• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 14th, 2021

Bea, sinabihan ng ina na pumili ng lalaking hindi ‘babaero’ sa kanyang YT vlog

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATUTUWA ang recent vlog ni Bea Alonzo sa kanyang You Tube account.

 

Nakakaaliw sumagot ang mommy ni Bea sa mga tanong na nabubunot nito. Naghahamon pa nga ito na “yun lang ba” raw ang mga comments.

 

Sa tanong kung sino sa mga ex boyfriend ng anak ang hindi niya gusto, mabilis na sumagot ito nang, “Kailangan pa bang itanong yan?!”

 

At sa tanong ni Bea kung ano ang ideal man ng ina para sa kanya, binigyang-diin nito na, “dapat hindi babaero!”

 

Tawanan lang ang dalawa. Walang pangalan na binabanggit ang nanay ni Bea, pero sa mga ex boyfriend ng anak, ang break-up kay Gerald Anderson ang pinaka-sensational.

 

Wish naman daw ng nanay ni Bea na sana, makapag-asawa ang anak ng mabait at totoong magmamahal dito.   At sana raw, “soon!”

 

(PHOTO: YOUTUBE/BEA ALONZO)

 

***

 

HANGGANG ngayon, pinag-uusapan pa rin ang non-renewal of contract ni Janine Gutierrez sa GMA-7.

 

Wala pa man formal na anunsiyo na lilipat ito ng ABS-CBN, pero yung sighting na nakasama nito sa lunch or dinner ang isa sa unit head ng ABS-CBN na si Deo Endrinal ay naging sapat na sa karamihan ng netizens na mag conclude na magiging Kapamilya nga ito.

 

Ang tanong, was it a good decision? Sa panahon ng pandemic at sa panahon din na wala pang renewal of franchise na binibigay sa network.

 

Isa si Janine sa mga gusto naming artista dahil bukod sa mabait ito, mahusay na actress at maganda. So sana nga, good move ang paglipat ni Janine.

 

Na baka naman nga may plano sa kanya para i take ang risk of changing network.

 

Bali-balita rin na si Janine raw ang gagawing Valentina sa Darna series. May nabasa na nga kami na kesyo mas maganda pa raw kung sakali si Janine sa gaganap na Darna.

 

Maganda rin ang role ni Valentina, lalo na sa gusto ng kontrabida genre. Hindi naman siguro kontrabida role ang tinatahak ni Janine bilang pang-bida talaga siya. (Rose Garcia)

Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand.

Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna.

Aniya, bagama’t posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand gayung hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dahil sa kakulangan sa pasilidad.

Negative 70 aniya ang kailangang temperatura nito at tanging Maynila, Cebu at Davao  lamang umano ang mayroong mga cold storage facilities kung saan maaaring iimbak ang vaccine ng Pfizer.

Aniya, ganito ang sitwasyong hinaharap ngunit kung ang pag- uusapan ay kasalukuyang senaryo, sadya aniyang wala tayong choice o alternatibo dahil Sinovac lang ang paparating simula Pebrero hanggang buwan ng Hunyo.

“Well, uulitin ko po ano: Simula Pebrero hanggang Hunyo, wala po tayong alternatibo dahil parang iisa lang po ang darating na bakuna.

 

Pagdating po ng July, eh marami na pong papasok ‘no. Pero hindi naman po lahat iyan eh puwedeng piliin ng ating mga kababayan dahil iyong Pfizer po kinakailangan ng negative 70 ‘no,” ayon kay Sec. Roque.

“Ibig sabihin po, para lang  iyan sa Maynila, Cebu, Davao  na mayroong mga cold storage facilities, hindi po talaga magagamit iyan sa sa mga probinsiya dahil wala tayong mga facilities,” dagdag na pahayag nito.

At gaya aniya ng sinabi nina Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo na ang ahat ng bakuna na pumasa sa FDA ay “proven safe and proven effective.”

“So, hindi na po importante kung ano iyong brand. Pero uulitin ko po, wala na pong pilitan, kung ayaw talaga, okay lang po iyan, mawawala lang ang prayoridad kung sila po ay kabahagi ng priority population at pipila po sila sa huli,” giit ni Sec. Roque.

Samantala, ang NCR, CAR at Davao Region ay ilan lamang aniya sa mga mauunang lugar kung saan ikakasa ang pagbabakuna.

