• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 18th, 2020

Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2.

 

Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha.

 

Layunin ng aerial inspection ng pangulo kasama sina Senador “Bong” Go, Labor Sec. Silvestre Bello III, Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar at iba pang opisyal ng pamahalaan, na malaman ang buong pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

 

Ayon sa Pangulo, nagbigay na ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Region 2 bukod pa sa tulong ng mga local government unit at non-governmental organization.

 

Samantala, nagpahayag ng kalungkutan ang pangulo sa tinamong pinsala ng rehiyon partikular na ang Cagayan.

 

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at naging biktima sa malawakang pagbaha na iniwan ng Bagyong Ulysses.

 

Sa kabila nito , makakaasa aniya na magpapatuloy at sisiskapin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang nanatiling lubog pa rin sa baha.

 

Sa kabilang dako, nagpahayag din ng suporta ang pangulo sa kampanya ng mga kinauukulan laban sa illegal minning at illegal logging sa lambak ng Cagayan.

 

Hinikayat nito ang mga local executives na makipagtulungan sa binuong task force para sa rehablitation upang maibalik agad sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan ng pagbaha. (ARA ROMERO)

Ai-Ai, personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyo

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUMAKI sa Tuguegarao, Cagayan Valley ang singer- actor na si Geoff Taylor.

 

Si Geoff ang male winner ng GMA singing contest na Are You The Next Big Star noong 2009.

 

Ilang bagyo na raw ang dumaan sa hometown ni Geoff simula pa noong bata siya, pero nagulat siya sa nangyari ngayon sa Cagayan Valley dahil halos lumubog na ang buong probinsya sa matinding baha dala ng Bagyong Ulysses.

 

Nasa Cagayan ang pamilya at mga kamag-anak ni Geoff at labis siyang nag-alala noong nakarating sa kanya ang masamang balita.

 

Pinost ni Geoff sa kanyang Facebook ang panawagan na kailangan ng tulong ng maraming kababayan niya.

 

“Dito ako nag COLLEGE – (ST. PAUL & CCT) Dito din ako naging MR. CCT, dito ko 1st na EXPERIENCE ang MASARAP & FAMOUS na #PacitCabagan & #PancitBatilPatong na na-FEATURE sa Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) #KMJS eto ang mga SCHOOL & BAYAN na SUMUPORTA sakin dati sa SINGING COMPETITION ko sa #GMA7 sa #AreYouTheNextBigStar na NAKATULONG MAGPANALO sakin sa CONTEST. ngayon eto na sya… #LabanTuguegarao kahit sobrang HIRAP. Sana MAKARATING ang mga TULONG sa #TUGUEGARAO # C a g a y a n N e e d s H e l p #TuguegaraoNeedsHelp”

 

Mabilis kumilos si Geoff para makaipon ng mga donasyon. Thankful siya sa mga kaibigan niya sa industriya at sa kanyang mga katrabaho sa sunud-sunod na tulong na dumating.

 

“Yung may LAKAD sana pero mas PINILI mong TUMULONG. sorry to ma FRIEND if KINANSEL ko ang MEET natin… Coz now PREPARING na ng mga GAMIT na pwedeng IPAPAMAHAGI para sa ating mga KABABAYANG NASALANTA ng #SuperTyphoon – #Rolly & #Ulysses. DADALHIN ko na to LAHAT on TUESDAY sa #FRONTROW MAIN OFFICE. #Laban lang at WAG SUSUKO!!! THANK YOU FRONTROW at naging TULAY ka para MAIABOT namin ang aming TULONG sa mga NANGANGAILANGAN… WAG SUSUKO..!!! Pag MARAMI tayong TUTULONG, mas MARAMI din tayong MATUTULUNGANW’Let’s go everyone,,, LET’S HELP. MASARAL TUMULONG,” post pa niya sa FB.

 

*****

 

ISA ang The Clash judge na si Ai-Ai Delas Alas sa mga artistang personal na naghatid ng tulong at inspirasyon sa mga kababayan nating nasalanta ng Bagyong Ulysses.

 

Sa kanyang Instagram post, ipinakita ng Comedy Concert Queen ang kanilang relief operation sa Marikina.

 

“Hindi natutulog ang Panginoon. Salamat sa aking choreographer ng ilang taon na tinulungan kaming ipamahagi ang blessings ni Lord, Ron Sto. Domingo, at sa kanyang kapatid at asawa, Marlon and Ruby Gamboa na pinagamit ang house nila para sa relief goods, at syempre pa si Kapitan Ziffref Ancheta at kaniyang mga tao. #fighting #kayanatento,” caption pa ni Ai-Ai.

