• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 12th, 2021

Lola patay sa sunog sa Caloocan

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 65-anyos na lola ang nasawi matapos matrap sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan city, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Natagpuan ang katawan ng biktimang si Joanna Macawili, 65, ng mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) sa bathtub ng nasunog nilang bahay sa Marigold Street, BF Homes, Barangay 168.

 

 

Nagawa namang makaligtas ng apat na kasama sa bahay ng biktima kabilang ang dalawang menor-de-edad matapos mabilis na nakalabas sa nasusunog na bahay.

 

 

Sa halip namang makalabas ng bahay ang biktima nang sumiklab ang sunog dakong alas-3 ng madaling ay napunta ito sa loob ng banyo kung saan siya natrap.

 

 

Hindi na kumalat ang apoy sa iba pang kabahayan na umabot lang sa unang alarma at tuluyan naapula dakong alas-4 ng madaling araw.

 

 

Patuloy na inaalam ng mga tauhan ng BFP ang pinagmulan ng sunog at ang halaga ng ari-arian na tinupok ng apoy. (Richard Mesa)

Pagdagsa ng mga tao sa isang resort sa Caloocan, nangyari din sa India na nagbunga ng mabilis na pagkalat ng virus -Malakanyang

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPINAALALA ng Malakanyang sa publiko ang nangyari sa India na hanggang sa kasalukuyan ay nakararanas pa rin ng matinding hagupit ng COVID 19.

 

Ang paalalang ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod ng naiulat na pagdagsa ng tao sa Gubat sa Ciudad resort sa Lungsod ng Caloocan na pinangangambahan ngayong magkalat ng virus.

 

Dapat alalahanin ayon kay Sec. Roque na ang nangyaring super spreader sa India ay sanhi rin ng ginawang pagligo doon ng mga Indiano bukod pa sa ilang kadahilan.

 

Kaya ang resulta ayon sa tagapagsalita ng Pangulo, disaster na ang dulot ay pagkamatay ng marami at kakulangan sa kapasidad ng kanilang mga ospital duon.

 

“Sa India may swimming din. Ano nangyari sa kanila … disaster,” ayon kay Sec. Roque.

 

Ang pangyayari aniya sa Gubat sa Ciudad ay isang malinaw na super spreader na kung saan ay huling- huli ang mga bata at matatanda na nakunan ng video at litrato na magkakadikit na naliligo sa nasabing resort —walang mga suot na facemask, lumabag sa ipinagbabawal na mass gathering, at walang takot sa COVID-19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

MGA TODA at PUV OPERATORS, APEKTADO ANG TRANSPORT SECTOR DAHIL SA MEMORANDUM CIRCULAR 28 S 2020 ng SECURITES and EXCHANGE COMMISSION

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang nasabing Memorandum Circular ng SEC ay ang mandatory submission of email and mobile numbers ng mga corporations, partnerships at iba pa para sa implementasyon ng Commission sa kanilang filing and monitoting system.  Ito ay inilabas noong November 18, 2020 at pinalawig ang mandatory submission hanggang February 22, 2021.

 

 

Simula February 23, 3021, ay mag-i-impose na ng penalty sa mga hindi nakasunod dito. Sa section 14 ay nakasaad:

 

 

Penalty. – Beginning February 23, 2021, a corporation, partnership, association, or person WHO FAILS TO SUBMIT THE EMAIL ADDRESSES AND CECULLAR PHONE NUMBERS within the period provided under these rules shall be ADMINISTRATIVELY PENALIZED with a penalty on the corporation, partnership, association, or person in the amount of TEN THOUSAND PESOS(P10,000).

 

 

Paano makakaapekto sa transport ito?  Dahil sa kampanya ng LTFTB na bumuo ng corporation o cooperatiba ang mga nasa transport, at maging sa mga LGU, ay required na, na SEC-registered ang mga TODA at dapat mag comply sila dito.  Tanong? Sa panahon ba ng pandemya kung kailan ang unang iisipin ng mga operators at drivers ay pagkain at hanapbuhay ay maaring nakaligtaan ito.   At dahil hindi na-comply ay multang sampung libong piso ang ipapataw sa libu-libong transport at TODA corporations ang naghihintay.

