• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 23rd, 2021

Luke 1:27

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The virgin’s name was Mary.

Pogoy nakatakda na sa tahimik na buhay

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BUHAT sa may siyam na taon at 10 buwang pagiging magdyowa, engaged na si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas star Roger Ray ‘RR Pogoy at ang kasintahang si Love Portes.

 

 

“Thank you Lord! She said yes!” caption ng TNT at national men’s basketball team shooter sa kanyang Instagram post nito lang isang araw.

 

 

Pinaskil din ng 28 taong-gulang at 6-2 ang taas na guard/forward na kasama nila ang magkabilang mga pamilya nila sa nangyaring planong pagpatali na ng nagmamahalan.

 

 

Maging ang fiancee ni Pogoy may pinaskil din sa kanyang IG story.

 

 

“Whoe day the weather is not good. It was raining. Yet God gave us this perfect clear city view. It was indeed ordained by God. Yeeey thank you Lord,” caption niya.

 

 

Marami ang natuwa at nagreaksiyon sa bagong naabot na ito ng basketbolistang tubong Minglanilla, Cebu at papasok na sa Abril 9 sa panlimang taon niya bilang pro cager o paglalaro sa PBA.

 

 

“Congratulations brother!” tugon ni Tropang Giga teammate Bobby Ray Parks, Jr. (REC) 

PDu30, tiwala pa rin kay Diokno

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILING nagtitiwala pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa anti-graft and practices act law sa Ombudsman dahil sa di umano’y anomalyang kontrata para sa produksyon ng national identification cards.

Nanindigan si Presidential spokesperson Harry Roque sa integridad ni Diokno at kumpiyansa ito na masasagot ni Dokno ang mga alegasyon laban sa kanya.

“Kung maaalala nyo, si Governor Diokno until fairly recently was in the Cabinet enjoying the full trust and confidence of the President. In fact, he trusted him so much that he promoted him to become Central Bank Governor,” ayon kay Sec. Roque.

Kamakailan ay naghain ng medical leave si Diokno para alisin ang blood clot matapos ang minor accident.

“So naninindigan po tayo sa integridad ni Governor Diokno at alam naman natin na karapatan ng kahit sinong mamamayan na magsampa ng kaso pero kampante po kami at nagtitiwala na magbibigay linaw po si Governor Diokno sa issue na ito,” ang pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, pinaratangan ni Ricardo Fulgencio IV, chairman ng Stop Corruption Organization of the Philippines Inc., si Diokno at anim na BSP officials na pinaboran ang OVD Kinegram AD para sa card production ng national IDs.

Sinabi ni Fulgencio na ang P1.75 billion contract ay in-award sa nasabing kompanya nang walang kaukulang public bidding na ipinagbabawal sa procurement laws. (Daris Jose)

PDu30, nagpaabot ng pagbati kina Biden at Harris matapos manumpa bilang mga bagong Presidente at Bise-Presidente ng Estados Unidos

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AYAW patulan at sakyan ng Malakanyang ang naging panawagan ng Duterte Youth party-list sa Department of National Defense (DND) na kanselahin na rin ang agreement nito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) katulad ng ginawa sa University of the Philippines (UP).

 

Sa ulat, ang katuwiran ni Duterte Youth party-list Representative Ducielle Cardema na ang UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klarong klaro na special treatment na inabuso na sa matagal ng panahon.

 

“Karapatan naman po iyan ng Duterte Youth na magsalita ano? pero iyan po ay opinyon ng Duterte Youth,” giit ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Cong. Cardema, UP graduate na ilang makakaliwa na ang nang-abuso sa UP-DND Accord.

 

“With this in mind… the Duterte Youth party-List fully supports the move of the DND to cancel the UP-DND Accord which has been abused by some radical leftist groups to promote the youth recruitment of the CPP-NPA-NDF in their campuses,” ani Cardema.

 

“As Vice-Chairperson of the House Committee on National Defense and Security, I call on the DND to also cancel its similar PUP-DND Accord,” lahad pa nito.

 

Batay kay Cardema, ang UP-DND at PUP-DND Accords ay bumubuo ng inequality sa higit 400 campuses ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

 

“Itong UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klarong klaro na special treatment na inabuso na, sa tagal ng panahon.”

 

‘Kung sa 400 plus campuses ng iba’t ibang SUCs ng bansa wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na yan na naaabuso rin naman,” giit pa nito.

