• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 20th, 2021

KELLEY DAY, ready nang mag-compete sa ‘Miss Eco International 2021’ sa Egypt

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

READY nang mag-compete si Kelley Day sa Miss Eco International 2021 sa Egypt ngayong April.

 

 

Ayon kay Kelley, matagal daw siyang nag-prepare for the pageant noong hindi ito natuloy last year dahil sa COVID-19 pandemic. Ngayon ay naayos na ang lahat ng fittings niya para sa mga isusuot niyang gowns sa pageant.

 

 

“The outfits are to be finalized with the fittings and everything but other than that okay na. I have like a lot of suitcases that I can use kasi parang worry ko with the gowns and everything sometimes it’s hard to pack,” sey pa ni Kelley.

 

 

Sasailalim sa swab test ang beauty queen bago lumipad patungong Egypt at mauulit iyon paglapag nila roon.

 

 

“Then there will be a quarantine period until my results come out na negative ako. So, fingers crossed that I am gonna be negative para I can be a part of the pageant,” diin ni Kelley.

 

 

Siniguro daw ng pageant organizers na ang mga kandidata ng Miss Eco International ay magiging safe throughout the pageant.

 

 

“The places that we’re going to are limited. We’ll be going to two different resorts within the two and a half weeks and we’re pretty much in a bubble. Parang isolated din kami kasi it’s a big resort, so we won’t be in the areas na ang dami-daming tao. We should be quite safe,” sey pa ni Kelley.

 

 

Whatever happens daw, may babalikan na showbiz career si Kelley sa Pilipinas.

 

 

“There are actually a lot of upcoming projects that I’m really excited about talaga. We were supposed to do one sana within the last couple of months but because of the pageant, we’ll hold it off na lang until I get back.”

(RUEL J. MENDOZA)

39 NSAs sigurado ang pondo para sa SEAG

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maghihigpit ng sinturon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga National Sports Associations (NSAs).

 

 

Sa ngayon, tanging 39 NSAs lamang ang i­naprubahan ng PSC na makatatanggap ng pondo mula sa government sports agency.

 

 

Ito ay ang mga NSAs na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi Vietnam.

 

 

Nangunguna sa listahan ang athletics, arnis at dance sport na humakot ng gintong medalya sa nakalipas na SEA Games na ginanap sa Pilipinas.

 

 

Bagama’t hindi kasama ang arnis sa Vietnam SEA Games, kasama ito sa popondohan ng PSC dahil ito ang national sport ng bansa.

 

 

Pasok din ang boxing, gymnastics at weightlifting na pare-parehong may pambato sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo sa Japan.

 

 

Ipaparada ng boxing sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno habang aariba rin si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

 

 

Isang torneo na lamang ang kailangang puntahan ni Rio Olympics silver meda­list Hidilyn Diaz – ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan – para makapasok sa Tokyo Olympics.

 

 

Kwalipikado na rin si SEA Games record-holder EJ Obiena na mula sa athletics.

 

 

Maliban sa mga na­banggit na sports, nasa listahan din ng PSC ang  aquatics, taekwondo, fen­cing, wushu, chess, canoe-kayak, basketball, volleyball, football, handball, triathlon, esports, judo, pencak silat, shooting, karate, rowing, wrestling, kickboxing, muay thai, bodybuilding, billiards and snooker, tennis, golf, archery, badminton, bow­ling, jiu-jitsu, sepak takraw, vovinam, fin swimming, cycling at table tennis.

 

 

Sariling gastos ang magiging sitwasyon ng mga hindi nakasama sa 39.

 

 

Ngunit hindi naman dapat mawalan ng pag-asa ang mga NSAs na hindi nabanggit dahil posible silang madagdag sa listahan sa oras na muling magsagawa ng review ang PSC.

VILMA at DINGDONG, pangungunahan ang maningning na Gabi ng Parangal ng ‘4th EDDYS’ sa April 4

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang digital platforms.

 

 

Si Ate Vi, na kauna-unahang EDDYS Best Actress para sa pelikulang Everything About Her noong 2017, ang naatasang mag-present ng Best Actress award habang ang Kapuso Primetime King na nagwagi ng 3rd EDDYS Best Actor (para sa pelikulang Sid & Aya) ang maghahayag ng mananalong Best Actor.

 

 

Sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ni Chairperson/CEO Liza Diño-Seguerra, ang ikaapat na edisyon ng The EDDYS ay sa ilalim ng direksyon ng OPM icon na si Ice Seguerra.

 

 

Labing-apat na kategorya ang paglalabanan ng mga de-kalidad na pelikulang ipinalabas noong nakaraang taon.

 

 

Bukod diyan, bibigyang-pagkilala rin ang mga natatanging artista at personalidad na nagmarka at walang sawang tumutulong sa industriya ng pelikula.

