• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 4th, 2021

NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.

 

Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan segment – kung saan magsisilbi itong alternate corridor para sa mga motoristang papunta sa port area mula NLEx.
“This inspection is in preparation for the opening of the C3 to Dagat-Dagatan portion, which is about 1.2 kilometers. We are making sure that all the safety features of the expressway are in place before we open it to the public,” ani Villar, at sinabing handa nang magamit sa Marso 2020 ang kabuuang 2.6 kilometro ng C3-R10 Section.

 

Magsisimula ang NLEx Harbor Link C3-R10 Section sa Caloocan Interchange, C3 Road, Caloocan City hanggang Radial Road 10, Navotas City, na kokonekta sa kakabukas lang na 5.65-kilometer NLEx Harbor Link Segment 10 na dadaan sa Karuhatan, Valenzuela City, Governor Pascual Avenue sa Malabon City at 5th Avenue/C3 Road, Caloocan City.

 

Inaasahan ang proyekto na magpapabawas sa oras ng biyahe mula Port Area hanggang NLEx sa loob lamang ng 10 minuto at magbibigay ng direct access para sa mga commercial vehicles, lalo na ang mga mabibigat na truck.

 

“We are anticipating that truckers and freight forwarders will greatly benefit from this new road since their cargo trucks will have 24/7 access, and in turn translate to faster delivery of goods to and from the provinces in North and Central Luzon,” pahayag naman ni NLEx Corp. chief operating officer Raul Ignacio.

 

Bahagi ng “Build Build Build” ng administrasyong Duterte ang programa. Nakikita naman ang NLEX Harbor Link upang mabawasan ang traffic congestion at maging daanan ng mga sasakyan na ginagamit sa hanap-buhay sa Harbor area at sa mga lugar sa Central at North Luzon.

 

Ito ay may intensyong i-advance ang transport logistics at magsisilbing alternative route para sa mga motorista, lalampas sa EDSA at sa iba pang mataong daan sa Maynila.

Paradigm Sports, nagbabala vs sinumang nangingialam sa boxing career ni Pacquiao

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tahasang binalaan ng management firm ni Sen. Manny Pacquiao na Paradigm Sports ang mga nanghihimasok umano sa boxing career ng eight-division champion.

 

 

Sa isang pahayag, binanatan ni Paradigm Sports president Audie Attar ang umano’y mga “shady characters” na pilit nangingialam sa business dealings ni Pacquiao na wala ang kanilang pahintulot.

 

 

Iginiit din ni Attar na sa ngayon, ang Paradigm Sports ang tanging humahawak sa karera ni Pacquiao sa boxing.

 

 

Aniya, ang sinumang nagpapanggap na manager o kinatawan ni Pacquiao ay mahaharap sa kaso.

 

 

“No one outside of Paradigm Sports is involved in any way with the management of Senator Pacquiao’s boxing career at this time,” giit ni Attar. “Anyone falsely representing themselves as Senator Pacquiao’s manager or representatives, as it relates to his remaining fight career, may face legal repercussions.”

 

 

Maliban sa Fighting Senator, ilang malalaking pangalan din ang hinahawakan ng paradigm Sports gaya nina Conor McGregor at UFC middleweight world champion Israel Adesanya.

PDu30, muling ipinagtanggol si Sec. Duque sa mga kritiko nito

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa mga kritiko nito sabay sabing wala siyang nakikitang mali sa Kalihim.

 

Kaya nga, nananatili ang kumpiyansa ng Pangulo kay Sec. Duque.

 

Giit ng Pangulo, hindi niya maintindihan kung bakit palagi na lang inaaway si Sec. Duque at palabasing ito ay madumi at lumabas naman na malinis ang mga umaaway dito.

 

Kaya ang payo ng Pangulo kay Sec. Duque ay huwag masiraan ng loob sa gitna ng patuloy na kritisismo na ibinabato sa health secretary.

 

Para sa Pangulo, ganoon lang talaga kapag nasa public office na kung saan ay talagang hahanapan ng isyung maaaring maibutas sa isang tinatarget na opisyal.

 

Aniya, sadyang ganyan ang mga kritiko na naghahanap ng topic na maaaring ikapit sa isang opisyal ng gobyerno at mabenta sa publiko gaya ng isyu sa korapsiyon.

 

“Dominguez takes care of the economy. Si Secretary Duque naman, eh palagi nilang inaaway pero tama naman. Pero ganoon siguro ‘yang public office, Secretary. Do not be — ma-ano ka sa — you get discouraged from the brickbats thrown against you.

 

Kaya nga eh sabi ko, all of you there have been painting Duque black because you appear — you want to appear white there. Iyan ang ano… If you want to appear white, then paint your opponent black and then you are always white. Ganoon ‘yan,” ayon sa Pangulo.

 

“So, kindly refrain from just smelling here and there just to find a worthwhile topic which to the people is very important lalo na kung corruption. Pagka sabi corruption, magsabi ng mga… Kasi ang tao it’s bombarded by issues about corruption. It’s not only with dito sa atin, sa inyo rin. Wala man exempted dito sa ano… So nobody is proud of sabihin mo you are an island there, an independent one. You cannot be because we are all part of government,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Skyway Stage 3, toll free pa – TRB

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Libre pa ring magagamit ng mga motorista ang  Skyway Stage 3 hanggang hindi pa naisasapinal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang panukalang toll rates dito.

