• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 10th, 2021

Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw.

 

 

Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro at mga pinuno ng tanggapan sa Kapitolyo kung saan unang binakunahan ng Sinovac’s Coronavac Vaccine ni Development Management Officer V Dr. Emily Paulino ng Department of Health – Bulacan sina Response and Vaccine Cluster Head ng Provincial Task Force at Chief of Hospital Dr. Hjordis Marushka Celis, Hospital Training Officer Dr. Jose Emiliano Gatchalian at Nurse Supervisor Alma Villena ng Bulacan Medical Center ayon sa pagkakasunud-sunod.

 

 

Layon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na mabakunahan ang may 300 indibidwal kada araw na bahagi ng 833 health workers, frontliners at mga empleyado mula mga district hospital at PHO-PH na kabilang sa mga prayoridad na mabigyan ng unang dose ng bakuna.

 

 

Sinigurado din Fernando, Paulino at Celis na may Emergency Use Authority (EUA) na aprubado ng Food and Drug Administration ang mga bakunang gagamitin.

 

 

“Ang pagbabakuna po ay para sa ating lahat. Ito ay hindi lamang para sa iyo at sa iyong pamilya. Para rin po ito sa inyong mga barangay, lungsod, at probinsiya. Ito po ay unang hakbang upang muli po tayong makabangon,” anang gobernador.

 

 

Aniya,” the faster we vaccinate Filipinos at the soonest possible time, the better for Filipinos. Mahalaga po na mas marami po tayong mabakunahan sa lalong madaling panahon upang mas mabilis rin po nating mabuksang muli ang ekonomiya. Kapag bukas ang ekonomiya, mas marami ang makapagtrabaho at mas mababawasan ang nagugutom.”

 

 

Nagpasalamat naman si Dr. Jerica Miah Borgonia, isa sa mga nabakunahan mula sa BMC, dahil sa kaayusan at proseso ng pagbabakuna ng Pamahalaang Panlalawigan.

 

 

“Maayos po ang naging proseso ng pagbabakuna. Sa akin naman po ay walang problema kahit anong bakuna ang available, ang mahalaga ay mabakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Sa kanyang panapos na mensahe, sinabi ng punong lalawigan na pinakamabisa sa lahat ang paghingi sa Panginoon ng gabay laban sa nararanasang pandemya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

SHARON, nag-react sa #CuBao dahil mas type niya ang #MaRon sa team-up nila ni MARCO

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BENTANG-BENTA sa netizens ang pinost ni Direk Darryl Yap sa kanyang FB account VinCentiments na kung saan nag-last shooting day na pala sila ng Revirginized na pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta.

 

 

Kasama nga ni Sharon ang newest leading man niya na si Marco Gumabao sa naturang post na kinakiligan din ng netizens.

 

 

May caption na, #ReVirginized• Last Day of Shoot cuneta <3 gumabao #CuBao ilalim o ibabaw? SAKAY NA!!! #MaRon #Sharon #Marco written and directed by Darryl Yap.”

 

 

Ni-repost naman ito ni Sharon at nag-caption ng, “Morphe & Carmela (“Revirginized”).  #sharoncuneta  #direkdarrylyap @gumabaomarco #pawi.”

 

 

Tuwang-tuwa nga ang followers ni Mega at may nagsasabing meron silang chemistry ni Marco kahit na malayo ang kanilang edad.

 

 

Marami rin ang pumili sa Team #CuBao, bagay na nag-react si Sharon.

 

 

Post niya sa IG, “Pleeeeeeease don’t call us CUBAO!! MARON (marron means pala “brown” in French) please na lang utang na loob! Or I’ll call you BROWNIE hala!Hahaha!”

 

 

Ni-repost din niya ang IG post ni Marco na labis-labis ang pasasalamat sa Megastar, “It’s a wrap!! Grabe, di pa rin ako makapaniwala @reallysharoncuneta for the opportunity to work with you. A dream come true! I will forever cherish this project.

 

 

“Of course thank you also to direk Darryl Yap! Such a brilliant and cool director. can’t wait for the next one!”

 

 

Nakisakay din si Marco sa #hashtags ni pinost ng kanilang direkytor.
Sabi niya, “So guys, #Maron or #CuBao? Take your pic. (STOOOOOOOP! Hahahaha! Pawiiiiiii!).”

 

 

Kaya nag-react din si Sharon dahil hindi talaga niya type na tawagin ang tandem nila ni Marco na #CuBao.