 

 

Ang 2021 Icon awardees ay sina Tommy Abuel, Pilar Pilapil, Boots Anson-Rodrigo, Gina Pareño, Gloria Sevilla, Dante Rivero, Ronaldo Valdez, Direk Joel Lamangan, Ricky Lee at Caridad Sanchez.

 

 

Ilulunsad din sa gabing iyon ang Isah V. Red Award bilang pagkilala at pag-alala sa yumaong founding president ng SPEEd na si Isah V. Red.  Ang mga unang tatanggap ng IVR Award ay sina Ramon Ang, Senator Bong Revilla, Kim Chiu, Angel Locsin, Claire de Leon-Papa at Rhea Anicoche-Tan.

 

 

Special awardees naman sina Lolit Solis (Joe Quirino Award)at Mario Bautista (Manny Pichel Award); at ang Blacksheep Productions (Rising Producers Circle Award); at The IdeaFirst Company (Producer of the Year Award).

 

 

Samantala, sa ikatlong taon ng pagsasanib-pwersa ng SPEEd at FDCP para sa The EDDYS, sinabi ni Chair Liza na, “Ikinararangal ko pong maging kabahagi ng EDDYS ang FDCP. Sa lahat po ng mga pinakamahalagang yugto sa buhay ng FDCP, kasama po namin ang mga kapatid natin sa press. Naging kabahagi po kayo nang lahat ng tagumpay at pagsubok sa pagtataguyod ng ating cinema at ng industriya.

 

 

“On the occasion of its 4th year, the EDDYS continues its commitment to shine a light on the most brilliant spots of our newsworthy industry,” dagdag pa niya.

 

 

Tulad ng mga nakaraang taon, si Juancho Robles, managing partner ng Chan Robles & Company, CPAs, ang tatayong auditor ng 4th EDDYS.

 

 

Major sponsors naman ang toktok courier service/delivery app at Beautederm Corporation. Ang iba pang katuwang ng SPEEd sa pagdaraos ng 2021 Entertainment Editors’ Choice ay ang mga sumusunod: House Speaker Lord Allan Velasco, Rep. Alfred Vargas, Rep. Niña Taduran (ng Patrylist na ACT-CIS), Willie Revillame, Raffy Tulfo, Tiger Crackers, Smart Shot Studio, San Miguel Corp., Aficionado of Joel Cruz at Maris Pure Corp.

 

 

Ang 4th EDDYS ay mapapanood sa April 4, 8 p.m., sa FDCP Channel (sa ilalim ng EVENTS tab), SPEEd Facebook page at iba pang digital platforms. Mag-register lang sa FDCP Channel para sa libreng access.  (ROHN ROMULO)

‘Unahin vaccination rollout sa NCR’– experts

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.

 

 

Aniya, hindi raw lalaganap ang covid sa Metro Manila kapag mababakunahan ang nasa pito hanggang sa walong milyong mga residente.

 

 

Mas maigi rin umanong mabakunahan din ang mga residenteng nasa paligid ng NCR gaya ng Calabarzon at Central Luzon na marami ring kaso ng nakamamatay na virus.

 

 

Dagdag ni David, matatagalan daw ang Pilipinas na maabot ang herd immunity sa target nilang 70 percent ang mga mababakunahan sa kabuuang populasyon ng bansa o nasa 70 million na katao

 

 

Una rito, sinabi ng OCTA na posibleng aabot sa 11,000 covid case ang maitatala sa Metro Manila pagsabit ng katapusan ng buwan ng Marso. (Daris Jose)

80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.

 

 

“Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman.

 

 

Biniberipika pa ng DOH ang lokasyon ng 20 por­syento ng mga kaso dahil maaaring na-test sa ibang lugar ang mga pasyente ngunit nakatira naman sa ibang rehiyon sa bansa dulot ng mas maluwag na pagkilos ngayon ng mga tao.

 

 

Pinag-aaralan din ng DOH ang epekto ng P.3 va­riant na may N501Y at E484K mutations na matatagpuan rin sa UK, South Africa at Brazil variants.

 

 

Ayon kay De Guzman, ang N501Y mutation ay iniulat na mas nakahahawa habang ang E484K mutation naman ay maaa­ring makaapekto sa bisa ng mga bakuna. (Gene Adsuara)

LeBron at Jeremy Lin nagpaabot nang pakikiramay sa mga biktima ng pamamaril sa Atlanta

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaabot nang pagdarasal sa buong Asian community si NBA superstar LeBron James.

 

 

Ito ay matapos ang nangyaring pamamaril sa Atlanta na ikinasawi ng walong katao na karamihan ay mga Asyano.

 

 

Tinawag din nito ang 21-anyos na suspek na si Robert Aaron Long na isang “duwag.”

 

 

Bukod kay James nagpaabot rin ng pakikiramay si dating NBA player Jeremy Lin na inilarawan ang insidente bilang nakakasakit sa puso.