 

 

Ayon kay TRB Spokesperson Julius Corpus, hangga’t hindi pa nagbibigay ng pormal na pag-apruba ang TRB sa ipinapanukalang toll rates sa Skyway Stage 3 ay hindi pa rin maaaring singilin ng toll fee ang mga motoristang dumaraan doon.

 

 

Ipinaliwanag ni Corpus na sa ngayon ay sinusuri pa nilang mabuti ang lahat ng konsiderasyon, gaya ng kung magkano pa ang toll fee na dapat kolektahin, upang maging katanggap-tanggap  ito para sa mga motorista.

 

 

“Hangga’t hindi pa nag-iisyu ng formal approval ang pamunuan natin dito ay hindi pa sila pwedeng maningil,” ani Corpus. “Sinusuri po natin mabuti ang lahat ng mga kunsiderasyon upang pag nagbigay ng ating approval ang ating pamunuan kung magkano ang toll fee ang kokolektahin, eto sana ay maging katanggap-tanggap at rasonable sa ating motorista,” aniya pa.

 

 

Matatandaang nitong Enero ay binuksan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang Skyway Stage 3 sa mga motorista at isang buwan itong ipinagamit ng libre.

 

 

Anang SMC, sisimulan nila ang pa­ngongolekta sana ng toll fee na mula P110 hanggang P274 sa Skyway Stage 3 simula kahapon, Pebrero 1.

 

 

Samantala, base naman sa obserbasyon ni Corpus ay malaki ang naitulong ng bagong bukas na Skyway sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

 

 

Aniya, mahigit kalahati kasi ng may 80,000 motorista na dating dumaraan sa EDSA ay dumaraan na ngayon sa Skyway Stage 3. (Daris Jose)

1st WNBL Draft 2021 idaraos sa Pebrero 7

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAHANDA na ang lahat para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) Rookie Draft 2021 sa darating na Linggo, Pebrero 7.

 

 

Mga kasalukuyan at dating kasapi ng Gilas Pilipinas o national women basketball team ang mga manguna at tiyak na maging top picks ds virtual event habang sinisimulan ng mga koponan ang proseso ng pagbalangkas ng kani-kanilang mga manlalaro.

 

 

Idaraan sa loterya ang pagkakasunud-sunod ng draft at ang paglabas ng opisyal na listahan ng mga draftee nakatakdang gawin nitong Martes, Pebrero 2.

 

 

Napag-alaman kahapon kay WNBL executive vice president Rhose Montreal na naatrasado ang okasyon sanhi nang mahigpit sa quarantine protocol, pero ginugol nila ang pahinga ng liga upang mailatag ang mga plano para sa pagpailanlang sa 2021 ng unang pambansang liga sa basketbol ng kababaihan.

 

 

Hinirit pa ng opisyal na sinuri nilang mabuti ang mga koponang nagpalistang sumali, at sa kabuuag 17 mga aplikante, anim lang ang mga pumasa sa aspetong pinansiyal na mga kalahok na rin sa liga

 

 

“Maingat kami dahil pro league kami. Inuna naming sa bawat team ang kakayahan sa pananalapi  mahalaga para sa mga manlalaro, na mababayaran nang maayos at ang pangako sa kanila’y matutupad.” (REC)

31st SEA Games: Chef De Mission Ramon Fernandez, kinalampag ang IATF para maisabak na sa bubble training mga atleta

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Determinado na si Chef De Mission Ramon Fernandez na masimulan ang pagsasanay ng mga national athlete kahit sa Nobyembre pa ang 31st Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dadaan pa kasi sa ilang hakbang para magawa ito, una ay ang paghingi ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) ng “go signal” sa Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Tiniyak naman ng PSC at POC na ipapasok ang mga national athlete na sasabak sa 2021 Vietnam SEA Games sa isang “bubble” training.

 

 

Nauna nang pinayagan ng IATF ang PSC na ipasok ang mga national team ng boxing, taekwondo at karatedo, sa bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

 

 

Ito’y bilang paghahanda sa pag­lahok sa mga qualifying tournaments para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

 

 

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Chef De Mission Ramon Fernandez, mahalaga aniya na lagi silang handa para sa mga training ng national athletes.

 

 

”Let’s help and support in any way we can ang ating atletang Pilipino” ang bahagi ng pahayag ni PSC Commissioner at 31st SEA Games Chef De Mission Ramon Fernandez sa  interview ng Star FM Bacolod.

 

 

Nabatid na bibigyan lamang ng IATF ng “green light” ang pagbabalik-ensayo ng mga atleta sa loob ng isang bubble environment kasama ang mahigpit na pagpapatupad sa health at safety protocols.

 

 

Kung maaalala, inangkin ng Team Philippines ang overall championship ng 2019 SEA Games na pinamahalaan din mismo ng bansa.