NORA, matsa-challenge na naman sa pagtanggap sa lead role ng ‘Kontrabida’

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISA na naman challenge sa kanyang career ang tatahakin ni Superstar Nora Aunor sa pagtanggap niya ng lead role sa Kontrabida, ang bagong obra ni Direk Adolfo Alix, Jr. under Godfather Productions ni Joed Serrano.

 

 

Nauna na ang anunsiyo last December na may gagawin project si Ate Guy sa produksyon ni Joed at nagpahayag nang excitement ang batikang concert producer.

 

 

Kung anong extent nang pagiging kontrabida ang ipamamalas ni Ate Guy ay mababalangkas ito sa script na susulatin ni Jerry Gracio.

 

 

Mahilig si Ate Guy sa pagtanggap ng mga kakaibang roles, gaya na rin nang kanyang pagpasok sa film production noong araw para makagawa siya ng mga de-kalidad na pelikula.

 

 

Bida-kontrabida ang role ni Ate Guy sa award-winning film Bakit May Kahapon Pa? which won for her an Urian award.

 

 

Ayon kay Direk Joel Lamangan, na director ni Ate Guy sa nasabing Viva Film, bagay na maging kontrabida si Ate Guy. Sa husay na aktres ni Ate Guy, kaya niyang magbigay-buhay sa kahit na anong role with aplomb.

 

 

Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans ni Ate Guy dahil may bagong project na naman silang aabangan mula sa aktres.

 

 

Congratulations nga pala kay Ate Guy sa kanyang panalo bilang Best Actress mula sa GEMS Awards para sa Isa Pang Bahaghari.

 

 

For sure, isa na naman gem of a performance ang ating maasahan mula sa kanya sa Kontrabida. (PHOTO by: MELL NAVARRO)

 

 

***

 

 

THERE must be something about Sean de Guzman na nakapukaw ng interes ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films kaya pinamirma niya ang binata ng 12-picture contract.

 

 

Yes, certified Viva contract star na si Sean after signing a contract sa Viva last Wednesday. Kasama ni Sean sa contract signing ang manager niyang si Ms. Janilyn Carrillo.

 

 

Mukhang maganda ang pasok ng taon para kay Sean. Siya ang napisil ng Godfather Productions para magbida sa Anak ng Macho Dancer na magkakaroon ng streaming sa January 30 via KTX.PH

 

 

To be singled out and offered a contract by Viva is something to be happy about. Unti-unti na ngang natututupad ni Sean ang kanyang mga pangarap.

 

 

Wish namin siyempre ay pumatok sa viewers ang Anak ng Macho Dancer para masundan pa ito ng mas maraming acting assignments para kay Sean.

 

 

***

 

 

MAPAPANOOD na ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King sa TV5 mula ngayong Linggo, January 24.

 

 

“This collaboration between CIGNAL, TV 5, Brightlight Productions and ABS marks the start of greater cooperation among our various industry players and begins a new era of partnership,” wika ni Robert P. Galang, president and CEO of Cignal and TV 5.

 

 

”The airing of ASAP and FPJ’s movies on TV 5 showcases the desires of TV 5 and ABS-CBN to serve the viewers the best way possible.”

 

 

Kaya for sure, one of these days, baka mapanood na rin natin ang ibang programa ng Kapamilya like FPJ’s Ang Probinsiyano, among others.

 

 

Pero siyempre wish pa rin namin na mabigyan ng bagong franchise ang ABS-CBN dahil deserve naman nila na mabigyan ng bagong franchise.

 

 

Kaya sana ay magkaroon ng magandang resulta ang bill that was filed by Cong. Vilma Santos-Recto para magkaroon ng bagong prangkisa ang Kapamilya network. (RICKY CALDERON)

‘Mr. M’, hiyang-hiyang nag-apologize sa pagkaladkad kina PIOLO at MAJA; ‘SNL’ six months dapat pero natsugi na

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGAPOLOGIZE si Johnny “Mr. M” Manahan kina Piolo Pascual at Maja Salvador dahil sa pagkatsugi ng Sunday Noontime Live (SNL) sa TV5.

 

 

Inamin ni Mr. M na sumama sa SNL ang dalawa dahil sa loyalty nila sa kanya.

 

 

Six months daw kasi ang pinangako ng Brightlight Productions sa pag-ere ng SNL. Pero tatlong buwan lang ang inabot nito. Ikinagulat din ni Mr. M ang biglaang pagkatsugi ng show kunsaan siya ang director at creative consultant.

 

 

“Actually, they assured us dalawang seasons. One season is three months kaya hanggang March. Kaya hiyang-hiya ako sa dalawa. I talked to them and I said, ‘I’m so sorry for dragging you into this,’” sey ni Mr. M.

