• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 9th, 2021

5 kulong sa P115K shabu sa Valenzuela

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Timbog ang limang hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51, Mary Ann Magno alyas  “Tadel”, 46, Erick Leyco alyas “Putol”, 32, Bobby Soccoro, 29, at Baban Alvarado, 50.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong 7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega sa Area 4 Dumpsite Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

Nagawang makabili ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Angeles at nang tanggapin nito ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga pulis.

 

Habang naaktuhan naman ng mga operatiba sa loob ng isang walang numerong bahay ang iba pang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

 

Narekober sa mga suspek ang nasa 17 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P115,600.00 ang halaga, marked money, dalawang cellphone, digital weighing scale, P5,000 cash at ilang drug paraphernalia. (Richard Mesa)

SWS: 91% ng mga Pinoy takot na mahawa sa COVID-19

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit siyam sa 10 Pilipino ang nababahala na matamaan sila ng COVID-19 o ang kanilang mahal sa buhay.

 

Base sa survery na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang 25, natukoy na 91% ng mga Pilipino ang nababahalang mahawa sila o kanilang kamag-anak sa COVID-19.

 

Sa naturang numero, 77% ang lubhang nababahala habang 14% naman ang nagsabing bahagya lamang ang kanilang pagkabahala.

 

Tatlong porsiyento naman ang hindi halos nababahala, habang 5% ang hindi talaga natatakot na tamaan ng COVID-19.

 

Mas mataas ang porsiyento na ito ng anim na puntos kumpara sa 85% na naitala sa huling survey, na isinagawa noong Setyembre at apat na puntos na mas mataas kumapara sa record na 87% noong Mayo.

 

Pinakamaraming nababahalang tamaan ng COVID-19 ay ang mga respondents sa Visayas sa 96%, na sinundan ng Mindanao sa 95%, Balance Luzon sa 89%, at Metro Manila sa 85%. (ARA ROMERO)

Yulo maghahasa pa sa 2-3 torneo pa-Olympics

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY dalawa hanggang tatlong kompetisyon pang lalahukan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bago sumalang pangarap ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa darating na Hulyo 2021 dahil sa Covid-19.

 

Nabatid kamakalawa kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrrion-Norton, na gaganapin sa Marso-Hulyo sa Germany, Azerbaijan at Japan ang tatlong kompetisyon ng 20-anyos, 4-11 ang taas at tubong Maynila na gymnast.

 

Nadiyeta sa dalawang nilaruan lang si Yulo sa nakalipas na taon parehong sa Japan sa kasagsagan ng pandemya na pumutok sa mundo nitong Marso.

 

Sumungkit ang reigning world men’s floor exercise champion at current world No. 1 ng isang silver medal sa sa men’s vault ng 53rd All-Japan Seniors Gymnastics sa Gunma Prefecture nitong Setyembte.

 

Habang nakadalawang bronze naman siya sa 74th All-Japan Gymnastics Championships — floor at vault events – sa Gunma pa rin nito lang Disyembre.

 

Nasa ikatlong taon na si Yulo sa Land of the Rising Sun sa pagtustos ng Philippine Sports Commission (PSC) sa paghahanda sa quadrennial sportsfest. (REC)

Baloaloa, 4 pa lagas sa Angels via free agency

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA limang key player ng Petro Gazz Angels sa pangunguna nina  Maricar Nepomuceno-Baloaloa, Jeanette Panaga, at Jonah Sabete ang naglaho sa team dahil sa pagiging free agent.

 

Sa isang social media post ng Petro Gazz nitong isang araw lang, pinasalamatan ng team ang naging serbisyo ng tatlo kasama rin sina Cherry Nunag at Jovy Prado na pinaupo ang Angels sa trono ng 2019 Philippine Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

 

“We’re thankful for all the years you’ve played for the Petro Gazz family! Forever grateful for all the amazing memories!” lahad ng pangasiwaan ng koponan via Facebook.  “Wishing you all the best in your future endeavors! Thank you, Angels!”

 

Pero dahil sa kalibre ng tatlong beteranang balibolista, inaasahang mabilis itong mapapapirma ng iba pang team lalo’t sa Abril na ang planong pagbubukas ng unang propesyonal na liga ng baibol sa bansa. (REC)

Espiritu aminadong umaalingasaw trade

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.