Alyx Arumpac’s ‘Aswang’’, Eligible For Oscar Consideration

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ALYX Ayn Arumpac’s Aswang, a documentary on the government’s war on drugs, is eligible for consideration in the documentary feature category of the 93rd Academy Awards.  

 

 

The film qualified after winning the prestigious White Goose Award at the 12th DMZ International Documentary Film Festival, Asia’s largest documentary festival, which took place in Goyang, Gyeonggi Province, Korea in September 2020.

 

“I am very grateful to Jomari, Brother Jun Santiago of the Redemptorist Brothers, everyone who shared their lives and stories with us and everyone else that I worked with on this film. I am happy that our efforts to shed light on how vast a problem the drug war is in the Philippines is garnering more attention worldwide” says Arumpac.

 

Aswang follows a group of people whose fates entwine with the growing violence over two years of killings in Manila. Among them is Brother Jun Santiago, a photojournalist and missionary brother who comforts bereaved families and makes a stand against lawlessness and Jomari, a street kid whose parents are in prison for drug use.

 

 

The film draws its name from the creatures called ‘Aswang’ who roam the streets at night thirsty for blood. The production began shortly after President Rodrigo Duterte was sworn into office.

 

Aswang premiered at the 2019 International Documentary Film Festival Amsterdam (IDFA), where it won the prestigious FIPRESCI Award. It later won the International Feature Competition Grand Prizes at the Montreal International Documentary Festival (RIDM), the Film Festival Dokumenter Jogja, the Prix du Film Professionel at Festival Traces de Vies,  the Grand Prix Compétition Nouveaux Talents at Corsica Doc, the Amnesty International Award at the Thessaloniki Documentary Film Festival, and the Beyond the Screen Competition award at the DocAviv Film Festival.

 

It recently won Best Picture at the 2020 Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS), the first time a documentary won the award in 68 years.

 

Aswang was streamed in the Philippines for a limited time through the film’s official social media pages. It was also screened at the Nation section and at the #HuwagMatakot Halloween Fest of Daang Dokyu Film Festival in October.

 

 

“We are overwhelmed by the support we received during these screenings. We hope this encourages more conversations about the issue and a change of perception among those who support this war on drugs,” said producer Armi Rae Cacanindin. 

 

 

The team behind Aswang is collaborating with civic organizations Dakila and Active Vista to reach out to educators, civil society leaders and organizations, church groups, youth leaders, press, urban poor areas and other communities directly impacted by the war against drugs.

 

Know more about the film at www.aswangmovie.com and facebook.com/aswangmovie. Watch the trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=PiRoRoenjLU&feature=emb_logo (ROHN ROMULO)

Tobit 5:20

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Do not worry.

Sec. Chua, kumpiyansang mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSANG inihayag ni Acting SocioEconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na mapaluluwag na ang quarantine restrictions sa Marso kung makikipagtulungan ang publiko sa minimum health standards.

 

Giit ni Chua, hindi na kakayanin ng ekonomiya na bumalik sa mas mahigpit na quarantine measures.

 

Kumbinsido si Chua na pagkatapos ng Pebrero ay nasa mas maayos nang posisyon ang bansa para mapaluwag pa ang restrictions subalit kadalasan ay ang behavior o ang pag-uugali ng publiko ang magtatakda nito kung susunod sa health protocols gaya ng pag-obserba sa physical distancing at pagsusuot ng face masks.

 

Napag-alaman na noong nakaraang linggo ay sinabi ni Chua na di na kakayanin ng Pilipinas na mapahaba pa ang quarantine dahil nawalan na ng nasa P1.4 trilyon o P2.8 bilyong kada araw ang mga pamilya noong 2020 bunsod ng lockdown restrictions.

 

Malinaw na ang ibig sabihin lamang nito ay nasa P23,000 annual income loss ang naitala kada worker pero posibleng mas mataas pa para sa mga manggagawa sa hard-hit sectors.

 

Samantala, sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ibabase nila ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa economic at health data. (Daris Jose)

Malamig na panahon, patuloy na mararamdaman sa Metro Manila – PAGASA

Posted on: February 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magpapatuloy ang malamig na panahon sa Metro Manila partikular sa madaling araw dahil sa hanging amihan.

 

 

Ito ang pahayag ng Pag­Asa makaraang makaranas ng malamig na panahon na 9.4°C sa Baguio at 19.9°C temperatura sa Metro Manila nitong nagdaang araw ng Linggo, January 31.

 

 

Ayon kay Chris Perez, senior weather specialist ng PagAsa, ang lamig na dala ng hanging amihan ay aabot pa hanggang sa 2nd o sa 3rd week ng Pebrero sa Metro Manila lalo na sa Baguio .

 

 

Ang panahon ng amihan ay pumasok sa ating bansa simula noong Nov. 2020 .

 

 

Sa tala ng PagAsa, ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio City  ay 6.3°C noong January 18, 1961 o may  60 taon ng nakalilipas.

 

 

Bukod sa malamig na panahon, ang amihan ay nagdadala rin ng pag-ulan. Inulan naman sa pagpasok ng Pebrero ang  Eastern Visayas, Caraga, at Davao  Region dahil sa amihan. (Daris Jose)