 

*****

 

SA mga naghihintay ng reunion ng Friends, tuloy na ito sa 2021.

 

Kinumpirma ito ni Matthew Perry, who played Chandler Bing in the hit sitcom, via Twitter.

 

“Friends reunion being rescheduled for the beginning of March. Looks like we have a busy year coming up. And that’s the way I like it!” tweet ng aktor.

 

Dapat at noong nakaraang May naganap ang reunion ng Friends cast na kasabay sa launch ng HBO Max kunsaan ipapalabas ang rerun ng 10 seasons ng naturang sitcom. Pero na-put on hold ang lahat dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Set to be filmed on the original Friends soundstage at Warner Bros. Studios, the unscripted special ay muling ipagsasama sina Courteney Cox, Jennifer Aniston, Lisa Kudrow, Matt LeBlanc, Matthew Perry and David Schwimmer.

 

Join din sa reunion ang creators ng show na sina Martha Kauffman, Kevin Bright at David Crane. (RUEL J. MENDOZA)

Ads November 18, 2020

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinoy MMA fighter Geje Eustaquio, wagi laban kay Song Ming

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagwagi si dating ONE flyweight champion Geje Eustaquio laban kay Song Ming ng Korea sa ONE: Inside Matrix III na ginanap sa Singapore.

 

Mula sa unang round pa lamang ay naging agresibo na si Eustaquio.

 

Pinaulanan ng suntok at sipa ang Korean fighter.

 

Kung nagtagumpay si Eustaquio ay naging kabaligtaran naman ang nangyari kay Kevin Belington dahil nabigo ito kay dating UFC fighter John Lineker.

 

Bigo rin si Lito Adiwang sa pamamagitan ng split decision si dating Shooto champion Hiroba Minowa ng Japan.

International Olympic Committee chief, tiwalang marami pa ring manonood sa Tokyo Olympics

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naniniwala si International Olympic Committee chief Thomas Bach na mayroon pa rin mga audience na manonood sa Tokyo Olympics.

 

Sa kaniyang pakikipagpulong kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, may mga ipapatupad silang mga paghihigpit para hind magkaroon ng hawaan ng COVID-19.

 

Dahil sa nasabing gagawing paghihigpit ay asahan na ang pagkakaroon ng mga audience sa nasabing events.

 

Pagtitiyak din nito ang pagkakaroon ng maraming mga manonood sa at kung maaari ay mabakunahan na ang mga ito bago sila makarating sa Japan.

 

Magugunitang ipinagpaliban na sa Hulyo 23, 2021 ang nasabing Olympics dahil sa banta ng coronavirus pandemic.

Bolts hinubaran ng titulo ang SMbeer

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang limang sunod na taon ay magkakaroon na ng bagong hari sa PBA Philippine Cup.

 

Pinatalsik ng No. 5 Meralco ang No. 4 at nagdedepensang San Miguel, 90-68, sa kanilang ‘do-or-die’ game para umabante sa semifinal round kahapon sa Angeles University Foundation Gym sa Angeles, Pampanga.

 

“We know that we’re a deep team. Our main focus right now is to play great defense,” sabi ni Bolts’ forward Cliff Hodge, humakot ng 14 markers, 5 boards at 3 assists.

 

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Meralco matapos talunin ang San Miguel, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage at na­bigo sa kanilang asam na anim na sunod na paghahari sa All-Filipino Conference, noong Biyernes, 78-71.

 

Malaki ang naging e­pekto sa kampanya ng SMC franchise ang hindi paglalaro ni six-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo dahil sa shin injury at ang paglabas sa PBA ‘bubble’ ni scoring guard Terrence Romeo bunga ng right shoulder injury.

PDu30, magpapartisipa sa online meeting ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa Nov. 20

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPARTISIPA si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte sa  online meeting ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders sa darating na Biyernes, Nobyembre 20  habang ang mundo ay  nakikipaglaban sa  economic fallout  sanhi ng COVID-19 pandemic.

 

Ito ang magiging kauna-unahan na ang APEC Economic Leaders’ Meeting ay gagawin “virtually.”

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang  summit para sa taong ito ay magkakaroon ng dalawang session.