Naomi Watts, Befriends a Bird in A Drama Film about Believing in Miracles

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TWO-TIME Academy Award nominee Naomi Watts stars in a new Netflix film that is set to tug at our heartstrings: Penguin Bloom.    

 

The drama film is one of those tales of hope and goodness that make you believe in miracles just a little.

 

In Penguin Bloom, Naomi Watts plays the role of Sam Bloom, a woman who survives a terrible accident but is left disabled for life.

 

Plunged into depression, she finds unexpected succour in the form of an injured magpie chick, who was abandoned after she fell from her nest.

 

Sam and her family adopt the chick, who is named Penguin, who in its own way, gives Sam the strength she and her loved ones need to get through the dark times. Sam may not use her legs anymore, but there is meaning in her life left still.

 

The film is based on a true story and is one of those tales of hope and goodness that make you believe in miracles just a little. And having an actor of Watts’ calibre deepens our faith in the movie a bit more.

 

She is joined byThe Walking Dead actor Andrew Lincoln, who plays the role of Sam’s husband Cameron.

 

Check out the trailer below: https://www.youtube.com/watch?time_continue=9&v=3D0PlwGIyW0&feature=emb_logo

 

Penguin Bloom is based on real life events and was adapted from the bestselling novel of the same name by Bradley Trevor Greive and Cameron Bloom.

 

As Netflix puts it, this film “tells the amazing true story of renewal that occurred when a woman whose life seemed shattered found hope and purpose in her family’s love — and in a bird on its own journey of recovery.           

 

Penguin Bloom is directed by Glendyn Ivin. It also stars Jacki Weaver, Griffin Murray-Johnston, Rachel House, Leeanna Walsman.   The film will premiere on Netflix this January 27. For more details, check out its official page on Netflix. (ROHN ROMULO)

IATF, pinag-usapan kung kasama ang persons with comorbidities sa prayoridad na mabigyan ng bakuna sa COVID 19

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may pag- uusap pang ginagawa ang Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa kung isasama sa priority list na mabakunahan ng COVID vaccine ang mga tinaguriang may comorbidities gaya ng mga diabetic at may heart condition.

Ayon kay Sec. Roque, may kani-kanyang tindig ang mga nasa IATF patungkol sa usapin na hanggang ngayo’y hindi pa napagdedesisyunan at patuloy pa ring pinag- uusapan.

“Pinag-uusapan pa po kung mabibigyan din ng prayoridad iyong mayroong mga comorbidities gaya ng diabetes at heart condition.

 

Mayroon lang pong pagtatalong nangyayari ngayon sa IATF, ako po, kasama ako doon sa kampo na nagsasabing dapat bigyan ng prayoridad ang may comorbidities; iyong kabilang kampo naman po nagsasabi, anyway, iyong mga senior citizens na karamihan ay may comorbidities ay mayroon na po silang prayoridad,” anito.

Kung siya lamang aniya ang tatanungin ay pabor siyang maisama na sa priority list ang mga may comorbidities ngunit kailangan pa rin aniyang pag- usapan ito at may mabuong concensus.

Aniya, ibang usapan naman ang mga nabibilang sa Senior citizen na bagamat hindi lahat ay masasabing malulusog ay puwede na aniyang unahin.

“So tingnan po natin kung ano ang magiging desisyon ng IATF. Wala pa pong desisyon pagdating sa mga mayroong comorbidities.

 

Although, napagkasunduan na po na iyong mga senior citizens, siyempre hindi naman lahat ay malulusog so iyong mga senior citizen na mayroong comorbidities puwede ring unahin,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Kaya ang paalala ni Sec. Roque sa mga senior ay huwag na lang munang lumabas ng bahay lalo’t sila ang matinding tinatamaan ng COVID-19

“Although, prioritized na ang mga senior citizens. Mahal namin po kayo, mga lolo at lola. Samantala po, huwag kayong lalabas ng bahay dahil alam natin kayo po talaga ang tinatamaan nang matindi ng COVID-19,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads January 14, 2021

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.

 

Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga susi sa pagkakampeon ng team sa 2019 Reinforced Conference.

 

Nakatengga nga lang sapul noong Marso 2020 ang PVL dahil sa Coronavirus Disease 2019 bago umakyat ng professional level nitong Nobyembre.

