• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 20th, 2021

JOHN, nilinaw na ‘di pa ikakasal sina INAH at JAKE pero wish na magtagal

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si John Estrada na mas mahirap daw silang i-handle noong mga teenager pa lang sila at nag-aartista.

 

 

Katwiran niya, “Tingin ko po ngayon with the technology and the internet, alam niyo, sobrang advance na po ang mga bata ngayon.

 

 

“Minsan nga yung mga anak ko pa ang nagtuturo sa akin.”

 

 

Si John ang isa sa cast ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na Babawiin Ko Ang Lahat at magsisimula ng mapanood sa February 22, kunsaan, kasama niya rin sa mga “senior” cast na sina Carmina Villarroel, Tanya Gomez, Gio Alvarez at Tanya Garcia.

 

 

Pero marami rin silang kasamang mga kabataang artista tulad ng bida ng serye na si Pauline Mendoza at sina Dave Bornea at Manolo Pedrosa kaya napagkukumpara yung panahon nila at panahon ngayon.

 

 

Bilang isang magulang, ang masasabi raw niyang pinakamahirap para sa kanya ay nang magsabi ang panganay na anak, si Inah de Belen na handa na itong magpakasal.

 

 

Ang longtime boyfriend ni Inah ay si Jake Vargas.

 

 

“Pinakamahirap yung sasabihan ka ng anak mo na ready na siyang mag-asawa. Yun ang pinakamahirap at talagang malaking tinik yung nilunok ko noong sinabi sa akin. 

 

 

“But then again, it’s inevitable at alam naman natin na talagang mag-aasawa ang mga anak natin. Yun lang, yung reality lang na medyo mapait din pala.”

 

 

Sa huli, nilinaw rin ni John na nagsabi pa lang daw si Inah na ready na itong magpakasal, pero hindi pa naman daw ikakasal na ang anak at si Jake.

 

 

Kumpara sa marriage nila ng ina ni Inah na si Janice de Belen, ang payo niya raw sa anak kapag nagpakasal na, “I hope it will last. I hope it’s forever.”

 

 

***

 

 

MISMONG ang ina ng anak ni Kristoffer Martin na si AC Banzon ang kumontak na raw sa pep.ph para magsalita at sabihin ang side niya sa totoong kuwento raw nang naging hiwalayan nila. 

 

 

Sa interview ni AC, inamin nitong bago pa lang pala silang naghihiwalay pagkatapos nilang magsama ng ilang taon.  Pareho silang taga-Olongapo ni Kristoffer kaya hindi rin nakapagtataka na noong pandemic, sa Olongapo nag-stay ang Kapuso actor.

 

 

Ayon kay AC, December 2020 lang daw sila naghiwalay. Right after na manggaling ni Kristoffer sa lock-in taping ng bago nitong serye, ang afternoon prime na Babawiin Ko Ang Lahat na magsisimula na sa February 22 sa GMA-7.

 

 

Ayon kay AC, one-sided decision ang naging break-up nila, hinabol pa raw niya si Kristoffer, hoping na magkaka-ayos pa rin at magbabago ang desisyon nito.

 

 

In fairness to AC, wala itong sinabi na third party or may iba na si Kristoffer. Ito ay sa kabila ng nali-link ang actor sa co-star rin niya sa Babawiin Ko Ang Lahat na si Liezel Lopez at ang isyu nga, nagka-debelopan ang dalawa during the lock-in taping.

 

 

Nang tanungin namin si Kristoffer tungkol dito, hindi siya sumagot ng diretso pero inamin nitong naging very close sila at nag-uusap. Pero wala itong definite answer kung tungkol saan ang pag-uusap nila.

 

 

Noong Valentine’s Day, nag-post si Kristoffer na naka-staycation sa Boracay. Wala itong pinost na kasama. Pero may hirit ang kapwa niya Kapuso star na si David Licauco at tinatanong ito kung sino ang kasama niya.

 

 

Hindi ito sinagot ni Kristoffer, pero may netizen na maaaring nag-aassume lang or kung may alam man na siyang sumagot nang, “Si Liezel.”

 

 

Ang bagong Kapuso female star nga ba ang dahilan kung bakit nakipag-break ang actor sa ina ng kanyang anak?

 

 

***

 

 

KAHIT na nagdo-double digit halos ang rating ng The Lost Kitchen, tuloy pa rin daw itong magtatapos by March yata.

