• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 20th, 2021

Ads May 20, 2021

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HERD IMMUNITY, MAAABOT HANGGANG SEPTEMBER

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na sa September ay maaabot na ang “herd immunity” sa Maynila.

 

Ito ang pahayag ng alkalde ay pagkatapos makapagtala ng bagong record ang Manila LGUs  hinggil sa pagbabakuna sa loob lamang ng isang araw.

 

“We broke again our record of vaccines deployed and 95% of thet is the first dose”, pahayag ni Domagoso.

 

“The point is ang mga LGU gamitin lang nang husto ng national government, tingin ko ma-achieve natin ang ating goal by September na magkaroon ng herd immunity, ma-reach ang 70% vaccinated,”

 

Sa pinakahuling datos ng Manila health Department (MHD)  nitong Mayo 18 ay nasa 16,261 indibidwal  kung saan nalagpasan ang nauanng record na may kabuuang bilang na 15,763 nitong Mayo 17.

 

Muli namang nabanggit ng alkalde ang nauna na niyang sinabi na “super slow” ang deployment ng mga COVID-19 vaccines sa mga local government units o LGUs.

 

Aniya, nagbigay lamang siya ng “honest opinion”.

 

Ayon pa kay Domagoso, naiintindihan  aniya nito na mahirap makakuha ng mga bakuna kontra COVID-19  dahil sa taas ng demand nito sa buong mundo ngunit  kapag dumating na sa bansa ang bakuna ay dapat aniyang hindi na ito rumagal pa ng sampung araw  o linggo sa storage facility.

 

“Maiintindihan ko pa yung a day or two kaya kailangan lagi mabilis yung deployment” dagdag pa ng alkalde.

 

Sinabi pa ni Domagoso na hindi naman ito nagrereklamo  pero minsan kailangan ipunto ang opinion o saloobin.

 

“Kasi kung talagang ang goal din natin magkaroon ng consumer confidence para mabuksan ang ekonomiya buksan na natin ‘yung A4 category,” diin ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.

 

 

“Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na mayroon pong tinatawag na vaccine hesitancy na 30 percent lang daw po ang gustong magpabakuna…siguro po puwede nating pag-aralan kung isama na rin natin doon sa kundisyon para sa 4Ps ay ‘yong pagbabakuna,” ani Roque.

 

 

Sa dami anya ng mga benepisyaryo ng 4Ps na puro mahihirap, marami ang mababakunahan.

 

 

Balak na rin isama ang pagbabakuna kapag nagkaroon ng Bayanihan 3.

 

 

“Kung mayroon tayong future ayuda dahil hindi po natin alam kung magkakaroon rin nga tayo ng Bayanihan 3, eh siguro ‘yong mga makakatanggap din ng ayuda ikakabit na natin doon sa pagbabakuna ‘no na masigurado po na mas marami sa ating mga kababayan,” ani Roque.

 

 

Nilinaw naman ni Roque na hindi ito sapilitan at ibibigay lang sa mga gustong tumanggap ng ayuda. (Gene Adsuara)

“HOTEL TRANSYLVANIA” SEQUEL “TRANSFORMANIA” REVEALS FIRST TRAILER

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DRAC’S Pack is out of whack! 

 

 

Watch the first trailer now for Hotel Transylvania: Transformania, which has just been revealed by Columbia Pictures.

 

 

YouTube: https://youtu.be/k8K8fUh8I4k

 

 

About the Hotel Transylvania: Transformania:

 

 

Drac and the pack are back, like you’ve never seen them before in Hotel Transylvania: Transformania. Reunite with your favorite monsters for an all-new adventure that presents Drac with his most terrifying task yet.

 

 

When Van Helsing’s mysterious invention, the “Monsterfication Ray,” goes haywire, Drac and his monster pals are all transformed into humans, and Johnny becomes a monster!

 

 

In their new mismatched bodies, Drac, stripped of his powers, and an exuberant Johnny, loving life as a monster, must team up and race across the globe to find a cure before it’s too late, and before they drive each other crazy.

 

 

With help from Mavis and the hilariously human Drac Pack, the heat is on to find a way to switch themselves back before their transformations become permanent.

 

 

For the final chapter of the Hotel Transylvania film series, franchise creator Genndy Tartakovsky returns as screenwriter and executive producer. Selena Gomez will also serve as executive producer, while reprising her role as Drac’s daughter, Mavis, alongside Andy Samberg, returning as Johnny.

