• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 9th, 2021

DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.

 

 

Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., pagod na pagod na ang mga tao at maging ang mga law enforcers sa mga umiiral na restriksiyon, lalo na ngayong malapit nang umabot ng isang taon ang pagpapairal nito.

 

 

“Totoo ‘yun kasi sa March 16, one year na tayo exactly. Kasi March 16 tayo last year nag-declare ng lockdown sa Luzon. Kumbaga exhausted na rin ang mga tao pati na rin ‘yung ating mga law enforcers,” wika niya.

 

 

Kamakailan lamang ay nagpasya na ang pamahalaan na paluwagin o tuluyang alisin ang ilang health protocols at requirements upang unti-unti nang maiba­ngon ang nalugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.

 

 

Hindi na kinakailangan ng mga biyahero na sumailalim sa COVID-19 testing maliban na lamang kung ire-require sila ng LGU bago ang kanilang pagbiyahe. Ta­nging RT-PCR test lamang din ang pinapayagan.

Obiena kumpiyansa sa tsansa sa Olympic gold

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Habang lumalapit ang mga araw para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan ay pataas nang pataas ang kumpiyansa ni national pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

“I think that I have the best chances than all that I have had all throughout the years,” sabi ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa kanyang pagtarget sa kauna-una­hang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics.

 

 

Bukod kay Obiena, ang tatlo pang Pinoy athletes na mayroon nang tiket para sa 2021 Olympics ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

 

 

Bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics, idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ay ilang malala­king pole vault competitions ang sinabakan ng 6-foot-2 na si Obiena.

 

 

Nilundag ni Obiena ang gold medal sa Interna­tionales Stadionfest Indoors sa Berlin, Germany mula sa kanyang 5.80-metro para ilista ang bagong Philippine indoor record.

 

 

Sinikwat din ng 25-an­yos na pole vaulter ang gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting mula sa kanyang 5.65m sa Dortmund sa Germany.

 

 

Matapos talunin ang gold medal noong 2019 SEA Games ay dumiretso si Obiena sa Italy para sa kanyang training camp at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ng bansa.

 

 

Sinikwat din ng 25-an­yos na pole vaulter ang gintong medalya sa PSD Bank Indoor Meeting mula sa kanyang 5.65m sa Dortmund sa Germany.

 

 

Matapos talunin ang gold medal noong 2019 SEA Games ay dumiretso si Obiena sa Italy para sa kanyang training camp at hanggang ngayon ay hindi pa nakakauwi ng bansa.

2021 All-Star Game: Giannis top pick sa Team LeBron; Durant, kinuha si Irving

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Buo na ang Team LeBron James at Team Kevin Durant para sa 2021 NBA All-Star Game.

 

 

Nasa lineup ni James ang kanyang first overall pick na si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, maging ang dati nitong karibal na si Golden State Warriors star Stephen Curry.

 

 

Kabilang din sa koponan ni LeBron sina Luka Doncic ng Dallas Mavericks, at Denver Nuggets big man Nikola Jokic.

 

 

Sa koponan naman ni Durant, babandera ang teammate nito sa Nets na si Kyrie Irving, Joel Embiid ng Sixers, Kawhi Leonard ng Clippers, Bradley Beal ng Wizards at Jayson Tatum ng Celtics.

 

 

Si Durant ay magiging non-playing team captain.

 

 

Kumumpleto naman sa mga reserba ang dalawang players ng Jazz na sina Rudy Gobert na napunta kay James; at si Donovan Mitchell na kinuha ni Durant.

 

 

Ang mga reserves sa Team LeBron ay sina Damian Lillard, Ben Simmons, Chris Paul, Jaylen Brown, Paul George, Domantas Sabonis, at Gobert.

 

 

Reserves naman sa Team Durant sina James Harden, Devin Booker, Zion Williamson, Zach LaVine, Julius Randle, Nikola Vucevic, at Mitchell.

 

 

Gaganapin ang 2021 NBA All-Star game sa Atlanta sa Marso 8, araw sa Pilipinas.

