• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2021

PRC kinuha ang Angkas para sa saliva test home service

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinuha ng Philippine Red Cross (PRC) ang motorcycle taxi service na Angkas para maging katuwang sa ilang serbisyo nila.

 

 

Sinabi ni Senator Richard Gordon na mapapalakas ang kapasidad ng Red Cross dahil sa tulong ng Angkas riders.

 

 

Dagdag pa ng senador, dadaan sa pagsasanay ang mga riders kasama ang mga pamilya para maging volunteer.

 

 

Ilan sa mga pagsasanay ay ang CPR training para maging unang responders ang mga riders sakaling magkaroon ng aksidente sa kalsada.

 

 

Isa sa malaking serbisyo aniya nila ay ang pinalawig na saliva testing ng mga PRC kung saan kapag nagkaroon na ng home service sa saliva testing ay lalong mapapabilis na rin ito dahil sa mga riders.

GRUPO NANAWAGAN NG IMBESTIGASYON SA VIP VACCINATION

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ang isang grupo na imbestigahan ang ginawang vaccination sa ilang opisyal ng gobyerno kasunod ng tahasang pag-amin ni  Special Envoy to China Ramon Tulfo na naturukan na ng Covid-19 Sinopharm vaccine.

 

Ayon sa CPRH, dapat magkaroon ng patas na imbestigasyon ang Food and Drug Administration o FDA sa VIP COVID-19 vaccination sa mga opisyal ng gobyerno.

 

Sinabi ng isang co-convenor ng CPRH na si Dr.Josh San Pedro na nakakalungkot na mayroong VIP vaccination lalo’t maraming health care workers ang patuloy na nag-aabang sa mga bakuna.

 

Dismayado rin ang doctor lalo pa’t ang Sinopharm ay hindi dumaan sa proseso o hindi otorisado ng FDA na gamitin  sa pagtuturok.

 

Kailangan umanong malaman ang katotohanan sa nangyaring VIP vaccination upang makampante ang mga mamamayan.

 

Mahalaga ring magtiwala ang publiko sa vaccination program ng pamahalaan kaya marapat na siyasatin ng FDA ang usapin nang walang pagtatakpan.

 

Una na ring sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na kasama sa iimbestigahan ang nangyaring pag-amin ni Mon Tulfo na siya ay naturukan na ng bakuna kontra Covid-19 noong nakaraang taon. (GENE ADSUARA)

‘Stand by Me: Doraemon 2’, ‘Vivarium’, ‘#WalangForever’, ‘1BR’, and ‘Belle Douleur’ in SM Cinemas This Week

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

CATCH Stand by Me Doraemon 2, Vivarium, #WalangForever, 1BR, and Belle Doleur now screening this week in select SM Cinema locations.

 

 

Stand By Me Doraemon 2 is a 3D computer-animated movie based on the manga series of the same name. It follows Nobita who continues his journey from the first film, trying to change the future and getting Shizuka to agree to marry him.

 

 

Main cast: Wasabi MizutaMegumi OharaSatoshi Tsumabuki and directed by Takashi Yamazaki and Ryuichi Yagi

 

 

In Vivarium, a young couple hoping to find their perfect home is brought to a peculiar housing development by a strange real estate agent. But when they try to leave the labyrinth-like development, each road mysteriously takes them back to where they started.

 

 

Starring Jesse Eisenberg and Imogen Poots, directed by Lorcan Finnegan.

 

 

A screenwriter struggling to find inspiration has her life turned upside down when an ex-boyfriend suddenly comes back into her life in #WalangForever.

 

 

This 2015 MMFF entry starring Jennylyn Mercado and Jericho Rosales with Lorna Tolentino, directed by Dan Villegas.                

 

 

In 1BR, a woman moves into a one-bedroom apartment in Los Angeles to restart her life and discovers that the new idyllic community is not what it seems. The horror film is the directorial debut of David Marmor. Starring Nicole Brydon BloomGiles Matthey and Taylor Nichols.

 

 

In Belle Douleur, a woman finds happiness while she tries to move away from the walls that society has created on women. This is first film directed by Atty. Joji Alonso and stars Kit Thompson and Mylene Dizon.

 

 

Stand by Me: Doraemon 2, Vivarium, #WalangForever, 1BR, and Belle Douleur now showing in the following theaters: SM Cinema Bacoor, SM Cinema Baguio, SM Cinema BaliwagSM Cinema Cab anatuan,SM Cinema CDO Downtown, SM Cinema Calamba, SM Cinema Clark, SM Cinema Iloilo, SM Cinema Marilao, SM Cinema Naga, SM Cinema Olongapo Central, SM Cinema Sta. Rosa, SM Cinema Taytay, SM Cinema Mindpro, SM Cinema Bacolod at SM Cinema Cauayan.