 

Inaasahan na ilulunsad habang isinagawa ang forum, ang bagong  vision na magsisilbing gabay ng 21 Pacific Rim economies sa mga darating na taon, ayon sa bansang Malaysia na siyang host ngayong taon.

 

Matatandaang, kinansela ang nakaraang summit sa Chile dahil sa marahas na protesta sa South American country.

 

Samantala, noong nakaraang linggo ay lumahok si Pangulong Duterte sa virtual conference ng 37th Association of Southeast Nations (ASEAN) Summit and Related Summits kung saan ay tinalakay niya ang “deepening regional integration and strengthening supply chain connectivity.”

 

Hinikayat ng Pangulo ang mga lider ng Southeast Asian countries  na makipagtulungan para matiyak na ang kanilang mga mamamayan ay magkakaroon ng access sa COVID-19 vaccines.

 

Nakisali rin si Pangulong Duterte sa isang  open dialogue na nananawagan ng “enhanced multilateralism on COVID-19 pandemic response and recovery, climate action, and peace and security issues” sa  Asia Pacific, partikular na sa pinagtatalunang  South China Sea . (DARIS JOSE)

‘Pacquiao-Crawford megabout posible sa 2021’ – Arum

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiwala si Top Rank CEO Bob Arum na mangyayari na sa susunod na taon ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at American superstar Terence Crawford.

http://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/11/Crawfordthumb.jpg

Ayon kay Arum, nais nilang makipag-usap muli sa kampo ni Pacquiao kasunod ng technical knockout win ng kanyang alagang si Crawford sa naging laban nito kontra kay Kell Brook kahapon.

 

“Now, they called us and said if Terence is successful, then we want to resume talks and see if we can do it in the spring,” wika ni Arum.

 

Hunyo pa lamang ay inihayag na ng beteranong promoter na positibo itong mapaplantsa nila ang laban, kung saan ang Bahrain ang posibleng maging venue.

 

Maging ang pound-for-pound king na si Crawford ay hindi rin itinatago ang kanyang pangarap na makaharap ang Pinoy ring superstar, lalo pa’t nais nitong magkaroon ng statement win kontra kay Pacman.

 

“I want to revisit that fight,” ani Crawford. “We had the venue. The money was almost there. It wasn’t quite there. That was the only thing we were waiting on.”

 

Sa ngayon, wala pang tugon ang panig ni Pacquiao kaugnay sa hamon ni Crawford.

TARGET NA 1 MILYON LIBRENG FACEMASK NAKAMIT NA NG MANILA LGU

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAABOT na ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila ang paggawa ng 1 milyon target na face mask na ipinamahagi ng libre sa mga residente ng lungsod.

 

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na magdadagdag pa ng panibagong 500,000 na face mask upang maipamahagi pa sa mas maraming Manilenyo.

 

Matatandaan na nagsimula ang paggawa at pamamahagi ng libreng face mask nitong buwan ng Hunyo sa pamamagitan ng Face Masks Sewing Livelihood Program ng Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni Dir. Fernan Bermejo.

 

Layunin ng naturang programa na magkaroon pagkakataon na kumite ang mga Manilenyong marunong manahi at magtabas (cutter) ng tela upang gawing face mask at maipamahagi ang mga ito ng libre sa lahat ng residente ng lungsod.

 

Pinasalamatan naman ni Domagoso si Unibersidad de Manila President Malou Tiquia sa pagpapahiram ng kanilang mga kung saan nakalagay ang mga makina at cutting tables sa paggawa ng mga nasabing face mask.

 

Maging ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau at mga staff ng Office of the Mayor ay pinasalamatan ng alkalde dahil sa kanilang pagdedeliber ng mga face mask sa bawat barangay sa Maynila.  (GENE ADSUARA ) 

6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust

Posted on: November 18th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa lilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang buy-bust operation sa 2012 Santos Subdivision Gen T. De Leon.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Racquel Dela Cruz, 40, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring dinampot ng mga operatiba si Jojit Paredes, 46, company driver, Joselito Karandang, 50, at Rainer Bautista, 47, electrician matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 gramo ng shabu na nasa P13,600 ang halaga, buy-bust money, P500 bill at ilang drug paraphernalias.

 

Nauna rito, alas-7 ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU si John Bernard Adriano alyas Pusa, 25, at Jomar Marquez, 33, sa buy-bust operation sa Urrutia St. Gen. T. De Leon.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober sa mga suspek ang isang gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, at P300 buy-bust money. (Richard Mesa)