JOHN, overwhelmed dahil nakasama sa cast ng movie ni NORA; approachable at sobrang bait ng Superstar

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

OVERWHELMED ang newbie singer na si John Gabriel dahil nakasama siya sa cast ng Kontrabida, ang bagong movie ni Superstar Nora Aunor.

 

 

Sobrang saya at kabado raw siya nang malaman na kasali siya sa movie. Sino ba raw naman ang di kakabahan sa oportunidad na makasama ang isang superstar at multi-awarded actress?

 

 

Noong gabi raw na nalaman niya na kasali siya sa movie eh super practice si John ng acting kahit wala pang script.

 

 

“Sobrang kinabahan po ako bago kunan ang eksena namin ni Ate Guy. Isa lang po ako baguhan sa showbiz tapos makakatrabaho ko po ang nag-iisang Superstar. Sobrang tuwa po ako sa privilege na makasama ako sa Kontrabida,” pahayag ni John.

 

 

Kwento ni John, bago raw kunan ang eksena nila ni Nora ay sobrang bait sa kanya ng aktres. Sa rehearsal pa lang daw ay nakikita na niya kung gaano kagaling si Ate Guy kasi umaarte na raw ang mga mata nito kahit rehearsal pa lang sila.

 

 

“Grabe! Para pong nagsasalita ang mga mata ni Ate Guy sa rehearsal pa lang. Pagkatapos po ng take ay sobrang natuwa ako kasi nagawa ko po nang maayos ang ibinigay sa akin na role,” sabi pa ni John.

 

 

Kahit pack-up na sila ay sobrang magiliw pa rin sa kanya ni Ate Guy. Approachable daw ito at mabait.

 

 

Ano ba ang role mo sa Kontrabida?

 

 

“Kapitbahay po ako ni Ms. Nora Aunor na sobrang matulungin sa kanya. Sa tuwing makikita ko po siya ay lagi kong siyang tinutulungan. Parang anak-anakan ako ni Ms. Nora Aunor sa movie.”

 

 

Dream come true para kay John Gabriel na makatrabaho si Ate Guy. And given another chance, gusto niya muling makasama sa isang project ang People’s National Artist.

 

 

     ***

 

 

IMPRESSED ang director ng Gen-Z na si Joy Aquino kay Kent Gonzales, ang newbie actor na lumabas na anak ni Sharon Cuneta sa Kwaresma.

 

 

“The first time I saw him, I already saw something special in him,” wika ng lady director of Kent, one of the leads of Gen-Z which premiered on TV 5 on Sunday, March 7 at 9 p.m.

 

 

“There is something interesting with Kent. He adds something to the character that he he is portraying.”

 

 

Bukod kay Kent, kasama rin sa cast ng Gen-Z sina Jerome Ponce, Jane Oineza, Ricci Rivero, Melizza Jimenez, Chie Filomeno, at Darwin Yu. Ang bagong Young Adult series na ito ang inyong bagong makakasama tuwing Linggo ng gabi.

 

 

Produced by Cignal Entertainment, Inc. with Regal Entertainment Inc., ang family drama na ito ang magbubukas sa ating isipan kung paano ang younger generation natin sa ngayon ay sumasabay sa takbo ng buhay. Ipinapakita rin sa serye kung paano makaka-connect sa at mauunawaan ng older generation ang Gen Z kids.

 

 

Ang kwento nito ay isang matapang na paglalarawan ng mga struggles at aspirations ng tinatawag na Gen Z. Sinusundan nito ang kwento nina Jojo (Jerome) at Kiko (Kent) sa pagpasok nila sa mundo ng adulthood kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Matet (Jane) at Rico (Darwin).

 

 

Ang programa ay real-life depiction ng struggles at priorities of the Gen Zs at kung paano sila maka-relate sa kanilang mga pamilya, mula sa point of view of Gen Z writers, mga mag-aaral ng College of St. Benilde, sa ilalim ng pamamahala ni Direk Joey Reyes.

 

 

Isa itong Gen Z sa pinaka-exciting show mula sa Cignal TV at Regal Entertainment.

