• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 21st, 2020

Ads November 21, 2020

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mga empleyado ng NAIA kukunin ng Megawide sa kanilang take-over bid

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi mawawalan ng trabaho ang libong empleyado ng Ninoy Aquino International Airport kung magkaron ng take over ang isang private consortium na siyang maaring kunin ng pamahalaan para sa rehabilitation project nito.

 

Sinabi ng Megawide Construction Corp. na kanilang kukunin ang mga empleyado ng NAIA kung kanilang makukuha ang kontrata para sa rehabilitation ng country’s main gateway, katulad ng ginawa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA).

 

Taliwas naman ito sa sinabi ng mga ilang mambabatas na mawawalan ng trabaho ang 14,000 na empleyado ng NAIA kung makukuha nila ang kontrata, ayon kay Megawide chairman at chief executive officer Edgar Saavedra.

 

Ayon pa kay Saavedra na kanilang susundin ang mga proseso na ipapatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa ilalim ng mungkahi na baguhin ang NAIA complex.

 

“We actually made an offer not only to adhere to government regulations but because we saw value in their knowledge of the airport operations,” wika ni Saavedra.

 

Siniguro naman ni Megawide managing director Louie Ferrer ang proseso ng paglipat ng mga regular na empleyado ng MIAA sa Megawide.

 

“Following the guidelines of the government and the process we followed for the MICIA, we will be sending offers of employment to the regular employees of the NAIA. Those who accept the offers will enjoy benefits equal or possibly more than the benefits they were receiving from the MIAA. Any employees who transfer to Megawide are also protected against retrenchment within a certain period,” wika ni Ferrer.

 

Ayon sa Megawide sila ay mamumuhunan sa pagtatayo ng isang state-of-the-art aviation at airport training facility para sa NAIA na pangungunahan ng mga regular at contractual na mga empleyado.

 

“In the short term our focus is to train the employees of the NAIA in line with our goal to deliver first-world services and operations within the first phase of operations,” dagdag ni Ferrer.

 

Gusto rin ng Megawide na magkaron ng mga Filipino aviation experts hindi lamang sa Manila kundi pati na rin sa Cebu at iba pang airports sa Pilipinas.

 

Ang Megawide ay mahigpit na tutupad sa mga guidelines na ibibigay ng pamahalaan para sa isang multibillion-peso rehabilitation project.

 

Gustong pawalang katotohanan ng Megawide ang sinabi ni Rep. Bong Suntay noong nakaraang budget hearing na marami ang mawawalan ng trabaho kung mag take over ang kanilang kumpanya.  (LASACMAR)

Warriors star Thompson, hindi makalalaro ng buong NBA season

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

 

Ayon sa ulat, nakuha ni Thompson ang season-ending injury sa ginanap na practice game sa Southern California noong nakaraang araw.

 

Sa inilabas ng statement ng Warriors, pinayuhan ito ng kanyang doctor na hindi muna maglaro hanggang hindi tuluyang gumagaling ang injury.

 

Magugunitang hindi na nakapaglaro noong nakaraang buong season ang 30-anyos na si Thompson dahil sa torn anterior cruciate ligament na nakuha nito sa NBA Finals.

 

Marami ang nagsasabi na maaaring ito na ang katapusan ng career ni Thompson dahil lagi na itong tinatamaan ng injury at bibitiwan na rin ito ng Warriors dahil wala na itong  pakinabang.

 

Hindi na makapaglalaro ng buong NBA season ang pambato ng  Golden State Warriors na si  All-Star guard Klay Thompson matapos magtamo ng torn right Achilles injury.

Claudine, balak kasuhan si Jodi sa pakikipag-relasyon kay Raymart

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

“THE height!”

 

‘Yun talaga ang naging reaksiyon/litanya namin nang malaman namin na posible raw kasuhan din ni Claudine Barretto si Jodi Sta. Maria dahil sa pakikipagrelasyon nito kay Raymart Santiago.

 

As in the height! Parang ayaw na naming patulan at bigyan pa ng paliwanag bakit the height na gagawin pa yun ni Claudine.

 

Unang-una, pinapalabas ba ni Claudine na siya, never na nagkaroon ng relasyon sa iba after nilang maghiwalay ni Raymart?

 

Eh naku, ang susunod na lang na reaksiyon namin diyan, “GOD KNOWS.” Naisama na namin ang pangalan ng Diyos dahil sige, puwede namang mag-deny, pero, alam ni Claudine ang totoo.

 

At alam ng Diyos ang katotohanan.