 

 

Sa mga malalaking operators ay maliit ang sampung libong piso. Pero sa mga TODA, jeep, UV Express at mga taxi ay malaking halaga ito.

 

 

Ang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ay baka pwede naman na i-extend muna ang submission at gawing malawakan ang anunsyo tungkol dito dahil marami sa transport ang hindi pa nakakaalam nito.

 

 

Makakatulong din ang mga tricycle regulatory unit ng mga LGUs para maalalayan ang mga TODA na mag comply nito.

 

Maganda ang hanggarin ng SEC dito pero sana isa alang-alang din nila ang kasalukuyang sitwasyon ng naghihikahos na transport sector. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine, nasa Pinas na

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa Pilipinas na ang unang batch ng bakuna na Pfizer-Biontech mula sa donasyon ng World Health Organization (WHO) COVAX facility.

 

 

Ang mga vaccines ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 sakay ng DHL cargo plane bago mag-alas:8:00 ng gabi, May 11  Lunes.

 

Kabilang naman sa ga sumalubong sa shipment ay sina testing czar Sec Vince Dizon, DOST Sec Fortunato dela Peña, Cabinet Sec karlo Nograles, DOH Undersecretaries Leopoldo Vega Vega at Deped Usec Carolina Vidal-TaiñoTaiño, US Embassy Charge d’affaires John Law, WHO Philippines Representative Dr Rabindra Abeyasinghe at Unicef Phils deputy Rep. Behzad Noubary.

 

 

Naging mabilis naman ang paghahatid sa mga bakuha patungo sa espesyal na storage facility sa Marikina.

 

 

Sinasabing mga piling lugar mula sa Pilipinas ang makakatanggap ng COVID-19 vaccines.

 

 

Ayon sa Department of Health (DOH) kabilang na sa unang mabibigyan ng Pfizer vaccines ay ang National Capital Region (NCR) at mga lalawigan ng Cebu at Davao.

 

 

Paliwanag ni Usec. Vergeire, ang desisyon para sa limitadong distribusyon ng Pfizer vaccines ay dahil sa sensitibo nitong cold storage requirement.

 

 

Nangangailangan kasi ng hanggang -70 degree Celsius ang temperatura sa pag-iimbak ng nasabing bakuna.

 

 

“Dahil ito yung mga subok at napatunayan natin, base on simulation activities, na yung ultra low freezer at handling nila ay makakaya at hindi tayo magkakaroon ng wastage.”

 

 

Sinabi naman ni Vergeire, hindi naman maaapektuhan ng padating na supply ng Pfizer vaccines ang rollout ng pamahalaan sa mga bakuna.

 

 

“For these vaccines that we have na marami sa ngayon, ibibigay na natin agad dito sa priority groups of population.”

 

 

Aabot na sa higit 7.7-million doses ng COVID-19 vaccines ang hawak ng Pilipinas mula nang mag-umpisa ang vaccine rollout noong Pebrero.

 

 

Bukod sa bakuna ng Pfizer, ginagamit na ng gobyerno ang COVID-19 vaccines ng Sinovac, AstraZeneca, at Gamaleya Research Institute na Sputnik V. (Daris Jose)

16M bakuna, inaasahan ng Pilipinas na darating sa second quarter ng 2021

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng gobyerno ng Pillipinas na darating sa second quarter ng 2021 ang 16 milyong bakuna sa bansa.

 

Sinabi ni Vaccine “czar” Secretary Carlito Galvez Jr. na inaasahan ng pamahalaan ang 7,308,400 vaccine doses ngayong buwan ng May at 9,150,000 doses naman sa buwan ng Hunyo.

 

“So bago po matapos po ang buwan ng June, ine-expect po natin na mayroon na po tayo sa ating inventory na 20,514,000 doses,” ayon kay Galvez sa Talk To The People ni Pangulong Rodrigo Roa Dutere, Lunes ng gabi.

