• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 23rd, 2021

Yee, Davao kampeon sa MPBL Lakan Cup

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASOK ang ex-pro na si Mark Yee ng krusyal na three-pointer sa  pinaleng 13.4 segundo upang paalpasin at  paghimagsikin ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa San Juan Knights Go For Gold sa Game Four overtime, 89-88, at sunggaban ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 title Linggo ng gabi sa Subic Bay Gym bubble.

 

 

Kayod-marino ang 39 na taong-gulang, 6-3 ang taas na forward at tubong Sagay City pride sa tinapos na 19 points, 12 rebounds at 3 assists para sa 3-1 win ng Davaoeños sa best-of-five series at makaresbak sa second season Game Five loss national finals sa harap ng kanilang mga kababayan sa Davao.

 

 

Kasama ang Games 1-3 win na 77-75 OT rin at 66-58.

 

 

Kasabwatan ni Yee sa Tigers na dinale rin ang Games One at Thee via 77-75 OT din at 66-58, si Emman Calo na may game-high 22 markers.

 

 

“Hindi ko gawa ito kundi ng Panginoong Jesus,” suma ni Yee na pinili ring Final MVP sa winning basket. “Dahil alam namin na hindi namin kaya kung wala Siya. Nagtiwala lang kami sa Panginoon.”

 

 

Nabasura lang ang 19 pts. at 8 rebs. ni Larry Rodriguez para sa deposed champion team na bulilyasong pahabain ang serye sa Game 5 tapos tumabla sa Game 2, 70-65.

 

 

Ang iskor:

 

Davao –  Calo 22, Yee 19, Terso 11, Robles 11, Mocon 9, Balagtas 8, Gaco 4, Saldua 3, Custodio 2, Ludovice 0.

 

San Juan – Rodriguez 19, Clarito 18, Isit 14, Wilson 13, Wamar 7, Tajonera 6, Gabawan 4, Ayonayon 3, Aquino 2, Estrella 2, Reyes 0, Pelayo 0. (REC)

Health workers nanlulumo na sa pagdami ng COVID-19 cases

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanlulumo na umano ang ilang healthcare workers, dahil imbis na bumuti, mas malala pa anila ngayon ang sitwasyon dahil lalo pa ang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

“Nakakawala ng pag-asa, wala nang gana. Marami nang nag-abroad, hindi naman natin sila masisisi kasi even throughout the year marami kaming calls, pero parang wala namang natugunan ‘yung government and ito na naman, boom, mas mataas pa ‘yung bilang kaysa sa mga nauna,” ani Jaymee De Guzman ng Filipino Nurses United.

 

 

Ramdam na aniya nila ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit at dumaraming dinadala ngayon sa mga ospital.

 

 

“We feel it in the hospital kasi talagang punung-puno na kami, pati mga empleyado nag-positive. Ironic pa, after pa nung nabakunahan saka pa dumami ‘yung positive patients,” ani De Guzman.

 

 

Sa kasagsagan ng pagdami ng COVID-19 cases noong Agosto 2020 ay nanawagan ang mga health workers ng timeout at isailalim ang Kamaynilaan sa mas istriktong community quarantine.

 

 

Pero para kay De Guzman, hindi ngayon ang panahon para humingi ng timeout lalo’t mas kailangan sila ngayon ng bayan dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

 

 

Panawagan lang ng FNU na tapatan ng gobyerno ang serbisyong ibinibigay nila.

CTSI Eagle Ridge Ladies Championship kinansela

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KANSELADO ang International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) Eagle Ridge Golf and Country Club Ladies Championship, na nakatakda sanang mag-umpisa nitong Martes, Marso 23 sa Norman course sa General Trias, Cavite bunsod sa pagtaas ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

 

Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Linggo, Mar. 21, na ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar dahil sa pagsirit ng pandemya  sa mga nakalipas na ilang lingo.

 

 

Ang hakbang ng pamahalaan ang humimok sa Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) na ipagpaliban muna ang ikalawang yugto ng Ladies Philippine Golf Tour (LPGT) 2021, isang tatlong araw na paluan na aabutin dapat ng Huwebes, Mar. 25.