 

Nakakapagtaka lang din, bakit yata sa tagal, ngayong nag-come- out sa open si Raymart about his relationship with Jodi, saka naman nag-iingay si Claudine at sinasabing hindi tinutupad ni Raymart ang sustento nito sa dalawang anak.

 

Nagkataon lang ba o tina-timing?

 

*****

 

UMAMIN na si Derek Ramsay na break na nga sila ni Andrea Torres.

 

Hindi sa pagsagot sa press na nagtatanong dito, pero sa comment section ng Instagram account niya kunsaan, may sinagot ito.

 

Isang netizen lang ang nag- comment kunsaan, ikinumpara niya ang relasyon ni Derek Ramsay sa mga past girlfriends na nagtatagal ng ilang taon, his last was six years.

 

Samantalang kay Andrea, isang taon lang daw. Sey nito, “Bakit ganoon kadali kay Andrea? Something is wrong with Andrea wag nyo isisi kay Derek lahat yong past nya 6 years.”

 

Ito ang nag-udyok para aminin na ni Derek na break na nga sila ni Andrea. Para idepensa si Andrea at ‘wag itong sisihin.

 

Sinagot ito ni Derek nang, “pls don’t point the finger at anyone. There is nothing wrong with Andrea. She is a great woman. There is no third party!!! The break-up has happened so fast. Maybe 2 people are not just meant to be.

 

“Pls. Respect us nalang. We shared our love to all of you sana namam we can keep this to ourselves. Mahal ko si ada kaya di ako magsasalita pero if I hear lies about her I will defend her.”

 

May nagtatanong naman, tahimik lang kasi talaga si Andrea sa isyu ng break-up. Sa kanilang dalawa, si Derek ang sumasagot lalo na sa mga bashers at netizens.

 

Pero napapaisip ang ilang netizens, ano raw kaya ang ibig sabihin ni Derek sa “mahal ko si ada kaya di ako magsasalita…” parang implying daw na na kay Andrea ba ang isyu o naging problema? (ROSE GARCIA)

Humanitarian aid mula sa EU, iba’t-ibang bansa, aabot na ng P182-M: UN

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakaipon na ang United Nations ng P182 million mula sa pagtutulungan ng European Union, Sweden, Australia, United States, Germany at Zealand para umagapay sa typhoon response ng Pilipinas.

 

Ang nasabing humanitarian assistance ay makakatulong sa halos 260,000 Pilipino na lubhang naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.

 

Sinabi ni UN Resident Coordinator and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzalez, sa pamamagitan ng suportang ito mula sa mga resource partners ay nagpapatunay lamang ng international solidarity ng mga bansa para tumulong na muling makatayo ang mga bansa na nangangailangan ng suporta.

 

Nakalikom ang Humanitarian Aid Department of the European Commission (ECHO) ng P74 million, habnag ang Australian Government naman ay nagbigay din ng P33 million sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), UN Population Fund (UNFPA) at Family Planning Organisation of the Philippines (FPOP).

 

Nag-abot na rin ang Sweden ng P67.6 million sa pamamagitan naman ng Save the Children, National Council of Churches in the Philippines (NCCP) at Plan international.

Panelo, nag-sorry kay VP Leni

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo matapos magkomento  sa maling impormasyon na sumakay ang huli sa C-130 aircraft nang dumalaw ito sa Catanduanes noong November 3.

 

Sa katunayan  ayon kay Sec. Panelo ay naglabas na siya ng apology matapos maberipika ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Philippine Air Force (PAF) na hindi sumakay si Robredo sa C-130 plane ng militar.

 

Sinabing una nang humingi ng paumanhin kay Robredo si Defense Secretary Delfin Lorenzana matapos na mapatunayan na hindi totoong sumakay ng C-130 ang Pangalawang Pangulo.

 

Ayon kay Lorenzana, nilinaw sa kanya ng Philippine Air Force na pribadong eroplano ang ginamit ni Robredo nang magpunta ang huli sa Bicol para sa relief operation ng mga nasalanta ng bagyo.

 

Mula sa impormasyon ni Lorenzana ay nagbigay din ng komento si Panelo na nakikigamit ng sasakyan ng militar ang pangalawang pangulo.

 

Dahil dito ay nag-sorry si Panelo.

 

Gayunman, may puna pa rin si Panelo sa pangalawang pangulo kaugnay sa nag-viral na “#NasaanAngPangulo?” (Daris Jose)

Gilas Pilipinas mamanduhan ni Uichico

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) si veteran mentor Jong Uichico upang maging head coach ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa Nobyembre 27 hanggang 30 sa Manama, Bahrain.