 

 

With authentic portrayal of the kids’ shared values and individuality, it is definitely one of the more exciting shows to watch out for this year.

 

 

May catchup episodes din ang Gen Z tuwing Linggo, 6PM, starting March 14 on One Screen Cignal TV CH.9 and SatLite CH. 35. Gen Z can also be watched LIVE and ON-DEMAND on Cignal Play App. You can stream every episode for free just register on cignalplay.com and download the app on Android and iOS.  (RICKY CALDERON)

Wala pang community transmission ng ‘mas nakakahawang’ COVID-19 variants sa PH

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pa ring ebidensya ng community transmission o pagkalat sa komunidad ng mga mas nakakahawang variants ng COVID-19 virus na naitala sa bansa.

 

 

“Wala tayong confirmed community transmission as of yet. We are still further studying the cases,” ayon kay Health Usec. Maria Vergeire sa isang press briefing.

 

 

Bagamat aminado ang opisyal na tumataas ang kaso ng coronavirus sa bansa, iginiit nitong hindi pa pwedeng isisi sa mga variants ang pagsipa ng numero.

 

 

Batay sa huling update ng DOH, mayroon nang 118 na kaso ng mas nakakahawang UK variant, at 58 kaso ng isa pang mas nakakahawa at sinasabing may epekto sa bakuna na South African variant.

 

 

“Tumataas ang kaso totoo, pero di pwedeng sabihin na variants ang nag-cause solely. Kaya tumataas ang kaso kasi nakakaligtaan nating ayusin at mag-comply sa minimum health standards.”

 

 

Ayon sa opisyal, may ilang konsiderasyon para masabing may community transmission na ng coronavirus variants.

 

 

“When we say community transmission, kailangan nakikita natin may clustering ng kaso. Doon sa clustering hindi mo na makita yung link ang bawat isang kaso na ‘yan… tapos dito sa community ng nagkakasakit din, hindi mo na ma-link kung saan nakuha yung sakit.”

 

 

Nagpaliwanag naman si Vergeire dahil higit 300 samples lang ang isinailalim sa whole genome sequencing noong nakaraang linggo.

 

 

Ito’y kahit 750 samples kada linggo ang dapat na pino-proseso ng UP-Philippine Genome Center.

 

 

“Yung unang parte ng linggo kaya 300 plus, this was because nakapag-submit tayo ng more than 750 samples. Kaya lang out of it, ang naging katanggap-tanggap lang ay 300 plus lang, kaya ‘yun ang na-run noong batch na ‘yon.”

 

 

“And then we did another run last week, a purposive run where we focused on NCR, Region 7, and returning overseas Filipinos, because gusto na natin makita yung extent sa mga lugar na tumataas ang kaso.”

 

 

Sa ilalim ng genome sequencing inaalam ang identity at pinagmulan ng virus. Ayon sa DOH, kailangang mababa sa 30 ang cycle threshold (CT) value ng isang positive sample para masailalim sa proseso.

 

 

Sa loob ng nakalipas na tatlong araw, higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH.

 

 

Pumalo na sa 594, 412 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases sa Pilipinas. (Daris Jose)

KRIS, nag-warning sa mga detractors na patuloy na nambu-bully kina JOSHUA at BIMBY

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGBIGAY ng warning si Queen of All Media Kris Aquino sa mga detractors niya na kung kinaladkad ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby at patuloy na binu-bully online.

 

 

Last Sunday, March 7, nag-post si Kris sa kanyang saloobin sa Instagram account in five parts.

 

 

Una rito sinabi niya na, “I am not blind, and I am not stupid…. In a span of a week, my children have been used to trigger me. Kuya Josh, with zero factual basis, was said to have impregnated a girl. Bimb has been repeatedly targeted with bullying because people are insisting he is gay.

 

 

Hinamon naman ni Kris ang nagpapakalat ng ‘fake news’ sa anak na panganay na nakabuntis daw at ang pagbu-bully sa socmed kay Bimby.