 

 

“Don’t na kasi encourage CuBao!!! Para naman tayong stop sa bus o MRT nyan! Hahaha! You’re welcome Pawi! And thank you so much also. It was really nice working with you too!”

 

 

Agad din namang nag-react ang mga followers at nag-agree sa gusto ng Megastar.  Kaya gumawa sila ng fan art ng Team #MaRon at request nila na magkaroon ng collab vlog ang dalawa, tulad ng Q & A or game, na usong-uso sa YouTube channels ng mga stars.

 

 

Well, abang-abang na lang tayo kung pagbibigyan nina Sharon at Marco ang nire-request ng mga fans. (ROHN ROMULO)

DOTr: PNR Clark Phase 1,2 pinabibilis ang konstruksyon

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang Philippine National Railways (PNR) Clark Phase1,2 project ay inaasahang matatapos ayon sa schedule matapos na ipagutos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na pabilisin ang konstruksyon nito.

 

 

“We have a lot of catching to do with so little time left. I want to have this project benefitted a lot of people. That’s why I am pushing and pressuring the Railway sector really hard to fast tract the construction works of this big-ticket railway project in the best way possible,” wika ni Tugade.

 

 

Mayron nang overall progress rate na 43 percent at construction phase rate na 11.78 percent noong January 2021.

 

 

Ang 38-kilometer PNR Clark Phase 1 ay magkakaron ng operasyon mula sa Manila papuntang Malolos sa Bulacan. Ito ang unang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Tutuban sa Manila at Bulacan mula isang oras at 30 minuto ng 35 minuto na lamang. Tataas naman ang railway capacity sa 330,000 passengers kada araw.

 

 

“This will be partially operable by the fourth of 2021 and full operations in the second quarter of 2024,” saad naman ni PNR general manager Junn Magno.

 

 

Samantala, ang 53-kilometer na PNR Clark Phase 2 na mula sa Malolos hanggang Clark sa Pampanga ay may overall progress rate na 27.79 percent noong katapusan ng January 2021.

 

 

“Once completed, travel time between Bulacan and Pampanga will be reduced from the current one hour and 30 minutes to just 35 minutes. It can accommodate 150,000 passengers daily as the country’s first airport express service,” dagdag ni Magno.

 

 

Ang ikalawang bahagi ng NSCR ay inaasahang magiging partially operational sa second quarter ng 2023 at ang full operation ay tinatayang mangyayari sa third quarter ng 2024.

 

 

Travel time mula sa Manila papuntang Clark ay magiging 55 na minuto na lamang kumpara sa 2 oras ng paglalakbay sakay ng kotse.

 

 

Ayon pa rin kay Magno ang mga ginagawang improvements sa PNR stations, routes, at trains ay tuloy-tuloy.

 

 

Dati rati noong 2017, ang PNR ay may 4 routes, 24 stations at seven-train sets lamang subalit sa ngayon ito ay mayron ng 7 routes, 34 stations at 11-trains sets noong katapusan ng 2020.

 

 

Ang huling bahagi ng NSCR ay ang PNR Calamba na may 56-kilometer na haba mula Solis sa Manila papuntang Calamba, Laguna at magkakaron ng travel time na isang oras na lamang mula sa dating tatlong oras na paglalakbay. (LASACMAR)

Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.

 

 

Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 ng Pebrero, na isa sa mga dahilan ng pag-aakyat ng alert level ngayong Martes.

 

 

Maliban diyan, lubha ring umiinit at sumipa ang acidity ng Main Crater Lake. Patuloiy din ang “slight deformation” ng Taal Volcano Island sa ngayon maliban sa “microgravity changes.”

 

 

“Ang ibig sabihin, maaaring may magmatic activity na pwedeng mauwi o hindi sa pagsabog,” ayon sa babala ng Phivolcs sa Inggles, Martes.

 

 

“Sa Alert Level 2, hindi pa naman inirerekomenda ang paglikas. Gayunpaman, ipinaaalala sa publiko na Permanent Danger Zone (PDZ) ang Taal Volcano Island at ang pagpasok sa TVI, lalo na sa mga lugar ng Main Crater at Daang Kastila fissure, ay dapat panatilihing ipinagbabawal.”

 

 

Pinapayuhan din ng state volvanologists ang mga lokal na pamahalaan na patuloy tasahin ang dati nang evacuated barangays sa paligid ng Lawa ng taal para sa mga pinsala.