 

Inihayag kahapon ni SBP president Al Panlilio ang anunsiyo kung saan makakasama ni Uichico sa c­oaching staff sina assistant coach Boyet Fernandez at SBP program director Tab Baldwin.

 

Bagong pagsubok ito para kay Uichico lalo pa’t binubuo ang Gilas Pilipinas ng mga batang players.

 

“It’s a welcome challenge. It’s something new but it’s always a welcome challenge. We’re trying to do the best we can, we’re trying to make them ready for the international game. We’re trying to keep things as simple as possible,” ani Uichico.

 

Nakasentro ang atensiyon ng coaching staff sa pagbuo ng chemistry dahil ilang linggo pa lamang magkakasama ang 16-man pool sa training bubble nito sa Calamba, Laguna.  Subalit mataas ang moral ni Baldwin sa magiging laban ng Gilas.

 

Nagpasya ang SBP na magpadala ng all-cadet lineup sa qualifiers sa kabila ng availability ng mga PBA players na lumabas na sa bubble sa Clark, Pampanga.

 

Ayon kay Panlilio, matagal na itong plano ng asosasyon bilang bahagi ng development program nito at para mabigyan din ng exposure ang Gilas cadets.

 

“This team is the youngest we send to battle, fresh college graduates or still in the university. When called to service you have accepted without reservations. For this we have our deepest thanks,” ani SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan.

 

Nakatakdang umalis ang delegasyon sa Linggo.

 

Matindi ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas dahil sasalang ito sa apat na sunud-sunod na laro.

 

Una na ang Thailand sa Nobyembre 27 kasunod ang South Korea sa Nobyembre 28 at Indonesia sa Nobyembre 29.

 

Sa huling araw ng kumpetisyon sa Nobyembre 30, muling sasalang ang Gilas kontra sa Thailand

IATF, NHA namahagi ng 672 housing units sa Capiz – Nograles

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinangunahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles kasama ang national and local officials ang 14th virtual turnover ceremony ng Yolanda housing units, sa pagkakataong ito ay sa bayan ng Ivisan, Capiz noong Nobyembre 17, 2020 sa ilalim ng pangangasiwa ng Yolanda Permanent Housing Project sa Rehiyon 6.

 

Si Nograles, ang namumuno sa Inter-Agency Task Force for the Unified Implementation and Monitoring of Rehabilitation and Recovery Projects and Programs in Yolanda-affected Areas.

 

Sa kanyang online message, pinasalamatan ni Nograles ang LGU at mga katuwang na ahensya para sa kanilang kooperasyon at commitment sa pagtiyak para sa napapanahong pagkumpleto ng mahalagang legacy project ng administrasyong Duterte.

 

“Isang karangalan para sa akin na makasama kayo sa turn-over na ito. Ibinibigay natin ang buong papuri sa mga opisyal ng LGU na pinangungunahan ni Mayor Felipe Neri Yap at Vice Mayor Bito Delos Santos kasama ang lahat ng kanilang mga lokal na opisyal at kawani. Ang pagkumpleto ng Yolanda Housing Project na ito ay kapansin-pansin na nagawa natin sa gitna ng kasagsagan ng Covid-19 pandemic at mayroon tayong iba pang mga deadline sa pabahay upang matugunan,” pahayag ng opisyal ng Malacañang.

 

“Ipinaabot din natin ang espesyal na pagbanggit sa inspiring leadership ni NHA General Manager Marcelino Escalada, Regional Manager Engr. Antonio Del Rosario at District Manager Dominica San Diego na lahat ay nagpamalas ng focus at determinasyon na masiyasat ang proyekto hanggang sa matapos ito. Karapat-dapat silang bigyan ng komendasyon sa kanilang pagiging totoo at dedicated public servants.”

 

Batay sa numero ng NHA, as of October 2020, sa nakaplanong 123,535 na housing units para sa Region 6, nakumpleto nang ipatayo ang 89,491 units, samantalang ang natitirang 22,869 units ay nasa iba’t ibang estado na ng konstruksyon.

 

“Inaasahan natin na ang turnover na ito ay magpapagaan sa mga alalahanin ng mga taga-Capiz, lalo na’t nasa panahon pa tayo ng bagyo. Ang mga beneficiaries ay mas mapangalagaan mula sa mga pagsusungit sa panahon. Natapos na ang ilang taong paghihintay nila para sa kanilang bago at libreng bahay na kanilang titirhan,” ayon sa Kalihim ng Gabinete.

 

Sa bahagi ni Mayor Yap, pinasalamatan niya ang Pangulo, Nograles at ang NHA sa “maayos na pagtupad sa pangako ng gobyerno na i-rehabilitate ang mga naapektuhan ng Yolanda ilang taon na ang nakakalipas. Pahahalagahan ito ng mga benepisyaryo at aalagaan ang tulong ng gobyerno sa kanila habambuhay.”

