• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 1st, 2021

JOHN LLOYD, binigyan ng kakaibang importansiya at payo si JOSHUA

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA pa rin kupas ang isang John Lloyd Cruz.

 

 

Kahit na tatlong taon din yata na nag-leave ito sa showbiz, tila nasasabik pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya.

 

 

Pinagkaguluhan si John Lloyd ng mga fan niya sa Sorsogon. Kasalukuyang nasa naturang probinsiya ang actor para sa shooting ng Servando Magdamag. 

 

 

Ayon kay Lloydie, isang pelikula raw ito na hindi niya matatanggihan. Lalo na ang maka-trabaho niya pareho ang director na si Direk Lav Diaz at ang writer ng movie na si Ricky Lee.

 

 

Ang alam namin, after ng Servando Magdamag, ang pelikula naman nila ni Bea Alonzo ang susunod niyang gagawin. Pero, may balita rin na tila baka hindi na matuloy si Bea. May gagawin din itong movie sa VIVA naman kunsaan, pagsasamahan nila ni Alden Richards.

 

 

Ang maganda lang, mukhang simula na ito ng muling pagbabalik sa pag-arte ng actor.

 

 

Sa rare rin na pagkakataon, nag-upload pa ito sa kanyang Facebook page na magkasama sila ni Joshua Garcia.

 

 

Pwedeng sabihin na may fondness si John Lloyd kay Joshua para bigyan niya ito ng kakaibang importansiya at payo.

 

 

Sey ni Lloydie kay Joshua, “One day everything will fall into place just the way it should be. So until then, don’t focus too much on the confusion. Just focus on improvement and betterment.    Create a great life for yourself,”

 

 

Si Joshua ay madalas masabihan na may hawig sa actor at diumano’y susunod sa yapak nito

 

 

***

 

 

MUKHANG madaling natanggap ni Janno Gibbs na tinanggal na sila ng naka-isyuhan na co-host sa noontime show ng NET25 na Happy Time na si Kitkat.

 

 

Obviously, hindi naging happy time ang ending ng isyu nila na lumabas sa social media. Nang maglabas ng letter si Janno, ipinaliwanag niya ang nangyari at sinabi rin niya na pinaalis na lang sila ng management.

 

 

Siyempre, INC ang may-ari ng istasyon at siguradong against sa policy nila ang mga ganitong awayan o scandal.

 

 

So yun nga, mukhang kahit nawalan ng show at siyempre, isa sa sure source of income na, mukhang positive lang si Janno na ang hinaharap ngayon ay ang paggawa ng kanta.

 

 

Ito ang recent post niya na may caption na, “Back in the studio. New song. Soon.”

 

 

At base sa mga nag-comment, halos lahat naman ay masaya na back to music ito at isa sa comment nga sa kanya, “Better days ahead. More blessing for you.”

 

 

“When one door closes another one will open.”

 

 

Sa isang banda, malaking bagay rin siguro na suportado si Janno ng kanyang pamilya, lalo na ng mga anak. (ROSE GARCIA)

Sen. BONG, KIM at ANGEL, kasama sa unang makatatangap ng Isah V. Red Award sa ‘4th EDDYS’

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na tuloy na sa Marso 22 ang pagbibigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.

 

 

Virtual gaganapin ang 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) kung saan maglalaban-laban ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic.

 

 

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan, kabilang na ang Best Picture, Best Director, Best Actress at Best Actor.

 

 

Bukod dito, ilulunsad din sa 4th EDDYS ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red.

 

 

“This recognition is given to individuals like him — a dynamic and spirited renaissance man with a deep love for God, country and community — who beyond the realm of entertainment has so enriched and made a difference in the lives of many, in his most colorful, gregarious and inimitable way,” ayon sa SPEEd president na si Ian Fariñas.      Unang tatanggap ng IVR award sina Senator Bong Revilla Jr., Angel Locsin, Kim Chiu, Ramon Ang, Rei Anicoche-Tan at Claire de Leon-Papa para sa kahanga-hanga at walang katulad na pagbabahagi ng tulong sa mga Filipinong naapektuhan ng global health crisis.

 

 

Kaabang-abang din sa ikaapat na edisyon ng EDDYS ang pagbibigay-parangal sa sampung karapat-dapat at nirerespetong alagad ng sining.