 

 

Sabi ni Kris, “Regarding Kuya Josh, name us and show us the girl. About Bimb, he is 13 years old, i know my son doesn’t identify as being gay, BUT in the event he ever does, he will still be my son. The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021.” 

 

 

Nagsimula nga ang muling pambu-bully kay Bimby dahil sa short video na pinost ni Kris.

 

 

“What is very clear to me is that some people cannot stand the fact that despite all their efforts to bury me, I am still standing. And they must be cringing that at a time when our country is hungry and struggling, as a private citizen, I am doing my part with my hard earned money, to share with those in need,” post pa niya.

 

 

Sinabi rin ni Kris sa mga nambu-bully na, You picked the wrong children to harass and bully this mother knows your motives… What does a lioness do when her cubs are threatened? She attacks. Google and see what else she is capable of.

 

 

This isn’t a threat. I am merely stating a fact.” 

 

 

Pagwa-warning pa ni Kris, “Leave my children alone and I will remain a private citizen. Continue messing with them, then you are pushing me in the direction you are so obviously afraid I will take. That yellow brick road is starting to look very inviting now.

 

 

Nag-agree naman ang netizens na super foul ang ginawang pambu-bully sa kanyang mga anak, na sobrang bastos at walang patawad.

 

 

May nag-comment na dapat daw ay hindi na pinost ni Kris ang video dahil tiyak na pagsisimulan ito ang panglalait kay Bimby. Nabahiran din ang pulitika ang post na ito ni Kris, na baka raw ituloy na ang pagtakbo sa 2022 dahil sa mga nararanasan na pangha-harass online kina Josh at Bimby. (ROHN ROMULO)

Zack Snyder, Unveiled New Character Poster for Ben Affleck’s Batman in ‘JL’

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

A new poster for Zack Snyder’s Justice League puts the spotlight on Batman’s latest costume.

 

 

Director Zack Snyder has finally been granted the opportunity to finish his intended DCEU team-up film, which unites the franchise’s most iconic heroes for an epic battle.

 

 

Justice League will premiere on HBO Max on March 18 as a 4-hour movie, as opposed to a series like some initially believed. Snyder recently revealed the chapter titles for this project, the first being “Don’t Count On It, Batman.”

 

 

In fact, Snyder has been supplying fans with a great deal of content in the lead-up to Justice League‘s release. Even before his cut of the film was confirmed for release, Snyder shared tidbits about what he had planned, from storyboards to black and white images from the footage itself. In recent weeks, Snyder has shared teasers, posters, and the aforementioned chapter titles.

 

 

Additionally, Junkie XL’s highly anticipated score has revealed the main Justice League theme, titled “The Crew at Warpower.”

 

 

In addition to a new trailer putting the spotlight on Batman, Snyder has unveiled a brand new character poster for Ben Affleck‘s Caped Crusader. This shows Batman in his full glory, with a complete look at his Justice League costume. It fits in line with that Affleck wore for his previous Snyder outing, Batman v Superman: Dawn of Justice. 

 

 

Fans are excited to see the new arcs for all members of the Justice League, but there’s an extra level of excitement surrounding Batman. Following Affleck’s departure from the DCEU a few years ago, many have called for him to return in some form, particularly in the solo Batman movie Affleck was once working on. Between Justice League and Affleck’s surprise role in The Flash, there is a renewed hope among those who want to see him step back into the DCEU.

 

 

Right now, Affleck’s future with the franchise is unknown beyond The Flash, but Snyder is certainly doing his part to give fans exactly what they want.

 

 

Justice League will feature the DCEU’s Joker (Jared Leto) coming face to face with Batman in a scene fans have long wanted to see, and it will further explore the Knightmare timeline teased in Batman v Superman. 

 

 

In short, Justice League is doing its best to function as a thrilling showcase for Affleck’s Batman. (ROHN ROMULO)

Lider ng Bayan Muna, utas sa shootout!

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patay ang sinasabing lider ng militanteng grupong Bayan Muna sa lalawigang ito matapos umanong manlaban sa mga operatiba sa ikinasang pagsalakay bitbit ang isang search warrant kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City.