 

Tinapos ni Nograles ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagtiyak sa mga taong apektado ng Yolanda na “Gagampanan namin ang lahat ng aming mga pangako sa pabahay. Ang hangarin lamang namin ay magtayo ang mga beneficiaries ng isang matatag na pamayanan sa palibot ng housing units at gawin nilang matibay na pundasyon ng pagmamahal at support centered on Filipino family.” (Daris Jose)

Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha sa Rizal

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Personal na binisita ni Pambansang Kamao Senador Manny Pacquiao ang ating mga kababayang Rizaleño mula sa San Mateo, Montalban at Brgy Mayamot sa Antipolo na napinsala ng bagyong Ulysses.

 

Nagpaabot ng tulong ang Senator Pacquiao Foundation sa 3,000 biktima ng pagbaha. Ang bawat isa ay tumanggap ng family packs na naglalaman ng mga pagkain at PPEs, medicine kits, mga damit at P1,000 mula sa senador.

 

Ang taos pusong pasasalamat sa butihin Senador Manny Pacquiao sa kanyang kabutihang loob sa mga Rizaleño.

KC, masayang-masaya na personal nang makita ang amang si Gabby

Posted on: November 21st, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya.

 

Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa pagsu-shoot niya ng commercials at later on, sa pagti- taping niya sa TV at shoots ng movie.

 

Ang Mamata rin niya ang kanyang biggest supporter and cheerleader kahit anong performances ang gawin niya.

 

Kaya natupad ang dream na ito ni Dingdong na minsang gumagawa ang mommy niya ng Cheese Pimiento para sa kanyang online-selling ng @mamatas.kitchen ay sinabayan niya ang pagsu-shoot dito.

 

Doon nalaman ni Dingdong na three generations na pala ang paghahanda ng cheese pimiento, na namana niya sa kanyang ina, at isinalin din ng lola ni Mamata rito.

 

Hinihiling ni Dingdong na sabihin sa kanya ng ina ang sekreto ng masarap na cheese pimiento, ayaw nito, kay Marian (Rivera) raw niya sasabihin ang sekreto.

 

Nang mangulit pa si Dingdong, sabi ni Mamata, “hayaan mo, baka si Zia ang magsabi sa iyo ng sekreto ng recipe ng Cheese Pimiento.”

 

Ibig sabihin, hihintayin pa ni Dingdong na magdalaga si Zia bago niya malaman ang sekreto?

 

Samantala, patuloy ang pagti-trending ng Descendants of the Sun PH gabi-gabi sa mga fresh episodes na napapanood pagkatapos ng Encantadia.

 

*****

 

MASAYANG-MASAYA si KC Concepcion, nang after almost eight months na hindi sila nagkikita nang personal ng amang si Gabby Concepcion dahil pareho silang inabutan ng lockdown gawa sa enhanced com- munity quarantine, ay natuloy din ang pagdi-date nilang mag-ama.

 

Sa Lobo, Batangas nanatili si Gabby at si KC naman ay nasa The Farm of San Benito in Batangas, bumabalik lamang siya ng Manila kapag may important commitment siya.

 

Kaya naman enjoy na enjoy maglakad ang mag-ama along Makati Avenue at mag-dinner sa paborito nilang restaurant.

 

Naganap iyon matapos makabalik si KC from Cagayan, na namigay sila ng food packs at mineral water sa mga nasalanta ng Ulysses typhoon, kasama siya nina Ruffa Gutierrez at mga anak nitong sina Lorin at Venice.

 

Nasa Manila na si Gabby dahil magsisimula na siya ng lock-in taping ng bago niyang romantic- comedy series na First Yaya sa GMA Network.

 

*****

 

TIYAK na magdiriwang na ang mga loyal viewers ng Bilangin ang Bituin sa Langit dahil magtatapos na ang taping ng cast na kinabibilangan nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara at sina Zoren Legaspi, Ina Feleo, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Yasseer Marta, Candy Pangilinan at Divina Valencia.

 

Malapit na nga silang magbalik-telebisyon sa December, at promise ng cast, every week, iba’t ibang pasabog ang mapapanood ng netizens.

 

Bago pa raw sila bumalik sa lock-in taping, sinabi ni Direk Laurice Guillen na maraming challenges silang mararanasan sa mga eksena nilang gagawin.

 

Sa pagbabalik ng Bilangin ang Bituin sa Langit, mapapanood sila pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)