 

 

Wala na raw kontrata sa ABS-CBN sina Piolo at Maja kaya sumunod sila sa tatay-tatayan nila sa ibang network.

 

 

“They did it because I asked. I said, ‘I’m here. Maybe we can do something there at Channel 5. Might be fun going up against ABS-CBN!

 

 

“Piolo is a sweet guy. I don’t think he has to work. He only works when he likes it. He’s a sweet guy. I knew he had reservations about the show because it’s in another channel. The same thing with Maja, she had reservations.

 

 

“Kasi, they were free agents. Previous to that, ako’ng gumawa nu’ng contracts nila Enrique, Liza, Kathryn, and Daniel. May mga clause, ‘yung, ‘You can’t leave ABS’ clause, gan’on. Si PJ naman matagal naman ‘yang wala ng contract. Free agent siya. And then si Maja, nu’ng nag-lapse… sakto lang na nag-lapse ‘yung contract niya last year. Sabi niya, ‘Let’s do this. Sama ako sa inyo,’” kuwento pa ni Mr. M.

 

 

Naging problema raw sa show ay ang mahinang presence pa rin ng TV5 sa masa.

 

 

“The weaknesses of Channel 5 began to show — their signal, some people didn’t even know Channel 5 was on the air… They don’t have everything, all the elements, in place,” diin ni Mr. M.

 

 

***

 

 

KINASAL sa isang private ceremony ang engaged couple na sina Rocco Nacino and professional volleyball player Melissa Gohing last January 21 sa Pier 13 in South Harbor, Manila.

 

 

Noong November 2020 na-engage ang dalawa. Ang nagkasal sa kanila ay isang military chaplain at sa isang naval warship na BRP Tarlac LD602 naganap ang ceremony.

 

 

Very private ang wedding nila with only their families at ilang Navy officers ang um-attend dahil sa health and safety protocols. Via Zoom video conference na lang nakapanood ang mga kaibigan nila.

 

 

“Yes… we… did…” ang caption ni Rocco sa kanyang Instagram post.

 

 

The couple married in the military service to honor the actor for being a member of the Philippine Navy Reserve Command and Naval Special Operations Group (NAVSOG).

 

 

Si Rocco ay graduate ng Basic Civilian Military Training noong October 2019 after completing 15 sessions of training and lectures to become a fully-fledged navy reservist. He took his oath as a Petty Officer (PO) 3rd Class with the Philippine Navy a month after.

 

 

***

 

 

NAGPABONGGAHAN ng outfits sina Lady Gaga at Jennifer Lopez sa 2021 Inauguration ceremony ni US President Joe Biden at US Vice President Kamala Harris noong nakaraang January 20 sa Washington DC.

 

 

Inawit ni Lady Gaga ang national anthem ng USA na “Star Spangled Banner” na suot ang custom look from Parisian label Schiaparelli.

 

 

Suot ni Gaga ay navy structured fitted jacket paired with a billowing silk skirt and black gloves. Agaw-pansin ang colossal brooch na isang dove carrying an olive branch.

 

 

Ayon sa designer ng look ni Gaga na si Daniel: “As an American living in Paris, this ensemble is a love letter to the country I miss so dearly and to a performer whose artistry I have so long admired.”

 

 

Si J.Lo na inawit ang “America, The Beautiful” ay suot ang 2019-2020 Chanel Fall Collection. Ito ay ang ecru and white tweed overcoat, a ruffled silk blouse, and a sequined high-waisted wide-leg pants. May kasama pa itong Chanel pearl-embellished earrings, bracelets, and belts.

 

 

Ang kanyang all-white ensemble ay isang pagbigay pugay sa suffragettes, na isang group of activist women who led the decades-long fight for women’s right to vote in the U.S.

 

 

Ang official colors of the suffragette movement are white, gold, and purple. (RUEL J. MENDOZA)

Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.

 

 

Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.

 

 

Kaya naman, hindi muna maglalaro si Woods sa Farmers Insurance Open sa Torrey Pines, maging sa Genesis Invitational sa Riviera, na gaganapin mula Pebrero 18 hanggang 21.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ng 15-time major winner na naging matagumpay ang operasyon at inaasahan din ng mga doktor na gagaling ito nang tuluyan.

 

 

Ayon naman kay Woods, sisikapin niya raw na makarekober agad nang makabalik na rin ito sa paglalaro ng golf.

 

 

“I look forward to begin training and am focused on getting back out on tour,” wika ni Woods.

