• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 29th, 2021

DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda.

 

 

Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na sakop ng mga potential beneficiaries.

 

 

“Medyo natagalan po sa DepEd ang pag-finalize at pag-umpisa ng ating application process for the subsidy kasi mas malaki po iyong aming coverage. Kasama ang public at private [school] learners from kinder to Grade 12,” wika ni Sevilla.

 

 

“Ongoing po iyong aming application process. Wala pa pong nadi-disburse. Gagawin po namin ito as soon as makuha namin ang mga application,” dagdag nito.

 

 

Ani Sevilla, makakakuha ng P5,000 ang mga benepisyaryo mula sa mga pribadong paaralan, habang may P3,000 naman ang mga recipient sa public schools.

 

 

Kamakailan nang hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang DepEd na bilisan ang distribusyon ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

 

Nasa P300-milyon ang inilaan para sa basic education subsidies ng naturang relief measure.

EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

 

 

Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas ang food security ng bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Go, nagsasagawa na ngayon ng review ang OP sa panukalang EO bago ito pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ayon kay Sen. Go, palagi niya itong pina-follow-up sa Executive Department at inaasahan nitong pipirmahan ni Pangulong Duterte.

 

 

Tiniyak din ng senador na mababalanse sa EO ang interes ng mga consumers at traders.

 

 

“Parati ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng Pangulo,”ani Sen. Go. “‘Yun nga po ang pinag-aaralan ngayon ng Executive (Department). Binabalanse naman po nila ang lahat… consumers, ordinaryong mamamayan and, of course, ‘yung traders din po na alam naman nating talagang apektado rin po ang kanilang pagnenegosyo.”

Standing ng Pilipinas ukol sa estado ng pagtugon nito sa COVID-19, patuloy na gumaganda ayon sa WHO

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAGMALAKI ng Malakanyang ang patuloy na paglayo ng Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa buong mundo na may pinakamaraming naitalang active cases, bilang ng namatay at iba pang datos na may kinalaman sa pandemya.

 

Base sa ipinresentang datos ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ika- 32 na ang Pilipinas mula sa pagiging ika- labing walong puwesto sa pinakamaraming naitalang kaso ng corona virus, worldwide.

 

Tinatayang, nasa 42 naman ang ranking ng bansa sa dami ng active cases habang sa kaso ng COVID per one million population ay nasa ika- 131 ang Pilipinas.

 

“Sa total number of cases po, tayo po ay 32 sa mundo – nanggaling po tayo sa 18 noong Oktubre. Sa active cases naman po, tayo po ay number 42 sa buong mundo; ang active cases po natin ay 33,603. Sa COVID-19 cases per one million population, tayo po ay nasa 131 dahil ang kaso po natin per one million population ay 4,653 – 131 po tayo. At pagdating po sa case fatality rate o iyong mga namamatay, tayo po ay nasa number 77 – 1.99 po ang ating case fatality rate,” ayon kay Sec. Roque.

 

Pagdating naman sa case fatality rate ayon kay Roque ay nasa ika- 77 aniya ang Pilipinas matapos makapagtala ng nasa 1.99 na case fatality rate.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na patuloy na gagawin ng pamahalaan ang buong makakaya nito para mapababa pa ang kaso ng corona virus.

 

“Well, iyong sa mga dating bumabatikos sa atin, bakit wala po tayong naririnig ngayong nag-improve na po ang ating ranking worldwide. Patuloy po tayong gagawin ang pinakakaya nating gawin para mapababa ang mga kaso ng COVID-19 at maski mayroon pong mga bagong COVID-19 variant, sumunod lang po tayo sa pakiusap ng Presidente – MASK, HUGAS at IWAS. Iyan pa rin po ang ating panlaban sa COVID-19 kasama na rin po ang tamang pagkain, ehersisyo at sapat na tulog,” pagtiyak ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.

 

 

Sinabi ni Dr. Lulu Bra­vo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging epektibo ito depende sa pagtanggap ng katawan ng isang tao.

 

 

Mas lalong hindi dapat magkumpiyansa ang mga bagong bakuna pa lamang dahil sa karaniwang umaabot ng ilang linggo bago makabuo ng ‘immunity’ ang katawan ng tao, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention.

 

 

“That means it’s possible a person could be infected with the virus that causes COVID-19 just before or just after vaccination and still get sick. This is because the vaccine has not had enough time to provide protection,” ayon sa inilabas nilang bulletin.

 

 

Sa oras na lumarga na rin ang ‘vaccination program’, maaaring maapektuhan din ito ng pagkontrol sa temperatura sa iba’t ibang pagkakataon at lugar hindi tulad ng mga ‘clinical trials’ na kontrolado ang kapaligiran.

 

 

“It (bakuna) prevents serious disease. It prevents dying from the COVID. It prevents from being hospitalized from COVID but up to now, we still are not able to get the numbers how much it can prevent the transmission,” dagdag pa ni Bravo.

Philippians 4:7

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

The peace of God surpasses all understanding.

Cardona magbabalik MPBL

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG sa hardcourt ang ex-professional na si Mark Reynan Mikesell  ‘Macmac’ Cardona sa 4th Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2021 sa Hunyo.

 

 

Ipinaskil ng 39-anyos, 6-0 ang taas na beteranong basketbolista sa kanyang Instagram account ang muling paglalaro sa regional pro league.

 

 

Kaya lang ay hindi na pero hindi na sa dati iyang nilaruang San Juan Knights, kundi sa GenSan Warriors.

 

 

Umalis noong 2019 sa SJ Knights si Cardona dahil sa personal na dahilan.

 

 

Pero umalingawngaw pa rin ang basketbolista sa social media nang masangkot sa ‘club brawl’ sa BGC, Taguig City.