 

 

Pinasusuri din ang accessiblity ng mga kalsada at pinaghahanda ang mga nabanggit kung sakaling magkaroon ng mga panibagong pagkaligalig.

 

 

“Dapat ding ipaiwas ng civil aviation authorities ang mga piloto sa paglipad malapit sa bulkan lalo na’t posibleng maging magdulot ng peligro sa eroplano ang airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagputok,” dagdag pa ng Phivolcs.

 

 

Dagdag pa nila, maaaring maging delikado ang wind-remobilized ash. Patuloy naman inoobserbahan ng naturang ahensya ang aktibidad ng Bulkang Taal at agad-agad naman daw ibabalita.

 

 

Ika-16 lang ng Pebrero ngayong taon nang magkasa ng mga forced evacuations sa dalawang sitio ng Talisay, Batangas bilang pag-iingat sa mga aktibidad ng bulkan.

 

 

Matatandaang ika-14 ng Pebrero, 2020 nang ibaba rin ng gobyerno sa Alert Level 2 ang bulkan matapos nitong mag-alboroto nang husto noong Enero ng taong iyon.

 

 

Ika-12 ng Enero nang magbuga ng ash column ang Taal hanggang sa tuluyang magluwa ng lava fountain sa sumunod na araw. Dahil dito, inilikas ang libu-libo at nasira ang maraming kabahayan at establisyamento sa Batangas.

 

 

Umabot hanggang Metro Manila ang abo mula roon, dahilan para payuhan ang lahat na magsuot ng n95 masks dahil sa negatibong epekto nito sa kalusugan. (Gene Adsuara)

BARBIE, itinuturing na ‘lucky charm’ ang boyfriend na si JAK

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Kapuso actress Barbie Forteza sa kanyang boyfriend na si Jak Roberto na itinuturing niyang lucky charm ang actor. 

 

 

Sa interview ni Barbie sa 24 Oras, inihayag niyang simula nang maging sila ni Jak three years ago, nagkasunud-sunod na raw ang kanyang mga projects.

 

 

“Tulad po ngayon na magtatapos pa lamang ang primetime series naming Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday this Friday, March 12, isinama na po ako sa noontime variety show na All Out Sundays as one of the hosts, at  may bago na ulit akong project na gagawin,” sabi ni Barbie.

 

 

“Magsisimula na po akong mag-taping ng isang episode ng drama anthology na I Can See You, na makakatambal ko si Paul Salas, parang reunion namin ito, dahil una kaming nagkasama ni Paul sa Kara Mia.  At excited po ako dito kasi first time kong makakasama si Mr. Christopher de Leon.

 

 

    “May separation anxiety naman kami ng buong cast ng matatapos naming series, mami-miss namin ang isa’t isa, lalo na at talagang naging close kami nang mag-lock-in taping kami, at mas nakilala namin ang isa’t isa. 

 

 

It’s great to work kasama ang mga mahuhusay na actor na sina Ms. Snooky Serna, Ms. Dina Bonnevie at si Sir Jay Manalo, ganun din si Kate Valdez at Migo Adecer. Ang aabangan po rito ay kung as Ginalyn, ang tunay na anak ni Ms. Dina, ay tatanggapin niya ako.”

 

 

Ang serye ay napapanood 8PM after ng 24 Oras.

 

 

***

 

 

MARAMI nang naghihintay kung gaano raw kataray ang character ni Carmina Villarroel sa GMA Afternoon Prime na Babawiin Ko Ang Lahat. 

 

 

First time kasi ito ni Carmina na gumaganap bilang kontrabida at labanan sila ng actng ng nagbabalik na actress na si Tanya Garcia-Lapid.

 

 

“Pero binasa ko rin muna ang script nang i-offer nila sa akin ang kontrabida role at nagustuhan ko naman ang character ko, tapos, gusto ko ring makatrabaho si Tanya, dahil first time kaming magsasama. Madali kaming nagkapalagayang-loob nang mag-lock-in taping na kami. 

 

 

At dahil parehong nanay, lagi kaming nagkukuwentuhan tungkol sa mga anak namin, kambal ang mga anak ko at siya naman tres marias ang mga anak nila ni Mark. 

 

 

Abangan ninyo rito kung paano ko aapihin si Tanya as Kristine at ang anak niyang si Iris (Pauline Mendoza), na siyang magsasabi na ‘babawiin ko ang lahat.’

 

 

Napapanood daily ang serye at 3:20 PM after Magkaagaw. (NORA V. CALDERON)

NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.