 

 

Hindi naman nagbigay si Woods ng petsa kung kailan ito posibleng magbalik-aksyon.

PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System.

Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang.

Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito.

Kasabay naman ng Punong Ehekutibo na nagparehistro sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Senador Bong Go.

Agosto 2020 nang lagdaan ni Pangulong Duterte upang maging isang ganap na batas ang Philippine Identification System Act.

Sa isang simpleng seremonya sa Malacañang ginawa ang paglagda sa batas na sinaksihan ng mga opisyal ng Senado at Kamara.

Ipinaliwanag ng Pangulo na layunin ng nasabing batas na magkaroon ng single national identification system para sa mas maayos na transakyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan.

Tiniyak din ng Pangulo na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang privacy ng mga Pinoy hindi tulad ng National ID Bill na idineklarang unconstitutional ng Supreme Court.

May inisyal na P2 Billion na pondo ang Philippine Identification System Act na nakapaloob sa 2018 national budget.

Naunang tinutulan ng mga militanteng grupo ang pagsasabatas sa national I.D dahil sa pangambang gagamitin ito ng pamahalaan laban sa mga kritikal sa kasalukuyang administrasyon . (Daris Jose)

 

Navotas at Valenzuela, naghahanda na sa paglalagyan ng bakuna sa COVID-19

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kabilang sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang ang lungsod ng Navotas at Valenzuela ang naghahanda na ngayon ng paglalagyan nila ng kanilang mga bakuna sa COVID-19 bago ang pagdating nito sa bansa.

 

 

Sinabi ni Navotas Mayor Toby Tiangco na bumili ang pamahalaang lungsod ng bio refrigerator, single insulation transport cooler, at ng dalawang ultra-low temperature freezer na may temperaturang hanggang -86℃.

 

 

Aniya, ang refrigerator ay maglalaman ng mga diluent o panghalo sa bakuna, at isa sa dalawang freezer po ay na-deliver na sa atin. Ang bawat freezer ay maaaring maglaman ng 23,400 hanggang 35,100 vials ng bakuna.

 

 

“Tatlong brand po ang pinaplano nating bilhin: 50,000 Astrazeneca, 20,000 Pfizer, at 5,000 Moderna. Ito po ang top 3 choices base sa ating isinagawang survey. Ang iba pong bakuna ay magmumula sa ating pamahalaang nasyonal”, ani Tiangco.

 

 

Sa Valenzuela, ininspeksyon na rin ni Mayor Rex Gatchalian at ng kanilang team #VCVax ang Estrella Cold Storage sa Lawang Bato bilang paghahanda sa paglulunsad ng VCVAX.

 

 

“The COVID-19 vaccines need to be stored in a cold chain equipment and maintaining the cold chain is important to ensure the potency of the vaccine”, sabi ni Mayor Rex.

 

 

“We haven’t signed a deal with them kasi nag site inspection pa lang ako pero mayroon na kaming usapan na they will allocate space for us,” dagdag niya.

 

 

Magsisimula na rin aniya sa Sabado ang pagpaparehistro para sa vaccination programa sa lungsod. (Richard Mesa)

Sec. Roque, ipagbibigay-alam sa DBM ang paubos na passport revolving fund

Posted on: January 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPAGBIBIGAY-ALAM ni Presidential spokesperson Harry Roque kay Budget Secretary Wendel Avisado ang ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na ang passport revolving fund ng bansa ay paubos na.

 

“I will bring this matter up also to [Budget] Secretary [Wendel] Avisado,” ayon kay Sec. Roque.

 

Gayunpaman, tiwala naman si Sec. Roque kay Locsin na makahahanap ito ng pondo.

 

Sa Twitter post kasi ni Locsin, Miyerkules ng gabi ay sinabi nito na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para makahanap ng pera para i- replenish o punan o dagdagan ang pondo lalo pa’t ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay mayroong utang na P388 million sa passport printing contractor APO Production Unit, Inc, isang state-run firm.

 

Napag-alaman ng Kalihm na ang pondo ay ‘kinain” ng travel allowances, insurance at miscellany.”

 

Ang passport revolving fund ay mula sa bayad na kinolekta para sa processing at issuance ng passports “requiring special consideration, waiver, or issuance beyond regular office hours.”

 

Samantala, ayon naman sa Philippine Passport Act of 1996 (Republic Act 8239), ang pondo ay maaaring gamitin ng DFA para sa pagsasaayos ng “passporting at consular services” maliban na lamang para sa pagbabayad ng travel at transportation allowances.