• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 27th, 2021

‘Restrictions’ sa COVID situation sa NCR, ‘di pa puwede luwagan

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumubuti na ang sitwasyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ito ay ayon sa OCTA Research Group kung saan mula sa high risk area ay ibinaba na rin ito sa moderate risk area para sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ang seven-day average ng Metro Manila para sa mga bagong COVID-19 cases kada araw ay bumaba na sa humigit-kumulang 1,100 na mayroong positivity rate na 10%.

 

 

Ang reproduction rate naman ay nasa 0.57 na kaya pasok na ang NCR sa moderate risk category.

 

 

Pero sa kabila nito, nilinaw ni David na hindi nila inirerekomenda sa pamahalaan na luwagan na ang mga restriction.

 

 

Sa ngayon, nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ) na mayroong “heightened” restrictions hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo.

 

 

Sa oras kasi na luwagan pa lalo ang restrictions, maaaring aniyang mabaligtad ang trend na mayroon sa kasalukuyan sa NCR at posibleng maging banta pa sa pandemic management.

 

 

Kahit pasok na sa moderate risk area ang Metro Manila sa kasalukuyan, sinabi ni David na dapat ay matuloy pa rin ang pagbakuna sa 50% ng NCR, sa Lungsod ng Tuguegarao, Santiago, Baguio pati na rin ang Cainta, Cebu at Imus.

 

 

Ang mga local government units na ito ay “under threat” na rin kasi aniya nang surge ng COVID-19 cases. (Daris Jose)

Tokyo Olympics hindi apektado sa ipinatupad na travel ban ng US

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi apektado ang gagawing Tokyo Olympics sa travel ban na ipinatupad ng US dahil sa pangambang pagtaas ng kaso ng COVID-10.

 

 

Sinabi ni Japanese government Katsunobu Kato na walang pagbabagong ipapatupad ang organizers ng Tokyo Olympics.

 

 

Alam nila na suportado ng US ang pagsasagawa ng Olympics at Paralympic Games.

 

 

Tiniyak din ng organizers na babantayan nilang mabuti ang sitwasyon para matiyak ang kaligtasan ng mga manlalaro.

 

 

Tuloy din aniya sa susunod na buwan ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga dadalo at lalahok sa Olympics na magsisimula sa Hulyo.

SUNSHINE, tuluyan nang gumaling sa COVID-19 dahil sa pagbi-beach kasama ang mga anak

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAGAT lang daw pala ang magpapagaling ng tuluyan sa actress na si Sunshine Cruz.

 

 

Simula raw kasi nang tamaan siya ng COVID-19 kunsaan, mas higit pa sa 14 days ang naging healing period niya, inamin ni Sunshine na naging weak o mahina na raw ang lungs niya.

 

 

May mga gabing hindi raw siya makatulog dahil sa kauubo kahit na tested negative na naman siya. At dahil dito, may ilang guesting daw siyang natatanggihan dahil required na kumanta siya at hindi niya kaya.

 

 

Actually, hindi lang si Sunshine ang naringgan namin ng kuwento na after nilang magka-COVID, parang buwan pa inabot bago tuluyang gumaling sa ubo.

 

 

Nakatulong daw ang pagbi-beach niya kasama ang mga anak at malamang, ang boyfriend na si Macky Mathay rin na gumaling siya.

 

 

Sey niya sa kanyang Facebook post, “Covid made my lungs very weak. Even after testing negative for Covid, I’ve been having sleepless nights from coughing. I’ve declined guestings that require me to sing because of my persistent cough.

 

 

“Thank you Lord for the wonderful 4 days you’ve given me and the kids. Thank you for the gift of work, nadadala ko ang mga anak ko sa magagandang lugar. Thank you for healing me. I can finally workout.

 

 

“Pwede na din ulit ako kumanta.”

 

 

***

HALOS sabay-sabay ang mga bagong programa ng GMA-7 sa lock-in taping. Nandiyan nga ang The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

 

 

Gayundin ang To Have and To Hold nina Max Collins, Carla Abellana at Rocco Nacino. First lock-in ni Max since mabuntis at manganak kaya nag-post ito kung pwede raw ilagay o isama sa luggage niya ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye Collins.

