THE 47th Metro Manila Film Festival officially ended on January 7 pero wala pang announcement ang MMFF Execom kung kumita ba ang festival na ang entries ay napanood via streaming sa Upstream and Gmovies.
Kung hindi naging virtual ang panonood ng MMFF entries at pwede manood sa sinehan, tiyak na yung entries sa MMFF na kumita ay tiyak na kanya-kanya nang announcement kung top grosser sila at kung magkano ang kinita nila sa two-week run ng festival.
Ibang ballgame ang panonood via streaming kumpara sa panonood sa sinehan. Hindi naman lahat ay tech-savvy kaya naiintindihan naming kung hindi lahat ay nanood ng MMFF entries online.
So we can only guess kung alin sa mga film entries ang kumita. May reports na number one daw ang Fan Girl nina Paulo Avelino at Charlie Dizon, in terms of box-office receipts kasi win ito ng maraming awards. Pero walang figures na available kung magkano ang kinita.
Kumita rin marahil ang The Boy Foretold by the Stars dahil much-talked about ang BL-themed movie na ito winner din ng maraming awards, including 2nd Best Picture.
Kumita rin daw ang Mang Kepweng na bida si Vhong Navarro.
While the public deserves to know which of the film entries made money and how much the festival earned, tanging ang Execom lamang ng MMFF ang pwedeng magsabi kung kumita ba ng festival made money after its 14-day run.
Maraming showbiz observers ay may alinlangan with the MMFF’s decision to have the entries screened online. Kahit na hindi pa pwede manood sa sinehan, naging habit na ng mga Pilipino na sa sinehan nanonood ng filmfest entries sa panahon ng Kapaskuhan.
While the pandemic prevents the people from watching in cinemas, it seems the Pinoy audience still wants to enjoy the movies inside the cinema, not in the comfort of their homes watching on a small screen.
Marahil naman ay may natutunan ang MMFF Execom sa decision nila na via streaming ang panonood ng filmfest entries.
Kung sakaling itutuloy nila ang summer MMFF this year, pag-isipan muna nila kung via streaming ba uli o pwede na payagan na magbukas ang mga sinehan kahit na 50 per cent capacity lang?
Kailangan din naman kumita ng mga producers na sasali sa festival.
***
INAAYOS pa ang casting ng Mudrasta, ang unang movie ni Roderick Paulate under TREX Entertainment Productions.
Pero hopeful si Kuya Dick at Direk Julius Alfonso na pwede na silang mag-shoot by the end of January.
Ito ang comebackfilm ni Kuya Dick. Last year pa pumirma ng contract si Kuya Dick sa TREX Productions para sa Mudrasta last year. Naghahanda na sila for the presscon to announce the project nang magkaroon ng pandemic. Kaya natigil ang project.
Kahit na naglabas ng guidelines ang Inter Agency Task Force released para sa mga gustong mag-shooting ne pelikula at mag-taping, nag-decide ang owner ng TREX Productions na sisimulan ang movie kapag safe na for everybody na involved sa production.
Tiyak din na susunod sila sa health protocols para sa kapakanan ng lahat.
Dahil inaayos pa ang casting, ayon kay Direk Julius, hindi pa pwede sabihin kung sino ang makakasama ni Kuya Dick sa movie. Although binanggit sa amin ni Direk Julius ang dalawang artista na kasama sa cast pero di namin pwede isulat.
Hindi sure si Kuya Dick kung ano ang last movie niya pero kung tama ang info sa Wikipedia, he was last seen in Kung Fu Divas released in 2013.
“I am very excited to start work in Mudrasta. I haven’t had a movie for quite some time,” said the award-winning actor. (RICKY CALDERON)