Wala nang mangyayaring pagbabawas ng kapasidad ng mga mass transport sa National Capital Region-Plus bubble sa ilalim ng isang linggong pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ang inihayag ng Department of Transportation (DOTr) sa isang statement na kanilang ginawa.
Ang DOTr na siyang naatasan na gumawa ng guidelines tungkol sa kapasidad at operasyon ng pampublikong transportasyon ay tiniyak na ang lahat ng klase ng transportasyon ay magiging bukas ngayon panahon ng ECQ.
Ang maximum na pinapayagan ng kapasidad sa panlansangan transportasyon ay 50 percent para sa lahat ng pampublikong sasakayan o di kaya ay kinakailangan may seating arrangement na may isang laktaw na isang upuan.
“Our PUVs cannot exceed the allowed capacity even if they have plastic barriers in between seats. This is applicable to public utility buses, UV Express, public utility jeepneys, shuttle services, tricycle, taxis and TNVS,” wika ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor.
Papayagan ang transport network vehicle service (TNVS) tulad ng Grab at taxis na magkaron ng operasyon sa loob ng 24 oras upang magbigay ng serbisyo sa mga empleyadong nagtratrabaho sa gabi. Pinapayagan din ang mga Motorcycle taxis na magpatuloy ang operasyon.
Habang ang mga provincial buses naman ay papayagan na pumasok at magsakay ng mga “person outside of residence” (APOR) subalit kinakailangan na point-to-point ang trip. Ganon din sa mga backridng na pribadong motorcycle.
Sa rail sector naman, ang kapasidad ng mga trains ay mananatiling 20 percent hanggang 30 percent: 370 sa LRT1, 274 sa LRT 2, 372 sa MRT3, kada train set. Ang Philippine National Railways (PNR) naman ay 310 kada rain set.
Samantala naganunsyo ang pamunuan ng apat na rail lines na wala munang operasyon ang LRT1, LRT2, MRT3 at PNR dahil magsasagawa sila ng annual maintenance activities ngayon Semana Santa.
Ang aviation sector naman ay nagsabing hindi na kailangan na magbawas pa ng kapasidad sa air travel dahil ang volume ng mga pasahero ay kumunti na ng mga nakaraang buwan.
“The maximum international inbound capacity at the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) had been slashed by half to a maximum of 1,500 passengers per day,” ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) director Carmelo Arcilla.
Ang operasyon ng domestic commercial ay pinapayagan subalit kailangan sumunod ang mga airlines sa requirements o restrictions sa kapasidad at frequency ng flights na maaaring ipatupad ng local government units (LGUs) sa labas ng NCR Plus bubble.
Sa sektor ng paglalayag, mananatiling 50 percent pa rin ang kapasidad ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) general manager Jay Santiago.
“Travel through maritime vessels and the ports are subject to requirements as may be imposed by LGUs where voyages originate and end,” saad ni Santiago. (LASACMAR)