 

Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng kabuuang 7,571,000 doses mula sa iba’t ibang brands.

 

Sa nasabing bilang, 4,009,880 ang naipamahagi na sa 3,410 vaccination sites sa buong bansa.

 

Aniya pa, ia-adopt ng pamahalaan ang “focus and expand” strategy na nakatuon sa “centers of gravity” sa bansa.

 

“Itong center of gravity po na ito, ito po ‘yung tinatawag natin na economic centers at the same time ito po yung mga vulnerable areas,” paliwanag ni Galvez.

 

“So pagka na-address po natin, na-strengthen natin ang ating vulnerabilities, at the same time we strengthen our economic strength. ‘Yun po ang center of gravity po natin,” dagdag na pahayag nito.

 

Kabilang sa “focus areas” ay ang National Capital Region, kalapit-lalawigan na Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas at Rizal, Metro Cebu at Metro Davao.

 

Mayroon din aniyang apat na clusters ang “expansion areas”, ang grupong ito ay:

Group 1: Region 3, Region 4, Cagayan de Oro, Baguio City at Zamboanga City

Group 2: Bacolod, Iloilo, General Santos City, Iligan, Region 7 at Region 11

Group 3: Region 10, Region 6, Region 8, Region 9, Region 2 at Cordillera Administrative Region

Group 4: Region 5, Region 1, Region 12 at Caraga (Region 13)

 

Ang tinatawag na focus area ay tatanggap ng steady supply ng mga bakuna.

 

Sa pamamagitan ng bagong estratehiyang ito, layon ngayon ng pamahalaan na mabakunahan ang 58,680,803 adults, o 70 percent ng 83,829,719 adults.

 

Mas mababa aniya ito sa initial target na 70 million, o 2/3 ng populasyon ngayong taon.

 

Paliwanag pa ni Galvez na initial target pa lamang ito, kung saan ay depende sa global vaccine supply.

 

“Ito po ginagawa po natin, dahil kasi ang nakita po natin, ang pinakamain variable po natin is ‘yung ang ating global supply. Kung maganda ang ating global supply, wala pong problema. Ang inyo pong sinasabi na kailangan po nating bakunahan ang ating lahat ng ating mga mamamayan, babakunahan po natin until such time na hanggang children puwede po nating bakunahan,” ani Galvez.

 

“the government aims to reach its target to inoculate between 58 million to 70 million by November 2021, and the total population of 110 million by the second quarter of 2022,” dagdag na pahayag ni Galvez. (Daris Jose)

ALICE, ni-reveal na girl ang kanyang ‘miracle baby’ na si AURA

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LAST Saturday, May 8, hindi na nagkait si Kapuso actress Alice Dixson, na i-reveal na niya ang kasarian at pangalan ni “Baby A,” ang kanyang tinawag na ‘miracle baby,” nang mag-guest siya sa segment ng “Bawal Jugmental” sa Eat Bulaga.

 

 

Matagal na kasi niyang inilabas ang baby, pero hindi pa niya ipinakikita ang face nito, ang gender at ang kanyang name.  Kaya hindi na siya nagkait na i-reveal ito last Saturday, in time sa Mother’s Day, May 9: “Babae po ang anak ko.  Her name is Aura.”

 

 

“Nanghinayang ako na hindi ko agad nalaman ang kasiyahang hatid ng pagiging nanay. It’s an amazing experience. I wish that I knew about it earlier… and I wish nagkarooon ako ng opportunity to have a child earlier.”

 

 

“Challenging pala ang adjustments ko bilang first-time mom,” sabi ni Alice.

 

 

“Wala kasi akong naging comparison pero siguro like all first-time mom, mahirap yung puyat, mahirap yung adjustments sa pagpapakain ng baby, sa totoo lang, hanggang ngayon wala akog yaya so, it’s all me. Pero ini-enjoy ko iyon. 

 

 

Ganoon pala ang mag-alaga ng baby, kahit mapuyat ka, kapag umiyak siya dahil nagugutom siya, gigising ka para ihanda ang gatas ni Aura.”