 

 

Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.

 

 

Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses na testing ang mga manlalaro, coaches at mga opisyal na nanood sa Atlanta.

 

 

Dahil rin sa protocols na ipinatupad ay hindi na pinaglaro sina 76ers star Joel Embiid at Ben Simmons matapos na na-exposed sila sa taong nagpositibo sa virus.

 

 

Magugunitang nagpahayag ang ilang manlalaro ng pagkabahala na magiging daan pa ang All-Star games kapag ito ay itinuloy.

20M doses ng Covid- 19 vaccine, makukuha sa second quarter ng taon

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY makukuha pang mahigit na 20 million doses ng COVID-19 vaccines ang Pilipinas sa second quarter ng 2021.

 

Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi ni vaccine czar and National Task Force against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ito’y sa pagitan ng buwan ng Abril, Mayo o Hunyo.

 

Bagama’t hindi naman niya idinetalye ang bilang ng doses para sa kada brand ng bakuna ay sinabi ni Sec. Galvez na ang 20 million doses ay manggagaling mula sa Sinovac BioTech, World Health Organization-led COVAX facility, Novovax, at AstraZeneca.

 

“So kung June — June – July, kung sa second quarter, we expect na mayroon tayong ano, sir, nandiyan ang Sinovac at saka ‘yong nandiyan din po ‘yong COVAX at saka iyong Novavax. And then also ‘yong ano sir sa May – June, baka dumating na rin po ‘yong AstraZeneca. Mayroon pong order ang ano ang private sector na 2.6 million.

 

So nakita natin baka humigit  tayo ng mga ano mga 20 million po ang ating makukuha between ano — between the ano April, May, June po, sir, iyong ano ‘yong second quarter po,” ang pahayag ni Sec.Galvez.

 

Sa ulat, lumagda ang pamahalaan at ang private sector ng isang kasunduan noong Nobyembre ng nakalipas na taon nagsasaad na bibili ng bakuna sa AstraZeneca.

 

Target naman ng pamahalaan na sa “second quarter” ng kasalukuyang taon ay nabakunahan na ang lahat ng economic frontliners. (Daris Jose)

Ads March 10, 2021

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Wonder Woman Versus Steppenwolf in New ‘Justice League’ Trailer

Posted on: March 10th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IN time for International Women’s Day, it is Wonder Woman turn to shine, with the latest teaser and poster dedicated to her journey in the upcoming director’s cut.

 

 

Zack Snyder’s Justice League unites Batman (Ben Affleck), Wonder Woman (Gal Gadot), Aquaman (Jason Momoa), Cyborg (Ray Fisher) and The Flash (Ezra Miller) to save the world from Steppenwolf, DeSaad, and Darkseid.

 

 

The new character-based trailer features Wonder Woman versus Steppenwolf. Watch the trailer below:  https://www.instagram.com/p/CMKhIK3HcDt/

 

 

The abbreviated trailer, which premiered on director Zack Snyder‘s Twitter, is a more emotional watch than expected, however, when you recall that the plot of the original Justice League movie involved Steppenwolf (Ciarán Hinds) and his army carrying out a siege against the Amazons on Themyscira in order to secure one of his precious Mother Boxes.

 

 

Voiceovers from familiar characters such as Diana’s mother, Queen Hippolyta (Connie Nielsen) and Steppenwolf himself are sobering reminders of the fact that for Wonder Woman, part of this fight is definitely personal. The good news, however, is that Diana will have powerful allies in the Justice League to take on this threat.

 

 

The highly anticipated director’s cut has a runtime of 242 minutes, so expect a lot of additional scenes and characters that were not in the original 2017 film.

 

 

The digital release will be split into chapters, which are:

  • Chapter 1: Don’t Count on It, Batman
  • Chapter 2: The Age of Heroes
  • Chapter 3: Beloved Mother, Beloved Son
  • Chapter 4: Change Machine
  • Chapter 5: All the King’s Horses
  • Chapter 6: Something Darker

 

 

Zack Snyder’s Justice League will premiere same time as the U.S. on HBO GO in the Philippines on Thursday, March 18, 2021.

 

 

To watch Snyder Cut, download HBO GO at the App Store or Play Store on your device. You can also access HBO GO via Cignal or at https://www.hbogoasia.com/HBO GO can be accessed via Android TV, Apple TV, LG TV and Samsung Smart TV – and comes with AirPlay and Google Cast functionality. (ROHN ROMULO)