 

 

“In line with the new IATF Resolution, Cavite shall be placed under GCQ from March 22-April 4, 2021. For the safety and protection of our players and employees, the ICTSI Eagle Ridge Ladies Championship will be cancelled until further notice,” ayon sa PGTI. (REC)

Saso may ₱178K grasya sa pagpuwestong ika-50

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MALAMYA ang pangatlo at pinaleng round ni Yuka Saso nang tumira lang two-over par 74 para sa 218 aggregate para humanay sa triple-tie sa ika-50 posisyon na may ¥400K (₱178K) bwat sa pagrolyo ng 12th T point x Eneos golf tournament sa Kagoshima Takamaki Country Club sa Kagoshima Prefecture, Japan nitong Linggo, Marso 21.

 

 

Pinagreynahan ang tatlong araw na hambalusan ng local bet na si Sakura Koiwai na may 70-206 para sa dalawang palong tagumpay sa tatlong mga kalahik na nagtablahan sa ikalawa-ikaapat na puwesto mga parehong total na 208s.

 

 

Sunod sa misyon ng 19-anyos na na Fil-Japanese, tubong San Ildefonso, Bulacan at top PH rrokie pro ang ¥80M (₱35.7M) 9th AxaLadies Golf Tournament in Miyazaki 2021 sa UMK Country Club sa Miyazaki Prefecture sa  Marso 26-28.

 

 

Ang tatlong araw na torneo ang 18th leg ng 53rd Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020-21 at pang-apat niya sa taong ito. (REC)

SHARON, nanawagan na ipagdasal ang kanyang ‘Pawiboy’ na may heart enlargement; netizens, napa-’sana all’ sa biniling LV collar

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY latest update si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang inampon na Aspin na si Pawi.

 

 

Post niya sa kanyang IG account,Latest update on my baby Pawiboy. PLEASE PRAY FOR MY DOGGIE…his heart is enlarged@gumabaomarco Daddy Pawi pray for Pawiboy please.”

 

 

Agad namang nag-comment ang followers ni Sharon at nagpahatid na ipagdarasal nila si Pawiboy na mabilis na gumaling at ilang dito:

 

 

“He chose you, you were there to save him. Praying that he will be alright, he deserve a second chance to live with much love. I applaud you for your good heart.”

 

 

“Pawi will be fine. It says “slight enlargement” so nothing to worry about. I am sure the vet who is taking care of him will do everything in his power to make Pawi better so he will be reunited with his fur Mom – Miss Sharon ❤.”

 

 

“oh my praying for his speedy recovery god bless po.”

 

 

“Kung kelan nmn natagpuan na sya nng tunay na mgmamaahal sa knya.. Get well pawi boy antay ka ni mama shawie mo..”

 

 

“Naiiyak nman ako. Praying for your fast healing brave Pawiboy.In gods grace amen.”

 

 

Sa rami nag-react at nag-pray at nag-wish sa speedy recovery ni Pawi na para isa talagang tao, may isang netizen na nag-comment ng, Prayers for the millions of Filipinos that are jobless and hungry right now and not for this dog.

 

 

Sagot naman ng isang follower, D dapt ng pray ka na deretso Instead of commenting here.. Tingin ko namn sa attitude mo Hindi ka nmn marunong mg pray.. Anong problema mo sa dog.”

 

 

Eto pa ha sa tingin ko yong nagugutom ngayon at nawalan ng trabaho sila yong bumoto last 2016 ELECTION. Di po kasalanan sa aso ni maam shawie kong daming nagutom at walang trabaho.

 

 

Muling nag-comment ang netizen,All I’m saying is… I would rather give my prayers to the people who are inflicted with the disease, hunger and millions of people who doesn’t have a job because of the pandemic. #noargument #freespeach.”

 

 

Samantala, tinupad ni Sharon ang pinost ni bibilhan niya si Prince Pawi ng LV collar dahil part na ito na kanyang pamilya.

 

 

Caption ni Mega sa photo na kanyang pinost, Pawiboy, your collar is on its way home from Italy. Now I’m just waiting for you!

 

 

Maraming netizens naman ang napa-’sana all’ at nag-wish na sana naging aso na lang sila na minamahal ni Mega, na sa totoo lang, sobrang blessed and lucky naman ni Pawi.

 

 

“Wow ganda ng collar ni Pawiboy at LV pa nakss Pawi ibang level ka na Hahaha! Sana all si Pawi na lang Hahahaha.”

 

 

“Omg parang nanalo nang lotto si pawi, god guide pawi na lumapit sau mega, buhay tlga dmo masabi anong swerteng darating , grabeeee from poor to rich pawi.”

