INTERESADO rin pala si Kapuso actress Jaclyn Jose na mag-audition para sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng project na gagawin nila.
Sa interview kay Jaclyn last Tuesday evening sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, naikuwento niya na gusto niyang mag-try
“Nang malaman ko iyong sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para sa isang project nila, sinabi ko sa manager ko, kay Perry Lansigan ng PPL Entertainment, na mag-apply kami, wala namang mawawala, baka sakaling makapasa ako.
“Wala raw namang mahigpit na requirements, magpadala lamang ng short video with a self-introduction part in English, i-share ang tungkol sa aking family or favorite activity, in Filipino language or any dialect. At ‘yung mapipili required lamang payagang mag-work sa United States, dahil ang location shooting ay gagawin sa Atlanta, Georgia.”
Nai-share din ni Jaclyn ang happiness niya na may bago siyang apo sa anak na si Andi Eigenmann, this time, a baby boy, si Koa, dahil dalawang apong babae na ang nauna.
Ibinalita rin ni Jaclyn na magpapakasal na sina Andi at partner nito, ang surfer na si Philmar Alipayo. Pero hindi pa raw this year kundi next year pa.
***
KINAGIGILIWAN si Dasuri Choi, ang Koreanang nanalong 2nd runner-up sa “You’re My Foreignay” segment ng Eat Bulaga noong 2014.
Ngayon, balik-EB siya bilang dance instructor ng “Social Dis-Dancing” segment na tinuturuan niya ng dance number ang mga hosts ng EB na usually ay kinabibilangan nina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Alden Richards at Maine Mendoza.
Ngayon, matapos maging TV personality, gumagawa na rin ng pangalan si Dasuri bilang isang online celebrity na may lampas nang one million followers sa YouTube at 4.4 milion naman sa Tiktok. Mukhang nagustuhan na ni Dasuri dito sa Pilipinas at mahusay na siyang magsalita ng Tagalog.
***
SIGURADONG excited na ang mga netizens, lalo na ang mga aspiring Bida Kids na muling magpapasiklaban sa singing competition ng GMA Network, ang Centerstage.
Two weeks na lamang kasi, muli nang mapapanood ang programa. Nabitin daw sila nang matigil ang show last year dahil sa Covid-19 pandemic.
Kaya usap-usapan na sa social media, kung paano raw iyon, hindi ba bawal lumabas para magtrabaho ang mga batang wala pang 15 years old?
Hindi naman nagpahuli ang GMA Network kung ano ang gagawin, para muli silang mapanood. Sa pagbabalik ng programa, ibibida nila ang makabago nilang virtual set. Para iyon sa kaligtasan ng mga contestants at production team, wala pa rin silang live audience at isu-shoot nila ang performances ng mga contestants sa kani-kanlang mga bahay, kaya hindi nila kailangang lumabas para mag-shoot.
Ang Centerstage ay hosted nina Alden Richards at Betong Sumaya. Mga judges naman sina Soul Diva Aicelle Santos-Zambrano, musical director Maestro Mel Villena at Concert Queen Pops Fernandez.
Mapapanood na ang pagbabalik ng Centerstage on Sunday, February 7, sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)