 

 

The film also features Kathryn Hahn, Keegan-Michael Key, Steve Buscemi, David Spade, Brian Hull, Asher Blinkoff, Brad Abrell, Fran Drescher, Jim Gaffigan and Molly Shannon.

 

 

Directed by Jennifer Kluska and Derek Drymon, executive produced by Michelle Murdocca and produced by Alice Dewey Goldstone. 

 

 

Hotel Transylvania: Transformania opens soon in Philippine cinemas and will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #HotelTransylvania.

(ROHN ROMULO)

MGA SANGKOT NA PERSONALIDAD at BANK OFFICIALS KAILANGAN BANG PAPANAGUTIN sa PERWISYONG NARANASAN ng CAR OWNERS?

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hanggang ngayon ay hinaing pa rin ng mga car owners and pagka antala sa pagpapalabas ng mga plaka ng LTO sa mga sasakyang nairehistro mula 2013 hanggang 2018 kaya’t nabuo ang bansag na “Republika ng Walang Plaka”.

 

 

Diumano ang isang malaking dahilan ng pagkaantala ay ang hindi makatarungang pag “freeze” ng pag-release ng perang dapat ibayad ng gobyerno sa supplier ng mga car plates – ang Joint Venture ng 0MI- JKG (dating PPI-JKG).

 

 

Bakit na “freeze” ang pambayad?  Ano ang problema kung merom man?

 

 

Ang na freeze na pambayad sa supplier ay nasa Landbank Ortigas Branch. Doon may account ang supplier at ang signatory ay ang kasalukuyang presidente na si Annabelle Arcilla Margaroli.

 

 

Pero noong kukunin na ang partial payment na halos P200 million pesos para sa mga plaka ay na-freeze ito at tuloy hindi nabayaran ang proyekto na nagresulta sa delay ng delivery ng mga plaka.

 

 

Pero bakit nagkaroon ng freeze order ang Landbank? Ano ang basehan ng mga opisyales na nag freeze? Ang pag freeze ng bangko sa account ay dapat may solidong batayan. Maaari gawin ng bangko kung may suspetsa ito na mga illegal activities tulad ng money laundering, terrorists’ financing, Court order ng mga judgment na pabor sa mga nagpapautang, unpaid taxes, utos ng Anti – Money Laundering Council.

 

 

Pero sa kaso ng OMI-JKG, ang basehan ng freeze order ay isang sulat na galing sa isang Christian Calalang.  Dati siyang presidente ng PPI- JKG. Pero nang nabili ang majority shares ni Margaroli ng kumpanya ay hindi na si Calalang ang signatory.

 

 

Pero base lamang sa sulat ay na freeze ang humigit kumulang na P200 million pesos na dapat sana naibayad ng LTO sa supplier ng mga plaka.  Ang resulta ay ang delay nga ng delivery.

 

 

Bakit ginawa ng Landbank ito samantalang ang tatlo pang ibang bangko na sinulatan ni Calalang ay tinangihan ang request nito na mag issue ng freeze order.

 

 

Sinong mataas na opisyal ng LANDBANK ang nagrekomenda na base lamang sa isang sulat at walang masusing imbestigasyong ginawa ay nag freeze order?

 

 

Sa pakikipagusap ng grupo ni Margaroli sa banko ay hinihingan daw sila ng Court order para i-lift nila ang freeze order?  Ha. Aba nung nag freeze order ay sulat lang pinagbasehan, ngayon ay court order ang kailangan para ma-lift?

 

 

Ano man ang hidwaan ng mga supplier ay hindi dapat magamit upang maantala ang delivery ng mga plaka ng LTO.  Marahil ay dapat ayusin ito ng LTO dahil ang balita ay nakipagugnayan na ang Dutch Embassy sa LTO para asikasuhin ang problema dahil mga Dutch nationals na grupo ni Margaroli ang hindi nabayaran.

 

 

May mga iba pa bang opisyales ng LTO ang sangkot sa gulong ito na nagdulot ng napakalaking abala sa mga car owners?

 

 

Atin pong tututukan ang issue na ito na sa tingin namin ay maaring ugat din ng korapsyon. (Atty. Ariel Enrile-Inton Jr.)

KIM, naghihintay pa rin ng sagot sa tanong niya sa basher na nanglait kay JERALD

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA ginanap na Zoom presscon kamakailan para sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam na unang pagtatambalan ng real-life sweetheart na sina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong namin ang dalawa na pag sobra-sobra na kabastusan ng bashers, wish ba nila na mawala na lang pakiramdam para ‘di na patulan?

 

 

“Yes, diretsa ang sagot ko,” sabi ni Kim.