 

 

Bumalik na si Alice sa bansa dahil balik-lock in taping na sila ng Legal Wives na kasama niya si Dennis Trillo ang mga legal wives na sina Andrea Torres at Bianca Umali.

 

 

Dalhin kaya ni Alice si Aura sa lock-in taping?

 

 

***

 

 

LAST weekend, maraming nagulat nang ilabas mismo ng mahusay na actress na si Cherie Gil, ang balitang iniwan na niya ang ginagawa niyang bagong teleserye sa GMA Network, ang cultural drama series na Legal Wives

 

 

Kilalang isang professional actress si Cherie kaya maraming nagulat sa naging desisyon niya, na ayon sa kanya ay matagal niyang pinag-isipan, kasama na ang dasal, kung dapat ba niyang gawin iyon. At ang final decision nga niya ay iwanan na niya ang serye.

 

 

Wala siyang sinabing reason sa kanyang desisyon, pero may nagsasabing may hindi raw siya nagustuhang kasama sa trabaho.  Wala naman siyang sinabing dahilan kung artista o kasama sa production, o ang paraan ng trabaho ngayong may pandemic ang problema niya,  pero nakakagulat nga lamang dahil nakadalawang lock-in tapings na sila at dapat ay papasok na sila sa pangatlong lock-in taping na kung hindi kami nagkakamali ay hudyat na iyon ng pagtatapos ng trabaho nila.

 

 

Ano kaya ang magiging desisyon ng GMA Entertainment Group, ni Zig Dulay na siya ring nagdirek ng first cultural drama na Sahaya sa GMA 7, na umani pa nga ng awards sa abroad.

 

 

Si Direk Zig din ang namamahala sa Legal Wives. Papalitan ba si Cherie, na mangangahulugan na uulitin nila muli ang taping sa simula pa lamang ng pag-appear ng character niya.

 

 

Gumaganap sa serye sina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, Bianca Umali, at StarStruck 7 alumni, Shayne Sava and Abdul Rahman, na excited pa naman daw si Cherie na makasama niya sa serye ang dalawa dahil isa siya sa mga judges sa original artista search ng GMA Network.

 

 

Sabi nga, abangan na lamang natin ang susunod na kabanata!

 

(NORA V. CALDERON)

Big man Davis binitbit ang Lakers sa big win vs Suns

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binitbit ng big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis ang koponan upang itala ang big win laban sa top team na Phoenix Suns, 123-110.

 

 

Nagposte ng season high na 42 points at 12 rebounds si Davis upang manatili ang kanilang pag-asa na umabot sa NBA playoffs.

 

 

Gayunman kailangang manalo muli ng defending champion sa mga natitirang games upang maiwasang tuluyang malaglag sa play-in round.

 

 

Sa ngayon namemeligro ang Lakers at nasa pang-pitong puwesto sa Western Conference.

 

 

Nagpadagdag pa sa kamalasan ng team ang hindi pa rin paglalaro ng kanilang superstar na si LeBron James at si Kyle Kuzma bunsod ng injuries.

Ads May 12, 2021

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Gilas 3×3 labas muna sa Calambubble

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pansamantalang binasag ng Gilas Pilipinas 3×3 ang training camp nito sa Calambubble upang mag-asikaso ang buong delegasyon ng travel requirements para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Austria.

 

 

Ilang araw na lang bago tumulak ang buong dele­gasyon para sa Olympic qualifying tournament na idaraos sa Mayo 26 hanggang 30.

 

 

Ngunit matapos maayos ang lahat ng dokumento, agad na babalik ang Gilas 3×3 squad sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa final phase ng preparasyon nito.

 

 

Bahagi ng koponan sina Mo Tautuaa, CJ Perez, Joshua Munzon at Alvin Pasaol habang kasama rin sina Santi Santillan at Karl bilang practice players.

 

 

Ginagabayan ang tropa ni Gilas 3×3 coach Ronnie Magsanoc.

 

 

“With their commitment and sacrifice, I can say that the players are really all-in,” ani Magsanoc.