 

Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga koponan ay naghahanap ng mga kailangang talent  at kalidad sa puwesto para punan ang mga pangangailangan.

 

“Yes, may mga nagpapahanap na sa amin sa kulang nilang player sa team. Sa ngayon, kung wala talagang makuha doon sa mga nasa free agent, saka kami maghahanap sa mga hindi nagagamit sa ibang teams kung pupuwede naming na mai-negotiate sa isang trade,” bulalas ni Espiritu, ang pinakamaraming hawak na basketbolista at nasa 33 taon na sa larangan.

 

Kaya lang idinagdag niyang  inaasahan pa ang pagsusulputan ng swap ng cagers bago o matapos ang 36th PBA Rookie Draft sa Marso 24, na ang deadline ng aplikasyon para rito ay Enero 27.

 

Inalis na ng PBA ang trade suspension na sinimulan sa nagdaangtaon hanggang January 4 ng taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019.

 

Ang huling naganap na palitan ay kinatampukan sa pagbagsak ni John Paul Erram sa Talk ‘N Text buhat sa North Luzon Expressway sangkot ang Blackwater. (REC)

‘Tiger,’ ‘Euphoria,’ and Kids Shows from WarnerMedia this 2021

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THIS January, WarnerMedia offers exciting entertainment with movies and kids shows that will fit all interests and ages.

 

 

Tiger (HBO and HBO GO): Explore the rise, the fall, and the return of Tiger Woods in the latest two-part HBO documentary, Tiger, premiering today January 11, Monday, at 10:00am only on HBO GO and HBO.

 

 

The series paints an intimate picture of the prodigy whose dedication and obsession with the game of golf not only took his fame and success to new heights, but also down a dark, spiraling road that eventually led to a legendary sports comeback, culminated by his victory at the 2019 Masters.

 

 

Euphoria: F*ck Anyone Who’s Not A Seablob (HBO and HBO GO): In the second of two special episodes of the Emmy® winning HBO drama series Euphoria, we follow Jules (played by Hunter Schafer) over the Christmas holiday as she reflects on the year.

 

 

Aside from starring in the episode, Schafer also serves as co-executive producer, which she co-wrote with Euphoria creator Sam Levinson.

 

 

The second special episode of Euphoria premieres Monday, 25 January at 10:00am exclusively on HBO GO and 11pm on HBO.

 

 

Total Dramarama (Cartoon Network) and Alice and Lewis (Boomerang)

 

 

Kids are not forgotten this January, as Cartoon Network and Boomerang premieres its newest titles for children of all ages.

 

 

The new season of Total Dramarama is back with an eclectic cast of pint-sized, dramatic children with fully formed teen personalities! The series goes back in time to re-introduce our favourite Total Drama Island cast as four-year-olds in a day-care centre. Inside these pint-sized bodies, we will find the hilariously familiar characters we know and love. Meanwhile, the scary but loveable Chef is now (barely) in charge of everything because the kids have full drama-filled control.

 

 

Boomerang is also introducing its newest animated-series, Alice and Lewis, that follows the adventures of Alice and her best rabbit friend, Lewis as they travel through Wonderland – a magical universe ruled by an angry and whimsical Queen who is quick to reprimand anyone who steps out of line. While the two best friends embark on fabulous and exciting adventures, Lewis tries to keep Alice in line and safe.

 

 

Total Dramarama will premiere on 23 January at 9:00am on Cartoon Network, while Alice and Lewis is set to begin this January 30 at 4:00pm on Boomerang. New episodes will premiere every weekend.

 

 

HBO GO has got you covered for your daily dose of elevated entertainment experience this January. Download the HBO GO app from the App Store or Play Store on your device and enjoy a 7-day free trial. You can also access HBO GO via Cignal or at https://www.hbogoasia.com/. HBO GO is now available via Android TV, Apple TV, LG TV and Samsung Smart TV – and comes with AirPlay and Google Cast functionality. (ROHN ROMULO)

Athletes na lalahok sa Tokyo Olympics sana mabakunahan muna – IOC

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ngayon ng International Olympic Committee (IOC) na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga atletang sasabak sa kompetisyon para matuloy nang ligtas ang Tokyo Games sa darating na Hulyo.