 

 

Pero hindi malayong magkaroon ito ng season 2 sa magandang reception ng mga manonood. At siguro, habang ire-ready ang season 2 kung matutuloy man, ang Heartful Café muna ang mapapanood at bagong offering naman ng GMA News and Public Affairs.

 

 

Mukhang may bagong tambalan na naman na mabubuo ang Kapuso network with Julie Anne San Jose at David Licauco.

 

 

Hindi naman siguro promo lang lalo na at ngayon, parang ang mga promo naman sa mga short-lived serye e, hindi na yung hard-sell na i-push ang dalawang bida o loveteam.

 

 

Pero may napi-feel daw na kilig ang nakakasama at nakakakita sa dalawa dahil bagay raw ang mga ito. Tapos,  si David pa raw, nahihiya pero excited sa magiging lock in taping nil ani Julie.

 

 

Well, tingnan natin… (ROSE GARCIA)

Indemnification bill, inaasahang titintahan ni PDu30 – Sec. Roque

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN na mapipirmahan na anumang oras ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Memorandum Order kung saan 50% limit on advanced payment sa pagbili ng mga bakuna kontra Covid -19 ay papayagan na.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil sa MO na ito ay makakabayad na aniya ng advanced payment ang mga lokal na pamahalaan na bumili ng kanilang mga bakuna.

 

Inaasahan din na mapipirmahan ang certification of urgency ng mga nakabinbin na indemnification bill.

 

Ang kopya  ng mga nasabing dokumento ay ipamamahagi sa mga miyembro ng media kapag mayroon na aniya silang kopya.

 

Nilinaw ni Sec. Roque, na sa ngayon ay wala pang mga commercial used authorization ang kahit na anumang bakuna at nasa emergency used authorization (EUA) pa lamang ang Pilipinas.

 

At dahil aniya na sa EUA ay hindi pa talaga sigurado kung ano ang magiging side effects ng mga bakuna.

 

Kaya kinakailangang magkaroon muna ng no fault indemnification.

 

“Magkakaroon po tayo ng pondo at ang suggestion na inaprubahan na ni (Finance) Sec. (Sonny) Dominguez ay P500 million. At itong P500 million, dyan natin kukunin po lahat ng danyos na hihingin nung mga tao na di umano’y magkakaroon ng side effect dahil po sa mga bakuna,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Bakit po no fault ang tawag dyan. no fault po kasi dahil sa ating batas.. bago ka makakuha ng danyos ay kinakailangan ay mayroong fault o negligence, pagkakamali o pagpapabaya. Pero hindi na po kinakailangan pruwebahan ang kapabayaan or ang pagkakamali. Basta mayroon kang ipinakitang side effect, bayad kaagad. Sa ganitong paraan, ay magagamit  natin iyong mga bakuna na alam natin na sa ngayon ay ligtas at epektibo. Eh bakit naman tayo maghihintay hanggang magkakaroon ng commercial used authorization eh nandiyan na nga iyong mga bagong variant na mas nakahahawa at mas nakamamatay. So, ibig sabihin nito, gamitin na natin ang mga bakunang ito maski EUA pa lamang dahil sila po ay epektibo naman na dahilan para maiwasan o hindi magkasakit ang ating mga kababayan,” litaniya ni Sec. Roque.

 

Kung mayroon namang side effect ay may pondo naman na mapagkukuhanan para bigyan ng danyos ang mga taong posibleng magkaroon ng side effect na hindi na kinakailangan na pumunta pa sa korte.

 

Kaya nga, inaasahan ng Malakanyang na kapag nalagdaan na  ang indemnity agreement ay magkakaroon na ng kumpiyansa ang taumbayan dahil kapag nadanyos aniya ang mga ito ay hindi na sila maghihirap sa pagkakaso dahil batid naman ng lahat na napakatagal ng kaso-kaso sa Pilipinas.

 

Sa indemnity agreement ay bayad agad kung mayroon ang mga itong side effects.

 

At para naman  sa mga vaccine manufacturers ay kampante naman  ang mga ito na naiintindihan ng lahat na EUA pa lamang ang hawak ng mga ito at hindi dapat maidemanda ang mga ito kung may mga side effects na biglang lumabas.(Daris Jose)

PUBLIC TRANSPORT NA WALANG PRANGKISA MAS NAPABORAN KAYSA MAY PRANKISA SA ILALIM ng JAO 2014-01???!!!