 

Balak magbukas ng liga sa Abril kapag nabakunahan na ang mga balibolista, ayon kay PSL Chairman Philip Ella Juico. (REC)

May Pinoy na sa 11th World Cup sa Belarus sa Agosto 1

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUTUKLASIN ng National Chess Federation of the Philippines  (NCFP) ang magiging pambato para sa $1,892,500 (P94M) 11th International Chess Federation (FIDE) World Cup 2021 sa Minsk, Belarus sa Agosto 1-28.

 

Kaugnay ito sa nakatakdang pagsasagawa ng pederasyon ng National Chess Championship sa mga papasok na buwan o bagong mag-deadline sa pagsusumite ng pangalan sa FIDE sa Hunyo 5.

 

“Top 100 countries all over the world were given wildcard seats and we will give that one spot to our national champion this year,” bigkas kahapon ni NCFP executive director Cliburn Orbe sa Facebook account.

 

Idinagdag pa niyang puwede pang madagdagan ang Pinoy bets sa kompetisyon sa pagpasa naman dapat sa mga nalalapit ding continental qualifying events.

 

Ang mga papasok sa 206-player World Cup ay may premyong $3,750 (P187,500) sa first round pa lang. At ang magiging hari naman ay magsusubi ng $110,000 (P5.5M). (REC)

BAKUNA SA COVID-19 SA CAMANAVA, KASADO NA

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng apat na alkalde ng CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela) sa kani-kanilang nasasakupan na magkakaroon na ng bakuna para sa Covid-19 na magagamit sa kanila simula sa ikalawang quarter ng taon.

 

Ito’y, matapos sabihin nina Mayors Oscar Malapitan (Caloocan), Antolin Oreta III (Malabon), Toby Tiangco (Navotas) at Rex Gatchalian (Valenzuela) na gumawa na sila ng kasunduan sa British-Sweden multinational pharmaceutical company, AstraZeneca para sa pagbili ng bakuna sa Covid-19.

 

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng Pamahalaang Lungsod sa AstraZeneca bilang bahagi ng Covid-19 vaccination program ng lungsod.

 

Sinabi naman ni Oreta na ang Malabon ay naglaan din ng paunang halaga na P150-milyon sapagkat ito rin ang tiniyak ng parehong pharmaceutical company para sa bakuna sa Covid-19.

 

Sa Navotas, lumagda na rin Mayor Toby Tiangco sa kasunduan sa AstraZeneca pharmaceutical company para makabili ng 100,000 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

 

Paliwanag ni Tiangco, dahil dalawang dosage ang kailangan ng bawat tao, 50,000 Navoteño ang unang mabibigyan ng bakuna na inaasahang darating sa ikalawang bahagi ng 2021.

 

Aniya, inaprubahan ng city council ang paglabas ng P20-milyon para sa layuning ito.

 

Muling pinaalalahanan ng alkalde ang nasakaupan na manatiling maingat at sundin ang safety protocols habang hinihintay ang bakuna.

 

“Good news! Valenzuela City signs a deal with AstraZeneca Pharmaceuticals Philippines for the advance purchase of 640,000 AstraZeneca vaccine doses” pahayag naman ni Mayor Gatchalian sa kanyang FB page.

 

Ani Gatchalian, inihahanda na nila ngayon ang vaccine roll out plan ng lungsod upang maging maayos na ang distribusyon ng bakuna kapag nagsimula na itong dumating.

 

Nasa 320,000 mga indibidwal ang mababakunahan, na 70 porsyento ng target na populasyon ng lungsod (hindi kasama ang 18 taong gulang pababa).

 

Nilinaw ng CAMANAVA Mayors na ang kasunduan na nilagdaan nila sa AstraZeneca ay aprubado ng Inter-Agency Task Force at Food and Drug Administration. (Richard Mesa)

John 1:14

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The word became flesh and made his dwelling among us.

PSC Comm. Ramon Fernandez, chef de mission sa 2021 SEA Games

Posted on: January 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games.

 

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo.

 

Pormal na inanunsyo ngayon ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagkakatalaga kay PSC Commissioner Ramon Fernandez bilang Team Philippines’ Chef de Mission para sa 2021 Southeast Asian Games.

 

Una nang sinabi sa Bombo Radyo ni Fernandez na handa siyang alalayan ang mga manlalaro, para mapapanatili ng Pilipinas ang hawak na mga titulo.