 

 

“Daddy Pawiii @gumabaomarco may collar na baby pawii nyo.”

 

 

“ay sana all… parang gusto ko na lang din maging dog arf arf… ms sha… baka naman po.”

 

 

“Thank u Ms Mega.. u really have a golden heart! Pawiboy u r lucky. Stay safe my Mega Star!”

 

 

“I am in tears, tears of joy and happiness. You are an angel sent from above Ms Sharon. One of the many reasons I admire and love you. God bless your beautiful soul.”

 

 

“Iba talaga magmahal ang isang @reallysharoncuneta.” (ROHN ROMULO)

PANAWAGAN ng LCSP – SIGURADUHIN ang MURANG HALAGA at SAPAT na SUPPLY ng FACE SHIELDS PARA SA COMMUTERS

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mapagsamantalang mga negosyante at hoarders bantayan at kasuhan!  Biglang nagkaubusan ng face shield at tumaas pa ang presyo nito matapos i-anunsyo ng DOTr na kailangan ay naka face shield at face mask na ang mga pasahero kung nais makasakay sa pampublikong sasakyan. Ibig sabihin – no face mask at no face shield, no ride!

 

 

Ang rason ay 99 percent risk reduction daw ng Covid-19 cases kapag may ganito at naka social distance ang nga tao. Pero bakit ngayon lang naisip ito? Ilang buwan na ang nakaraan?

 

 

Aba, akalain mo na 99 percent reduced risk – halos zero na ah! Malaking proteksyon ito. Pero bakit ngayon lang? Sa ibang bansa ba na mababa ang positibo sa Covid-19 may ganitong requirement sa mga pampublikong sasakyan? O sa atin lang ‘to?

 

 

Ang malungkot, kaka-anunsyo pa lang ay sinamantala na agad ng mga taong gustong pagkakitaan ang bagay na ito. Nagka-hoarding na ng supply at tumaas presyo ng face shields. Parang nung dati sa alcohol at face mask – libu-libo ang umoorder at milyong piso ang transaksyon.

 

 

 

Kaya naman una nang sinabi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) na kung may magmamagandang loob ay magpamahagi na ng libreng face shield at bantayan din ng DTI ang presyo ng commodity na ito at siguruhin ang supply na maging available naman sa lahat sa tama at totoong presyo bago istriktongs ipatupad ito ng DOTr dahil ang hirap na nga ng public transportation hindi pa makakasakay dahil walang face shield.

 

 

Hindi rin magaan sa bulsa ito sa ordinaryong pamilya dahil kung may tatlo o apat sa pamilyang namamasahe at hindi lang isa ang bibilhin na face shield ay magastos din. Marami rin nagtanong kung huhulihin sila pag walang face shield. Hindi po.  Ang polisiya ay galing sa DOTr at para lang sa mga pasahero. Kaya kung naglalakad ka lang hindi kailangan yun. Pero baka naman may makaisip na lagyan ito ng penalty ng multa tulad ng face mask at barrier sa motor? Utang na loob naman. Pero diba at lahat tayo ay maituturing na commuter?

 

 

At kahit hindi ka sumasakay sa public transport kung 99 per cent reduced risk nga ay bakit hindi ka magsusuot? So marahil dahil dito ay magiging parte na ng new normal ang face mask, social distance at face shield para sa lahat. Sabi nga ng iba – bakit hindi PPE na ang i-require? Aba mahirap yan!

 

 

Ganumpaman mainam na marinig natin ang opinyon ng mga medical experts sa effectiveness ng face shield laban sa Covid 19. Para malaman ng lahat na mahalaga ito at malaking tulong nga. At kung hindi naman ay malaman na rin ng tao ang detalye at dahilan para hindi magmukhang negosyo lamang ang polisiyang ito. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Mga pribadong kumpanya, maaaring makabili ng bakuna laban sa Covid-19

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na makabibili ng COVID-19 vaccines ang lahat ng pribadong kumpanya para sa kanilang mga empleyado.

 

May ilan kasing mambabatas ang nagpahayag ng pag-aalala sa di umano’y plano ng Department of Health (DoH) at National Task Force Against COVID-19 na hadlangan ang mga pribadong kompanya na ang negosyo ay sigarilyo, infant milk formula, softdrinks o soda at alak na pigilan ang mga pribadong kompanya na makabili ng sarili nilang bakuna.