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailangan ang mahigpit na kampanya laban sa mga colorum na sasakyan. Inaagawan nito ng hanapbuhay ang mga legal na pumapasada at delikado ito sa mga pasahero dahil walang personal passenger insurance ang mga colorum. Pero paano kung ang mismong polisiya na dapat panlaban sa mga colorum ay tila mas mabigat ang parusa sa mga may prangkisa? Ito ang dapat suriin muli ng mga transport officials sa umiiral na Joint Administrative Order no. 2014-01.

 

 

Pag ang sasakyang pumapasada na “for hire” ay walang prangkisa ito ay colorum. Pero may klase ng colorum kahit ang sasakyang pumapasada ay may prangkisa. Ito ay kapag nag “out of line” o kaya ay pinasada ng hindi naaayon sa prangkisa (different denomination).

 

 

Bago nagkaroon ng JAO 2014-01. Ang out of line operation ay out of line lang at hindi colorum. Pero ano ba ang nakita natin noon pa na hindi patas sa JAO.

 

 

Halimbawa na si Pedro ay may limang unit na van, at kinuhanan niya ng prangkisa, Ang limang van na ito ay nasa ilalim ng isang case number at prangkisa. Halimbawa ang biyahe ng mga van ay Fairview to Cubao, kapag lumabas sa rutang ito ay magiging out of line na isang klase ng colorum operation. Pagnahuli impounded ang van ng tatlong buwan, 200 thousand pesos ang tubos pero there’s more under JAO!

 

 

Kung nakapaloob sa prangkisa ang unit na out of line colorum ay DAMAY ANG IBANG UNITS SA PRANGKISA KAHIT WALANG KASALANAN ANG MGA DRAYBER NG MGA ITO! Kahit isa lang ang out of line sa mga units paloob sa prangkisa mistulang TINANGGALAN MO NA NG HANAPBUHAY ANG OPERATOR AT MGA DRIVERS DAHIL ANI JAO:

 

  1. REVOCATION OF THE ENTIRE CERTIFICATION OF PUBLIC CONVENIENCE

WHERE THE APPREHENDED VEHICLE BELONGS.

  1. Blacklisting of the apprehended vehicle and ALL OTHER AUTHORIZED

UNITS INCLUDED IN THE CPC FROM BEING USED AS A PUV.

  1. REVOCATION OF THE REGISTRATION OF THE APPREHENDED VEHICLE

AND ALL OTHER AUTHORIZED UNITS INCLUDED IN THE FRANCHISE.

 

 

Parang pinatawan mo ng “death penalty”!

 

Sa kabilang banda, kung may limang van ka na WALANG prangkisa lahat. At ang isa ay nahuli, Tangging yun lang nahuli ang mapapatawan ng penalty. Parang agrabyado pa ang may prangkisa sa walang prangkisa.

 

 

At mas magiging problema ito dahil sa nais ng DOTR na i-consolidate ang mga transport sa isang corporation o kooperatiba. Ang mga units ng kasapi nito ay isasa-ilalim sa prangkisa ng Coop o Corporation. So pag ang isang kasapi ay nag out of line hagip ang lahat ng units sa JAO!

 

 

Bagama’t kailangan ma sugpo ang colorum dapat HINDI DAMAY ANG WALANG KASALANAN!

 

 

Hindi pa ba sapat ang multa na one million pesos sa bus, P200,000 sa truck, P50,000 sa jeep, P200,000 sa van, P120,000 sa sedan at P6,000 sa MC at tatlong buwan impound ang sasakyan! Kailangan ba na IDAMAY PA ANG WALANG KASALANAN?

 

 

Sana ay mapakinggan itong hinaing na ito at ibasura ang probisyong ito sa JAO. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Mayroong parameters bago maibaba sa MGCQ ang quarantine classification

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAYROONG mga parameters na ginagamit ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno bago pa masabing puwede nang maibaba sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang quarantine classification sa isang lugar o sa buong bansa.

 

Sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire, na kailangan ding makita ang kakayanan ng mga local government unit pagdating sa gatekeeping indicators kung saan kasama dito ang surveillance capacity, isolation and quarantine capacity, testing capacity at ang kanilang kapasidad na kontrolin ang kaso ng Covid-19.

