MATAGAL pa ang laban ng Pilipinas kontra coronavirus (COVID-19) pandemic dahil sa patuloy na pagsirit ng bilang ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa kanyang Talk To The People, Huwebes ng gabi ay pinaalalahanan nito ang publiko na ang buong mundo ay nahaharap sa hindi nakikitang kalaban kaya’t ang laban sa virus ay hindi pa magtatapos “anytime soon.”
“You know we are facing an enemy that cannot be seen. We are facing an opponent where there is no sight at end,” ayon sa Pangulo.
“We are facing a turmoil not only in the Philippines but in the entire world. Kagaya ng mga (like) Brazil, thickly populated areas, they are scared of the third wave,” dagdag na pahayag nito.
Sa kabilang dako, binigyang din naman ng Pangulo na hindi nagkulang ang pamahalaan na tugunan ang pandemiya.
“I’d like to just disabuse the mind of na nagkulang tayo… Hindi tayo nagkulang,” anito.
Aniya, matapos na magpalabas ng advisory ang World Health Organization (WHO) ukol sa virus ay kaagad niyang binuo ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases sa loob ng 48 oras.
Aniya pa, ang desisyon niyang magpatupad ng lockdowns ay kaagad na ginawa bunsod na rin ng rekumendasyon ng mga medical experts kabilang na si Health Secretary Francisco Duque III.
“Kung ano’ng sabihin ni Secretary Duque, eh ‘yon ang susundin ko. Siya ‘yong Secretary of Health, eh,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Samantala, muli namang inulit ng Pangulo ang kanyang “melodramatic warning” ukol sa pandemiya at maaari lamang maresolba sa pamamagitan ng bakuna na mayroon namang “worldwide shortage,”
Dahil dito, hindi niya tiyak kung kailan magtatapos ang ang laban kontra COVID-19.
“Now, when will we have that stocks sufficient to vaccinate the people? I really do not know. Nobody knows,” anito.