 

 

Habang nasa labas ng bubble, tuloy ang workout ng Gilas 3×3 sa pamamagitan ng zoom.

CATRIONA, patuloy na bina-bash dahil sa malabnaw na pagsuporta kay RABIYA

Posted on: May 12th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INALALA nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa kanyang Instagram post ang mga photos bilang candidate nang dumating siya sa Bangkok, Thailand kung saan ginanap ang 67th Miss Universe competition.

 

 

Sa caption ni Queen Cat, “And just like that, it’s @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates from around the world have been able to be present in Florida, USA having overcome all the challenges that I’m sure they and their team faced! (clapping hands sign emoji).

 

 

“So shout out to all the contestants, their teams and families who have helped in allowing each woman to strive for her @missuniverse dreams despite the current climate!

 

 

“Seeing all the arrival looks so I’m reminiscing my own arrival look in Thailand (folded hands emoji) (Definitely one of my favorites!)

 

 

Who are you all cheering for?”

 

 

Marami naman ang natuwa na muling makita ang mga photos ni Cat na sinasabing best arrival at nakapag-set siya ng kakaibang marka sa pageantland na hindi malilimutan dahil best ever Miss Universe daw.

 

 

May nagsabi rin na sana raw ay kunin si Catriona bilang judge sa 69th Miss Universe na gaganapin na sa May 16 sa Florida, USA na kung saan si Rabiya Mateo ang ating pambato na umaariba na at palaban talaga na makapag-uwi rin ng korona tulad ni Catriona.

 

 

Samantala, hindi naman pinalampas ng netizens ang malabnaw daw na suporta ni Catriona kay Rabiya, kaya naikukumpara kina 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach at 2011 Miss Universe 3rd runner-up, Shamcey Supsup-Lee.

 

 

Pinag-initan talaga nila ang post ni Catriona na hindi man lang niya nabanggit si Rabiya at nag-shoutout para sa Miss Universe Philippines na malaki ang maitutulong sa pagkuha ng mga votes, na sa halip ay nagtanong lang ito ng Who are you all cheering for?”

 

 

Sabi ng netizen, “REALLY??? You’re a Filipina.  Instead of cheering for @rabiyamateo, you ask people who they are cheering for???”

 

 

Na simple namang sinagot ni Catriona ng, “I’m a Filipina AND a Miss Universe. It’s a celebration of women from all over the world.”

 

 

Sabi pa ng bashers ni Pia, “You can atleast show support to Rabiya even just through your insta story. We know Pia has shown her support!”

 

 

Kaya napilitang itong sagutin ng girlfriend ni Sam Milby na para itanggol ang kanyang sarili.

 

 

Paliwanag ni Cat, “I’ve reached out to @rabiyamateo throughout her journey privately not everything is on display on social media (peace sign emoji).”

 

 

Ang ABS-CBN ang official partner ng 69th Miss Universe coronation night na gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida at live telecast ito sa A2Z sa Mayo 17, 8 a.m. at may replay ng 10 p.m., with live stream sa Pilipinas thru iWantTFC.

 

 

Anyway, sa entertainment websites na fashionpulis.com, hindi naman nagpahuli sa pag-comment ang netizens, basher man o tagapagtanggol ni Queen Cat:

 

“Tactic na talaga ngayon nga mga netizens ang mag utos at mag bash para mapansin. Catriona does not even have to reply to them pero ayan, bongga diba napansin ang mga lowlife!”

 

“Insecure si Cat kay Rabiya.”

 

“Walang wala naman si Rabiya kay Cat noh. For sure, si Rabiya clapper lang yan.”

 

“Gets ko sila na kailangan support your own countryman muna before others dahil hindi na sya reigning Miss U diba.”

 

“insecure hahha day Miss Universe si Catriona si Rabiya mo goodluck kung makapasok sa top 15.

 

“Insecure sya dahil kapag nanalo si rabiya maishapwera nasya. Same nangyare kay pia nung nanalo si catriona nabura ung marka ni pia pero sa ngayun bumalik yung marka ni pia kaysa kay cat.”