 

Bagama’t ayaw sumingit ng IOC sa listahan nang kung sino ang dapat na maturukan ng COVID-19 vaccines gaya ng mga napapabilang sa vulnerable sector at health care workers, umaasa silang sa lalong madaling panahon ay mabakunahan din ang mga atletang sasabak sa Olympic Games sa Tokyo.

 

Ito ay sa gitna na rin nang pagkakatuklas sa mga bagong variants ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo, pati na rin ang pagtaas ng kaso sa Japan.

 

Ayon kay IOC member Dick Pound, ang pagpapabakuna sa mga atleta ang siyang “most realistic way” para matiyak na matuloy nang ligtas ang Tokyo Olympics sa Hulyo.

 

Hindi naman daw niya nakikita na magkakaroon ng public outcry o pagpuna sakali mang matuloy ang pagbabakuna sa mga atleta.

 

Sa huli, desisyon pa rin aniya ito ng bawat bansang lalahok sa kompetisyon.

 

Nauna nang hinimok ni IOC president Thoms Bach ang mga atleta na magpaturok muna ng COVID-19 vaccine bago sumali sa Tokyo 2020 Games pero iginiit na hindi naman ito magiging requirement.

Halos P10-M illegal drugs nasabat ng PDEG sa Cainta, Rizal; Shabu lab nabuwag

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Halos P10 million halaga ng samut-saring iligal na droga ang nasabat ng PNP Drug Enforcemen Group (PDEG), PDEA NCR at Cainta Municipal Police Station sa ikinasang operasyon kahapon sa Barangay San Andres, Cainta, Rizal.

Arestado ang drug suspek na si Khrystyn Almario Pimentel, 30-years old, isang curriculum developer sa Quantrics, Taytay,Rizal at residente ng Donya Luisa Village, Ecoland, Davao,City.

Tolentino ipapagawa ng bahay ang POC

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BALAK sa panahon ng panunungkulan ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham  Tolentino na mapagtayo ng sariling permanenteng tahanan ang pribadong organisasyon upang hindi maging ‘iskuwater’ sa PhilSports Complex ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig City.

 

Ito ang ipababatid ng opisyal sa mga kasamahan sa organisasyon unang edisyon na unang POC Executive Board Meeting bukas (Martes, Enero 12) sa nasabing lugar.

 

“Ngayon lang namin napagtanto ang bagay na ito, at pangunahin namin itong pag-uusapan sa board. Ang POC pala walang permanenteng opisina sapul noong 1911 pa. Mabigat man itong sabihin, pero parang informal settler. Nakikitira lang ang POC sa facilities ng PSC. Hindi rin naman sa PSC ang kinatitirikang lugar (kasaosyo ang DepEd),” salaysay kamakalawa ni Tolentino.

 

Kakahalal lang opisyal ng sports at Cavite Eight District Representative na pangulo ng POC nitong Nobyembre at sa Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) nitong Disyembre.

 

“Nakakalungkot, pero baka isa tayo sa mundo, o sa Asia o kahit sa Southeast Asia na ang POC ay walang sariling opisina. Daig pa tayo ng Laos, Myanmar at Thailand na may mga sariling opisina. Kaya isa ito sa aking pagtutuunan ngayong taon,” panapos na namutawi kay Tolentino. (REC)

‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

Posted on: January 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.

 

Imbes aniya na pahalik ay papalitan ito ng pagpupugay at pagtanaw upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease sa mga deboto.

 

Maaari umanong makita ng mga beboto ang imahe ng Itim na Nazareno na inilagay sa balkonahe ng Quiapo Church.

 

Idinungaw ngayon ang imahe ng Nazareno na ginagamit sa prusisyon kung saan maaaring sumaglit ang mga tao sa simbahan upang iwagayway ang kanilang panyo bilang tanda ng pagpupugay sa Poong Nazareno.

 

Hindi rin papayagan ang mga deboto na ipunas ang kanilang mga panyo sa imahe, na isa sa mga nakasanayan na ring gawin ng mga deboto tuwing pista ng Itim na Nazareno.

 

Bukod dito ay hindi rin hinihikayat ng pari ang mga deboto na magdala ng malalaking replica ng Nazareno dahil sayang ang espasyo.