 

 

At ang pre-pandemic pa na pinaghahandaang Voltes V: Legacy. Ayon sa post ng director nito na si Direk Mark Reyes, nakapag-check-in na raw sa hotel ang ilang cast members for their quarantine.

 

 

Ang bagong protocol nga ngayon kasi sa mga lock-in taping ng GMA-7, ilang araw na quarantine sa hotel na ibibigay ng network. After few days, swab test. Kapag negative, diretso sa lock-in taping.

 

 

Magkaka-aberya lang at mamu-move ang taping kapag isa sa mga lead stars ang nag-positive sa swab test.

 

 

***

 

 

KAHIT na mahigit isang taon simula nang magka-pandemic na wala talagang naging serye si Jak Roberto, okay lang daw siya at sinabing personal choice na rin daw niya na ‘wag munang tumanggap.

 

 

Kaya ang ayaw pang i-reveal na bagong teleserye na gagawin ang magiging first lock-in experience niya raw. Sa ngayon kasi ay naka-quarantine na ito.

 

 

Katwiran ni Jak, “Kailangan ko rin kasing protektahan ang family ko. Pareho kami ni Sanya na lumalabas. Kung magte-taping kaming parehas, masyadong risky.

 

 

“Ang dami namin dito sa bahay, mga walo yata kami. Kaya personally, ako na rin nagsabi sa handler ko, sa manager ko po sa GMA Artist Center na minsan po katulad sa ‘Heartful Café’ na five days lock-in lang, tinatanggap ko po.

 

 

“Choice ko na rin po para mas safe lang din tayo.”

 

 

Masaya naman daw siya para sa kapatid na si Sanya Lopez na siyang humahataw sa kabila ng pandemya.

 

 

At sabi pa niya, “Kapag binabalikan nga po namin yung dati na, ganito lang gusto ko dati, something like that. Ngayon po, may bahay na siya, ako po, may nagiging investment na rin kaya thankful lang po talaga sa lahat ng nangyayari.” (ROSE GARCIA)

SANYA, pinakamaraming followers na Kapuso star sa TikTok na umabot na ng 10 milyon

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa kakaibang karisma at kasikatan ngayon ni Sanya Lopez na kilala na rin bilang Yaya Melody ng ‘First Yaya’, umabot na nga sa 10 million ang followers ng seksing aktres sa patok na social media platform na TikTok.

 

 

Sa ngayon si Sanya na ang Kapuso star na may pinakamaraming followers sa TikTok! At talaga namang marami ang nag-aabang sa mga nakaka-aliw na TikTok videos na ina-upload niya.

 

 

Aside from her TikTok videos, patuloy lang na tutukan si Sanya bilang Yaya Melody sa ‘First Yaya’, gabi-gabi sa GMA Telebabad at tuwing Sabado bilang Maya sa ‘Agimat Ng Agila’ na pinagbibidahan ni Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.

 

 

Samantala, mapapanood na this week ang bikini showdown ang ladies ng ‘First Yaya’ na nalalapit na ang pagtatapos, na kahit bongga ang ratings ng rom-com series nina Sanya at Gabby Concepcion ay hindi na ito mai-extend dahil sa pagkakaalam namin at natapos na ang kanilang lock-in taping.

 

 

Anyway, todo pose nga sina Sanya, Cai Cortez, Kakai Bautista, Maxine Medina, Thia Thomalla at Analyn Barro sa swimming pool ng isang hotel. Kaabang-abang na naman ang tapatan ng kaseksihan nina Yaya Melody at Lorraine (Maxine), na for sure, pagkakaguluhan na naman ng netizens.

 

 

***

 

 

MASAYANG ibinahagi ni Carla Abellana ang good news na kabilang siya sa isang upcoming Kapuso series na ‘To Have And To Hold’.

 

 

Nakatakda ngang bumida si Carla sa new GMA series na ito na kung saan makakasama niya si Max Collins na muling napapanood sa rerun ng ‘Innamorata’ sa GMA Afternoon Prime after ng ‘Karelasyon’

 

 

Bago pa pala matapos ang high-rating primetime series na nila na ‘Love Of My Life’ noong Marso, nasabihan na si Carla tungkol dito.

 

 

Kuwento ni Carla sa kanyang vlog: “It came to my surprise last March when I was informed I was to be part of a new primetime show – something I did not expect because normally I would have at least 4 months off after finishing one.”