 

 

Magugunitang unang pinagbabaril ng suspek ang mga nasa Young Asian Massage Parlor sa Cherokee County sa Georgia na ikinasawi ng apat na katao at isa ang sugatan.

 

 

Matapos nito ay nagtungo siya sa Gold Massage at pinatay ang tatlong iba pa bago nagtungo sa Aromatherapy Spa at napatay ang isa.

 

 

Sa walong nasawi ay anim dito ay mga babaeng Asyano.

Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.

 

 

Kapag naisumite na ang mga kakailanganing dokumento ay agad nilang ibibigay na ang allowances ng mga atleta.

 

 

Nauna rito ibinunyag ng Pinay boxer na si Irish Magno na wala pa silang natatanggap na allowance ng dalawang buwan.

 

 

Sinuportahan naman nito ng kapwa boksigero na si Eumir Marcial.

 

 

Nauna ng binawasan ng gobyerno ang allowance sn mga atleta noong kalagitnaan ng 2020 para bigyan daan ang paglaban sa COVID-19.

 

 

Muling ibinalik ito ng PSC matapos na matanggap nila ang pondo na P180-milyon sa ilalim ng Bayanihan Act 2.

Gobyerno, ginagawa ang lahat ng makakaya para para matamo ang herd immunity mula sa Covid-19

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

GINAGAWA ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para makamit ang nilalayon nitong herd immunity mula sa COVID-19 upang magkaroon ng mas maayos na Pasko ang mga mamamayang Filipino ngayong taon.

 

“Our declaration is we will have a better Christmas this year. That needs to be our target, that we will have a better Christmas,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

 

Aniya, ang target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Filipino ngayong taon ay nananatiling “achievable” sa kabila ng nagkaroon ng bahagyang pagbagal sa vaccination program.

 

“Right now we’re really moving slow because we can’t vaccinate all our health workers at once. Somebody needs to man the hospital in case of adverse effects,” aniya pa rin.

 

Tinatayang may 1,125,600 doses na ang dumating sa bansa na nakareserba para sa mga health workers, ikinukunsiderang top priority ng vaccination campaign ng pamahalaan.

 

Inaasahan naman ng Pilipinas na matatanggap nito ang 2.3 milyong doses mula Sinovac at AstraZeneca ngayong Marso at milyong higit pa sa mga darating na buwan.

 

“We are relentlessly looking for a stable and steady supply… We are very ambitious that we can vaccinate more or less 70 million people,” ayon kay Galvez. (Daris Jose)

SHARON OSBOURNE, nag-apologize na sa ‘racist remark’ pero posible pa ring matsugi sa talk show

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAAKUSAHAN ang The Talk host na si Sharon Osbourne ng pagiging isang racist.

 

 

Ito ang naging issue ng naturang talk show na kasalukuyang in hiatus dahil inaalam pa kung ang kahihinatnan ng mga reklamo laban kay Osbourne.

 

 

Nagsimula ang lahat nang kampihan ni Osbourne si Piers Morgan na nagsabing nagsisinungaling si Meghan Markle sa interview nito with Oprah Winfrey.

 

 

Sinabihan ni Sheryl Underwood si Osbourne ng: “While you are standing by your friend, it appears that you are giving validation or safe haven to something that he has uttered that is racist.” 

 

 

Nagsunud-sunod na ang mga naging reklamo kay Osbourne, “for the used of offensive language, including racial epithets towards former co-host/exec producer Julie Chen as well as lesbian slurs when referring to former co-host/exec producer Sara Gilbert.”

 

 

Tinawag daw ni Osbourne ang former host na si Julie Chen, who is Chinese/American, as “wonton” and “slanty eyes.”

 

 

Ang former co-host and executive producer na si Sara Gilbert, who is a lesbian, ay tinawag ni Osbourne na “pussy licker” and “fish eater”.

 

 

Ang isa pang co-host na si Holly Robinson Peete ay tinawag daw ni Osbourne na “too ghetto” at pinatanggal niya ito sa show.

 

 

Naglabas ang CBS network ng official statement regarding the issue:

 

“CBS is committed to a diverse, inclusive and respectful workplace across all of our productions. We’re also very mindful of the important concerns expressed and discussions taking place regarding events on The Talk.

 

 

This includes a process where all voices are heard, claims are investigated and appropriate action is taken where necessary. The show will extend its production hiatus until next Tuesday as we continue to review these issues.”

 

 

Nag-tweet si Osbourne tweeted ng apology sa mga na-offend niya racially.

 

 

“To anyone of colour that I offended and/or to anyone that feels confused, or let down by what I said. I was panicked, felt blindsided and got defensive.”

 

 

Hindi raw malayong matsugi sa show si Osbourne kapag napatunayan ang mga racist remark niya sa ginagawang imbestigasyon ng network.

(RUEL J. MENDOZA)

Ads March 20, 2021

Posted on: March 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments