• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 19th, 2020

DPWH Sec. Villar at DENR Sec. Cimatu, itinalagang bagong head ng task force na mangangasiwa sa rehab efforts

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sina DPWH Secretary Mark Villar at DENR Secretary Roy Cimatu para  mangangasiwa sa Task force.

 

Dahil dito, malinaw na hindi na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang mamumuno sa Task Force na pinalikha ni Pangulong Duterte na siyang tututok sa ikakasang rehabilitation efforts ng pamahalaan.

 

Sinabi ni  Presidential spokesman Harry Roque, na ito ang ilan sa mga binago sa Executive Order na lumilikha sa  “Build Back Better Task Force.”

 

Ani Sec. Roque, ang pagbabago ay ginawa  batay  na din sa siyensiya.

 

Kailangan lang din naman aniya na ang DPWH ang manguna sa rehabilitation efforts gayung ang pinag- uusapan dito ay  pagkukumpuni at paggawa ng mga tulay, lansangan at mga gusali na winasak ng bagyo.

 

Habang nasa DENR naman aniya ang turf kung scientific reason ang pag- uusapan lalo na sa isyu ng climate change. (Daris Jose)

QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020!

 

Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM.

 

According to festival director, Ed Lejano, they decided to stage a hybrid film festival as their way to “adapt to the unprecedented challenges of 2020.”

 

Because of this, they will be holding a socially-distanced and by-invitation-only screening at an outdoor venue in Quezon City.

 

Opening the festival is the monochromatic version of Bong Joon Ho’s Parasite. The black and white version of the Palme d’Or winner had its first screening at the Rotterdam Film Festival last January.

 

Aside from Parasite, two other films which will have physical screenings, Fernanda Valadez’s Identifying Features and Raya Martin‘s Death of Nintendo.

 

QCinema has also announced a line-up of 13 films, all of which will be streaming via UPSTREAM during its run. Those who want to view the films can do so by purchasing the tickets via GMovies.

 

Check out the line-up of movies here:

Glenn Barit’s Cleaners
Dwein Baltazar’s Oda sa Wala
Khavn’s Balangiga Howling Wilderness
Rae Red’s Babae at Baril

 

Asian Special Edition Section:

Lav Diaz’s Genus, Pan Emir Ezwan’s Roh
New Horizons Section: Melina León’s Song Without a Name
Tran Thanh Huy’s Rom
RainbowQC: Lucio Castro’s End of the Century
Ray Yeung’s Suksuk

 

Screen International Section:
Gabriel Mascaro’s Divine Love
Naomi Kawase’s True Mothers
Mateusz Pacewicz’s Corpus Christi

 

QCinema International Film Festival 2020 will be running from November 27 to December 5. For online screening tickets, you may check out UPSTREAM’s official website.

 

You can also visit QCinema’s official website, Facebook, and Instagram pages for updates regarding the festival. (ROHN ROMULO)

Derek, pinatulan ang mga bastos na bashers sa tsikang naghiwalay na

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINATULAN ni Derek Ramsay ang mga bastos na bashers sa habang nasa gitna ng balitang naghiwalay na sila ni Andrea Torres.

 

Sinabihan kasi si Derek na tapos na raw ang ‘tikiman’ nila ni Andrea, at na-predict na hindi talaga magtatagal ang kanilang relasyon.

 

May isa pang nag-comment ng, “I think he’s not into marriage.” “I think you are wrong,” sagot ni Derek.

 

May bago na naman daw siyang biktima, dahil ang nila-loveteam sa kanya ay nagiging girlfriend niya.

 

Sabi naman ni Derek wala raw katotohanan ang pinagsasabi ng basher at ayon pa sa aktor, “Andrea is the only leading lady I had that became my gf.”

 

Ilan pa sa naging comment ng netizens:

 

“May nagulat bang nag-break sila? From the start naman obvious na di magtatagal.’

 

“Si Andrea lang ata. Si Derek halatang nagulat sa reaksyon ng mga netizens.”

 

“I feel bad for Andrea. Ang alam ko si Andrea walang experience sa mga bagay bagay, if you know what I mean. At to know bumagsak sya kay Derek e nakakasad tapos ito nangyari. Bakit kasi dami pa lalake sa kanya pa nasabit na may ‘history’.”

 

“Innocent girls usually fall for these kind of guys.”

 

“Simula pa lang di ganyan mga tipo ni derek. Kaya napredict ko na di magtatagal lalo na sa style ng guy. Maaring nagkagusto talaga siya pero panandalian lang.”

 

“Ang daming pakialamero sa lovelife ni Derek. relationship is a 2 ay street. so it does not include us watching from the outside. I do not think lahat ng nag end na relationship nya were all his fault. ang lakas ng loob makapag assume at magbigay ng unsolicited remarks ng mga to!”