 

 

“This time around, ‘Love of my Life’ was just about to end and I found myself preparing for a new role almost immediately. Thank you for the blessings, Lord! I promise to do my best,” sey pa niya.

 

 

Ikinuwento rin ni Carla na apat na buwan din silang hindi muna magkikita ng kaniyang fiance na si Tom Rodriguez dahil kasama naman ang Kapuso actor sa GMA series na ‘The World Between Us’ kung saan kasama niya sina Alden Richards at Jasmine Curtis Smith.

 

 

“Magkahiwalay man kami ng show we’re so thankful kasi at least we get to continue to put food on our table, support our families, and at the same time, prepare na rin financially not just for the wedding but for our dream home na rin,” pahayag pa ng magandang aktres. (ROHN ROMULO)

PCSO nagbigay ng P2.1-M para sa programa ng PSC

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2.145,110.47 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

 

Tinanggap ni PSC cashier Marini Negado ang tseke mula kay PCSO private secretary 2 Marie Louise Serojales ang unang remittance ngayong taon.

 

 

Sinabi ni Serojales na kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang pagtulong nila sa PSC.

 

 

Nakasaad kasi sa Republic Act 6847 na dapat mag-remit ang PCSO ng 30 percent ng charity fund at mga kita ng anim na sweepstakes lottery draws kada taon sa sports agency na gagamitin para sa development programs ng PSC.

 

 

Ilan sa mga tinatawag na grassroots programs ng PSC ay ang Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games at Indigenous People’s Games.

PNP chief tiniyak ang agresibong pagtugis laban sa mga drug syndicate

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kontra sa mga sindikato na patuloy sa kanilang illegal drug trade.

 

 

Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod sa inisyal na resulta ng NBI investigation hinggil sa nangyaring fatal encounter sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan isang inmate sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro ang siyang nagkukumpas umano sa drug deal sa pagitan ng PNP at PDEA sa loob mismo ng kaniyang selda.

 

 

Dahil sa nangyari sa Commonwealth at muntik na namang engkwentro sa Fairview sa Quezon City kaya agad bumuo ng guidelines ang PNP at PDEA para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

 

 

Sinabi ni Eleazar kapag may operasyon sa isang lugar ang PNP at PDEA hindi sila pwedeng magsabay pwera na lamang kung ito ay joint operation.

 

 

Nagkasundo ang PNP at PDEA na istrikto nilang sundin ang binuong anti-drug operation guidelines o protocol.

 

 

Kapwa naman iginiit ng PNP at PDEA na legitimate ang kanilang operasyon.

 

 

Una rito, ibinunyag ni NBI NCR Director Cesar Bacani batay sa kanilang imbestigasyon na isang Melvin Magallon alias Pawpaw na nakakulong sa Sablayan Penal Colony ang nagdidikta sa tempo sa nasabing illegal drug transaction.

 

 

Gagawin din ng PNP ang lahat para mapanagot ang mga sindikato dahil sa kanilang ginawa.

 

 

Siniguro rin ni Eleazar na hindi na mauulit pa ang Commonwealth at Fairview incidents sa pagitan ng dalawang law enforcement agencies.

700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT  700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI)  ang nakatanggap na ng second dose  ng Sinovac COVID-19 vaccine  nitong nakaraang Linggo.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.

 

 

“Now they have gotten their second dose, our frontliners are now more confident of rendering efficient service to the public with less anxiety of getting infected by the virus,” ayon kay Morente.

 

 

Dagdag pa ni Morente na sa kabila nang nakumpleto na nila ang kanilang bakuna, pinaalalahanan pa rin sila na sumunod sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield habang naka-duty.

 

 

“Employees of the BI, being a frontline agency, are one of the most vulnerable to the virus,” ayon kay Morente.  “Our personnel assigned at the airports and seaports, as well as those manning our different offices nationwide, are highly exposed as the nature of their jobs demands that they come face to face with hundreds of people, be they international travelers or visa applicants, who avail of our services,” dagdag pa ng BI Chief.

 

 

Nabatid na ang mga nakakumpleto ng bakuna ay kabilang sa may 1,300 na empleyado ng BI mga unang nabigyan ng first dose ng Sinovac noong April 24-25 at May 1-2.