 

 

Ang EDDYS Icon awardees ngayong 2021 ay sina Gloria Sevilla, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Dante Rivero, Tommy Abuel, Caridad Sanchez, Joel Lamangan at Ricky Lee.

 

 

Samantala, ang tatanggap naman ng EDDYS special awards na Joe Quirino Award ay ang TV-radio host-columnist na si Lolit Solis; Manny Pichel Award, entertainment columnist Mario Bautista; Rising Producers’ Circle, Blacksheep Productions; at Producer of the Year, The IdeaFirst Company.      Bibigyan ng posthumous recognition sina Peque Gallaga, Tony Mabesa, Menggie Cobarrubias, Ramon Revilla Sr. at Tony Ferrer.

 

 

Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at de-kalidad na pelikula.

 

 

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa. (ROHN ROMULO)

 

PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.

 

 

Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa panahon ngayon.

 

 

“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it,”pahayag ni Domagoso.

 

 

Una nang binuksan angmga pasyalan sa  Intramuros tulad ng Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego noong  February 17, sa mga bisita na may edad 15 hanggang 65 taong gulang.

 

 

Gayunman, plano na rin ni DOT chief Bernadette Romulo-Puyat na buksan na ang mga parke  sa lahat ng edad o ang “no age restriction policy” .

 

 

Paliwanag ng kalihim, mungkahi nito ang kahit na isang araw na exemptiom para sa pamilya kabilang ang senior citizens .

 

 

“Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for mga 15 to 65 years old,” saad ng kalihim.

 

 

“Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April,” ayon naman sa alkalde.

 

 

Sinabi ng alkalde na suportado niya ang naturang hakbangin  upang unti-unti nang mabuksan ang pampublikong espasyo dahil makakatulong ito upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod.  (GENE ADSUARA )

PDu30, nilagdaan na ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TININTAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 o “An Act Establishing the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Vaccination Program Expediting the Vaccine Procurement and Administration Process, Providing Funds Therefor, and for other purposes”.

 

Layon nitong mapabilis ang pagbili ng COVID-19 vaccines at paglalaan ng indemnity fund na P500 million.

 

Makikita sa mga larawan na iinamahagi ni Senador Bong Go sa media ang pagpirma ng Pangulo sa nasabing panukalang batas upang maging ganap na batas.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil talagang nagkaisa ang presidente at Kongreso para mapabilis ang pagsasabatas ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

 

Matatandaan na noong Martes nang i-adopt ng House of Representatives ang bersyon ng Senado sa panukala.

 

Sa ilalim nito, binibigyan ng kapangyarihan ang Department of Health at National Task Force Against COVID-19 na sumailalim ng negotiated procurement ng COVID-19 vaccines maging sa ancillary supplies at services para sa kanilang storage, transport, at distribution. (Daris Jose)

NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

 

Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon.

 

“This is to ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Sa ulat, dalawang pulis at dalawang PDEA agent ang nasawi sa barilan na naganap sa labas ng Ever Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ang sinasabing nakasagupa ng mga pulis, mga tauhan ng  Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

 

Sinabing nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis na miyembro ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU) sa labas ng isang fast food sa lugar.

 

Hindi pa malinaw kung papaano nasangkot sa engkuwentro ang mga tauhan ng PDEA pero kabilang sa mga nasugatan at dinala sa ospital ang team leader ng DSOU.

 

Una rito, pansamantalang natigil ang daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi dahil sa nangyaring barilan.

 

Naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Ever Commonwealth at kinumpirma nila ang barilan na naganap umano sa labas ng mall.

 

“We have secured all access to the mall so all shoppers are safe inside. Our priority right now is to ensure the safety of the employees and the public,” ayon sa pahayag.

 

“The management is closely coordinating with the PNP of the current situation. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfirmed information online. Thank you,” patuloy nito. (Daris Jose)

Dave Bautista Leads in a Zombie Thriller ‘Army of the Dead’ by Zack Snyder

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX has finally unveiled the trailer for Zack Snyder’s highly-anticipated zombie heist film, Army of the Dead.

 

 

The new film from the director of Man of Steel and Dawn of the Dead, premieres May 21 on Netflix starring Dave Bautista.