 

Ang mga mahahalagang aspetong ito ang dapat na makita sa mga lokal na pamahalaan upang masigurong maipatutupad ang pagluluwag ng klasipikasyon.

 

Sa pamamagitan kasi ng ganitong set-up ay masisiguro ng gobyerno na kakayanin na ng bawat LGU na magpatupad ng localized lockdown dahil sa kanilang sapat na kaalaman hinggil sa pag-prevent at pagkontrol ng transmission ng virus.

 

Sa ulat, mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila ay pabor na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa.

 

Ayon kay Navotas Mayor Toby Tiangco, siyam sa mga Metro Manila mayors ang sumang-ayon para sa MGCQ, habang walo naman ang bumoto na isailalim muna ito sa GCQ.

 

Samantala, nakatakda namang isumite ang resulta ng naturang botohan sa Inter-Agency Task Force na maglalatag naman ng rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. (Daris Jose)

OBRERONG DINAKIP SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN, WANTED

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NATUKLASAN may nakabinbin na warrant of arrest para sa kasong robbery at illegal possession of firearms and ammunition sa probinsya ng Pampanga ang isang 24-anyos na construction worker na inaresto dahil sa pananakit sa kanyang live-in partner sa Malabon city.

 

 

Si Robel Busa ng 4th St. Brgy. Tañong ay nadakip dakong 8 ng gabi matapos humingi ng tulong sa pulisya ang kanyang live-in partner nang bugbugin umano siya nito makaraan ang kanilang pagtatalo.

 

 

Tinurn-over ang suspek ng mga umarestong pulis sa Women and Children Protection Desk (WCPD) subalit, bago iprisinta sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children’s Act ay inaalam ang kanyang personal records para sa verification.

 

 

Nadiskubre kalaunan ng pulisya na may kasong robbery at paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at may nakabinbin na warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Jane Dacara Buenaventura of Regional Trial Court (RTC) Branch 143 Third Judicial Region ng San Fernando Pampanga si Busa.

 

 

Walang naipakita ang suspek na released order o kahit anong dokumento para sa kanyang kaso na naging dahilan upang ipasok ito sa custodial facility ng Malabon police. (Richard Mesa)

DepEd, maingat na magtatakda ng school break

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Education Secretary Leonor Briones na maingat silang magtatakda ng school break lalo pa’t ang mga estudyante ay nagkaroon na ng anim na buwan na bakasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Sa Laging Handa briefing, tinukoy ni Sec. Briones ang epekto ng walang klase sa mga mag-aaral.

 

“Kung i-extend natin ang bakasyon, we had nearly six months kung saan ang mga bata hindi pumapasok. Ngayon, lumalabas na ang mga resulta, pag-aaral, opinion na kung ano ang epekto sa mga bata na hindi sila pumapasok,” ayon sa Kalihim.

 

“We are very careful in calibrating itong bakasyon kasi nakapagbakasyon na sila ng anim na buwan. Magdagdag naman tayo ng bakasyon,” dagdag na pahayag nito.

 

Maliban dito, sinabi ni Sec. Briones na kinukunsidera ng DepEd kung ang tagal ng summer vacation ay makatutulong sa implementasyon para sa academic ease.

 

“So ako nagsabi, makakatulong ba ‘yan  sa academic ease? Kung ‘yan ay makakatulong…e gagawin namin,” ani Sec. Briones.

 

“Remember other countries opened in June, we opened in October. Kapag sabihin mong i-extend mo ‘yung vacation, we have to balance also the impact of another series of no classes and so on, when the children are asking for academic ease,” aniya pa rin.

 

Ang School Year 2020-2021 ay nagsimula noong Oktubre 5 sa pamamagitan ng blended learning, kung saan ang mga estudyante ay hindi kailangan na pumunta ng personal sa mga eskuwelahan para magpartisipa sa klase upang maiwasan ang posibleng paglipat ng virus.

 

Nito lamang nakaraang Lunes ay sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na kinukunsidera ng departamento ang pagpapaiksi sa two-month summer break ng mga estudyante at gawin itong dalawang linggo at i-extend ang school year.