 

 

Nabatid naman kay BI Covid-19 Task Force Chair and Deputy Commissioner Aldwin Alegre, na ang mga natitirang mga babakunahan ay nakatakdang tumanggap ng kanilang second mode nitong darating na Linggo habang ang 700 hanggang 800 na empleyado na naka-assigned sa airport at BI offices sa Metro Manila ay nakatakda pang bakunahan. (GENE ADSUARA)

Fernando, pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na magbayad ng buwis hanggang Mayo 31

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinaaalala ni Gob. Daniel R. Fernando ang kahalagahan ng pagbabayad ng tamang amilyar o Real Property Tax sa takdang oras.

 

 

Aniya, “dahil sa pandemya, naiintindihan ko na marami sa mamamayan ang hirap sa salapi kung kaya’t hindi makabayad ng buwis sa tamang oras.”

 

 

Kaya naman upang tulungan ang mga taxpayer sa kanilang suliraning pang-pinansiyal sanhi ng enhanced community quarantine, pinalawig hanggang Mayo 31 ang pagbabayad ng amilyar o buwis sa mga real property o ari-ariang ‘di natitinag para sa unang kwarter ng taong kasalukuyan.

 

 

Alinsunod ito sa Panlalawigang Kautusang Blg. 91- S2021.

 

 

Ang mga ari-ariang hindi natitinag tulad ng lupa, bahay, gusali at makinarya ay kabilang sa pinapatawan ng buwis o tax ng pamahalaan kung saan ang salapi ay ginagamit nito para sa serbisyong pampubliko.

 

 

“Mahalaga po ang inyong obligasyon sa pagbabayad ng buwis. Marami pong serbisyo sa mamamayan ang maibibigay kapag nakalikom ang pamahalaan ng malaking halaga ng buwis,” anang punong lalawigan.

Marvel Studios Releases First ‘Eternals’ Trailer & New Poster

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARVEL Studios has released the first official teaser trailer for Eternals, the upcoming MCU movie directed by Academy Award winner Chloé Zhao.

 

 

The studio debuted a brand new trailer for Eternals on Monday, having previously offered fans a glimpse of the action in the MCU Phase 4 featurette released at the beginning of May.

 

 

“We have watched and guided. We have helped them progress and seen them accomplish wonders,” a voice of Ajak (Salma Hayek) in the trailer narrates.

 

 

“Throughout the years we have never interfered. Until now.” 

 

 

Check it out below: https://www.youtube.com/watch?v=0WVDKZJkGlY&t=1s

 

 

The trailer kicks off on a beach setting as a massive alien ship emerges from the sky. Aboard the ship, we see Ikaris and Sersi admiring the beauty before them.

 

 

The trailer showcases Eternals’ star-studded cast, made up of Richard Madden as the all-powerful Ikaris; Gemma Chan as humankind-loving Sersi; Kumail Nanjiani as cosmic-powered Kingo; Lauren Ridloff as the super-fast Makkari; Brian Tyree Henry as the intelligent inventor Phastos; Salma Hayek as the wise and spiritual leader Ajak; Lia McHugh as the eternally young, old-soul Sprite; Don Lee as the powerful Gilgamesh; Barry Keoghan as aloof loner Druig; and Angelina Jolie as the fierce warrior Thena.

 

 

Aside from the teaser trailer, Marvel also released a brand new poster for the Phase 4 movie, providing an additional look at the superhero team and also teasing the MCU debut of the Black Knight, aka Dane Whitman, played by Kit Harington, whose name appears on the cast list.

 

 

The poster depicts the immortal heroes silhouetted against a sunlit backdrop directly beneath a starry night sky, offering another taste of Chloé Zhao’s signature filming style and the use of natural light to illuminate a frame.

 

 

Announced in 2018, Eternals is based on Jack Kirby’s race of immortal Marvel heroes who’ll come together to fight the Deviants. The film was previously scheduled to release on November 2020 but was pushed back due to the COVID-19 pandemic.

 

 

Eternals is from a screenplay by Matthew and Ryan Firpo and arrives in theaters November 5.