 

 

“I’ve been talking to Zack Snyder for years now; we’ve been trying to do a project together,” pro wrestler turned actor shared with The Hollywood Reporter.

 

 

“I met Zack years ago and always loved him. I had an instant connection with this guy. He’s my type of director. He’s kind of a man’s man; he likes to train a lot and is all tatted up. We just kind of understand each other.”

 

 

Joining the Filipino-American actor in the movie are Ella Purnell, Omari Hardwick, Ana De La Reguera, Theo Rossi, Matthias Schweighöfer, Nora Arnezeder, Hiroyuki Sanada, and Garret Dillahunt, Tig Notaro, Raúl Castillo, Huma Qureshi, Samantha Win, Richard Cetrone, and Michael Cassidy.

 

 

Army of the Dead follows a zombie outbreak in Las Vegas, a group of mercenaries take the ultimate gamble, venturing into the quarantine zone to pull off the greatest heist ever attempted.

 

 

Watch the official teaser below:

 

 

Story and directed by Zack Snyder, who is known for several action and superhero blockbusters such as Justice League, Batman Vs. Superman, and 300. (ROHN ROMULO)

Ads March 1, 2021

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Schedule ng PH rollout sa COVID-19 vaccine ng Sinovac

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakalatag na ang pagsisimula ng COVID-19 vaccine rollout sa Pilipinas, kasunod ng naka-schedule na pagdating ngayong araw ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine ng Chinese company na Sinovac.

 

 

Ayon sa Philippine Information Agency (PIA), magkakaroon ng “symbolic vaccination” bukas, March 1, sa ilang COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila.

 

 

Magiging simultaneous o sabayan ang programa na mag-uumpisa ng alas-9:00 ng umaga.

 

 

Kabilang na rito ang UP-Philippine General Hospital kung saan inaasahan ang pagdalo nila Vaccine czar Carlito Galvez, Presidential spokesperson Harry Roque, at Food and Drug Administration director general Eric Domingo.

 

 

Ilan pa sa inaasahang attendees ng programa ay sina MMDA chairman Benhur Abalos, Manila Mayor Isko Moreno, at Dr. Maria Paz Corrales, assistant regional director ng DOH-NCR.

 

 

Batay sa PIA advisory, magbibigay ng welcome address sina PGH director Dr. Gerardo Legaspi at PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario.

 

 

Sa Lung Center of the Philippines naman inaasahang pupunta sina Health Sec. Francisco Duque III, MMDA general manager Jojo Garcia, Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Dr. Corazon Flores, regional director ng DOH-NCR.

 

 

Habang sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Medical Center and Sanitarium (Tala) inaasahang dadalo sina Testing czar Vince Dizon, Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, MMDA chief of staff Michael Salalima, at Health Asec. Elmer Punzalan.

 

 

Bukod sa referral hospitals, pasok din sa schedule ang programa sa Veterans Memorial Medical Center. Dito naman inaasahang pupunta sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at DOH director Napoleon Arevalo.

 

 

Pati na sa Philippine National Police General Hospital, kung saan expected attendees sina Interior Usec. Bernardo Florece, PNP chief Debold Sinas, at DOH director Aleli Annie Grace Sudiacal.

 

 

Samantalang alas-10:00 ng umaga ang programa sa Victorio Luna Medical Center. Kabilang sa mga inaasahang attendee sina AFP chief of staff Cirilito Sobejana, Surgeon Gen. Nelson Pecache, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Dr. Corazon Flores, regional director ng DOH-NCR.

 

 

Alas-5:00 ngayong hapon dadating sa Villamor Airbase ang shipment ng Chinese vaccine. Kabilang si Pangulong Rodrigo Duterte sa inaasahang sasalubong dito.

 

 

Matapos nito ay dadalhin sa DOH cold storage facility sa Marikina City ang mga bakuna.