 

 

Nakatakdang magpatuloy ang ginambala ng Covid-19 na 3rd MPBL 2019-20 Lakan Cup sa Marso. (REC)

Maraño tinutukan ang BREN

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGDIWANG ang sambayanang Pilipino sa sa pagtanghal sa ng BREN Esports na kampeon nitong Linggo lang sa M2 World Championships 2020 sa Singapore kung nagantimpalaan pa nang tumataginting na $140,000 (P6.7M).

 

 

Isa sa mga buhos ang suporta sport at sa team ay ang Philippine SuperLiga (PSL) star na si  Abigail ‘Aby’ Maraño ng F2 Logistis Cargo Movers.

 

 

Makalipas ang pakikipagbuno ng ng BREN laban sa Burmese Ghouls ng Myanmar, tumakbo kaagad sa Twitter ang veteran middle hitter kung saan sinaluduhan niya ang Pinoy team sa pagiging kampeon sa mundo ng esports.

 

 

Hindi lang sa tweet natapos ang aksyon ng balibolista, nag-livestream din ang 28 taong-gulang at 5-9 ang taas na dalaga habang minomonitor ang best-of-seven champion showdown ng mga Pinoy kontra Burmese. (REC)

MEDICO LEGAL: DACERA’S DEATH ‘NATURAL’

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ruptured aortic aneurysm, na isang medical condition, ang ikinamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, batay sa resulta ng autopsy nito ayon sa findings ng Philippine National Police  Crime Laboratory na inilabas Miyerkoles, Jan 27.

 

Ayon sa report, hindi magreresulta sa aortic aneurysm ang rape o drug overdose.

 

Sa isa pang report, sinabi ring asin pala ang puting powdered substance na nakuha sa kuwarto. Unang inakala na droga ito.

 

Posible rin daw na may undiagnosed hypertension ang flight attendant dahil 500 grams ang bigat ng puso nito, malaki kumpara sa normal na sukat na 300 grams.

 

“Manner of death as homicide is ruled out in Dacera’s case because the aortic aneurysm is considered a medical condition. Rape and/or drug overdose will not result to the development of aneurysms,” ayon sa report.

 

Dagdag pa, “Even overdose and ruptured aneurysm are two different conditions and cannot be both included as cause of death of patient.”

 

Isinumite ng PNP ang report sa Makati prosecutor Miyerkoles ng hapon  na humahawak ng kaso na nagsasabi diumano na  rape with homicide ang ikinamatay ni Christine noong January 1, 2021 sa isang kuwarto sa City Garden Hotel sa Makati, kasama ang mga kaibigan.

 

Ayon pa sa medico legal report, “the dilation or aneurysm” in Dacera’s aorta was a “chronic condition” that “started long time ago or maybe years prior to her death.”

 

“No alcohol or recreational taken the night prior to her death will cause that kind of dilation or defect on her aorta,” ayon pa sa report. (Daris Jose)

Statham nagpatala sa Draft

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALISTA na sa para sa darating na Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 ang Filipino-American at dating National Basketball Association (NBA) G League player na si Taylor Statham.

 

 

Sa tweet nitong isang araw idinaan ng 6-foot-6  foward ang pagpasok sa Online Draft na nakatakdang gaganapin sa darating na Marso 14.

 

 

“Declared for the 2021 PBA Draft. All in God’s hands now,”  pahayag ng 28 anyos na hooper na nagsuot dati ng jersey ng  Los Angeles D-Fenders jersey sa farm league ng NBA. (REC)

YORME ISKO, PINANGUNAHAN ANG 120TH ANNIVERSARY NG MPD

Posted on: January 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Ang karanasan ko sa pakikisalamuha sa mga kriminal, nagagamit ko ngayon bilang isang Mayor”

 

 

Ito ang isa lamang sa mensahe ni Mani Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang pagdalo bilang pangunahing pandangal sa ika-120th founding anniversary ng Manila Police District (MPD) Miyerkoles,  sa MPD headquarters sa UN Ave., Manila.

 

 

Sa kanyang mensahe, ikinuwento nito ang naging buhay niya noong bata pa siya kung saan lumaki siya sa Tondo at nakisalamuha sa lahat ng uri ng klase ng tao kabilang ang mga kriminal kung saan nagagamit niya ngayon kung paano makisama.

 

Bahagi ng pagdiriwang ang wreath laying ceremony sa mga napaslang na miembro ng MPD ganundin ang pagbibigay ng award o pagkilala sa pangunguna ni Mayor Isko at Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi  ng alkalde na sa kanyang isang taon at anim na buwang panunungkulan ipinagmamalaki nito ang mga  kapulisan ng Maynila sa pamumuno ni MPD Director P/Brig.General  Leo Francisco dahil sa pagpapatupad mg kaayusan at katahimikan sa Maynila.

 

Muli rin itong nagbabala sa mga kriminal dahil ang mga kapulisan aniya ng MPD ay hindi napapagod na gampanan ang kanilang tungkulin na naayon  na rin sa kanyang mga direktiba .

 

Ayon kay Domagoso ang pagbabago ay ang pagtanggap ng katotohanan.

 

Pinuri din ni Domagoso ang mga kapulisan ng MPD dahil sa tiyaga at high tolerance nila   sa mga tolongges at mga kawatan na kanilang naaresto.

 

Aniya, malaking bagay ang pagpapatupad ng mga alituntunin  na binibigay ng mga kapulisan  lalo na ngayong panahon ng pandemic.

 

Nagpasalamat naman si General  Francisco sa lokal na pamahalaan dahil sa 100 porsyentong suporta nito sa kapulisyahan ng MPD kapalit naman ng maayos nilang pagseserbisyo sa lungsod. (GENE ADSUARA)