 

Sinabi pa ni San Antonio na ang posibleng extension ng dalawang linggo ay naglalayong bigyan ng mas maraming oras ang mga estudyante na makumpleto ang kanilang mga school requirements sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

SMC susunod sa patakaran ng TRB sa 3-strike policy sa mga RFID lanes

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Susunod ang San Miguel Corporation (SMC) sa patakaran ng Toll Regulatory Board (TRB) na magpatupad ng “three-strike” policy para sa mga motoristang  gumagamit ng electronic payment collection lanes kahit na kulang na ang load credits.

 

 

“Our system is capable of monitoring repeat offenders,” wika ni SMC president at chief operating officer Ramon Ang.

 

 

Sa ilalim ng planong three-strike policy, ang mga hindi sumusunod na mga motorista ay bibigyan ng paalala para sa kanilang unang paglabag, babala naman sa ikalawang paglabag at paghuli na may kasamang multa sa ikatlong pagkakataon.

 

 

Ang pagkakaron ng patuloy na pagsisikip ng trapiko ay lagi na lamang nangyayari sa mga major toll plazas tulad ng Calamba kung saan ang mga motorista ay nagbabayad ng cash na dapat sana ay para sa mga gumagamit ng RFID.

 

 

“There has also been a significant number of cases where RFID motorists with no load or insufficient load balance repeatedly use the electronic payment collection lanes, holding up other motorists and causing traffic,” dagdag ni Ang.

 

 

Sa pamamagitan ng three-strike policy, ang pamahalaan ay umaasa na  mawawala ang pagkabalam sa mga toll lanes at maiiwasan ang mga reklamo ng mga motoristang mayrong RFID tags at load credits.

 

 

Maglalabas ang Department of Transportation (DOTr) at TRB ng implementing rules at regulations ng nasabing policy sa madaling panahon.

 

 

Ayon naman kay alternate TRB chairman Garry de Guzman, ang nasabing policy ay naglalayon na itanim sa mga motorista ang disiplina na maglagay muna ng load bago pa sila pumasok sa mga RFID lanes upang maiwasan ang pagkaantala at kaabalahan sa mga motoristang sumusunod na gumagamit ng RFID.

 

 

“Since there are already a lot of RFID users, sad to say, there are also who are abusive. They enter RFID lanes without load. You will be surprised that based on the statistics given by the operators, there are those who enter 50 times without load,” saad ni de Guzman.

 

 

Kung kaya’t upang maresolba ang nasabing problema, ang TRB board ay sumangayon na gumawa ng three-strike policy.

 

 

Pinahayag din ng TRB na ang transition period bago ang 100 percent cashless transaction ay magpapatuloy hanggang walang further notice ang pamahalaan na dapat sana ay may deadline noong nakaraang Jan. 11.

 

 

Sa ngayon, ang pagbabayad ng cash ay tinatangap pa rin sa mga toll plazas kahit wala pa silang RFID tags. Ang paglalagay ng RFID tags ay tuloy-tuloy pa rin sa mga madaming lokasyon na binigay ng mga toll operators. (LASACMAR)

RIDING IN TANDEM. 1 PATAY, KASAMA ARESTADO

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI  ang isang riding in tandem habang naaresto ang kasama nito matapos mambiktima ng estudyate sa Malate, Maynila .

 

Kinilala ang nasawi na si Joshua Mansal, 20  ng  1269 Bambang St. Tondo habaNg ang naarestong kasama nito ay si  Delber Sta. Rita, 21 ng 1748 A. Rivera St Tondo.

 

Nauna rito, naglalakad umano ang biktima na si Andrea Ferrer,18, estudyante,  sa Capitan Ticong St . nang hablutin ng mga suspek  na sakay ng motorsiklo  ang cellphone nito.

 

Tumakas ang mga suspek patungo sa direksiyon ng Dagonoy St. habang nagsisigaw naman ang biktima ng “snatcher, snatcher” na nakaagaw sa atensyon ng mga tambay sa lugar  kaya hinabol ang mga suspek.

 

Nawalan naman ng kontrol ang minamanehong motorsiklo ng mga suspek at bumangga sa isang grab driver na si Renald Gutierrez.

 

Nang matumba sa kalsada, iniwan ng mga suspek ang kanilang motorsiklo at tumakas patungong Leon Guinto Southbound nang tiyempo namang pumaparada ng sasakyan si Pcpl Symon Marasigan, nakatalaga sa MPD-DTMU na nakatira lamang sa lugar at narinig ang mga sigaw ng mga concern citizens na  ‘snatcher’  kaya hinarang nito ang papatakas na mga suspek at nagpakilalang pulis.