 

“His long record of past relationships proves otherwise.”

 

“Hindi naman pakialamero. More like, I told you so moment. Big difference. Di rin kailangang mag-assume. Kumbaga, nakita na natin yan sa love life ni Derek.Wala ng bago. May pattern at history. Ibat-ibang babae pero nag-iisang Derek lamang.”

 

“OK na ren yan. it was fun while it lasted for both of them. yun nga lng mas brokenhearted yung isa.. anyway andrea is young. she’s hot, she’s a good anak and kapatid, she’ll find someone else who’ll love her the way she loves her man. as for derek, he’ll be ok. hehe.”

 

“Anong tawag kay cristine reyes? di ba leading lady mo rin sya?”

 

“Baka di nya kinonsider kasi 3 months lang lol.”

 

“Si solenn, angelica, cristine ay leading ladies na naging gf mo derek anong si andrea lang?? Hahahah.”

 

“Si girl kasi panglifetime na ang hanap. Palagi kasama family niya sa outing nila ni guy..palagi pinopost din sa ig stories ang video o pic ng mama ng lalaki..kasal na talaga hanap niya rh si lalaki history niya na yan. Nadala sa matatamis na salita at travel vacation ni lalake.”

 

“Si Andrea yong tipong laging nakadikit family nya while Derek wants privacy,siguro yun narealize ni derek.di sila tugma ng views.

 

“Makapamilya din si derek pero more on pasyalan parents nya or dine with them. While Andrea and family likes to bond always.

 

“Nag uumpisa pa lng mag accomplish sa buhay si Andrea while Derek have so much accomplishments,i dont mean awards,but money wise.

 

“Kaya siguro mahihirapan magtagpo yong 2, baka nman he wants to get married pero di pa nya talaga nakikita.

 

“Mabuti na rin siguro para mabilis mag move on si andrea dahil saglit pa lng nman sila.

 

“I agree. Parang sakit na kasi ng mga pinoy basta may pera ang bf mo kung libre ka libre lahat. Kung saan ang punta niyo sabit din buong family. Tama kahit mahilig magvideo yan lalaki pero di niya hilig isama sa video nanay niya at ibang pamilya.medyo maprivacy si lalaki while si girl nagpapaimpress sa future mom n law..pnay post palagi ng video ng nanay. Baka nga di magtugma ugali nila.

 

“You would think these women use their brains. His relationship history is so screwed up. Pero patol pa din. Well take the inevitable heartbreak.”

 

“They look alike. They should end up getting married.” “Sa ganda at kaseksihan ni ANDREA, mas higit pa ang mahahanap nya kapalit ni DEREK. Idaan mo na lang sa dasal yan girl.”

 

“Andrea if you are reading this, stay strong hugsss you deserve better and you will definitely find someone who will love you as you are.”

 

“Andrea deserves better. Andami na pinalampas ni Derek na good catch. Tsk tsk.”

 

“When i watched his home reveal video, i caught him saying “bahay ko” then shifting to “bahay namin”, mostly referring to things he likes but also mentioning the house will be for his future fam too.. i sensed conflicting nature.. na hindi pa talaga sya ready to settle down.” (ROHN ROMULO)

PDu30, tinawag na sinungaling si VP Leni Robredo

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na isang  “sinungaling”  nang hanapin siya nito  pagkatapos manalasa ang  bagyong Ulysses.

 

Tila ipinamukha ng Pangulo kay Robredo  na dumalo siya sa  ASEAN Summit online nang umatake ang kalamidad.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay inakusahan nito si Robredo ng “misleading the public” na siya ay “missing in action” sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“I would like to just give a caution to the Vice President. She made a blunder, a big one, and she practically lied, making her incapable of truth,” ayon sa Pangulo.

 

“Alam mo, ‘yung pakana niya na wala ako sa bagyo. I was here, dito. I was attending a summit, ASEAN Summit ‘yun, so virtual lang, palit palit kami. We were talking electronic. Nandito ako noon. Kasagsagan ng bagyo, dumaan diyan sa labas, nag-uusap kami dito,”dagdag na pahayag ni Pangulong  Duterte..

 

Giit pa ng Chief Executive na siya ay “night person” na nagta-trabaho ng late kaya’t sa gabi na niya nababasa ang mga official documents.

 

“Sinabi ko sa tao ‘yan that I am a night person, my day begins at 2, 2 o’clock hanggang gabi na, no limit. Hanggang gabi na ‘yan, umaabot ng alas dos, alas tres ng umaga,” ayon sa Pangulo.

 

Itinanggi naman ng Pangulo na natutulog siya habang nagdurusa ang mga mamamayan  sa panahon ng pananalasa ng bagyo.