(ROHN ROMULO)

LANDBANK at LTO: ANYARE sa DELAY ng CAR PLATES

Posted on: May 27th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanganganib na hindi pa rin ma-release ng Land Transportation Office (LTO) ang car plates ng mga rehistradong sasakyan mula 2013 to 2018 kung hindi maiaayos ang problema ng pagbabayad sa suppliers nito. Resulta diumano ito nang i-freeze ng Landbank Ortigas branch ang P180 million pesos na dapat ibayad sa OMI- JKG Philippines Inc.

 

 

Dahil sa “freeze order” ay hindi tuloy nakabayad ang supplier sa kanilang mga lokal at foreign suppliers at creditor banks.  Naantala tuloy ang delivery ng mga plaka. Ang freeze order ay napasyahan ng
Landbank base lamang sa isang sulat galing sa nagngangalang Christian Calalang na nagpapakilalang Presidente ng kumpanya.

 

 

Pero um-exit na sa eksena itong si Calalang nang mag take over na ang grupo ni Annabelle Arcilla sa pamamagitan ng isang Deed of Assignment.  Ang signatory ng Landbank ay si Arcilla representing  OMI-JKG.

 

 

Hindi lang ang Landbank ang sinulatan ni Calalang. Nagpadala rin siya sa AUB, Security Bank at Union bank, pero hindi pinansin ito ng mga nasabing banko dahil wala naman maipakitang Court Order man lang si Calalang para i-freeze ang pag release ng pera sa OMI- JKG.  Tanging landbank lang ang pinagbigyan ang sulat ni Calalang.

 

 

Ano ang ginawa ng LTO sa gitna ng problemang ito?  Imposibleng hindi alam ng mga opisyal ng LTO ang punu’t dulo ng awayan nila Arcilla at Calalang dahil sa nakakausap naman nila ang mga ito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO na nagkaroon na ng sale at transfer of ownership and management ang grupo ni Calalang kay Arcilla at nagamit na ni Calalang diumano ang halagang P477 million pesos na mobilization fee para sa pag award ng project?

 

 

Hindi ba at may mga dokumento na ang LTO (maging ang LANDBANK) sa bagong resulta ng imbestigasyon ng NBI dito?

 

 

Hindi ba alam ng LTO kung sino ang aktwal na nag-deliver ng mga naunang plaka? Sa laki ng perang involved dito na IBINAYAD NG LIBU-LIBONG CAR OWNERS ay dapat alam ng LTO kung kanino dapat ibayad ang pera upang madeliver na ang mga plaka.

 

 

Kung ibabayad kay Arcilla ay makakapag-deliver ba siya? At kung kay Calalang naman, may kakayahan ba ito kung ibinenta na niya mismo ang proyekto kay Arcilla?

 

 

Pero ang balita ay gumamit ng “legal strategy” ang Landbank at LTO. Nagsampa o magsasampa raw ng interpleader case ang Landbank at LTO sa dalawang grupo upang ang dalawa raw ay magdemandahan kung sino dapat ang bayaran.

 

 

Heto ang magiging “lusot” ng Landbank at LTO para hindi mabayaran ang supplier. So habang may kaso ay wala munang plaka ang mga car owners? Ilang taon matatapos ang kaso? Aba wala na ang mga kasalukuyang nakaupo sa LTO ay nagkakaso pa?

 

 

Meantime pabor ang sitwasyon sa Landbank Ortigas dahil may P180 million pesos silang pondo at nagagamit. Pabor din sa mga LTO Officials dahil ikakatwiran nila na may Interpleader case pa!

 

 

Pero talo ang mga car owners dahil habang may kaso ay walang plaka. Paano na ang mga binayad nila.  Aba’y luma na mga sasakyan nila wala pang plaka.

 

 

Talo rin ang lehitimong supplier dahil mababaon sa utang dahil sa interest ng kanilang utang at malamang tuluyan nang hindi makapag-deliver.

 

 

Bakit gagamiting palusot ang “legal strategy” kung sa lebel naman ng LTO at Landbank ay kaya nilang desisyunan at paboran kung sino ang nagsasabi ng totoo.

 

 

Huwag gamitin ang husgado para magkaroon ng injustice! Injustice sa car owners – injustice sa suppliers. At lalo nang huwag gamitin ang batas upang itago ang korapsyon kung meron man.