 

 

Bulagta ang target sa operasyon na si Emmanuel Araga Asuncion, nasa hustong gulang, residente ng Block 2 Lot 5 Florenceville Subd., Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite, at umano’y lider ng Bayan Muna movement organizations matapos may ­ilang minutong pakikipag-engkuwentro umano sa rai­ding team.

 

 

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, alas-5:30 ng madaling araw nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-RFU4A), Dasmariñas City Police-PIB, MIG4 -ISAFP, Rizal Police at Police Regional Office 4A ang search warrant operations laban kay Asuncion na nasa CTG Target Personalities ng Cavite.

 

 

Bitbit ng grupo ang Search Warrant No. 21-31048-49 para sa kasong paglabag sa R.A 10591 at RA 9516 na ­inisyu ni Jose ­Lorenzo Dela Rosa, 1st Vice ­Executive Judge ng RTC, NCJR, Branch 4, Manila at isinilbi sa bahay ni Asuncion.

 

 

Gayunman, sa halip na sumuko, kumaripas umano ng takbo si Asuncion at nakipagpalitan pa ng putok sa mga ­operatiba.

 

 

Nang humupa ang habulan at engkuwentro, nakitang nakabulagta ang suspek at nakuha sa lugar ang isang caliber .45 pistol, dalawang magazine ng cal. 45 na kargado ng mga bala at 4-fired cartridges. (Gene Adsuara)

100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.

 

 

Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.

 

 

“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Bumili aniya sila ng 100,000 dosis ng bakunang AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay ang order, inaasahan ng lungsod na makakatanggap sila ng higit pang mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan upang maprotektahan ang kanikang halos 800 medical frontliner.

 

 

Ang Navotas City Health Department ay may 799 employees, 353 dito ang nagtatrabaho sa NCH.

 

 

Nauna rito, inihayag ng lungsod na balak nitong bumili ng bakuna mula sa Pfizer at Moderna, dalawang iba pang manufactures na pinakagusto ng Navoteños, base sa survey ng lungsod noong Disyembre. (Richard Mesa)

GERALD, pinalabas na dehado at kawawa sa paghihiwalay nila ni BEA; nakatikim ng matatalim na mensahe

Posted on: March 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING netizens ang di natuwa kay Gerald Anderson at sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Julia Barretto.

 

 

Ano raw ba ang dahilan kung bakit ngayon lang siya umamin, eh marami na raw ang nakakaalam sa tinatago nilang relasyon.

 

 

Hindi rin daw nagustuhan ng marami ang pagpe-playing victim ni Gerald dahil imbes daw na mag-sorry ito kay Bea Alonzo, pinalabas pa niya na siya ang dehado at kawawa nung maghiwalay sila.

 

 

Baka raw nakakalimutan ni Gerald na siya ang biglang lumayo at hindi na kumausap kay Bea kaya nadikit sa kanya ang salitang “ghosting”.

 

 

Pinaalala rin ng netizen kay Gerald na sobra nitong sinaktan si Bea noong malaman nito na may lihim silang relasyon ni Julia habang sila pa.

 

 

Heto ang ilang matatalim na mensahe ng netizens kay Gerald…

 

 

“You are a perfect example of a disgusting pig!”

 

 

“Kadiri yung feel na feel nyang in love siya “ulit”…  ang daming beses nya na inlove in a short span of time LOL! Yung mga lalaking feeling knight in shining armour eh hanep naman sa pagka playboy!”

 

 

“Talaga lang ha! Eh yung may pa statement pa si Julia against Bea noon…Deny pa more!!”

 

 

“coz he gets away with it always. toxic masculinity. repetitive ang mga breakup nya. IF THEY DO IT ONCE, THEY WILL DO IT AGAIN”

 

 

“Ayaw daw ilaglag si Bea, he’s not that kind of person daw, pero dada pa din nang dada…”

 

 

“Makapal talaga mukha neto imbes magsorry eh.. gago at it’s finest.”