 

“Ngayon kung sabihin mo may emergency, natutulog ako sa umaga, hindi ako natulog noon. Gising ako ng umaga because of the summit,” binigyang diin nito.

 

Kaugnay nito, itinatwa naman ni Robredo ang alegasyon ni Pangulong Duterte na isa siya sa naghahanap sa Pangulo habang  binabayo ng bagyong Ulysses ang iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

“I just called out Sec. Panelo for peddling fake news. I am also calling out whoever peddled the fake news to the President, kaya ganito siya ka pikon. I never said ‘Where is the President’? You can review all my tweets,” ani Robredo sa Twitter.

 

Sa ulat, nakipagtulungan na si  Robredo sa mga units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang mga residenteng apektado ng pagbaha ng Bagyong Ulysses sa Cagayan.

 

Sa serye ng Tweets, tiniyak ni Robredo na ang rescue teams ng Philippines Marines ay papunta na sa mga apektadong lugar.

 

Pinaplano na rin aniya ang pagsasagawa ng air rescue.

 

May mga miyembro na rin ng Marines at Philippine Army na naka-standby pero hindi makapasok sa Alcala, Cagayan dahil sa abot-leeg na baha.

 

Papahupain lamang ang tubig para makatawid ang mga rescuers. (DARIS JOSE)

Pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo, ipinag-utos

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtatayo ng mga evacuation centers na mas malakas pa sa bagyo matapos ang serye ng pananalasa ng bagyo sa bansa dahilan para ilikas ang libong mga Filipino at dalhin sa pansamantalang tirahan sa pasilidad ng pamahalaan.

 

“Alam mo, it is high time that government consider na we build a strong structure, stronger than a typhoon that would come their way para mapuntahan ng mga tao and maybe small rooms with many comfort rooms where people can really stay for a while,”ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.

 

Sinabihan ni Pangulong Duterte si Senador Bong Go, long-time aide ng Pangulo, na banggitin ang pagpapabuti  ng mga evacuation centers sa Senado.

 

Idinagdag pa ng Pangulo na nagtalaga na siya ng isang indibiduwal  “to do all of these things, from the selection, appropriation, and everything,”.

 

Hindi naman pinangalanan ng Pangulo  ang  official in charge.

 

“As I have told you, we will look for a solution. Do not despair, kasi sabi ko nga noon e baka maawa ang Diyos, by December, January, meron na tayong makitang relief in sight,” ayon sa Pangulo na ang tinutukoy ay ang  coronavirus pandemic.

 

Sa ulat, nais ngayon ni Bise Presidente Leni Robredo na magkaroon ng permanente at multi-story evacuation centers sa mga lugar na madalas bahain kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa Bicol region.

 

“Iyong mga lugar na bahain, dapat sana iyong evacuation centers doon, multi-story. Kasi iyong problema nga, noong umikot ako, maraming mga evacuation center ang flooded. So paano matutulog iyong mga tao kung, ‘di ba, kung may tubig iyong sahig?” ani Robredo sa kanyang weekly radio show.

 

Nitong linggo ay nag-ikot ang pangalawang pangulo ng Pilipinas sa mga probinsyang matinding napinsala ni Rolly.

 

Aniya, ang mga permanenteng evacuation centers ay maaaring itayo sa mga lugar na bahain gaya ng Bicol, Samar, at Quezon.

 

Iginiit din ni Robredo sa mga awtoridad na siguraduhing mataas ang kalidad na mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng mga evacuation centers.

 

“Kasi otherwise, parating kapag bumabagyo, ganito iyong nangyayari. Totoong mas mura siya, pero dahil parati siyang nasisira, ang lalabas mas mahal talaga siya,” aniya.

 

Kamakailan ay nananawagan si Robredo na magtayo ng evacuation center para sa mga hayop matapos niyang maobserbahan na marami pa ring mga residente na ayaw lumikas dahil sa kanilang mga alagang hayop at kabuhayan sa kabila ng kinakaharap na panganib.

 

Ngunit, nalaman ng bise presidente na kulang ang pondo ng mga lokal na pamahalaan para maglagay ng mga imprastraktura.

 

“Karamihan kasi sa LGUs, hindi naman nila kaya iyong mga infrastructure na malalaki… Kailangan talagang gawan siya ng programa, ng budget, galing sa national government. Kasi iyong binibigay na mga donation, siyempre pansamantala siya,” sabi pa niya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads November 19, 2020

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Fajardo nakalikom ng P25-K sa paglalaro ng DOTA 2 na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakalikom ng halos P25,000 ang inilunsad na game channel ni PBA star June Mar Fajardo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Naisip ni Fajardo mag-livestream ng kaniyang laro sa DOTA 2 para makalikom ng pondo na pantulong.

 

Dagdag pa nito na wala itong inilaan na minimum  na halaga kung magkano ang puwedeng itulong.