 

“Pakialamera din ang basher. Porket hindi naka balandra ang pagmumukha ni Rabiya sa IG accounts na iba, doesn’t mean hindi na naka support. Some people support in the most subtle way like a simple text message or a simple conveyance of good luck.”

 

“May attitude si Cat. Mas humble si Pia. Ayaw ni Cat na meron susunod na miss universe ang pinas kaya nya kay rabiya.”

 

“Yan din sabi nyo dati kay Pia.”

 

“Lumaki na talaga ang ulo! Kakatawag niyo sa kanyang best miss u ever.”

 

“Cat is no doubt a good miss universe but I grimaced everytime her fans say that she’s the best miss universe.”

 

“true! Ang cringey ng mga ganyang claims. Lol, npaka jeje. I am not a beaucon fan but I am happy everytime na mananalo tayo. Hindi nman kasi yan uso where I live.

 

Between Cat at Pia, mas nakakaamaze nga na Pia is still sikat maski nanalo din c Cat eh. Until now, mas sikat pa c Pia kaysa kay Cat, imo. Ahem, yummy pa ni Jeremy.”

 

 

“True. Pwede naman support privately.”

 

“Wrong ka. Pageant is a very public thing, seyempre dapat may support din in public. Gets mo.”

 

“Kailangan ba isupport ni Cat? real talk lang.”

 

“This is Miss Universe.Yes kailangan natin isupport rep for clout,may voting system po yung Miss U. Kahit gaano pa katalino at kaganda ang rep natin kung laglag sa vote, di tau makakapasok sa Top 21. Gets?”

 

“Bakit si Cat lang ang hinahanapan ng validation? E kila Margie, Gloria, and Pia e wala naman naghahanap.”

 

“Ako lang ba or may something off kay Catriona after she got the crown? Sorry. yung vibes niya kasi yung parang ang hirap niya ireach out.”

 

“Both pia and cat are good miss universe but I feel like mas pang-masa talaga si pia lalo na she’s more fluent in tagalog than cat.”

 

“Parang pumunta lang si Cat sa Pinas matupad dreams nya, she’s more Australlian for me.”

 

“Wala naman kasi talagang arrive si Rabiya. Iyong suot nya na pink sa pool. Tiangge levels. Di rin nya nadala ng maayos.”

 

“Mukha siyang kinder na magpeperform dun. Nakakaloka talaga mga stylist niya o MUO pumili ng suot niyan yun.”

 

“Obvious naman na nag-distance siya sa MUP. I don’t if it is because of her affiliation with Binibini or masyado lang tinataas level nya among other Miss Universe Philippines. Sa mga fans nya, wag kayo masyado ilusyonada at wala naman staying power lola ninyo.”

 

“Funny comment ni Cat na she reached out to Rabiya privately. Over a MU pageant??? Crap!”

 

“Naks naman, private and secret lang pala ang support niya, pero puro ek ek lagi siya sa social media for hype and self-promo. Kaloka talaga.”

 

“I like this attitude of Cat yung tipong di niya kailangang makishare sa spotlight at ipangalandakan yung support niya kay Rabiya to please the pageantland. Napaka toxic na talaga ng mga pageant fans lahat na inaaway.”

 

“Pia is a Filipina and a miss universe too, Cat. Yet she shows support to Rabiya and other contestants. I feel like it’s somehow throwing shade at Pia. I like you but I don’t buy this.”

 

“I love cat and pia.Although,mas fav ko si cat.Pero guys,malaki ang difference ng public support vs. Dm.
Remember, may voting system po at representative natin si Rabiya as Miss Universe Philippines para makapasok sa Top 21. Ano ba naman yung kahit 1 ig story lang since 11M ang followers nya. Same sa mga runners up ni Rabiya, walang nagpopost.”

 

“When you were the one in Rabiya’s shoes, sobra ang support ni Pia sa yo. Lagi kang nakapost sa ig nya. Sabagay, ano naman aasahan mo sa holier than though na tulad ni Cat.”

 

“Isang post nlang Catriona para manahimik natong mga otaw nato! Lol.”

 

(ROHN ROMULO)