 

 

***

 

 

HUMAKOT ng awards ang Kapuso at Kapamilya stars sa 2nd Village Pipol Choice Awards na nagkaroon ng virtual awarding ceremonies noong nakaraang March 6 via Facebook Live.

 

 

The VP Choice Awards (VPCA) ay award-giving body “which gives recognition to the brightest stars in showbiz, to brands that excel in their industry, and to deserving individuals who show brilliance in their craft.”

 

 

Tinanghal na Cover of the Year ang December 2020 Village Pipol cover ni Alden Richards. Nakuha rin ni Alden ang Movie Actor of the Year para sa Hello, Love, Goodbye.

 

 

Movie Actress of the Year ay ang Fangirl star at MMFF 2020 best actress na si Charlie Dizon.

 

 

Si Antoinette Jadaone ang Movie Director of the Year for Fangirl na tinanghal na Movie of the Year.

 

 

Si Jennylyn Mercado naman ang TV Actress of the Year para sa role niya as Dr. Maxine sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela na Descendants of the Sun.

 

 

Ang TV Actor of the Year ay si Xian Lim para sa Love Thy Woman na tinanghal na TV Series of the Year.

 

 

Ang KyCine loveteam nila Kyle Echarri and Francine Diaz ang Loveteam of the Year. Promising Female Star of the Year din si Francine.

 

 

Promising Male Star of the Year ay ang BL series star na si Kokoy De Santos

 

 

Ang Prima Donnas teen star na si Sofia Pablo ang tinanghal na Spotlight of the Year dahil sa feature niya sa Village Pipol.

 

 

Breakthrough Social Media Star of the Year ay ang sexy star na si Ivana Alawi at Youtuber of the Year ay si Alex Gonzaga. Milyun-milyon ang subscribers ng kanilang YT Channels.

 

 

Tiktok Star of the Year naman si Andrea Brillantes.

 

 

Si Sarah Geronimo ang Performer of the Year.

 

 

TV Male and Female Icon of the Decade ay sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

 

 

TV Station of the Year ay ang ABS-CBN 2.

 

 

The winners ng VP Choice Awards ay dahil sa online voting, Facebook shares, and a panel of experts and the magazine’s editorial team.

 

 

***

 

 

MANGANGANAK na anytime si Sophie Albert sa baby girl ni Vin Abrenica.

 

 

Ito raw ang pinakahihintay ni Sophie dahil mahirap daw pala ang magbuntis.

 

 

“Naghihintay na lang talaga ko for the birth. I’m so ready na kasi ang hirap na, ang bigat na parang, ugh, I’m over being pregnant. But yeah, I’m excited kasi it’s a new chapter for us and everything happened so fast,” sey ni Sophie.

 

 

Inamin ni Sophie na nahirapan siya sa first three months ng kanyang pagbubuntis. Inilihim daw muna nila ito ni Vin.

 

 

“In the beginning that’s how we treated it na parang, okay, we don’t know kung anong mangyayari parang how hard naman if we announce and then hindi matuloy si pregnancy or whatever.

 

 

“So after a while, I guess, we were just waiting for the right time and I didn’t want to announce it too soon ’cause you can’t take it back. Vin and I just want to enjoy it first to ourselves, with our families.”

 

 

Nagka-anxiety din daw si Sophie dahil nabuntis siya during the pandemic.

 

 

“There are so many things I went through this pregnancy na hindi ko ever na-experience in my life and I wish I had my girlfriends who I can talk to or kahit man makalabas ako, I couldn’t do that so I was really stuck at home.

 

 

“One of the things that worries me the most is, siyempre, gusto ko kasama ko si Vin kapag nanganak ako, to have the support because it’s my first time, I’m a first-time mom.

 

 

“I don’t know what to expect. Many moms labor na mag-isa sila or they give birth na mag-isa so ‘yun yung isa sa mga worries ko. We’re not guaranteed that there’s gonna be somebody with us while we give birth. Oh my God, ‘wag naman sana tayo magkaroon ng Covid or anything. It’s really scary.”  (RUEL MENDOZA)