 

Pagtitiyak nito na magiging transparent siya sa perang nalikom na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Kasalukuyang namimili ito ng organisasyon na maghahatid ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.

Babala ng Pangulo kay Robredo kapag tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 election, “waswasan kita”

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BINALAAN  ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte si Vice-President Leni Robredo na  kapag tumakbong pangulo ang huli sa 2022 election ay marami siyang sasabihin dito.

 

“Marami ako sabihin sa’yo. Reserba ko na lang. When you start your campaign, ‘waswasan’ kita. This is your nightmare,” banta ni Duterte na matatapos ang termino sa June 2022.

 

Sa public address  ni Pangulong Duterte, Martes ng gabi ay pinasaringan din nito si  Robredo tungkol sa kung nasaan ang Bise Presidente tuwing gabi.

 

Tinawag din ni  Pangulong  Duterte na sinungaling si Robredo dahil sa umano’y paghahanap sa kanya noong nanalasa ang bagyong “Ulysses.” May sagot naman ang pangalawang pangulo sa mga patutsada sa kanya.

 

Ipinaliwanag ng Pangulo na nasa online ASEAN Summit siya nang manalasa ang bagyo.

 

Nang gabi ng Biyernes nang maiulat ang paglubog ng Cagayan dahil sa pagbaha, abala si Robredo sa pakikipag-ugnayan sa militar para sa pag-rescue sa mga residenteng nasa bubungan ng mga bahay.

 

Mula nang manalasa si “Ulysses,” walang pahayag si Robredo sa publiko tungkol sa paghahanap sa pangulo bagaman nag-trending sa social media ang #NasaanAngPangulo.

 

Sinabi ni Pangulong Duterte na si Robredo ang nagpasimula ng nasabing #NasaanAngPangulo, na nag-trending din noong bagyong “Rolly.”

 

Diing pahayag ng Pangulo ay minomonitor niya ang sitwasyon sa epekto ng bagyo kahit dumadalo siya sa ASEAN Summit.

 

“I would go and whisper to the military guys in the room, how was it developing and what was the reaction of our government people there and the resources?” ang pahayag ng Chief Exevutive.

 

“Hindi mo na kailangan orderin ‘yan sila kasi two days before, deployed na ‘yan sila doon,” patuloy niya.

 

Ayon pa kay Duterte, nagbibigay ng utos umano si Robredo sa militar sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong “Ulysses.”

 

Sa mga tweet ni Robredo, iniuugnay niya ang netizens na nangangailangan ng tulong sa rescue teams na nasa lugar.

 

Giit ni Pangulong Duterte, “You are presuming that I should be giving orders on the day of the storm. That is stupid… That is why you cannot be President. Mahina ka. You do not give orders on the day of the war, patay ka.” (Daris Jose)

De Los Santos gold ulit sa Markham Open

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tuloy ang buhos ng gintong medalya para kay Orencio James De Los Santos matapos muling pagharian ang men’s seniors individual kata ng Nox Dojo Markham City Open.

 

Isa na namang world class performance ang ipinamalas ng 30-anyos Pinoy bet para gapiin si Domont Matias Moreno ng Switzerland sa iskor na 25.3 – 24.2 sa championship round.

 

Nakapasok sa finals si De Los Santos nang igupo nito si Ali Mirkarimi ng Canada sa quarterfinals (24.9 – 20.9) at Alfredo Bustamante ng Amerika sa semifinals (25.9 – 24.9).

 

Ito ang ika-21 ginto ni De Los Santos upang mas patatagin ang kanyang kapit sa No. 1 spot sa world rankings.

 

“Continuing to widen the gap in the virtual kata world rankings! I’m much more motivated,” ani De Los Santos na sariwa pa sa kampeonato sa Okinawa E-Tournament World Series noong Sabado.

 

Samantala, nakahirit ng dalawang gintong medalya si Julia Marcos sa women’s seniors individual kata at women’s Under-21 individual kata habang naka-pilak naman si Fatima Hamsain sa female Under-15 individual kata category sa Okinawa event.

2 TULAK TIMBOG SA P170-K SHABU

Posted on: November 19th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang natimbog matapos bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinawang buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

Pinuri ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang  Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior dahil sa matagumpay na pagkakaaresto sa mga suspek na si Joseph Labungray, 32 ng Tondo, Manila at Raul Santiago , 26 ng GMA, Cavite.

 

Ayon kay Col. Mina, dakong 11 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo, kasama ang Tuna SS-1 ang buy-bust operation sa Tuna St. Brgy. 28, Caloocan City.

 

Nagawang makapagtransaksiyon ni PCpl Mark Roland Esliza na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 25 gramo ng shabu na tinatayang nasa P170,000 ang halaga, buy-bust money at itim na coin purse.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)