 

Ani Sec. Roque, batay sa inamyendahang implementing rules and regulations (IRR) ng covid 19 vaccination law o republic act 11525 ay puwedeng makabili ng bakuna ang mga pribadong kompanya na ito.

 

“Isa pa pong paglilinaw, puwede na pong bumili ng bakuna ang lahat ng pribadong  kumpanya, kasama ang cigarette companies,” ayon kay Sec. Roque.

 

“This is under the amended IRR of the COVID-19 Vaccination Law,” dagdag na pahayag nito.

 

Iyon nga lamang aniya ay kailangan pa rin aniya itong idaan sa tripartite agreement o kasama pa rin sa negosasyon at kasunduan ang gobyerno.

 

“Hindi po puwedeng mawala ang tripartite agreement [kasama ang gobyerno],” aniya pa rin.

 

Wala pa kasing commercial use authorization para sa mga bakuna kontra Covid -19 dahil lahat ng ito ay mga bago pa at sumasa ilalim pa sa mga clinical trials.

 

Kaya naman for emergency use authorization pa lamang aniya ang ipinalalabas ng FDA  para sa mga Covid -19 vaccine kaya kailangang kasama pa rin ang gobyerno sa negosasyon, dahil kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa mga taong mababakunahan, ang gobyerno ang magbibigay ng indemnification sa mga ito.

 

Aniya pa, draft pa lang naman ito dati at binabalangkas pa pero ngayon aniya ay tinanggal na ang ganung probisyon sa IRR.  (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Mga simbahan agad na tumugon sa ‘di pagsasagawa ng misa sa loob ng 2 weeks

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Agad na tumugon ang lahat ng mga simbahan sa National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa panawagan ng gobyerno na itigil muna ang pagsasagawa ng misa simula Marso 22 hanggang Abril 4.

 

 

Ang mga simbahan sa nabanggit na lugar ay nag-post ng mga advisory sa kanilang mga social media pages para ipaalam sa kanilang mga deboto ang nasabing desisyon na huwag magsagawa ng misa simula ngayong araw sa loob ng dalawang linggo para tuluyang mapababa ang kaso ng nahahawaan ng bagong variant ng COVID-19.

 

 

Nanawagan na lamang ang mga ito sa mga mananampalataya na makibahagi sa mga online mass at ilang mga aktibidad sa panahon ng Semana Santa.

 

 

Paglilinaw naman nila na papayagan ang mga pagsasagawa ng kasal, binyag at libing pero hanggang 10 katao lamang.

 

 

Una nang inanunsiyo kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga bagong patakaran sa gitna na rin nang pagsirit ng mga bagong kaso ng COVID-19.

20 PNP quarantine control points itinalaga sa mga boundaries ng NCR-Plus Bubble

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naglabas na ng listahan ang Philippine National Police (PNP) ng mga lugar na nilagyan nila ng quarantine control points.

 

 

Ito’y makaraang isailalim sa bubble general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite,Laguna at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID 19.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana dalawang checkpoints Ingress at egress ibig sabihin dalawang border control point.

 

 

” Yung boundaries ng NCR plus doon sa strategic areas kung san doon yung boundary po ilo-locate yung checkpoint. Now outside the boundary meron din po yung border control kung sino po yung papasok sa NCR plus. So kung sila po ay essential worker definitely po sila ay papayagan pero kapag non-essential workers sasabihan lang po yung papasok na bumalik na po,” paliwanag ni BGen. Usana.

 

 

Ang mga itinalagang quaratine control points ay ang mga sumusunod:

 

 

Sa Bulacan hanggang sa boundary ng Pampanga, inilatag ang checkpoint sa : 1. DRT Highway, Brgy. Bulualto, San Miguel Bulacan hanggang Gapan, Nueva Ecija 2. Brgy. San Roque Road, Baliuag hanggang Candaba, Pampanga Mac Arthur, Brgy. Gatbuca, Calumpit, Bulacan hanggang Apalit, Pampanga at Brgy  San Pascual, Hagonoy, Bulacan hanggang Sapang Kawayan, Masantol Pampanga.

 

 

Sa NLEX Southbound exit kasama ang may checkpoint ang: Pulilan ext; Sta Rita ext.; Bocaue ext; Philippine Arena ext; Meycauayan ext at Marilao ext.