 

 

For more SM Cinema updates, join their ViberCommunity: https://bit.ly/SMCinemaViberCommunity

 

(ROHN ROMULO)

Pinay karateka Junna Tsukii tiwalang makapasok sa Tokyo Olympics

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magtutungo sa Istanbul, Turkey si Japan-based Filipina karateka Junna Tsukii para sa qualifying tournament sa Tokyo Olympics.

 

 

Lalahok ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Premier League tournament na magsisimula sa March 11.

 

 

Umaasa ito na makapasok sa top 4 sa Olympic ranking system para tuloy-tuloy na ang pagsabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Sa kasalukuyan kasi ay kaparehas ng 29-anyos na si Tsukii sa number 10 si Bakhriniso Babaeva ng Uzbekistan.

 

 

Tiwala si Richard Lim ang pangulo ng Karate Pilipinas na magwawagi si Tsukii.

Pamahalaan nakaalerto sa mga magtatangkang ibenta ang bakuna kontra COVID-19

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Malakanyang laban sa mga posibleng magsamantala at pagkaperahan ang COVID-19 vaccine.

 

Ang paalala ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa publiko ay libre ang bakuna at hindi ito ibinebenta.

 

Aniya, walang bayad ang bakuna sabay panawagan sa publiko na ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon na may nagbebenta ng COVID vaccine.

 

Siniguro ni Sec. Roque na kanilang ipapaaresto ang sinumang maniningil kapalit ng bakuna gayung ito’y mahigpit na ipinagbabawal.

 

Tiniyak ni Sec. Roque na babagsak ito sa kasong estafa na kanilang ipupursige laban sa kaninumang magbebenta ng mga paparating ng bakuna.

 

” Libre po ito, walang bayad. Kung mayroon pong maniningil, paalam ninyo po sa amin, paarestuhin po natin iyan for estafa,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Ads February 27, 2021

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ALOK NA NURSES FOR VACCINE SWAP, HINDI NAKUNSULTA ANG DOH

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  umano nakunsulta ang Department of Health (DOH) kaugnay sa alok ng Department of Labor and Employment (DOLE)  na  nurses-for-vaccine swap sa Germany at UK.

 

 

Ayon kay Health Usec Maria Rosario Vergeire, wala rin silang impormasyon tungkol sa nasabing usapin .

 

 

“Sa tingin ko ay magkakaroon ng pag-uusap diyan at dapat idulog sa IATF kung sakalaing may ganitong proposal o plano na kailangang gawin because of vaccines”, ayon pa kay Vergeire sa  virtual forum.

 

 

Dsagdag pa nito, nasa IATF din aniya ang desisyon hinggil dito.

 

 

Sa nasabing proposal ng DOLE,sinabi naman umano ng UK health ministry na walang plano ang UK  na  sumang-ayon  sa vaccine deal  sa PIlipinas kung saan mas marami pang nurses ang irerecruit at ipapadala kapalit ng bakuna. (GENE ADSUARA)

Irving isinusulong na gawing logo ng NBA si Bryant

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Desidido pa rin si Brooklyn Nets star Kyrie Irving na dapat ipalit si Kobe Bryant sa logo ng NBA.

 

 

Kabilang kasi si Irving sa inilunsad na petition noong 2020 ng pumanaw ang Los Angeles Lakers star sa helicopter crash kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.

 

 

Sinabi ni Irving na napapanahon na bigyan ng pagkilala si Bryant sa pamamagitan ng paglagay sa kaniya sa logo ng NBA kapalit ng silhoutte ng basketball legend na si Jerry West.

 

 

Itinuturing kasi ni Irving si Bryant na kaniyang mentor at matalik na kaibigan.

 

 

Isa si Bryant sa pinakamagaling na manlalaro sa NBA na nanalo ng limang kampeonato sa Lakers at 2008 Most Valuable Player.

ARJO, kumpirmadong special guest sa sitcom nina MAINE na ‘Daddy’s Gurl’

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIRMADO na si Arjo Atayde ang special guest sa birthday episode ni Maine Mendoza sa sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl na ipalalabas sa March 6 sa GMA-7.

 

 

In-announce nga ito sa interview ni Nelson Canlas noong Huwebes (Feb. 25) sa ‘Chika Minute’ segment ng 24 Oras.

 

 

Happy nga ang magkasintahan sa kanilang unang pagsasama sa isang TV show, at aminado si Arjo na medyo kinabahan siya pero sinabi naman ni Maine na kinaya naman ito at naka-deliver ang kanyang Asian Best Actor na boyfriend.

 

 

Una silang nagkasama sa pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong 2018 at doon nga sila unang nagkita at nagkakilala.

 

 

“First time po naming magkatrabaho was sa Jack Em Popoy,” sabi ni Arjo sa interview.