 

 

“Opo, mas gugustuhin namin ‘yun, lalo sa tulad namin na isang artista, minsan meron tayong dedmahin na lang natin, dahil ganun talaga eh. Marami talagang tao na ganyan magsalita sa atin kahit wala pang social media.

 

 

     “But then again, we’re still human we feel certain emotions and we have just to control it.”

 

 

Opinyon naman ni Jerald, “mahirap lang talaga sa pagiging artista, sa 200K followers mo, pwedeng lampas pa doon ang mam-bash sa yo at masasabi mo, ‘ganito ba ako kasamang tao’.

 

 

     “Kaya dapat, wag na lang pansinin.”

 

 

Dagdag pa ni Kim, “recently nagkaroon ng mga articles about this. There is a certain post that I posted on my facebook. 

 

 

     “Para din malaman ng mga tao na, may certain boundaries din naman po.

 

 

     “Kami kasi ni Jerald, we comment under comments with our followers para as much as possible mas interactive and we show them na pare-pareho lang tayo, nagkataon lang na napapanood yun work namin.

 

 

     “Pero pag masyado ng bastos, kailangan sinasabi ko rin, I wouldn’t call them out sobrang negatively but I will them that na may certain boundaries tayo, not just bilang artista, but bilang tao.

 

 

Aminado naman si Kim na hindi talaga nakapagpigil nang may isang mapanglait na basher ang nag-comment sa Facebook post niya na “panget” at “mukhang basurero” raw boyfriend na si Jerald.

 

 

Ni-repost kasi ni Kim ang lumang pelikula ni Jerald na Ang Pangarap Kong Holdap na ipinalabas noong 2018 at naging hit pa sa Netflix.

 

 

Sa photo na pinost niya may caption ito na, “ACTION FIGURE NA JOWA KO! Ito na babalian ko pag galit ako sayo Jerald!!! LOL jk!”

 

 

Kahit maraming nag-like sa mga followers niya, may isa ngang basher na nanglait kay Jerald, say ng netizen, “Panget ang putcha! Mukhang basurero hahaha!” komento ng netizen.

 

 

Kaya naman ‘di napigilan ni Kim na patulan ang basher, na walang nagawa na I-delete na lang ang comment na mukhang natakot na kayugin ng netizens.

 

 

Banat ni Kim, “May problema ka sa mga basurero?

 

 

“Walang masama sa marangal na trabaho ng mga yun.

 

 

“May problema ka sa maitim? Wala ring masama sa kung anumang kulay ng tao.

 

 

“Pangit? Gwapo ka? Asking lang.

 

 

Pagkaraan ng ilang araw ay hindi na talaga sumagot ang mapanglait na basher.  Kaya may nire-post si Kim sa kanyang FB account at nilagyan ng caption na, Di pa rin niya ko nasasagot hanggang ngayon.. nagtatanong lang naman ako lods.. #dontme.”

 

 

Proud na proud na binahagi rin ni Kim noong May 16, na nagpabakuna na sila ni Jerald sa Antipolo, “Yeyy!!! KimJe Vaccine Check!  Nabakunahan na ang ate at kuya niyong hikain! Oo twinning kami sa lahat ng bagay — PATI SA HIKA PAREHO KAMI HAHAHUHU  Jusko. Sana kayo rin magpa register na mga lods! Iba pag protektado  Keep safe always mga mahal!lablab! #Resbakuna #CovidVaccine #A3 #astrazeneca.”

 

 

Anyway, tiyak na pag-uusapan na namang ABWP na mula sa panulat at direksyon ng kontrobersyal na si Darryl Yap.

 

 

Kung sa Tililing ay tinalakay niya ang pagka-baliw, sa newest movie niya sa Vivamax, sesentro ito isang babaeng may kakaibang sakit na Congenital Insensitivity at na makilala ang isang lalakeng may cleft palate.

 

 

Si Ngongo (Jerald) ang magiging daan para makaramdam si Tasha (Kim), lalo na ang saya at sakit ng pag-ibig. At magkasama sila sa isang adventure na hindi nila makakalimutan.

 

 

Reunion movie naman ito Direk Darryl Yap at Kim, na unang nagkatrabaho sa Jowable, na naging blockbuster hit noong 2019.

 

 

Sa loob lang ng tatlong araw, umani agad ng higit sa 25 million views ang trailer ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam na mapapanood na sa June 11, sa worldwide premiere nito sa ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV, SKY PPV, Cignal PPV sa halagang P250, at sa Vivamax. Mag-subscribe lang sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maari ring i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store o bumili ng Vivamax vouchers sa Shopee at Lazada.

