at kunsaan, takot pa ang mga tao na mag-travel, nakaalis ng bansa si Bela at nakapagbakasyon sa Turkey. She was seen with a guy na ipinagpapalagay ng netizens na bago niyang karelasyon.

 

Pero sa recent post ni Bela, hindi pa siya nagsalita tungkol sa lalaking constant na kasama niya sa picture.

 

Hinintay niya raw talaga na ma release ang swab test niya at malaman kung negative siya sa COVID-19 bago mag-post. Hindi rin naman daw niya na-imagine na makalalabas siya ng bansa sa situwasyon ngayon.

 

Sey ni Bela, “I waited till my swab test result came back negative before posting anything. And I didn’t think I’d leave the country at all this year, but life really has to start moving again.

 

“As seen in this photo, my head is still up in the clouds in Cappadocia. I’m really super thankful that my job takes me to places I’ve never been before or never thought I’d go to…because honestly, I’m not one to go to touristy places, so Cappadocia was low on my list of places to visit. But now, I con- sider it one of my safe havens.

 

“Cappadocia is so beautiful and charming. They have great food and wine and even better people. I luckily got to meet some of the best ones! Their street animals are kind and calm, a great testament to how their treated. And the view is just beautiful from any point. (My peripherals haven’t been as blessed as they have in the last two weeks.) I love everything about this trip so so much. So I’ll slowly share what I went through in Cappadocia.” (Rose Garcia)

Pondong nakalaan sa Bayanihan Law nagagastos ng tama – Duterte

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na magagastos sa tama ang mga karagdagang pondo para sa COVID-19 response ng gobyerno.

 

Sa kaniyang talumpati nitong Lunes ng gabi, na ang mga karagdagang pondo na nakasaad sa Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1 at ang Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ay nagagastos ng tama.

 

Nagagastos aniya ang pondo na naaayon sa batas.

 

Mula aniya sa umpisa ay nasisiguro ng pangulo na walang sindikato sa nasabing paggastos sa nasabing mga pondo.

 

Magugunitang pinirmahan noong Marso 25 para maging batas ang Bayanihan 1 na nagbibigay ng karagdagang power sa pangulo na i-realign ang ilang probisyon ng 2020 national bud- get bilang sagot sa pandemic at ito ay nagtapos noong Hunyo 24.

 

Ang Bayanihan 2 law naman ay pinirmahan noong Setyembre 11 kung saan may inilaan na P140-bilion aid package para sa mga industriya na apektado ng pandemya at P25.52 billion na stanby fund na maaaring magastos bago maging epektibo ang 2021 budget.

Andi, pinasilip na ang ‘bump’ ng second baby nila ni Philmar

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Andi Eigenmann, pinakita na niya ang baby bump ng second baby nila ng partner na si Philmar Alipayo.

 

Nasa ika-23rd week na ng kanyang pagbubuntis si Andi. Sinabi nito na dahil sa quarantine, hindi raw niya masyadong ma-celebrate ang pagiging pregnant niya ulit dahil sa maraming restrictions at malayo siya sa kanyang pamilya dahil sa Siargaon sila nakatira ni Philmar.

 

“Taking bump pics just because! Did this regularly with Lilo and I enjoy looking back and having those photos as memories.

 

“But now, as much as this pregnancy has been feeling much easier in a lot of ways, I feel like I haven’t been “celebrating” it as much.

 

“It’s hard to celebrate anything nowadays. Specially with our family being a part during such a spe- cial time in our lives.

 

“So making it a point to enjoy and cherish these moments in our own little way because truly, baby 3 is a blessing to our fam and we cannot wait to welcome you into this world. You keep us hopeful little one, and we love you very much!”

 

Documented din ang pregnancy journey ni Andi sa kanyang YouTube channel na Happy Islanders. (Ruel J. Mendoza)

Mekaniko kalaboso sa motornaper

Posted on: October 7th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ARESTADO ang isang mekaniko matapos makumpiska sa kanya ang tatlong nakaw na motorsiklo sa isinagawang Simultaneous Enhanced Managing Police Operation (SEMPO) ng mga pulis sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Neilmar Sinepete, 24 ng Phase 7-B, Block 1, Lot 18, Package 3, Brgy. 176, Bagong Silang.

 

Ayon kay NPD District Anti- Carnapping Unit (DACU) chief P/ Maj. Jessie Misal, unang i- nireport sa kanila ng mga biktimang si Rose Marie Busa, 23, at Jeno Ponce, 28, fast food crew, kasama ang kanilang mga saksi ang pagkawala ng kanilang mga motorsiklo habang nakaparada sa labas ng kanilang bahay.

 

Nakipag-ugnayan ang mga operatiba ng NPD-DACU sa Caloocan Police Sub-Station 9 at Sub-Station 13 at sa isinagawang imbestigasyon ay nakilala ang suspek kaya’t kaagad itong pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay.

 

Pagdating sa naturang lugar, namataan ni Busa ang kanyang motorsiklo subalit nang mapansin ng suspek ang presensya ng mga operatiba ay agad itong tumakas papasok sa kanilang compound na naging dahilan upang magkaroon ng hot-pursuit operation hanggang sa makorner si Sinepete.

 

Narekober ng mga pulis ang tatlong nakaw na motorsiklo kabilang ang motorsiklo ni Busa at Ponce habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang kasabwat umano ng suspek.

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti- Carnapping Law of 2016). (Richard Mesa)