 

 

“First time rin naming mag-meet doon sa movie sa Jack Em Popoy two years ago,” tugon naman ni Maine na magsi-celebrate ng 25th birthday sa March 3 kaya asahan na naman na meron kakaibang paandar ang kanyang nobyo.

 

 

Marami namang natuwang netizens sa kauna-unahang pagsasama ng dalawa sa isang TV show. Ilan sa naging comment nila:

 

 

“Bagay silang dalawa :)”

“Interesting! I will watch this.”

“Eto ang legit na Asian best actor.”      “Walang malait ang bashers sa galing umarte nito.. kahit sino pa itapat nila.”

“Naku dami kayang lait everyday ng mga delulus dyan.”

“Beautiful couple.”

“Bagay talaga sila. I’m not a fan pero same kasi ng intellectual capability. Both smart and malakas ang dating. Strip personality.”

“Nakakatuwa sila panoorin sa interview na to. Happy and in love.”

“Its obvious that they love each other kaya huwag na selfish ang fans. Hayaan niyo maging masaya ang idol niyo. Magtrabaho kayo ng hindi kaya nakasubaybay sa bawat gagawin niya.”

“They both look happy at inspired. So i think talaga compatible sila.”

“Oh baka may magsabi na naman na edited. Pls lang let your idol be happy, napasaya naman din niya kayo. Toxic kasi talaga ng ibang Pinoy showbiz fans.”

“Hahaha ung mga fans sabi sa fb iboycott dw dpt dw aldub lang hahahaha.. Pero buti pwede si Arjo sa gma? Nice!!”

“APT/TAPE yang show hindi GMA.”

“kilig na kilig si yaya dub hihi.”

“Wala naman may paki kung iboycott ng mge delulus yan. May sarili ng pag iisip si maine sa mga decisions nya. D pwede langing kontrolado ng fans. Kung sasabihin wag na kau maging fan kung ayaw nyo sa mga ginagawa nya hindi ibig sabihin wala syang utang na loob or pinapaalis na kayo. Pwede kang maging fan kng kaya mo syng respetuhin ang personal life nya. Wag ka lang manghimasok. Eh kasi tong mga delulus gusto na sya pag asawahin sa taong d naman d naman sya gusto. Like ano un? So karapatan nya rin na sabihan kayo na tumigil na kau sa kahibangan nyo.”

“People forget that this show is still out there. What a better way than to guest the boyfriend.”

“Pakasal na kase. Put a ring on it.”

“Pag 28 na edad ni maine, yun ang sabi nya.”

“Mas swak naman si maine at arjo as loveteam. Palagay ko kaya sila nagkasundo. Pareho din silang smart sumagot. Alam ni arjo ang limitasyon nya as bf at private lng kung ano man ang gift nya kay maine kasi d nila intensyon magpakilig they just share kung ano ang pwede like nagdinner sila wow.”

 

 

***

 

 

TINANGGAL na nga sina Kitkat at Janno Gibbs bilang mga hosts ng Happy Time, ang noontime show ng Net 25.

 

 

Sa official statement ni Janno noong February 24, gusto niyang linawin ang mga nangyari sa taping noong February 18 na pinag-ugatan ng isyu na pinag-usapan sa socmed.

 

 

Narito ang kabuuan ng official statement ni Janno:

“This statement is being written to put this matter to rest once and for all.

“During live TV shows, and especially during game portions, it is usual for the hosts to challenge each other with playful exchange of words or teasing remarks to create more excitement, laughter and fun for the portion.

“All along, I thought that we were having an innocent, comedic banter and that she was playing along, but apparently, she had taken it personally.

“After she consecutively said several words against me, I was also affected and it made me react the way that I did.

“A series of online posts were made that threatened me and my family. It really hurt me that even my family was dragged into this. In spite of this, I kept quiet and only replied once hoping the issue would die down.

“I have apologized to my co-host and the management of the show. I have also publicly apologized. We have both been asked to leave the show.

“My personal learning is to not react so publicly in situations like this whether on air or online. I have also learned to treat my co-workers with even more sensitivity.

“I remain grateful to Net 25 for the opportunity to work for them. They have treated me well. And I will miss working with my brother, Anjo.”

(ROHN ROMULO)

7 arestado sa buy bust Valenzuela

Posted on: February 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.

 

 

Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.

 

 

Kagaad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44, tricycle driver matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring nadakip sa operation sina Elmer Martin, 48, Arnold Carabbacan, 59, Luis Carvajal, 52, Christopher Sison, 43, at Jeffrey Restum, 32 matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, P640 cash, 5 cellphones, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

 

 

Alas- 3 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Francis Cruz, 40 ng Ilocto St. Parada sa buy bust operation sa Santolan Road, Brgy. Gen. T. De Leon.

 

 

Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober kay Cruz ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P300 buy bust money, P200 cash, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Actr of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)