 

 

Muling hinikayat ni Roque ang publiko na huwag nang magdalawang isip na magpa-bakuna kahit pa hindi naman 100% sure na hindi na tatamaan ng COVID, pero ang mahalaga, ay hindi magiging malala ang mararanasang sintomas. (Daris Jose)

Tanod at hipag, tiklo sa P1 milyon halaga ng shabu sa Navotas

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ang isang barangay tanod at kanyang hipag matapos makumpiskahan ng higit sa P1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na si Kathrice Leongson, 31, (pusher/ listed) ng Blk 34 Taurus St., at kanyang bayaw na si Mark John Melejor, 28, barangay tanod ng Aries St., kapwa ng Brgy. San Roque.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Navotas police deputy chief for operation PLTCOL Antonio Naag ng buy-bust operation sa Taurus St., Brgy. San Roque.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksyon ng P1,000 halaga ng shabu sa mga suspek at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer ay agad silang dinakma ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 147.6 gramo ng hinihinalang shabu na nakalagay sa isang brown paper bag na may standard drug price na P1,003,680.00 ang halaga, at buy-bust money.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, ang asawa ni Leongson ay kasalukuyang nakakulong matapos maaresto kamakailan ng mga operatiba ng Navotas police sa isang drug operation na naging dahilan upang ipagpatuloy ni Kathrice ang illegal drug trade ng mister kasama ang kanyang bayaw. (Richard Mesa)

SARAH, umamin na rewarding at challenging ang buhay may asawa; MATTEO, proud at nag-uumapaw ang pagmamahal

Posted on: March 1st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG sweet naman ng mga dedicated fans ng married couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo, dahil sila ang nag-post sa social media nang mag-celebrate ang mag-asawa ng kanilang first wedding anniversary, sa Coron Palawan. 

 

 

Matatandaang kinasal sina Matteo at Sarah noong February 20, 2020. Nag-post din si Matteo on their special day sa Instagram ng kanilang ‘family photo’ na kasama nila ay tatlo nilang aso, sa Coron.

 

 

“Love, HAPPY 1st year anniversary!!  Look at our family!  Thank you for bringing joy in our home, you are the reason why I smile when we wake up,” sabi ni Matteo.

 

 

“You continue to inspire me everyday, and I love celebrating life with you.  So proud of you my love! I love you forever.” #proudhusband #blessed.

 

 

Ayon naman kay Sarah in a recent interview: “Our marriage is both rewarding and challenging. The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. ‘Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life.

 

 

    “Challenging kasi  sa situation ko, parang ito na ‘yung big leap ko papunta ng adulting, sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long-overdue but I guess ito talaga ang plano para sa akin.”

 

 

Despite all the challenges, Sarah considers her marriage as the happiest moment of her life.

 

 

***

 

SWEET Sixteen na si young Kapuso actress Jillian Ward, last February 23, na nagsimula sa GMA Network as a child star sa Trudis Liit. 

 

 

At 15, sinimulan ni Jillian ang GMA Afternoon Prime  drama na Prima Donnas, as one of the Donnas, siya si Donna Marie, Althea Ablan as Donna Belle and Sofia Pablo as Donna Lyn.

 

 

Very special ang kanyang birthday dahil ang pinakamaganda niyang birthday gift na natanggap ay announcement na ang kanilang afternoon soap is coming back for a second book.

 

 

Kaya nasabi ni Jillian na iyon daw ang “the best birthday gift ever!”

 

 

At bilang pasasalamat, dagdag ni Jillian: “Today, I’m not only cherishing the gift of life, but also everyone in my life.  You all help me discover myself, I will continue to grow from the past, embrace the present, and look forward to a blissfully kind future.”

 

 

Sa ngayon ay inihahanda na ng GMA production team ang pagpapatuloy ng story ng Prima Donnas with the same cast, to be directed pa rin ni Ms. Gina Alajar.

 

 

***

 

 

NAGTATALU-TALO ngayon ang mga viewers ng primetime telebabad na Love of My Life nina Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez.

 

 

Ang lakas ng reaction ng mga fans dahil bukod sa lalong gumaganda ang story gabi-gabi, nabuo ang Team Adelle & Nikolai, at Team Kelly & Nikolai sa social media.

 

 

Team Adelle & Nikolai, dahil si Adelle raw naman ang talagang mahal ni Nikolai, and in turn, umamin na rin si Adelle na mahal na rin niya si Nikolai.

 

 

Katwiran naman ng mga netizens na Team Kelly and Nikolai, paano naman si Kelly na dinadala ngayon ang baby ni Nikolai, at mahal na mahal niya?

 

 

Subaybayan gabi-gabi ang Love of My Life pagkatapos ng Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA-7 (NORA V. CALDERON)