 

 

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan. VIVAMAX ATIN ‘TO!

(ROHN ROMULO)

Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame.

 

 

Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10.

 

 

Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang naturalization bill para kay Kouame na pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

 

 

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio, magsisilbing investment ng Pilipinas si Kouame habang naghahanda ang bansa sa prestihiyosong 2023 FIBA Basketball World Cup.

 

 

Si Kouame ay naglaro na rin sa PBA D-League at naging champion. Habang tinanghal siyang Most Valuable Player at kasama sa Mythical Five sa Filoil Flying V Preseason Cup noong 2018.

 

 

Dalawang beses din siyang naging bahagi ng champion team na Ateneo sa UAAP.

 

Inaabangan ngayon kung maihahabol si Kouame sa Gilas Pilipinas kung saan nalalapit na ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark, Pampanga sa susunod na buwan.

COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.

 

 

Bumaba rin ang attack rate sa 13.44 cases per 100,000 population sa parehong petsa buhat sa dating 24.9 cases per 100,000 population.

 

 

“Ibig sabihin nito, bu­mabagal na ‘yong pagdag­dag o paglaki ng kaso,” paliwanag ni Duque.

 

 

Sa kabila naman ng pagbababa sa ‘general community quarantine with heighted restrictions’ ng Metro Manila, lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Ri­zal, hinikayat pa rin ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘localized o granular lockdowns’ kung kinakailangan para maampat ang pagtaas ng mga kaso sa tukoy na mga lugar.

 

 

Bumaba na rin ang ‘healthcare utilization rate’ sa bansa sa 46% nitong Mayo 16 mula sa 54% noong Abril habang sa Metro Manila, bumag-sak ito sa 45% mula sa 68% noong nakaraang buwan.

ROLLOUT NG PFIZER COVID-19 VACCINES, SINUMULAN NA SA NAVOTAS

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSIMULA  na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas nitong Lunes ng inoculation sa mga rehistradong residente at mga manggagawa sa ilalim ng A2 at A3 priority group ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines.

 

 

Ang Navotas ay nakatanggap ng 1,170 vials, bawat isa ay naglalaman ng anim na doses, mula sa unang batch ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines na mula sa national government.

 

 

“To ensure we can provide the logistical requirements of these vaccines, the city government put up a cold room in Navotas Polytechnic College and procured a bio-refrigerator, single insulation transport cooler, and two ultra-low temperature freezers than can reach -86℃,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“The Pfizer-BioNTech vaccine allocation was given only after the national vaccination committee was assured that we are equipped to properly handle its storage and administration. Every is important and we are one with them in ensuring that none will be spoiled and wasted,” dagdag niya.

 

 

Ginamit ang refrigerator upang ligtas na mapanatili ang mga diluents ng bakuna, habang ang mga freezer ay maaaring mag-imbak ng 23,400 hanggang 35,100 na mga vial ng sensitibo at sobrang lamig na mga bakuna na nakasalalay sa temperature.

 

 

Noong Mayo 16, 16,742 mga residente at manggagawa ng Navotas ang nakatanggap ng kanilang unang jabs, habang 3,715 indibidwal ang ganap na ang kanilang dalawang dosis ng bakuna. Sa bilang na ito, 793 ang mga frontliner, 939 mga senior citizen, at 1,983 mga taong may comorbidities.  (Richard Mesa)

Phil. Football Federation hinihintay pa ang naturalization ng Spanish player na si Marañon

Posted on: May 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handang maghintay ang Philippine Football Federation (PPF) sa naturalization ng Spanish striker na si Bienvenido Marañon.

 

 

Kasunod ito sa pag-apruba na naturalization ng basketball player na si Ange Kouame.

 

 

Sinabi ni Nonong Araneta ang pangulo ng PPF, dahil sa COVID-19 pandemic ay nagkakaroon ng pagkaantala ng ilang mga dokumento ni Marañon.

 

 

Inaasahan kasing mahabol ang naturalization ni Marañon para ito ay agad na maisabak sa paglaban ng Philippine Azkals sa FIFA World Cup at AFC Asian Cup qualifers na magsisimula sa Hunyo 3.

 

 

Naipasa na sa third at final reading ang mga papeles ni Marañon sa Senado noong Marso at hinihintay na lamang ang pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Kasalukuyang naglalaro kasi ang 34-anyos na si Marañon sa United City FC sa Pilipinas at siya ang nangungunang scorer.