 

Gayunman nagtangkang may bubunutin sa dalang sling bag ang napatay na si  Mansal habang si Sta Rita naman ay inagaw ang baril sa beywang ni PCpl Marasigan.

 

Habang nagpapambuno ang pulis at Sta Rita, pumutok ang baril at tinamaan si Mansal sa ulo na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

Dito na naaresto si Sta Rita sa tulong na rin ng mga barangay tanod sa lugar .

 

Narekober naman ang cellphone ng biktima at iba’t iba  pang unit ng  cellphone na hinihinalang na-snatch ng dalawa sa iba pang nabiktima nila.

 

 

Nakumpiska din ang get away motorcycle ng mga suspek na Yamaha Mio scooter .

 

Sasampahan naman ng Robbery at Direct Assault ang naarestong suspek . (GENE ADSUARA)

IATF, Metro Manila mayors nagkasundo na sa MGCQ simula Marso 1 – Palasyo

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahang aaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang buong bansa simula Marso 1.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, maging ang mga Metro Manila mayors ay sumang-ayon na rin rito at kailangan na lamang ng pag-apruba ni Pangulong Duterte.

 

 

Ayon kay Sec. Roque, sa Lunes matapos ang meeting sa IATF iaanunsyo ni Pangulong Duterte ang kanyang rekomendasyon.

 

 

Maging ang League of Provinces of the Philippines (LPP) ay nagsabing pabor na rin sila sa pagsasailalim ng buong bansa sa MGCQ basta may otoridad ang mga gobernadors na magpatupad ng lockdown o baguhin ang kanilang quarantine status kung kinakailangan.

Pinas, napag-iwanan na ng ibang bansa pagdating sa face-to- face schooling- Sec. Briones

Posted on: February 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TANGING ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.

 

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ito ang sinabi sa kanya ng UNCEF sa pakikipagpulong niya rito kamakailan.

 

Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay “contextualized” kung saan may iba aniya na may isang oras sa isang linggo habang ang iba naman aniya ay dalawang araw. Depende aniya sa sitwasyon.

 

‘Pero tayo na lang ang talagang.. hindi pa natin pinapayagan ang face to face dahil nga ang nangyari ay paglabas ng UK variant.. siyempre nag-worry ang Presidente na baka may epekto ito sa mga ating mga eskuwelahan,” ayon kay Sec. Briones.

 

Sa buong mundo naman kasi ay nakikita naman na karamihan sa mga bansa ay talagang nagbubkukas na ang mga ito ng kanilang mga eskuwelahan.

 

Magkagayon pa man ay naghahanda pa rin ang DepEd sa pagdating ng panahon na i-lift o bawiin na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang deferment ng pilot studies ng Pilipinas.

 

Sa ngayon ay masasabing maraming kondisyon ang dapat na ikunsidera gaya ng kailangang pumayag ang local government na gumawa ng face-to-face sa kanilang teritoryo dahil teritoryo ng mga ito iyon at saka malaki  ang mga investment ng mga local government sa mga eskuwelahan. Kailangan na may consent ng mga ito. Eliminated ang NCR sa isinama nila na 1,000 schools dahil hindi naman ito sumasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

 

Bukod dito, kailangan din na may written consent ng mga magulang dahil nag-survey sila sa mahigit ilang milyong participants kung saan ay lumabas na may mga magulang na hindi pa rin lubos na makuha o makita kung ano ang puwedeng advantage ng pagkakaroon ng face to face classes. Kailangan  na makuha ang consent ng mga magulang upang sa gayon na may mangyaring hindi maganda ay hindi sisihin ang DepEd.

 

Ang pangatlo ay may kinalaman sa facility ng DepEd dahil hindi naman lahat ng facility ng DepEd ay perpekto para sa pilot study.

 

“Ang pinaka-bottomline namin is an assessment of IATF and DoH,” ayon sa Kalihim.

 

Ang pang-apat namang kondisyon ay tracking o studies na talagang ginagawa sa iba’t ibang bansa o medical journals kung ano ba aniya talaga ang epekto ng Covid-19 sa mga bata. Saan nakakapulot ang mga ito ng germs o virus na ito at ang isa sa nakikita ng DepEd na posibilidad ay transportasyon, canteen o pagkain at kung ano pa kailangan na matiyak na malinis. (Daris Jose)