 

 

Sa Cavite-Batangas boundaries naman: Brgy. Amuyong, Alfonso, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sapatang 1, Ternate, Cavite hanggang Nasugbu, Batangas; Brgy. Sungay East at San Jose Tagaytay City hanggang Brgy. Guillermo, Talisay, Batangas

 

 

Sa Laguna-Batangas boundary: Brgy. Makiling, Calamba City hanggang Sto. Tomas, Batangas; Brgy. San Agustin, Alaminos, Laguna hanggang Sto. Tomas, Batangas

 

 

At sa Laguna-Quezon boundaries naman: Brgy. San Antonio 2, San Pablo City, Laguna hanggang Tiaong, Quezon City ; Brgy  san Antonio Luisana, Laguna hanggang Lucba, Quezon ; Brgy. Tunhac, Famy Laguna hanggang Real, Quezon At Brgy. San Isidro Majayjay Madlena Road hanggang Lucban, Quezon.

Christopher Nolan’s ‘Tenet’, Finally Hitting to HBO Max This May

Posted on: March 23rd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HBO Max announced that Christopher Nolan’s espionage epic film Tenet will hit the Warner Media streamer May 1.

 

 

Tenet was originally scheduled for a July 2020 release, but as the COVID-19 pandemic forced theaters to shut down all around the world, Warner Bros. pushed the film back several times.

 

 

Some thought Tenet could be the film to bring people back to theaters, but its box office take was largely a disappointment.

 

 

Now with HBO Max, it has experienced a second life on on-demand and now it will become available for viewing on the streamer.

 

 

According to screenrant.com, the sci-fi action spectacle film is part of Warner Bros. repertoire and also would’ve been a big draw during any normal summer blockbuster season. The streamer has already experienced success with its release model after Wonder Woman 1984‘s Christmas release pushed the streamer over 40 million subscribers.

 

 

HBO Max also just released Zack Snyder’s Justice League and is coming up for two more blockbusters, Godzilla vs Kong and Mortal Kombat, to hit the streamer in the coming weeks.

 

 

Nolan, who wrote, directed and produced Tenet says in an interview last year, “The story takes on ideas of time and how we experience it—interacting a science fiction component with the classic elements of the spy genre.”

 

 

In the film, armed with only one word—Tenet—and fighting for the survival of the entire world, the new Protagonist (John David Washington) journeys through a twilight world of international espionage on a mission that will unfold in something beyond real time. Not time travel.  Inversion.

 

 

John David Washington, who stars as the character known only as the Protagonist, says that while “at the core of it, ‘Tenet’ is about a man trying to save the world,” the intricately woven plot also explores some of our most firmly held precepts.      “The movie challenges our traditional ways of interpreting time, interpreting what we perceive is real, our learned behaviors,” he continues.

 

 

“There’s a lot more going on. I had never read or seen anything like this before. Nobody has. Chris [Nolan] deals head on with how we understand the physics of time, all through the lens of this character. I don’t know what his fascination with time is, but I love how he deals with it in his movies.”

 

 

Kenneth Branagh, who plays the malevolent antagonist of the film, Andrei Sator (and previously worked with Nolan on “Dunkirk”) comments, “‘Tenet’ is a hair-raising, high-stakes thriller from an extraordinary filmmaker. I think Chris makes a couple of contracts with the audience. One is to absolutely, positively entertain them; there’s no question about that. But I think the other contract he makes is with their intelligence, their interest, and their passion. This is a man who is about the telling of the story through cinema. I can almost feel in this project a re-affirmation, a declaration, of how exciting it can be to be in a darkened room, with massive images, for a story that that kind of treatment supports and deserves.”

 

 

      “This could not be more of a Chris Nolan movie,” adds castmate Robert Pattinson, whose character, Neil, is teamed with the Protagonist. “There is such a singular vision to every one of his films and making this one was a spectacular feat in every way. It’s pretty amazing…there’s literally nothing comparable.”

 

 

Nolan concludes, “With ‘Tenet,’ what I’m hoping is to give audiences a reason for re-approaching and re-experiencing action cinema, and the spy movie genre in particular. I want to give them a different way of looking at it, so they get some of the sense of excitement that I had as a kid watching those kinds of films. We’re trying to give the audience a new experience that re-injects that sense of the unknown in movie action sequences. We really want to give people a ride like nothing they’ve had before.” (ROHN ROMULO)